BRONE’s POV
Mga bandang ala una na ng madaling araw nang mapansin ko ang kakaibang nangyayari sa aking katawan. Grabe ‘yung pamamawis ko habang ‘yung mga balihibo ko ay mga tayong-tayo. Napakainit rin ng pakiramdam ko na para banag nasa isang pugon ako ngayon at parang isang salmon na pinapausukan.
Tagaktak ang pawis ko. Basang-basa na ang damit na suot ko, at higit sa lahat ay nararamdaman ko rin ang unti-unting panghihina ng aking sarili. ‘Yun bang feeling na ilang sandali lang ay pakiramdam mo’y mahihimatay ka na. Sa hinuha ko ay baka dahil ito sa hindi normal kong pamamawis.
Nang makaramdam ako ng kakaiba kanina ay minabuti ko na munang magpaalam kay Raze saka sinabing babalik muna ako sa bahay pagkatapos nun ay hindi na ako nakabalik kung nasaan ngayon ang lahat ay natitipon-tipon. Ang akala ko kasi kanina ay naghahanap lang ng banyo ang sarili ko pero taliwas pala ang totoo sa aking inaasahan. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay ang simpleng kakaibang pakiramdam lang ay naging malubha.
Dahan-dahan nang nadadagdagang ang mga weird na nangyayari sa aking sariling katawan hanggang sa kasalukuyang oras ngayon. Parang ayaw ko na ring bumalik pa sa labas ng bahay dahil baka kapag pinilit ko lang ang aking sarili na maglakad ay baka bigla na lamang akong matumba o ‘di kaya ay kung ano man.
Isang oras na siguro ang dumaan simula nang umalis ako roon pero wala atang nakakaramdam ng pagkawala ng aking presinsya, marahil ay abala talaga ang lahat lalo pa’t importanteng pangyayari ang nalalapit nang dumating.
Ayaw ko mang isipin pero baka magkatotoo nga ang biro sa akin kahapon ni Ford na baka may ganitong ganap rin ang lahi naming werecat tuwing eclipse.
Napahawak na naman ako ng salitan sa pareho kong tiyan at dibdib dahil sabay ang dalawang sumasakit. Nang hindi ko na talaga mapigilan ang aking paghiyaw ay pinakawalan ko na ito, wala rin namang makakarinig sa boses ko dahil kagaya ng sabi ko kanina ay naroon sa iisang lugar ngayon lahat ng mga taong naririto. Maging ang mga kabataan ay naroroon rin.
Ilang sandali pa ay tuloyan ko na talagang naramdaman ang pag-ikot ng aking paningin. Sinubukan kong makapunta sa kusina kahit pa na gumagapang na lamang ako sa sahig. Diretso kong inabot ang pitchel na nakapatong sa lamesa at tinungga ang laman nitong tubig. Mabuti na lang at may tubig akong nainom kaagad dahil kung hindi ay baka tuloyan na akong ma-dehydrate dahil sa abnormal na pamamawis ko.
Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan pero kulang pa rin, naibsan nga ng konti pero ilang minuto lang ang tinagal at unti-unti na namang bumabalik ang panunuyo ng lalamunan ko. Lumagok ulit ako ng napakaraming tubig at dahil nga’t parang sinusunog na ang sarili kong katawan ngayon ay minabuti ko na ring ibuhos ang natitira pa nitong laman sa buong katawan ko.
Ngunit ang sanay inaasahan kong pagkawala ng init ng aking katawan dahil sa pagbuhos ko ng tubig ay lalo lang nakadagdag sa nararamdaman kong parang sinusunog sa nagbabagang apoy. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nasa isang sauna ako at naka-full tempt. Gumapang muli ako papunta sa banyo upang doon magkulong. Dali-dali kong pinapatakan ng tubig ang bath tub saka kaagad na sumakay rito.
[. . .]
Dalawang oras muli ang nagdaan at ganoon pa rin ang aking sitwasyon. Naririto pa rin ako sa loob ng banyo at nakababad sa malamig na tubig nang hindi ko naman ito nadadama. Nananaig pa rin ang init sa aking katawan.
Napaangat ako ng tingin sa maliit na bintanang naririto sa banyo at doon ko nakita ang kalangitang binabalot pa rin ng dilim hanggang ngayon. Hinuha ko ay alas kwatro na ng madaling araw at sa pagkakatanda koy ilang sandali na lang at sisikat na ang araw ngunit alam ko ring hindi ito makikita sa araw na ito sapagkat tatabunan ito ng buwan.
Dahil sa kadesperadohan kong maghanap ng solusyon para mapakalma ang aking sarili ay minabuti ko na lamang na magbilang ng oras upang nang sa ganon ay malimutan ko man lang na naghihirap ang sarili kong katawan sa mga oras na ito.
Tanging ang ulo ko lamang ang hindi nakalubog sa tubig ngayon habang tuwiran akong nakatitig sa maliit na bintanang naririto.
Lumipas pa ang mga ilang minuto at sabay rin ang aking pagbibilang. Isang oras muli ang dumaan hanggang sa unti-unti na lamang sumilay sa maliit na bitana ang isang bilogang bagay sa kalangitan. Animo’y isa itong singsing na nakalitaw sa ibabaw.
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti pa ako nang makita ko ang bagay na iyon ngunit ang ngiti kong iyon ay mabilis lamang ring napalitan ng ibayong sakit na nadarama ng sarili kong katawan.
Isang impit na hiyaw ang aking napakawalan kasabay ng pag-arko ng aking katawan dahil sa biglaan na lamang paggrabe ng sakit na naglalakbay sa aking buong kalamnan. Basang-basa na ang buong banyo dahil sa pag-alsa ng tubig na nasa bath tub papunta sa sahig.
Isang grabeng p*******t muli ang aking naramdaman kung kaya’t napaigtad na naman ako ng sobra na halos mabali ko na ang sarili kong spinal cord dahil sa sobrang pag-arko ko.
Gamit ang lahat ng aking natitirang boses ay ginamit ko ito upang lumikha ng isang napakalakas na sigaw, umaasang sa pamamagitan nun ay mawawala ang sakit na dumadaloy sa aking katawan ngayon.
Maya-maya pa ay sumunod na naman ang paggrabe ng init na lumulukob sa akin habang nakikita ko pa ang maliliit na enerhiyang galing sa hugis singsing na nasa langit at pumapasok sa maliit na bintana papunta sa akin.
Lumalabas ang mga matutulis kong kuko sa magkabilaan kong kamay nang hindi ko ito nakokontrol. Kahit anong pilit kong pagpigil ay sige lamang sa paghaba ang mga kuko ko. Sumunod naman ay ang paglabas ng totoo kong anyo. Ang anyo ko bilang isang taong nabibilang sa lahing feline. Ang anyo kong werecat na kulay puti.
Sabay-sabay ang mga paghihirap na nangyayari sa aking sarili at hindi ko rin mapigilan ang pwersahan paglabas ng totoo kong anyo. Kung kaya’t hindi na lang talaga ako nagmatigas at tuluyan nang nagpaubaya upang maging buo na ang pusa kong anyo.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang tuluyang paglabas ng totoo kong anyo ay siya ring pagdating ni Raze na kanina pa pala naghahanap sa akin.
*****