CHAPTER 11

2580 Words
Malalim na ang gabi, o mas tamang sabihing nagbabadya ng sumalubong ang bagong araw. Sa isang bahay naroon, mahimbing na natutulog ang isang kuting. Isang taong walang kaalam-alam sa nagbabadyang pangyayari sa kinabukasan. Suot ang malapad na ngiti sa kanyang mukha ay nakadipa ang dalawang kamay at nakatihayang natutulog. Resulta iyon ng kagaganap lamang na simpleng piging doon. Sa kanyang sarili ay aminado siyang unang beses niya pa lang talagang nadama ang ganoong uri ng pakiramdam. Ang makipagbahagi ng kasiyahan sa mga ‘di kilalang kataohan at ang isang piging na tanging saya lamang ang namumutawi. BRONE’s POV I was sitting in a log while all of my kin are happily dancing to commemorate the birth of our kind. The werecats or felines. We are the most unique species ever existed in this vast universe. I do not know the meaning behind it but my grandmother always brags on how great and legendary our ancestors’ doings in the past. Sa tuwing pinapatulog niya ako ay imbes na kantahan ng lullaby o kwentohan ng mga pampatulog na kwentong bayan ay pinipili niyang ibahagi sa akin ang mga kaganapan sa nakaraan na may kinalaman sa aming mga ninuno. Naalala ko pa nga nung isang gabing may sinabi siya sa aking mga kataga. “Apo, balang araw magiging tulad ka rin ng mga magigiting nating ninuno at sa pagdating ng bagong henerasyon ay kikilalanin na rin ang iyong pangalan bilang isa sa mga alamat ng ating lahi.” Kahit anong pilit ko sa kanya na sabihin sa akin kung anong ibig niyang ipahiwatig sa mga kataga niyang iyon ay palagi niya lamang iniiba ang usapan at palaging ang kanyang rason ay. . . “Sa takdang panahon, apo. Tadhana mo mismo ang siyang hahanap sa iyo.” Hanggang ngayon na ako ay dalawampu’t tatlong gulang na at uugod-ugod na siya ay hindi niya pa rin masabi-sabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. Sa huli ay ako na lang din ang sumuko at ipinagpasabukas na lamang ang mga pangyayaring dapat maganap. “Brone, come join us here. Masyado ka naman atang nasesenti jan. This is not the time for your introverted ego to dominate.” Tawag sa akin ng aking kaibigang si Kataliya. Isang babaylan ng aming lahi. Ang siyang nakatalaga para tumukoy sa mga pangyayaring paparating pa lamang. Mapa-panganib man o karangyaan. “Nah, just continue want you’re doing. I’m already fine here.” Bigo siyang mapilit ako kaya hindi na rin niya tinuloy pa ang kanyang lubos pang pangungulit. Masaya na ko sa pwesto ko ngayon payapa na ang aking sarili at kontento na akong maging masaya kahit sa pagtitingin lamang sa kanilang lahat na nagsasaya sa saliw ng tugtogin sa ilalim nitong matayog at malabong na puno ng Dayonarra. Ang punong nagluwal sa kauna-unahang nilalang ng aming lahi. Ang punong ito ang buhay na saksi sa napakaraming siglong nagdaan sa buhay ng aming lahi. Ito ang naging saksi ng napakaraming pag-iisang dibdib, pagbuklod muli ng nawasak ng pamilya, at higit sa lahat ay siyang saksi ng pagbibigay basbas sa susunod na mamumuno ng lahing werecat. Two months from now will also be my coronation. For me to ascend the throne. Masyado nang matanda ang aking lola para mamuno sa buong lahi, masyadong mabigat na tungkolin na iyon para sa kasalukuyan niyang edad. Syempre gusto ko na rin siyang makapag-relax at mag-enjoy na lamang sa nalalabing oras niya bilang isang malayang nilalang. Malayo sa responsibiladad na nakaatang sa balikat naming may maharlikang dugo. Ako bilang kaisa-isang apo niya ay walang ibang pagpipilian kundi ang humalili sa pwesto. Hindi pa ako handa sa tungkuling iyon lalo pa’t kadalasang edad ng pagsasalin ay nagaganap sa edad na tatlumpo (30), pitong taon pa iyon mula ngayon kung nasunod lang sana ang orihinal na pagsasalin. Ngunit ito ang kagustuhan ng lahat, maging ang mga elders ay sang-ayon rin sa planong ito. At ang lahat ng iyon ay dahil sa sulsol ng magaling kong kaibigang babaylan, na siyang nagsabing sa ika-dalawampu’t apat na aking kaarawan ay magaganap ang napaka-mahalagang biyayang ipagkakaloob sa aming lahi. Bilang siya nga ang nag-iisa at kasalukuyang babaylan ay paniwalang-paniwala talaga sa kanya ang lahat. Nang walang halong pagdududa. “Oh, La. Ba’t pa po kayo pumunta rito, ‘di ba ho ang sabi ko sa inyo eh magpahinga na lang kayo sa bahay. Kaya ko nang doblehin ang pagbibigay ng salamat sa ating may likha,” wika ko matapos kung salubongin ang aking lola na papalapit dito sa ilalim ng puno ng Dayonarra. “Ano ka ba, apo. Pepwede ba ‘yon. Masyado ka talagang mapilyo oo. . . kahit pa gumapang ako papunta rito ay gagawin ko mapasalamatan lamang ang ating may likha.” Tugon niya sa putol-putol niyang pagsasalita. Nakangiti lang ako habang inaalalayan ko siyang maka-upo ng maayos paharap sa katawan ng puno ng Dayonarra. “Lola, maiintindihan niya na po iyon. Buwan-buwan na po kayong pumupunta rito, okay lang naman sigurong umabsent kahit isang beses lang. Mga regular workers nga eh may break allotment na araw, ikaw pa kaya na isang maharlika at pinaka-dabest na lola sa buong kalawakan.” Humagikhik siya ng tawa dahil sa pinagsasabi kong iyon sabay lapat pa ng kanyang mahihinang tapik sa aking tagiliran. “Wag mo na akong niloloko apo at maghunos dili ka sa harap ng ating may likha at baka ka maparusahan." “Opo, opo. Mabebehave na po.” Ginawa na ni lola ang traditional naming pag-aalay ng pasasalamat sa puno ng Dayonarra. Dahil nga’t mahina na si lola, imbes na lumuhod sa lupa ay nakaupo na lamang siya sa silyang nasa harapan mismo ng puno ngayon. Pinagdaop niya ang bawat dulo ng kanyang sampung daliri habang ang hinlalaki ay nakahiwalay sa iba upang makabuo ng hugis diamond. Saka siya pumikit at yumoko. Pagkatapos ay doon na niya ibinulong ang aming mantra. Tapos na rin akong magpasalamat sa puno ng Dayonarra kanina pa kaya ang tanging ginagawa ko na lamang ngayon ay tinititigan ang matayog na katawan ng puno. Hanggang sa dumako ang aking tingin sa makakapal at malalaki nitong dahon na napakaluntian ng kulay. Naalala ko pa nung aking kabataan, kasama si Kataliya at ang isa ko pang kaibigan mula pagkabata ay inaakyat talaga namin ang punong ito para lang mamitas ng tig iisang dahon at gawing sasakyan para magpadausdos sa may burol. Pag-uwi sa bahay ay palo at pangaral ng mga magulang ang nakaabang. Hindi ko pa naman kasi alam noon na napakasagrado para sa amin ang punong ito. Noong panahong nalaman ko na ay magdamag akong humihingi ng patawad sa harap ng punong ito. Napapangiti na lamang ako habang naaalala ko ang mga kabulastugang pinaggagawa ko noon. Hindi ko naman hinihinging bumalik pa sa pagkabata at maranasan muli ang ganoong kasiyahan. Ang gusto ko lang sa mga puntong ito ay magpatuloy sa buhay kasabay ng oras at kasabay rin nun ang paniniguradong mapapanatili kong ligtas ang buo naming lahi. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong may kumakalabit sa aking bandang binte. Pagkalingon ko sa gawi nun ay nakita ko ang isang bata na pilit inaabot ang kung anomang nakasabit sa aking likoran. Sinubukan ko itong tingnan pero hindi ko ito magawa, nagpaikot-ikot pa ako pero hindi talaga hanggang sa nakita ko na lamang itong nahulog sa lupa at tuluyang dinampot ng bata saka ito tumakbo papalayo sa akin. Sunod nun ay siya kong pakarinig sa sigaw ni Kataliya. “Look, guys. Nagsisimula na ang pamumukadkad ng mga bulaklak ng Dayonarra.” Kaagad akong napaangat ng tingin sa itaas at siyang sumalubong sa akin ay ang mga umuulang talulot ng bulaklak ng Dayonarra. Sa oras ng pamumukadkad ng mga bulaklak nito ay siya ring pagkahulog nito, kaya ang pangyayaring ito ang hinihintay ng lahat na mangyari. Bakas sa mukha ng lahat ang saya at pagkabighani sa pag-ulan ng mga talulot na nangyayari lamang isa beses sa isang taon. Sabayan pa nito ay ang mga pollen ng bulaklak na namimistulang mga glitters na may iba’t ibang kulay, sumasabay ang mga ito sa ihip ng hangin. Inilahad ko ang aking kamay upang saluin ang isang nahuhulog na talulot. Sa paglapag nito sa aking kamay ay ibayong bagong saya ang namutawi sa aking puso. Para bang isang mainit na yakap ang lumukob sa aking katawan. Isinara ko ang aking palad at sa muli kong pagbuka nito ay siya ring paggiging abo ng talulot na aking hawak. Ipinikit ko ang aking mata at kasabay ng aking pagbudbod ng abo sa lupa ay siyang pagbigkas ko ng aking kahilingan gamit lamang ang aking isip. Dumilat na ako’t nakita kong ganoon rin ang ginagawa ng iba. Naging payapa ang hangin ngunit patuloy pa rin sa pag-ikot sa puno ng Dayonarra ang makukulay na pollen ng sarili nitong bulaklak. Naging tahimik ang tugtogin, kasabay nun ay ang sabay-sabay na paghingi ng kahilingan ng lahat. Hindi pa rin nagbabago ang aking kahilingan hanggang ngayon. Imposible man iyong matupad ngunit kakapit pa rin ako na kahit isa lang, kahit sa isang beses lang ay matupad at mangyari ang nag-iisa kong kahilingang iyon. Lumapit ako kay Kataliya upang kumustahin ang tungkol sa kahilingan niya. “What’s you wish?” usal ko matapos niyang dumilat. “I want us to have another seer. Para naman mabawasan din ‘tong obligasyon ko kahit papano. Ikaw ano bang hiling mo?” Hindi ako umimik bagkus ay pinasaringan ko lang siya ng tingin saka agad na tinalikoran. Alam na naman niya kung ano ang ibig kong sabihin doon at alam na rin niya kung ano ang hiling ko taon-taon. “Hmm, boring. Advice ko sa ‘yo ibahin mo wish mo kahit isang beses lang. Tingnan mo baka magkatotoo na, not just one but two of your wishes.” “Sira, minsan hindi ko talaga alam kung tama bang desisyon ang ginawa ng mga elders natin para gawin kang seer. Napapaisip na lang ako, seer ka ba talaga o sadyang trickster lang.” Babatukan niya na sana ako pero may panlaban ako sa kanya. “Ooops, don’t forget two months from now I will ascend to the throne and you will be my servant,” sabi ko sabay turo pa sa mukha niya, dahan-dahan na niyang inatras ang kamay niya. Ang akala ko ay hindi niya na talaga ako babatukan pero ginawa niya pa rin pala talaga. “As if you can scare me. Idiot.” At tuluyan na siyang kumaripas nang takbo palayo sa akin. Hindi ako nagpatalo at hinabol ko rin siya habang sinisigaw ko ang palayaw niyang ayaw na ayaw niya talagang naririnig na ako mismo ang nagbansag nun sa kanya. Ilang saglit pa ay bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa, napatigil ako sa aking paghabol dahil sa gulat. Ang buong akala ko ay pinagtitripan niya na naman ako kaya nakangisi lamang akong lumapit sa kanya. “Wag mo na akong paglaruan sa ganyan mo. Panis na y—” Tuluyan na akong nakalapit sa pwesto niya at doon ko nakita na totoo ngang nahimatay siya. Akmang hahawakan ko na sana siya para kumustahin nang dahan-dahang may lumabas na mga ugat ng kahoy sa kanyang magkabilaang pisngi, hudyat na panibagong propesiya na naman ang kanyang sasabihin. Tamang-tama rin ang pagdating ng mga elders doon at aagaran silang lahat na lumapit sa amin. Biglang dumilat si Kataliya at tumambad ang purong puti niyang mata, maya-maya pa ay lumutang ang kanyang katawan sa ere pagkatapos ay tumigil. Nakatitig lamang ako sa kanya at katulad ng mga elders na nakapalibot ay seryoso rin ang aking ekspresyon. Unti-unti siyang lumingon sa aking pwesto pagkatapos ay lumingon naman sa direksyon kung nasaan ang puno ng Dayonarra. Sunod nun ay siyang kanyang pagbigkas ng kanyang propesiyang nakalap. “SA PAGSIBOL NG MAHIWAGANG PUNLA AY SIYA RING PAGKALAGAS NG KANYANG DAGTA. ANG NAHIHIMBING NA DIWA NG BALANSE AY MULING MAGKAKAALAY UPANG MAKAMTAN ANG INAASAM NA KAHILINGAN. ANG LAHING MAY MAPAIT NA NAKARAAN AY SASALUBONGIN NG KADILIMAN.” Matapos niyang sabihin iyon ay siya ring pagbagsak sa lupa ng mga nakalutang ng pollen ng bulaklak ng Dayonarra. Ilang sandali pa ay unti-unti na ring naglaho ang mga maliliit na ugat ng punong nasa pisngi ni Kataliya. Nakabalik na siya sa kanyang ulirat at sa kanyang paggising ay kaagad niya akong nilapitan at natataranta akong pinapaalis. “Umalis ka na ngayon din, wala nang oras. Umalis ka na!” Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi kaya nakatayo lang ako roon habang pilit niya akong itinataboy. Pilit kong hinihingi sa kanya kung bakit ngunit tanging sinasabi lamang niya ay ang madaliang pagpapaalis sa akin sa lugar na iyon. Hanggang sa narinig ko na lamang ang tunog na nanggagaling sa nababaling puno. Nanginginig kong nilingon ang direksyon ng puno ng Dayonarra at kalunos-lunos na imahe ang tumambad sa aking pagtingin. Nahati sa dalawa ang katawan nito at ang mga malalaking dahon na nakakabit dito ay dahan-dahang nalalagas. Naalala ko si lola na nasa ilalim pa ng puno. Wala akong sinayang na oras. Kaagad akong nagpalit anyo bilang isang cheeta at mabilis na tumakbo palapit sa nahahating puno. Nakita ko si lola na nakangiti sa akin habang pilit niyang inilalahad ang kanyang isang kamay. Tinodo ko pa ang aking pagtakbo upang nang sa ganon ay maabutan ko siya ngunit mas mabilis ang pagtumba ng puno kesa sa aking pagtakbo at tuluyang natabunan nito ang aking minamahal na lola. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo at tuluyan akong nakalapit sa puno. Doon ko nakita ang katawan ng akign lola na nadadaganan ng malaking puno ang kalahati nito. Humihinga pa siya ngunit mahina na. Bumalik ako sa aking anyong tao at dali-dali ko siyang nilapitan. Pilit na inaalis ang nakadagan sa kanyang katawan habang tinatawag siya. Sumusuka na siya ng dugo ngunit may ngiti pa ring nakapaskil sa kanyang labi. Hanggang sa bigla niyang inabot ang aking pisngi. “Dalhin mo ‘to, Apo. . . Hanapin mo ang sarili mong tadhana.” Iyon ang huli niyang salitang iniwan sa akin, kasama ang isang dahon ng Dayonarra. Naging tulala lang ako sa aking pwesto habang tinititigan ang wala nang buhay na katawan ng aking lola. Dahan-dahan kong binalikan ng tingin ang aking pinanggalingan kanina at doon ko nasaksihan kung paanong isa-isang pinatay ng kakaibang nilalang ang lahat ng aking kalahi. “Brone, tumayo ka jan,” sigaw sa akin ni Kataliya na ngayon ay duguan ang tagiliran at pilit akong hinihila. Tumigil siya sandali at dumako ang tingin sa dahong aking hila-hila. “Gamitin mo yan para tumakas dito. Magpadausdos ka sa burol na palagi nating ginagawa noong bata pa tayo, tahakin mo ang burol na ‘yon hanggang marating mo ang sapa.” Tumigil siya sandali sa pagsasalita at tiningnan ang gawi sa aking likoran. “Kahit na anong mangyari ay ‘wag na ‘wag kang lilingon. Hayaan mong dalhin ka ng iyong sariling tadhana... Magtiwala ka sa sarili mo, Brone. Hangga’t may natitira sa ating lahi at hanggang may natitirang bahagi ng ating may likha ay darating ang panahon na muli babangon ang ating lahi. Naniniwala ako sa ‘yo, sampu ng ating mga ninuno. Nginitian niya ako. Isang ngiti na kailanman ay hindi maaalis sa aking systema. Para bang sinasabi niya sa ngiti niyang iyon na maaayos din ang lahat. Na kaya ko, kahit pa alam ko sa sarili kong hindi ako nababagay sa responsibilidad na ito.   *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD