Nagising akong masama ang aking pakiramdam. Para akong nasusuka na nahihilo na hindi ko maintindihan. Dala na din ata nang matindi kong pag iyak. "Lai..." tawag ko at hinanap siya sa loob ng kuwarto. Hindi ko siya makita pero alam ko na nandito lang siya dahil may naaamoy akong nilulutong pagkain. Sa naamoy ko mas nangasim ang aking sikmura. Kahit hilong hilo ako ay pinilit kong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo. Napaluhod ako sa bowl. Suka lang ako nang suka pero wala namang lumalabas. Napaupo ako sa sahig at pinunasan ang aking bibig gamit ang likuran ng aking palad. Nahahapo akong sumandal sa pader at pumikit. Hindi man lang nabawasan ang pagkahilo ko. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili kung magsusuka pa ba ako o hindi na. Nang maramdaman kong hindi na, dahan dahan ak

