CHAPTER 13

2138 Words
BRONE’s POV “Ike, look at me?” rinig kong pangungulit ni Ford sa assistant ni Mrs. Veronica. Kanina niya pa ‘to binibwisit, kahit na abala ito sa kanyang paroo’t paritong paglalakad ay sige pa rin si Ford sa pangungulit. “May joke ako, sagutin mo ah. Bakit hindi nakakapaglakad sa lupa ang mga isda?” segundang sabi ni Ford, nilingon naman siya sandali ni Ike pero hindi pa rin siya kinausap nito. “Oy napaka-KJ naman neto, parang sasagot ka lang eh.” Kunyare ay nagtatampo na si Ford. Bigla na lang napa-buntong hininga si Ike saka inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang isang tray na hawak niya. “Kasi hindi sila makakahinga sa lupa. Kapag sinubukan nilang umahon sa tubig ay mabilis na matutuyo ang gills nila at iyon ang magiging dahilan para sila ay mamatay.” Mabilis nitong pagsasalita saka nilayasan mulit si Ford. Si Ford naman ay nakatayo lang doon at parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Napalingo-lingo pa siya sabay pikit-dilat ng kanyang mata wari ay nahimasmasan. Sinundan niya naman ng tingin ang papalayong si Ike pagkatapos ay lumapit na siya sa gawi namin ni Raze. “Minsan ang hirap din talagang magbibiro sa mga matatalino. Nagjo-joke lang naman ako ba’t niya ko binigyan nang ganon ka logical na sagot.” Pagmamaktol ng mokong wari ay hindi niya kasalanan kung bakit naiinis na ang walang kamuwang-muwang na si Ike. “He’s just being practical. Wala namang mali sa sagot niya sadyang mababaw ka lang talagang mag-isip,” pambabara ni Raze sa kanyang kaibigan. Sinang-ayonan ko naman ang sinabi niyang iyon sa pamamagitan ng aking pagtango-tango sabay pakita pa ng malapad kong ngisi wari ay nang-iinis. “Ang simple lang ng sagot non, Pre. Bakit hindi nakakalakad ang mga isda sa lupa? Kasi wala silang paa. ‘Di ba?” pamimilit pa ni Ford na ang ganda-ganda nang naisip niyang joke na ‘yon. Ang dami pa niyang pinagmamaktol sa harapan namin pero pinili ko na lang na ‘wag siyang pansinin at hayaan na lang na kausapin niya ang hangin para naman mahimasmasan siya sa ginawang pambabara sa kanya ni Ike kanina. Binalingan ko na lang ng tingin si Raze at siya na lang ang kinausap ko. Nag-usap kami sa mga bagay-bagay para lang maligaw ang atensyon namin sa nagmamaktol na parang bata sa harapan. Nabo-bore na ako dito sa loob ng laboratory parang kunting minuto na lang at tuluyan na talagang mababarahan ng amok ng mga kemikal ang ilong ko pero hindi pa kami pwedeng tuluyang umalis dahil may bagay pa na ibibigay sa akin si Mrs. Veronica. Mga ilang minuto na rin talaga kaming naghihintay rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakabalik. “Ang tagal ata ni Mrs. Veronica gayong malapit lang naman dito ang office niya?” “Pabalik na rin ‘yon baka may iba pang ginawa, let’s just wait a little longer since you are the one who requested that thing.” Tumahimik na ako’t hindi na nakipagtalo pa, lumipas muli ang isa pang minuto at sa wakas ay natatanaw ko na si Mrs. Veronica na papalapit sa amin. May hawak-hawak siyang isang maliit na bote. “I’m so sorry if natagalan ako ng kunti may mga itinatanong lang sa akin ang mga studyante ko at hindi ko maiwan-iwan nang hindi nasasagot. By the way, here,” ani niya nang makalapit na siya ng tuluyan sa amin. Inabot niya sa akin iyong maliit na boteng hawak niya nakaagad ko namang tinanggap. “Inumin mo ‘yan whenever you are near with Izy. It can help para mahirapan siyang gamitan ka ng kanyang mahika.” “What is this anyway?” tanong ko sabay suri pa kung ano ang nasa loob ng bote. May pagkadark ang kulay ng bote kaya hindi ko gaanong makita kung ano ang kulay ng nasa loob. Ang alam ko lang ay isa itong likido. “It a magic nullifier I concocted 3 years ago. Dahil nga’t may pagkapilyo rin ang gurang na ‘yon at nabiktima na rin niya itong si Raze ng walang kadahi-dahilan niyang paggamit ng kanyang mahika sa kung sinong matipuhan niya. Don’t worry, it has a sweet taste just don’t overly drink it, baka ma-overdose ka.” Tumango lang ako pagkatapos nun ay tuluyan na kaming lumayas sa laboratoryong ‘yon. Simula nang gabing ‘yun na ginamitan ako ni Izy ng power niya to steal my voice ay na-trauma na talaga ako. Napag-isip isip ko na kung gusto ko siyang kausapin ng masinsinan ay dapat hindi ako haharap ng hindi handa at walang dalang panlaban. I asked Raze kung may way ba para ma-counter si Izy then he suggested na lumapit daw ako kay Mrs. Veronica, so ito na nga. I already got my shield against that stinky bastard, Izy. Habang naglalakad kami ay may kakaibang nabanggit si Ford which really got my whole attention. It was a about an eclipse that will happen somewhen. Sinasabi pa niya na bukas na raw ito mangyayari. “How could you know that an eclipse will happen exactly tomorrow and you are so sure about that?” ani ko tapos ay bigla siyang nagturo sa gawing kanan namin. Sinundan ko ang tinuturo niya at doon ko nakita ang iilang mga kalahi nilang parang abalang-abala sa kanilang ginagawa. May mga kawayan silang itinatarak sa lupa habang sa kanilang mga ulo nakasaklob ang parang wig na gawa sa dayami o pinatuyong mga d**o. “It is a solar eclipse,” sabat naman ni Raze. Nagtanguan pa ang dalawa wari ay may pinag-uusapan sila sa kanilang mga isip na sila lang ang nakakaintindi at ako itong napag-iiwanan kaya walang ibang ginawa kundi salitan silang tingnan. Napabuntong hininga ako saka pumagitna sa kanilang dalawa para kumuha ng atensyon. “Wait nga, can you explain all of what you are blabbering or something?” Sandali silang natahimik at tinitigan lang ako, maya-maya pa ay sabay silang humarap sa direksyong tinatahak namin saka nagpatuloy na sa paglalakad, sumunod naman ako. “Every year our pack is celebrating 4 phenomena of eclipses and some year we can’t experience at all. The costume varies depending on which type of eclipse will occur. If it is Lunar, the whole pack will dress all black costume and if it is solar the pack dresses the costume just like what you see there.” Mahabang pagsasalaysay ni Raze. Nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi niya dahil interesante talaga ako sa eclipse thingy na ‘to. I feel like there is a connection between my self and this phenomenon. Dahan-dahan lang kami sa aming paghakbang habang patuloy sa salitang pagpapaliwanag sa akin ang dalawa. “Just like a full moon, eclipses are so important for us as a pack of werewolves, because during this time we will experience a weird change in our body.” Segunda naman ni Ford. “Oh, and what is it I mean ano mangyayari sa inyo?” “Well, it can’t just be explained with words only hintayin mo na lang bukas at ikaw mismo ang tumingin sa sarili mong mga mata,” Ford replied. “By any chance... will you become horny or something?” tanong ko ulit habang mariing nakatitig sa mukha ni Raze habang naaalala ang nangyari noong nakalipas nang gabi. Sabay silang dalawang napalingon sa akin at hindi maipaliwanag na pagkagulat ang nakaguhit sa kanilang mga mukha. “No! It’s not... like that.” Mabilis na pagsagot ni Raze sabay hindi makatingin ng direkta sa akin. “Ano bang pinagsasabi mo, Brone. Hindi ko naman alam na ang bastos-bastos pala ng naglalaro sa loob ng maliit mong ulo na ‘yan. Argghhhh, I can’t.” Bulalas pa ni Ford na parang diring-diri sa tanong ko. Nag-akto pa siyang nangnginig. Inirapan ko lang silang dalawa. “Ano bang mali sa tinanong ko. I just... ask a random question, masyado naman kayong defensive.” Well, mabuti nang nakakasiguro no dahil kung totoo nga ang narinig kong ako ang mate ni Raze at magiging horny nga sila ng araw na ‘yon ay dapat sigurong ngayon pa lang ay mag-isip na ako ng paraan para makapagtago sa kanya. Pero teka lang, imposible namang maging mate niya ako lalaki ako at lalaki din siya. It’s just so impossible for me. “Ba’t sa inyo ba wala bang ganon? Ay tama pala ‘di pa pala bumabalik ala-ala mo.” [. . .] Ako na lang mag-isa ang nakarating sa bahay since shift na ng dalawa nang mga oras na ito. As usual ay sinalubong na naman ako ni Lixn para pagsilbihan, pati paghubo ng suot kong sapatos ay gusto pang siya ang magtanggal. Paulit-ulit ko na siyang sinabihang itigil na niya ang pagsisilbi sa akin dahil hindi naman ako sanay sa ganoon pero sige pa rin siya ang palaging dinadahilan niya lang ay nasanay na raw siyang may pinagsisilbihan kaya mahirap na raw ialis sa systema niya. Since tanghali na nga at kumakalam na rin ang sikmura ko ay inaya ko na si Lixn para salo na kaming kumain, at least sa bagay na ito ay hindi na siya nahihiyang makipagsalo sa akin. Hanggang sa hapag kainan ay ang tungkol pa rin sa eclipse na magaganap bukas ang bukang bibig ko. Hindi pa rin ako kuntento sa mga sinabi sa akin ng dalawa kanina kaya nagtanong ulit ako kay Lixn. “Lixn, by any chance do you know what will happen to your kind during tomorrow’s solar eclipse?” Napaangat ng tingin sa akin si Lixn sandali tapos ay tinuloy na niya ang kanyang naantalang pagsubo ng kanyang pagkain. Matapos nun ay saka na niya ako sinagot. Lumingo-lingo siya. “Hindi ko po masabi ng direkta since hindi po kami kabilang sa apektado sa epekto ng solar eclipses.” “What do you mean?” “Kapag po solar eclipse ay mga lalaking lobo lang ang apektado at kapag lunar eclipse naman ay mga babaeng lobo lang din ang pwedeng ma-apektohan. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ng iba ay baka raw iyon sa mas mataas ang level ng qi sa katawan ng mga lalaki kaysa sa mga babae kaya mas prefer nila kapag solar eclipse.” Bigla siyang napatigil sa kanyang pagsubo saka napatingin sa malayo wari ay may biglang naisip. “Teka, ang sabi ng mama ko noon sa akin na may apat na uri raw ng solar eclipse ang pwedeng mangyari.” Nang sabihin niya iyon ay napatigil din ako sa aking pagsubo saka nakinig ng mabuti sa mga susunod niyang sasabihin. “May apat na uri ang solar eclipse. The total, partial, annular, ang the rarest is the hybrid solar eclipse. Kapag total eclipse ay natatabunan ng buwan ang araw ng buo meaning wala talagang nakikitang araw buong umaga, kapag partial ay kaunting parte lang ng araw ang natatabunan ng buwan at kapag annular naman ay natatabunan ng buwan ang gitna ng araw habang may namumuong hallow ring dito o tinatawag naming ring of fire. And the last one is the rarest, the hybrid solar eclipse.” “Ano naman ang tungkol sa hybrid solar eclipse?” curios na curios ko na talagang pagtatanong. “A hybrid solar eclipse is a rare form of a solar eclipse, which changes from an annular to a total solar eclipse, and vice versa, along its path. The effect will drastically be heightened if the eclipse is a hybrid one. Sometimes it can be up to 3x than the original.” Dahil sa sinabing iyon ni Lixn ay mas lalo pa tuloy akong naging eager na malaman sa kung anong uri ng epekto meron ang eclipse na mangyayari bukas sa uri nila. Kung pwede ko lang pabilisin ang oras ay ginawa ko na, makita ko lang kaagad ang mangyayari lalong-lalo na kina Raze at Ford. Hanggang sa hindi ko nga namalayan ang oras at unti-unti na pa lang lumilipas ang araw na ito hudyat na papalapit na rin ang pagdating ng hinihintay kong solar eclipse. Hating gabi pa lang ay naririto na ang lahat, naghihintay sa paparating na solar eclipse. Katulad nga ng sinabi ng tatlo ay nagtipon-tipon nga ang buo nilang pack dito sa central plains. Lahat sila ay naririto lalong-lalo na ng mga lalaking lobo. Pati nga ang kanilang Alpha leader ay naririto rin at siyang mamumuno sa gaganaping ritual. Ngunit sa aking ang inaasahan kong pangyayari ay napakalayo pala sa aking imahinasyon. Ang buong akala ko ay magiging simple lamang sa tulad ko ang pangyayaring ito ngunit nagkamali pala ako. Lalong-lalo na’t ang uri ng solar eclipse na mangyayari ay isa palang hybrid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD