Nanginginig ang kamay kong sinususian ang apartment. After that conversation---hindi na ako natigil sa kakaiyak. I asked Bryle na gusto ko ng umuwi at hindi naman niya ako pinigilan. He comforted me from the very beginning at hindi niya ako pinabayaan. At nang malaman ko ang ginawa ni Lailanie ng gabing iyon---hindi na ako mapakali. At mas lalong hindi na ako nag aksaya pa ng oras para umuwi. Isang sabi ko lang kay Bryle ay lulan na kami ng eroplano pauwi ng Pilipinas. My mind is occupied by Lailanie. Nasaktan ko ang kapatid ko. At wala man lang magawa si Bryle para pagaanin ang loob ko. Iyak lang ako nang iyak habang nasa biyahe. Kahit nga ngayon ay umiiyak pa din ako habang ang kamay ko naman ay nanginginig na pinapasok ang susi sa seradura. Napatingin ako kay Bryle nang hawakan nito

