Tumawag sa akin si Marriane and telling me that Lailanie is crying real hard. May nagawa daw itong kasalanan noon na pinagsisisihan niya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. May meeting akong napakaimportante kaya ako umalis sa tabi ni Lailanie ngayon. Ilang oras palang akong wala sa tabi niya tapos ganito na ang nangyayari sa kanya. Iniwan ko lang siya saglit pero nadagdagan na naman ang kanyang iniisip. Ngayon, nag aalala ako. Baka hindi na nito kayanin ang lahat. "Kayo na muna ang bahala dito. Do all you can para matapos na 'yan. Huwag kayong papasuhol. Isa man sa inyo ay tumanggap ng suhol---alam niyo na kung saan kayo lalagay. I am not threatening one of you. I am just stating a fact. Tirahin niyo ako ng patalikod? Wala akong pakialam dahil sooner or later malalaman ko

