Nagpaalam ako sandali kay Lai na bibili lang ng kailangan sa bahay. Hindi ito umiimik, panay iyak lang siya and it hurts me. Ayoko siyang nakikita sa ganoong sitwasyon. Para ding pinapatay ang puso ko sa nakikita ko. How could life so unfair?
Mas gugustuhin ko pa na ako 'yong inaalo niya kaysa siya ang inaalo ko. She's been there for a long time. Nakita ko na siyang masaktan noon. At ayoko na sanang maulit pa ito, pero hindi ko hawak ang panahon. Hindi ko pwedeng diktahan ang pangyayari. At lalong hindi ko hawak ang tadhana.
Nakita ko na siya kung paano masaktan noon lalo na ng iwan siya ng mga magulang niya. At ang masasabi ko ay mahirap. Napakahirap. Pero nagawa pa din ni Henrico ito sa kanya. How could he! Naggalit ako sa kanya, sobra!
Ini-ahon namin siya sa kinalugmukan niya noon, yet, ginawa naman ni Henrico ito ngayon. Parang mas nalugmok siya ngayon at ang hirap siyang iahon mag isa. Hindi ba nag iisip si Henrico. He's such a jerk for doing all of this to her.
"You know how fragile she is. Tapos ngayon, sasaktan mo din pala siya. Sana, hindi ka na lang niya nakilala. Sana hindi ka nalang niya minahal. At sana hindi na din kita nakilala. I am so disappointed." Nagsimulang umusbong ang galit ko kay Henrico nang ikuwento na ni Lai ang nangyari. Pinagtanggol ko pa siya sa una dahil hindi ako makapaniwala na nagawa niya 'yon. Hindi ko kasi maimagine na nagawa niyang iwan si Lai after nitong nasaksihan ang lahat ng sakit na naranasan niya noon.
Nang kompirmahin ni Kuya Raven ang lahat. May anger started to rise at Henrico. Gusto kong pilipitin ang leeg niya at ibalibag siya sa semento.
I know kulang pa' yon dahil sa pananakit niya kay Lai. And he deserved more. He deserve more than that.
Nakita niya ang lahat nang malugmok si Lai sa nakaraan niya. Nakita niya kung paano nasira ang buhay nito. Tapos ngayon, siya pa talaga ang naging dahilan kung bakit malulugmok na naman si Lai.
How could he! Malilintikan talaga ito sa akin kapag nagkita kami. Siguraduhin niyang hindi maglalandas ang mundo namin dahil talagang hindi niya ito magugustuhan. I won't have mercy on him.
Napatiim-bagang ako.
"Isa kang malaking pak yu!" Hindi ko namalayang napalakas pala ang boses ko. Huli na ng mapansin ko na naglalakad pala ako pauwi. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nakakasalubong at nasa paligid ko.
Napangiwi ako at napayuko nalang habang naglalakad.
Goodness naman kasi Marianne! May pasigaw sigaw ka pang nalalaman.
Nadala lang ako ng galit ko kaya napasigaw ako. Kasalanan kasi ng Henricong 'yon. Kapag nakita ko lang talaga siya. Hay naku! Pipilipitin ko talaga ang leeg niya. Makikita niya!
Nakasimangot talaga akong naglalakad pauwi. Nang malapit na ako sa apartment, biglang napataas ang kilay ko sa aking nakikita.
"Ang tadhana nga naman." Bulong ko at galit na naglakad palapit sa pinto ng apartment.
Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa dito. Pagkatapos niyang saktan ang bestfriend ko.
Napatiim bagang ako. "Gusto kong basagin ang pagmumukha niya! f**k him to death! Tang'na niya! Maghintay ka lang!"
Binitiwan at iniwan ko muna sa labas ng pinto ang pinamili kong grocery at nilapitan ito. Malayo pa lang ako ay ang sama na ng tingin ko sa kanya. Kulang na lang ay kainin ko siya ng buhay. How could he do this to Lailanie. Tapos may mukha pa siyang ipapakita dito. Ang kapal naman niya!
Nang makalapit na ako nang tuluyan ay dinuro ko talaga siya.
"Ikaw! Ano pang ginagawa mo dito!" Sinigawan ko siya. Wala akong pakialam kahit pagtinginan kami ng mga tao. Galit ako!
"Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya." Sabi nito na para bang ang dali lang nang ginawa niya. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya. Tapos tatanungin niya ang kalagayan ni Lailanie? Sinong niloloko niya?
Bakit pa niya kailangang pumunta dito at magtanong. Pinapatawa niya ata ako?
"Sure ka?" Sarkastikong tanong ko sa kanya habang nakataas pa ang aking kilay. "Gusto mo makita kalagayan niya o gusto mo makita ang paghihirap niya na ikaw mismo ang dahilan?"
"I just want to see her for the last time."
I smirked when he said that.
"Wow!" Pumalakpak pa talaga ako dito. "Just wow, Henrico. Gaano kakapal 'yang mukha mo? Parang gusto kong sukatin."
"Not now, Rianne." He said begging.
"Oh... not now? Nang nagmakaawa ba si Lailanie sa' yo? Did you said that to her?" Nanggagalaiti talaga ako sa galit. "O andito ka para makitang malugmok siyang muli? I salute you, Henrico. I salute you to the highest level. Yun bang hindi na maabot sa sobrang taas. Alam mo 'yon?"
Bigla itong tumalikod at akmang aalis na sana nang pinatigil ko siya.
"Stop right there, Henrico. Ayaw mong marinig ang mga sinasabi ko? Huwag mong sabihing nasasaktan ka?" Tumatawang tanong ko dito at umiling iling. "Jusko naman! Don't be a hypocrite. Ang saya mo na siguro ngayon."
"You don't know anything, Rianne."
"I don't know anything?" Sarkastiko kong tanong. "Then f*****g tell me what I need to know!" Hindi na ako nakatiis na hindi ito sigawan.
"It's better if you don't know a thing." Nakatalikod pa din ito sa akin. Mas nagagalit ako dahil para itong duwag na nakikipag usap sa akin. Kung matapang siya gaya ng ginawa niyang pang iwan kay Lailanie. Dapat harapin niya ako at tignan sa aking mga mata.
"Bakit? Ayaw mong ipamukha ko sa 'yo ang pananakit mo sa kanya? May papromise promise ka pang nalalaman sa kanya at sa akin na hindi mo siya iiwan at sasaktan. Pero ano? Hindi mo lang siya sinaktan! Dinurog mo siya nang pinong pino! Kulang nalang ay mapulbo na siya. Sa tingin mo! Makakaahon pa ba siya sa ginawa mo? Sana hindi ka nalang namin nakilala!" Ang lakas talaga ng boses ko. As in sinisigawan ko talaga siya. Can't help it. Galit na galit ako.
Lahat ng dumadaan na tao sa paligid ay tumitingin sa amin. Wala naman akong pakialam, basta ang importante sa akin ay masumbatan ko si Henrico sa lahat lahat.
Gusto kong ilabas lahat nang sama ng loob ko sa kanya. Ang hirap sa dibdib dahil tinuring ko siyang kapatid ko.
" I didn't mean to do that. " Mahina nitong sambit na akala mo ay ilong lang nito ang nakakarinig. But, I heard him loud and clear.
"You didn't mean to do that?" Tinawanan ko ulit siya. "Sinong niloko mo? Huwag mo kaming gawing tanga, Henrico. Huwag na huwag. May hindi ba gustong manakit?"
"Kalimutan niyo na lang na may nakilala kayong gagong tulad ko." He said. Hindi ko makita ang reaksiyon ng mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin at wala atang balak na humarap pa.
"Ganoon kadaling sabihin, Henrico. Pero ang hirap gawin." Ang galit na kaninang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng iyak.
Biglang gumaralgal ang boses ko. Nasasaktan din naman ako sa ginawa niya. Tinuring ko na siyang kapatid buong buhay ko. Ang mawala man ang isa sa kanila ay hindi ko din kakayanin. Pero ngayon, hinihiling na nito mismo sa akin na kalimutan namin siya ng basta basta na lang? Oo, galit ako. Pero alam ko na lilipas din ang galit na iyon. Pero siya---sinasabi niyang kalimutan namin na nakilala namin siya. Bakit ganoon?
"You'll gonna make it. Hindi niyo kailangan ang isang tulad ko." Inilagay nito ang kanyang mga kamay sa kanyang batok na tila ba nahihirapan din. Halatang nasasaktan siya sa ginagawa niya.
"Bigyan mo naman kami nang sapat na dahilan, Henrico. Yung sapat na dahilan para gawin naming kalimutan ka. Dahil, ang hirap. Sobrang hirap." Umiyak na ako. Hindi ko na napigilan pa. Sobrang sakit din sa akin pero nagpapakatatag ako.
Kinukubli ko ang sakit sa pamamagitan ng galit na nararamdaman ko.
"Just..." he paused at parang hirap na hirap. "just do it, please..." nakikiusap siya. Nakikiusap din naman ako sa kanya, ah?
Parang may hindi tama. Halatang nasasaktan din siya. Pero bakit kailangan niyang gawin ito. Bakit pinagtatabuyan niya kami.
"Hindi mo na ba kami mahal?" Biglang lumambot ang boses ko.
Pinili kong lumapit sa likuran nito. I heard him sobbed.
Umiiyak siya! That's for sure.
Bakit siya masasaktan at iiyak kung kagustuhan niya namang iwan kami?
Natahimik ako bigla at napaisip. May inililihim ito sa amin. Sigurado ako.
"Bakit ka umiiyak?" I asked out of nowhere. Curiosity is killing me. Tahimik lang ito. "Bakit mo nagawa ito sa kanya? Alam mo ang pinagdaanan niya, Henrico, and yet, you're doing things on your own. Bakit?"
"I have to do this. I just have to do it." Nahihirapan pa din akong intindihin ang sitwasyon. Lalo na ang sinasabi niya.
"Hindi mo na ba siya mahal?" Malungkot na tanong ko.
"I love her more than anything in this world, Rianne. But I have so many reasons to leave her. And I have no plans on telling her that." His voice are cracking.
Nang humarap ito ay wala ng luha sa kanyang mga mata.
"Mahal mo naman pala siya. Pero bakit?"
"I can't tell you right now, Rianne. But in time...sasabihin ko din kung bakit. And please, don't tell her what I said. Just let her believe that I dumped her with no reasons. It's the easiest way. Trust me, Rianne. I have to go." Napatingin din ako sa tinitignan nito.
Kaya pala ito nagmamadaling magpaalam. Lailanie is standing in our front door and ready to run towards us. Halata sa mukha nito na hahabulin talaga niya si Henrico.
Nang tumingin ako kay Henrico ay papasakay na ito sa taxi. Marami pa akong tanong sa kanya. Marami pa akong gustong malaman. Pero, umalis na ito. Iniwan nitong naguguluhan ang utak ko.
How unfair. He puts a puzzle on my mind. Puzzle na parang ang hirap buuin.
"Henrico?!" Sigaw ni Lailanie at humihingal na hinabol ang taxi na kinalululanan ni Henrico. Paulit ulit niya itong tinatawag sa pangalan niya.
Mas naawa na naman ako sa kanya. Tumakbo din ako at hinabol ito. Nasa gitna ito ng daan. At kapag hindi ito gumilid ay paniguradong masasagasaan ito. Alam ko na hindi titigil ang taci na kinalululanan ni Henrico. Dahil desidido ito sa desisyon niya.
Nang mapagod ito ay tumigil ito sa gitna ng daan habang sumisigaw pa din. Mabilis ko siyang niyakap at iginiya sa gilid ng kalsada.
"Anong sabi niya sa 'yo? Did he asked me? Sinabi ba niyang nagbibiro lang siya sa nangyari kagabi?" Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Tell me, Marianne. Please, tell me."
Niyakap ko lang siya nang mahigpit at hayaan na namang umiyak sa aking dibdib. It hurts like this. Parang naiipit ako sa gitna. I wanted to get angry to Henrico, but after we talked. I realized that he had his reasons.
" Babalik na daw ba siya?" Ang mga taning nito ay ang hirap nang sagutin. Sana hindi ko na lang siya nakausap ngayon.
I'm torn now. Parang nahahati na ang isip ko sa dalawa. Ang kaninang galit ko kay Henrico ay biglang naglalaho.
"Let's go," aya ko dito at isinuot dito ang sandals ko. Nakapaa paa itong tumakbo patungo kay Henrico.
"Ayokong umuwi, Marianne. Baka bumalik siya. Baka nahihiya lang siyang pumasok sa apartment." Tumingin ito sa kalsada at pinunasan ang luhang dire-diretso na namang naglalandas sa kanyang pisngi.
How I hate this. Ang hirap ng nangyayari. I'm torn betwe
"He won't come back, Lai. Pasok na tayo sa loob." Inaya ko ulit ito sa pangalawang pagkakataon.
Muli na naman itong umiling.
"Babalik siya, Marianne. Pinuntahan niya ako 'di ba? Pumunta siya dito para makita ako dahil miss na niya ako. He loves me." Wala akong maisagot dito. "Maghihintay ako sa kanya dito."
Doon naman ako nainis.
"At ano naman ang gagawin mo dito? Kakaalis lang ng tao, Lai. Sa tingin mo? Makakabalik agad siya? Grow up, Lai. Mag isip ka naman kahit konti lang. Isipin mo naman ang sarili mo." Nawawalan nang pasensiyang pangaral ko dito.
"The taxi will turn around. Hindi ako matitiis ni Henrico." Umiiling na sambit nito.
Napasalampak nalang ako sa sementadong daan. Hindi ito umiiyak pero nakatulala naman ito sa daan. Just great!
Anong gagawin ko? She's a hard headed woman just like me. Pero mas matigas ata ang ulo niya.
"I'll give you ten minutes to wait, Lai. At kapag hindi siya bumalik, we'll go home."
"One hour." she demanded.
Ay putek! Ano nalang gagawin namin sa isang oras? Tutunganga na parang namamalimos dito sa gilid?
"No."
"Forty."
Nakikipagnegotiate ito sa akin. The Lailanie I know. Hindi papatibag at papatalo.
"Ten minutes." Nanatili ang desisyon ko. Dahil kung babalik siya, dapat kanina pa. Pero---walang bumabalik. Isa lang ang ibig sabihin. Wala siyang balak na bumalik.
"Thirty." Tumingin ito sa akin nang nagmamakaawa. "After thirty minutes, kapag hindi siya bumalik. Papasok na tayo. Let me wait for him for a bit, Marianne. Please..."
Umiling ako, "I'll give me you twenty minutes. That's the last. Hindi thirty, hindi forty o isang oras. Just twenty minutes."
"But---" I cut her off.
"No buts, Lailanie. Twenty minutes or we will go home?" Pinapapili ko ito. Nasa sa kanya na kung ayaw niya. It's the least I can do for now.
"Okay," she sighed. "will you stay here and wait too?"
Tumango ako, "andito ka, alangan namang iwan kita?" Ginulo ko ang magulo na nitong buhok. "I promised you that I won't ever leave you kahit na anong mangyari. A promise is a promise."
Simula kahapon ay ngayon ko lang ito nakitang ngumiti.
Pinakatitigan ko itong mabuti. Her eyes are swollen. Halos hindi na nito iyon maimulat. How could she even see in this daylight without hurting her eyes?
"Salamat, Marianne. Salamat sa pagstay sa tabi ko. Ikaw na lang ang natitira at sana huwag mo akong iiwan."
Hinaplos ko ang pisngi nito at ngumiti.
"Kahit pa magugunaw na ang mundo, I will never leave you. Ikaw ang nag iisang kapatid ko at hindi ako makakapayag na maiwan kang mag isa. I will stay by your side until the end. Kaya, tara na." Inaya ko na naman ito. "Ang init na dito, oh."
Kunwari ay tinakpan ko ang aking mata habang nakatingin sa kalangitan.
"He'll comeback, Marianne."
"Kung babalik man siya---ayan lang ang apartment natin, Lai." Tinuro ko kung nasaan ang inuupahan naming apartment. "Alam niya kung saan siya pupunta at uuwi. Hindi naman siguro siya tanga na hindi karunong kumatok, 'di ba?" Biro ko.
Napatingin muli ito sa kalsada papunta sa apartment, bago ito tumingin sa aking mga mata. Nag aalangan ito.
"Do you think he'll knock if he goes home?" Wala sa sarili nitong tanong.
"Aba! May kamay naman siya. So, I guess, marunong siyang kumatok." I joked.
That's when a smile appears on her face again. Gusto ko mang maginhawaan sa nakikita kong pagngiti nito pero alam kong panandalian lamang ang ngiting pinapakita niya.
"Uwi na tayo, Marianne." Aya nito.
Sa wakas!
"Buti naisipan mo nang umuwi? Nagugutom na ako. Magluluto pa kaya ako." Inirapan ko siya na ikinatawa niya.
"Ako din, gutom na. Tara na?"
Nauna akong tumayo at inalalayan ito.
Alam kong pinapakita lang nito na maayos siya ngayon but I know deep inside her is hurting.
She's a smart person at alam kong alam nito ang nangyayari. Nagbubulag bulagan lang ito dahil hindi ito matanggap ng isip at puso niya.
Habang naglalakad kami pauwi. Itinatak ko sa aking isipan na hinding hindi ko siya iiwan at pababayaan. I will be by her side no matter what. Hinding hindi ko gagawin ang mga ginawa nila dito. She will be my treasure that I will never forget and I don't want her to lose.
I'll protect her.
Hindi bilang kaibigan kung hindi bilang isang kapatid na sobrang nagmamahal sa kanya.