Umuwi ako ng apartment na hindi alam kung paano. Basta ang alam ko lang ay naglakad lang ako nang naglakad bago pumara ng taxi. Ni hindi ko nga alam kung magkano ang ibinayad ko. Lutang ang aking utak dahil sa mga nalaman ko. At ang pinakamasakit sa lahat---ang malamang naglihim sa'yo ang kapatid mo. It hurts, like hell. Gusto ko siyang komprontahin pero ayoko siyang tawagan. Mas gugustuhin ko munang manahimik para makapag isip ng tama. Baka kasi kapag nakausap ko siya makapagbitaw pa ako ng mga salitang hindi niya magustuhan. Pero hindi sang ayon ang tadhana. Kakaupo ko pa lang sa sofa ng magring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino at napaiyak na naman ako nang makita ko ang pangalan ni Marriane. I can't accept the fact na naglihim siya sa akin all this time. Hindi ko pinansin ang

