BRONE’s POV
Tagaktak ang aking pawis nang ako ay bigla na lamang napabangon sa aking pagkakatulog. Ang sana ay mahimbing kong gabi ay napalitan ng isang nakakasakal na bangungot, animo’y pinapatay ako ng sarili kong isip nang hindi man lamang ito gumagamit ng kahit na ano mang pwersa.
Hapo-hapo ko ang aking sumasakit na ulo pati na rin ang aking naninikip na dibdib. Pakiramdam ko ay ano mang oras at malalagotan na ako ng aking hininga. Naghalo na ang pawis at luha sa aking pisngi. Pati nga ang aking labi ay ngayo’y nanginginig na rin.
Napakislot pa ako sa aking pagkaka-upo sa kama dahil sa biglang naging grabe ang pagkirot ng aking ulo, para na ito mabibiyak sa sakit. Pigil na pigil ako sa aking pagdaing upang hindi marinig nang kung sino mang mahimbing na ring natutulog sa mga oras na ito.
Kagat-kagat ko na ang labi ko sa puntong ito at sige pa rin sa pag-grabe ang sakit sa aking ulo. Ang daming mga imaheng lumilitaw, klase-klaseng mga boses ang bigla na lamang nagsilitawan. Mga tumatawa, kumakanta,at kung ano-ano pang uri ng mga salitang galing sa mga taong hindi ko gaanong maaninag ang mukha. Ni ang kanilang pangalan ay wala man lamang sumasagi sa aking isipan.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, iba’t ibang posisyon na ata ang nagawa ko sa nakalipas lamang na ilang minuto. Ibinuka ko ang aking palad na waring ito’y mapupunit na, sa sobrang bukaka ng mga ito ay nagiging lantaran na ang mga buto sa aking kamay.
“Tama na...” wika ko sa gitna ng aking pagpipigil na ito ay mailakas.
Sige pa rin ang pagkirot ang aking ulo, hanggang sa tuluyan na nga akong nahulog sa aking kama. May telang nakalatag sa sahig kaya sa tulong nito ay hindi naglikha ng malakas na tunog ang aking pagkahulog. Nagpagulong-gulong ako roon na parang isang batang hindi nabigyan ng candy ng kanyang magulang. Nanlalagkit na ang aking buong katawan sa pinaghalong iba’t ibang likidong tanging sarili ko lamang din ang may gawa.
Lumipas pa ang mahigit tatlo pang minuto at namalayan ko na lamang ang unti-unti nang paghupa ng pagkirot ng aking sintido. Labas baga akong napapahinga, habol-habol ko ang aking bawat paghinga na parang wala nang bukas. Nakatihaya sa sahig at nakatingin lamang ng diretso sa kisame nitong aking kwarto.
Maya-maya pa ay narinig ko ang dahan-dahang pag-awang ng pinto. Doon ay sumilip ang ulo ni Raze.
“Ayos ka lang? Ba’t andyan ka sa sahig?” mahinahon niyang pagtatanong sa akin.
Tumango ako, “I’m fine, don’t worry. Malikot lang talaga ako matulog kaya aksidenteng nahulog ako sa kama pero okay lang talaga ako.”
Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang niya ako wari ay tinatansya niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo o nagrarason lang. Sa huli ay pinaniwalaan niya rin ang aking sinabi at dahan-dahan na niyang muling isinara ang pinto.
“It’s past midnight, matulog ka na at maaga pa tayo bukas.” Pahabol niyang sabi bago ko narinig ang papaalis niyang mga yapak.
Nang masiguro kong nakalayo na nga siya ay bumalik na naman ako sa aking pagtitig sa kisame habang ang aking isip ay lumilipad sa kawalan. Ang aking ala-alang mistulang isang mapayapang lawa noon ay naging isa ng dagat ngayon na puno ng mga nangangalit na alon. May mga pangyayari nang laman ngunit purong hindi maintindihan. Gulo-gulo at walang mga mukha ang lahat ng taong aking nakikita.
Tanging sigurado lamang sa akin ngayon ay ang trahedyang nangyari sa aking pinanggalingan bago ako mapadpad sa lugar na ito. Libo-libong mga taong aking nasilayang binawian ng buhay sa aking harapan. At ang dalawang blankong mukhang pilit akong pinapaalis sa lugar na iyon. Ngunit pati ang tangi nilang paalala sa akin ay hindi ko pa rin maalala. Nagmumukhang sirang radyo ang pagbigkas nila dahil sa putol-putol nilang pagsasalita.
Sino ba talaga ako? Saan nga ba talaga ako nanggaling? Ano nga bang kababalaghan meron ang aking nakaraan at kay hirap nitong balikan?
Tumulo na lamang bigla ang aking luha sa magkabilaan kong mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Sa aking sarili at sa mga nangyayari sa akin. Iniisip kong ako ba ay isinumpa ng mundo o sadyang ako ang sumpa.
Napabangon ako ng wala sa oras nang maalala ko na naman ang isang bagay. Tumingin ako sa gawi kung nasaan ang bintana at doon ay nakita ko ang napakaliwanag pa ring buwan. Sa pagkawala ng buwan na iyon ay siyang paghalili ng araw. Sa oras na sumikat ito ay wala akong sasayanging oras para makapuntang muli sa laboratoryo ng mga foxtrot. Maraming lihim pang hindi nabubunyag sa akin ang napakalaking dahong iyon. Na sa pagkakaalala ko ay ang bagay na ipinagkaloob sa akin ng isa sa dalawang taong may blankong mukha sa aking bangungot.
Hindi na ako natulog, bagkus ay nakaupo lang ako sa sahig at nakaharap sa nakabukas na bintana. Hinihintay na bumaba ang buwan upang mapalitan na ito ng araw, umaasang sa pamamagitan nun ay mapapabilis ko ang pagtakbo ng oras.
[. . .]
Isang tapik sa aking balikat ang aking naramdaman na nagpagising sa akin. Dahan-dahan pa akong nagdilat saka hinanap kung sino ang tumapik sa akin.
“Sir Brone, hinahanap na kayo ni sir Raze,” wika ni Lixn habang pilit niya akong inaalalayang makatayo.
“Bakit daw?”
“Hindi ko alam pero sabi niya sa ‘kin na sinabi niya na raw ito sa ‘yo kagabi.”
Napaisip ako ng malalim sa tugon na iyon ni Lixn at doon ko na naalala ang huling sinabi sa akin kagabi ni Raze ngunit hindi ang bagay na iyon ang nagpagising ng buong systema ko, kundi ang maalalang may mas mahalagang bagay pa akong dapat gawin kesa roon.
Walang sabi-sabing iniwan ko si Lixn at kumaripas ako ng takbo palabas nang bahay, naabutan ko sa harap si Raze kasama si Ford na naghihintay sa akin. Napahinto pa ako sandali ngunit kaagad ko rin silang iniwasan at nilagpasan upang muling kumaripas ng takbo. Pero masyadong maagap ang kamay ni Raze at naabutan niya pa rin akong mahawakan.
“At saan ka pupunta? Tatakas ka no? Aha, sinasabi ko na nga ba, isa ka talagang spy at galing ka talaga sa south border’s pack.” Pangungulit sa akin ni Ford, pilit na iginigiit na isa akong espeya ng kanilang lupon.
“Pinagsasabi mo. Bitawan mo nga ako, Raze, may mahalaga akong dapat gawin kaya bitawan mo na ako bago pa tayo magkapisikalan dito,” wika ko na may halong pagbabanta pero hindi pa rin ako nito binitawan bagkus ay mas humigpit pang lalo ang pagkakahawak niya sa ‘kin sabay hila pa para mapalapit ang katawan ko sa kanya.
“Saan?” ani nito sa walang ekspresyon niyang mukha.
“Wala ka na don, okay. Gawin niyo na lamang ang gusto niyong gawin nang hindi ako kasama at nang magawa ko na rin ang gusto kong gawin. Nang Mag-isa.”
Hindi na siya sumagot pa pero tinitigan niya ako ng mariin sa aking mga mata. Yun bang tingin na nakaka-intimidate at parang pinapahiwatig niya na sabihin ko ang gusto niyang malaman dahil kung hindi. . .
“Oo na sasabihin ko na. Sa Laboratory ni Mrs. Veronica, I’m heading there right now at kailangan kong magmadali, kaya bitawan mo na ako. Please?” Pinilit ko pang lumuha ng kaunti para talagang maawa siya sa akin at pakawalan niya na ako.
“Tamang-tama doon din kami pupunta.” Kaagad akong napalingon sa gawi ni Ford nang sabihin niya iyon, at gumuhit bigla ang pagtatanong sa aking mukha.
“Actually, kaya ka namin personal na hinintay rito at hindi kami maka-alis nang kami lang dahil kabilin-bilinan ni Mrs. Veronica na dalhin ka rin namin. Kung kailangang kaladkarin ka ay gagawin mapasama ka lang pero it seems like hindi na tayo mahihirapan pareho. Let’s go.” Mahabang pagsasalitang dugtong ni Ford.
Matapos nun ay hindi na ako umalma pa, pinakawalan na rin ako ni Raze pero hindi pa rin siya lumalayo sa tabi ko. Nagsimula na kaming maglakad na tatlo papunta sa iisa lang pala naming destinasyon.
“Bakit daw hinahanap ako ni Mrs. Veronica.”
“I don’t know the whole context. She just said that she needs our audience as soon as possible,” Raze replied.
Makalipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa mismong laboratory, kaagad na kaming dumiretso sa pinakadulo kung nasaan ang opesina ni Mrs. Veronica. Pagbukas namin ng pinto ay naroon siya nakatalikod sa pwesto namin at parang may kung anong kinakalikot. Nang makita niya kami ay kaagad niyang tinigil ang kanyang ginagawa saka kami masayang sinalubong.
“Good morning. Good to see you here early, parang nakakapanibago ata,” ani ni Mrs. Veronica saka salitan niyang tiningnan ang dalawa kong kasama as if she is implying something.
“May mahalaga raw po kayong sasabihin sa ‘kin, tungkol po pala saan iyon?” sabat ko kaagad dahil hindi na talaga ako makahintay.
Kung hindi tungkol sa dahon ang kanyang sasabihin ay wala akong choice kundi ipagpaliban na muna ang pakikinig tungkol sa kanyang sasabihin at uunahin ko munang dapat na makita ang dahong iyon.
“Oh, yes. Buti pinaalala mo agad. But parang nagmamadali ka naman ata masyado, Brone. May humahabol ba sa ‘yo or something?” hindi ako tumugon at nanatili lang akong seryoso. “Anyways, come here.”
Tinalikoran niya kami at parang sinasabing sundan namin siya. Hindi ko pala alam na may isa pang kwarto sa likod ng opesina niyang ito. Pagkabukas niya ng pintong nasa likorang bahagi nitong office ay bumungad kaagad sa akin ang isang malawak na espasyo. Lupa ang nasa ilalim nito samantalang iba’t ibang puno at halaman ang nakatanim rito.
“Wow, sa tagal ko nang sumasama kay Raze tuwing pumupunta siya sa opesina niya ay ngayon ko lang nalaman na may ganitong uri pala kayong napakagandang lugar dito. Alam mo ba ‘to, Raze. “Hindi sumagot ang tinatanong ni Ford hudyat nang pagsang-ayon nito sa kanyang katanungan.
Ngumisi lang naman si Mrs. Veronica at naglakad pa siya ng ilang sandali kami naman ay nakasunod lang sa kanya. Maya-maya pa ay tumigil siya sa paglalakad at tumayo lang sa harapan namin habang nakatalikod siya sa aming gawi. Parang may tinitingnan niya sa lupa kaya sinundan ko kung saang direksyon siya nakatingin at kung ano ang kanyang tinitingnan.
Doon ko nakita ang malaking dahon na nagdala sa akin dito na nasa lupa. Pagkakita ko sa bagay na iyon ay kaagad nanlaki ang aking mata saka dali-daling umabanta ng hakbang palapit dito.
“I was studying it’s complex structure yesterday and then suddenly I observe the at the tip of it, where it was plucked in its stem ay mayroong mga maliliit na ugat na lumalabas. Noong una ay akala ko dumikit lang ang mga ito rito ng aksidente kaya tinanggal ko ang mga ito but after several hours ay mayroon ulit lumabas doon na mga ugat na katulad ng tinanggal ko.”
Napatunghod ako upang makita ito ng mas malapitan, lumapit na rin sa aking tabi ang dalawa pa para masuri na rin ang dahon.
“I decided na ilagay na siya rito at baka katulad din siya ng mga succulents na sa mismong dahon tumutubo. At hindi nga ako nagkamali, this morning ay na-observe ko na naman na it starting to sprout. As you can see in its tip.”
Totoo nga ang sinasabi ni Mrs. Veronica dahil sa dulo nga nito ay naroon ang tatlong maliliit na dahil sa dikit-dikit habang sa ilalim nito ay may maliliit ring ugat na nakakonekta.
“So, what are you saying now is that you already decipher the mystery behind this humongous leaf, right, Mrs. Veronica?” Ford asked.
“No, no. Pinapunta ko lang talaga kayo rito especially you, Brone, since you are so eager to know what mystery behind that leaf. Also, my elite team is currently undergoing their research regarding this matter together with me. Hindi magtatagal at malalaman na rin natin ang lahat ng tungkol sa dahong iyan.”
Nginitian ako ni Mrs. Veronica as if pinapahiwatig niyang ako ang mas magiging pinakamasaya pag nangyari na ang bagay na iyon. But I remained standing there with my emotionless facade.
Muli kong nilingon ang dahon na nasa aking paanan lamang. Tinitigan ko itong mabuti at iniisip na ito ang magiging daan para maipagtagpi-tagpi ko lahat ng mga putol-putol kong ala-ala sa aking isipan.
Habang abala sina Mrs. Veronica at Ford sa pagkukwentohan nila sa mga bagay-bagay patungkol sa bagong nilang reasearch ay narito kami ni Raze. Napapansin kong nakatitig lang siya sa aking buong durasyon ngunit isinasawalang bahala ko na lamang iyon. Nag-angat ako ng mukha para makita ang kanyang itsura.
“Are you really okay?” bungad niyang usal sa akin habang sa kanyang kulay luntiang mata nakaukit ang pagsusumamo.
*****