CHAPTER 15

2197 Words
BRONE’s POV Kumalat kaagad sa buo kong katawan ang kabang nadarama ko sa aking dibdib nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Raze. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita niya ako sa ganitong anyo. Sumiksik pa ako sa gilid nang sa ganon ay hindi niya ako makita pero wala rin naman iyong naging saysay. Wala man lamang kasing shower curtain sa banyong ‘to para sana ay pwede kong hawiin nang sa ganon ay hindi na ako makita ni Raze sa ganito kong anyo. Nakita kong hinakbang niya ang isa niyang paa palapit sa akin, naging maagap naman ako at napa-combat stunt kaagad dala na rin ng instinct ng pagiging isa kong werecat. Kaagad naman siyang napahinto at hindi na tinuloy pa ang paglapit sa akin. Napalibot ako ng aking paningin sa buong banyo pero ni isang daanan para makalabas dito ay wala akong nakita. Ang nag-iisang bintanang naririto ay masyadong maliit para mapagkasya ko ang aking buong katawan samantalang ang pinto naman ay nahaharangan ngayon ni Raze. “Brone?” usal ni Raze sa napakamalumanay niyang tono ng pagbigkas. Dahil doon ay unti-unti akong napa-relax at umalis na sa combat stunt ko. Muli ko na lamang a inuloblob ang aking katawan sa tubig na nasa bathtub habang tuwiran pa ring nakatitig kay Raze. Natatakot kasi ako na baka lumapit na lang siya bigla sa akin at magresulta pa ito na merong masaktan sa aming dalawa. Baka bigla ko na lang siyang atakihen ng hindi ko nalalaman o baka dala ng natural instinct niya bilang lobo ay ako naman ang atakehin niya. Nanghihina na talaga ang buo kong katawan at dumagdag pa ang alalahanin ko patungkol sa pagsulpot dito ni Raze. Ang akala ko ay abala silang lahat ng mga oras na ito kaya’t kampante akong hindi niya ako pupuntahan rito sa gitna ng kanilang ritwal. Marahil narinig niya ang napakalakas kong sigaw kanina. O baka naramdaman niyang matagal na akong nawawala roon kaya minabuti niya na akong hanapin. Kung ano man ang dahilan ng pagdating niya rito sa harapan ko ngayon, ay maliit na lamang iyon bagay kumpara sa sabay-sabay kong problema ngayon, para alalahanin pa. Hindi ko namalayan na dahan-dahan ko na palang naipikit ang aking mga mata dahil napakabigat na rin talaga sa pakiramdam ng aking mga talukap. Ang hindi ko inaasahan ay kinuha pala iyong pagkakataon ni Raze para tuluyan niya akong malapitan. Sa mabilis na paraan ay isang mataas na pagtalon ang kanyang ginawa at sa paglapag niyang muli sa sahig ay hawak-hawak na niya ang isa kong kamay na ngayon ay naging binte ko na dahil sa kasalukuyan kong anyong pusa. Nabigla ako sa biglaan niyang paghawak sa akin at hindi sinasadyang isang kalmot ang nagawa ko. Nasalag niya ito ng kanyang isa pang bakanteng kamay kung kaya’t sa kanyang braso tumama ang kalmot ko. Napadaing pa siya nang lumapat ang aking matatalas na kuko at bumaon sa kanyang balat. Isang mahabang marka ng aking kalmot ang naiwan sa kanyang braso. Mabilis ding nagsilabasan doon ang masasagana niyang dugo na humahalo na ngayon sa tubig na binababaran ko. Naging maagap siya at kahit pa may kalmot ang kanyang isang kamay ay ginamit niya pa rin ito para hawakan ang isa ko pang kamay nang sa ganon ay hindi na ako makakalmot pa. Hindi na naman din ako nanlaban pa dahil kaagad na akong tinamaan ng konsensya nang makita ko kung gaanon kahaba ang naiwang kalmot ko sa kamay ni Raze. Kahit na ganon pa man ay hindi pa rin siya nanlaban at pinili na lamang na ako’y  pakalmahin. “Epekto siguro ‘to ng solar eclipse kaya ka nagkakaganito. Pero ‘wag kang mag-alala, hanggat nandito ako sa tabi mo ay hindi ko hahayaang masaktan ka,” kausap niya sa akin. Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin pero nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay naramdaman ko na lamang ang dahan-dahang pagkalma ng aking sarili. Para bang isang gayuma ang mga binitawan niyang mga salita. Ilang sandali pa ay bigla niya akong inakay paalis sa bathtub saka diretsong dinala papasok sa aking kwarto. Inilapag niya ako ng dahan-dahan sa kama saka binalutan ang basang-basa kong katawan ng kumot. Ilang segundo lang ay iwinaksi ko rin kaaagad ito dahil nga’t dumadagdag lang ito sa init ng aking katawan. Ilang sandali pa ay kinapa ni Raze ang bandang noo ko. “Nag-aapoy ka sa init. Ganito ba talaga ang epekto sa uri niyo ng solar eclipse?” Parang hindi na siya mapakali sa kanyang gagawin. Paulit-ulit niya na lamang na sinasalat ang aking noo pagkatapos ay palakad-lakad sa aking harapan. Bakas din sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nakatitig lang ako sa kanyang ginagawa. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang magsalita na parang kinakausap niya ang kanyang sarili. “Tatawagin ko ba si Lixn, baka may maitulong siya sa ganitong sitwasyon? Ay hindi, baka magulantang lang ito kapag personal niyang nakita ang ganitong anyo ni Brone. Pero anong gagawin ko? Wala akong kaalam-alam sa nangyayari lalo pa’t hindi namin kalahi si Brone.” Gusto ko mang ngumiti dahil napaka-cute ng itsura niyang natataranta pero hindi ko magawa dahil maya’t maya na lang ang pagsumpong ng sakit sa aking tiyan. Napapalukot pa ako sa aking sarili dahil sa minsanan nitong pagsakit ng malala. “Brone, you’re changing.” Biglang bulalas ni Raze habang nanlalaki ang matang nakatitig sa akin. Kaagad ko namang sinuri ang aking sarili at totoo ngang bumabalik ako sa pagiging anyo kong tao. Unang nawala ang mapuputi kong mga balahibo sunod ay ang pagbabalik ng dalawa kong kamay hanggang sa tuluyan na ngang naging tao ang buo kong anyo. Kaagad akong tinakpan ng kumot ni Raze at nagtaka ako sa ginawa niyang ‘yon gayong alam naman niyang naiinitan lamang akong lalo. Iwinaksi ko na naman ulit ang kumot na nakatabon sa akin na ikinatalikod niyang bigla na nagpapataka sa akin dahil sa kakaiba niyang kinikilos. “Ahm, y-you’re... naked,” Nang sabihin niya iyon ay doon ko lang din napagtantong isang simpleng damit lamang pala ang suot ko kanina kaya madali itong napunit nang magbago akong anyo. Gustuhin ko mang magtalukbong ng kumot ngayon ngunit hindi ko magawa kaya ang ginawa ko na lamang ay lumukot na parang sanggol saka tinakpan gamit ang aking mga kamay ang maseselang parte ng aking katawan. “Don’t... don’t turn,” ani ko sa nanghihinang boses. Tumango siya at hindi nga siya lumingon pabalik sa akin. “By any chance, alam mo ba kung paano maiibsan ang paghihirap mong nararamdaman ngayon dahil sa solar eclipse?” Lumingo-lingo ako kahit hindi niya naman nakikita saka sumagot na hindi ko rin talaga alam. Marahil ay alam ko ang dapat gawin sa ganitong mga sitwasyon kung sana ay naaalala ko pa ng maayos ang aking nakaraan ngunit base sa sitwasyon ko ngayon ay wala na talaga akong magagawa pa kundi tiisin na lamang ang paghihirap na ‘to hanggang sa ito ay matapos. “I guess the effect is tripled because it’s a hybrid kind of solar eclipse now,” usal niyang muli. Dahil sa kanyang sinabi ay agad kong naalala ang naekwento sa akin ni Lixn tungkol sa uri ng mga solar eclipse. Kung ganon ang malaking parang singsing na apoy na nakita ko pala kanina sa kalangitan ay ang araw pala na natatakpan ng buwan sa gitna. “Hang in there, Brone. Kadalasan sa aming mga lobo ay nagtatagal lang ng isa hanggang dalawang oras ang epekto ng solar eclipse sa amin kaya baka ganoon rin sa iyo. Lalabas muna ako sandali para siguraduhin walang ibang makakakita sa sitwasyon mo ngayon.” Akmang lalakad na sana siya paalis nang mabilis ko siyang pigilan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kapag nasa malapit ko siya ay naiibsan nito ang paghihirap na aking nararanasan ngayon. Natatakot ako na baka kapag lumayo siya sa tabi ko ay bumalik na naman ang napakasakit na nangyari sa akin kanina sa banyo. “Dito ka lang, ‘wag mo ‘kong iwan.” Hindi siya umimik pero hindi niya na rin tinuloy pa ang balak niyang pag-alis, bagkus ay bumalik na lang siya sa kanyang pwesto kanina at doon ay tumayo ulit habang nakatalikod pa rin sa aking pwesto. Naging tahimik ang buong silid nang wala nang nagsalita sa aming dalawa. Tanging malalalim ko na lamang na paghinga ang naririnig sa paligid pati na rin ang mahihina kong daing. Maya-maya pa ay bigla ko siyang narinig na nagsalitang muli pero this time ay para na siyang nagsasalaysay ng kanyang karanasan sa buhay. “Noong tumuntong ako sa ika-labin lima kong kaarawan ay doon din nagsimula na nakaramdam na ako ng epekto dahil sa solar eclipse. Natatandaan ko pa noon ang grabe kong pag-iyak dahil sa hindi ko na kayang sakit na nagpapahirap sa aking kalamnan. It was my first time experiencing that kind of pain and torture. Iyak ako ng iyak dala ng sakit pero ang tanging sabi lang ng aking ama ay kailangan ko iyong tiisin dahil parte iyon ng isa kong pagiging lahing lobo.” Pero alam mo ba ang ginawa ng ina ko? Kinantahan niya lang ako ng isang kanta at hindi ko alam kung ano ang nangyari pero naging dahilan ang malambing niyang pagkanta sa akin para huminahon ako’t maibsan ang sakit na nadarama ng aking sariling katawan.” Ilang segundo siyang hindi nagsalita hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsisimula ng kanyang pagkanta. Nabigla pa ako dahil hindi ko akalaing gagawin niya iyon sa akin. Ang kantahan ako katulad ng ginawa ng kanyang ina sa kanyang kwento para subukang ako ay pakalmahin. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala kalambing at kaganda ang kanyang boses kapag siya ay kumakanta. Bawat bigkas niya ng mga salita ay animo’y naglalaro ang mga salitang ito sa ere na parang isang malayang hangin. Napakalambing ng kanyang tinig at para akong iniindayog sa saliw ng kanyang kanta. Hindi ko na lamang namalayan na napapagaan na pala ng kanyang boses ang aking pakiramdam at unti-unti na pala akong napapa-focus na lamang sa kanyang pagkanta. Kasabay rin nun ay ang pagsilay ng aking ngiti sa aking labi. Ang sakit sa banda kong tiyan na kanina ko pa tinitiis ay parang hindi ko na ito maramdaman kahit na alam ko naman sa sarili ko na naroroon pa rin ang sakit, ang kaibahan lang ay ngayon ay hindi ko na ito inaalala at naka-focus na lamang ang buo kong atensyon sa napakagandang boses ni Raze. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na ngang natapos ang kanta pero magkaganon man ay  nananatili pa rin ang payapa sa aking sistema. “Nagustuhan mo ba ang liriko ng aking kanta? Sa totoo lang ay ang ina ko mismo ang gumawa non. Tuwing gabi ay nagre-request ako sa kanya na kantahin niya iyon sa akin para makatulog ako kaya dahil din dun ay nakabisado ko na rin ang bawat tono at liriko nito.” Mahaba niyang salaysay pagkatapos niyang kumanta. “Raze?” “Hm?” “Pwede ka nang lumingon.” “Ha-huh?” Ramdam ko ang pagkabigla sa kanyang boses, maging ako man ay nabigla rin sa aking sarili kong bakit ko napakawalan ang mga sinabi kong ‘yon pero gustohin ko mang bawiin ay hindi ko na magawa sapagkat nasabi ko na ito. Hubo’t hubad pa rin ako ngayon at wala pa ring nakatakip sa aking buong katawan ngunit handa na ako na makita ang ganito kong anyo ni Raze. Weird man sa pakiramdam ngunit kampante ang aking sarili na ilahad ng buong-buo ito sa lalaking nasa harap ko ngayon. Inulit ko pa ang aking sinabi na pwede na siyang lumingon paharap sa akin pagkatapos ay nakabibinging katahimikan na naman muli ang bumalot sa buong silid. Hindi siya sumagot pero hindi rin niya sinunod ang aking sinabi. Marahil ay nagdadalawang isip pa siya kung tama ba ang kanyang narinig o sa kung tama bang gawin niya ang susunod niyang gagawin. Lumipas pa ang ilang sandali at unti-unti na siyang kumilos paharap sa aking pwesto. Sa tuluyan niyang pagharap sa akin ay ang nakalukot kong posisyon kanina ay nag-iba na. Nakatihaya na ako sa kama at parang confident na confident kong ibinalandra ang hubo’t hubad kong katawan sa harap niya. Nakita ko pa ang bigla niyang paglagok ng kanyang laway habang hindi maputol-putol ang pagtitig sa aking katawan. I know this is an act of inviting him to intwined with me, but I know what I am doing. Kilala ko ang sarili ko higit na kanino. All the matters should be dealt later.   ***** A/n: In case you all are confused. Feline – tawag ito sa lahi ng mga cat like creature katulad ng lahi na pinanggalingan ni Brone. (e.g. Werecats, Weretigers, Werelions.) While, Canine – tawag ito sa grupo ng lahing kinabibilangan ng lahi ni Raze, which is werewolf. If confused pa rin kayo, better search “feline therianthropic creature” on google. Don’t worry all of these creatures will be introduced in this book.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD