Bakit ba naman kasi sa dinami daming mangyayari ay ganito pa talaga. Ayoko mang magsisi na nakilala ko si Henrico pero kung hindi dahil sa kanya ay wala akong anak na ituturing na akin. Ilang sandali pa nang dumating ang sumundo sa akin. Mabilis akong nagpaalam kina nanay at tatay bago ko hinalikan si Yanyan. Nagulat pa sila pero hindi sila nagtanong. Tatawagan ko na lang sila kapag natapos na ang lahat saka ako magpapaliwanag. Nang nakasakay na ako sa sasakyan ng sumundo sa akin ay tinanong ko kung kanina pa ba nakaalis ang inihatid nilang lalake. Sabi naman nito ay mga higit bente minutos lang. It means---maaabutan ko pa siya kung sakali. Tinanong ko din kung mga ilang oras ba ang biyahe and he said mahigit kumulang dalawang oras. Hay naku! Bakit ba kasi hindi ko naisip na kaya nitong m

