CHAPTER 43

2338 Words
BRONE’s POV  “Sa tingin mo, magagawa ko kaya lahat ng gusto ko sa loob ng isan buwan dito sa teritoryo?” Hindi siya umimik pero alam kong narinig niya ang sinabi kong iyon, marahil ay wala lang talaga siyang makuhang tamang mga salitang sabihin sa akin o anuman. Nanatili lamang siyang nakatitig sa harapan namin ngayon kung saan patuloy na umaagos pababa ang tubig sa dalawang magkatabing talon. “Kung iisipin kasing mabuti ay parang napaka-ikli lang ng isang buwan pala, sana pala mas pinahabaan ko pa ang palugit na ibinigay sa akin ni Ace bago kami tuluyang umalis rito. Marami pa akong gustong gawin kasama ka, kasama kayong lahat ng mga malapit sa akin dito.” Lumingon siya sa akin, sa kanyang mga mata ay nakakulong ang isang nagsusumamong pakiramdam. Hindi ko ito maipaliwanag ng mabuti dahil iba ang iginigiit ng kanyang mukha kumpara sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang ipakita sa akin ang sensridad na ngiti ng kanyang labi ngunit kaibahan naman ang ginagawa ng kanyang mapupungay na mga mata. Umiwas ako ng tingin sa kanya, pilit inaalis na isipin ang napansin kong iyon. Humigop ako ng malalim na hininga sabay pakawala ko rito. “The fact that bilang lamang na araw ang lumipas ng pamamalagi ko rito at iilang linggo rin ay aalis na ako. Hindi ko lubos maisip na ganon lang pala kabilis lumipas ang oras, parang kailan lang ay ikaw pa mismo ang nakapulot sa akin sa sapa sa ilalim ng tree of change.” Tumawa ako ng payak sabay tingin ulit sa kanya, nakatitig pa rin siya hanggang ngayon sa mukha ko. Narito kami naka-upo sa isang nakausling putol na katawan ng kahoy sa harap mismo ng kambal na talon. Mula sa aming pwesto ngayon ay kitang-kita ko talaga ang buong ganda ng paligid. Dahil na rin nga’t bahagya ding nakalublob ang inuupuan namin ngayon sa tubig ng talon kung kaya’t medyo basa na rin kami pareho. Balak ko rin talagang magtampisaw mamaya sa tubig dito kaya hindi ko na pinoproblema ang mabasa. Sabi naman niya sa akin na may healing and calming effect daw ang tubig na dumadaloy rito since galing ito sa sapang dumadaloy mismo sa ilalim ng sagradong puno nila ng pagbabago. “Ikaw, ano ba sa tingin mo ang sagot sa tanong mong ‘yon?” usal niya sa mababang boses. Napaisip ako na mariin dahil sa sinabi niyang iyon. Napatigil ako sa iba ko pang iniisip at naituon ko lamang ang isip ko sa boses niya habang sinasabi niya ang mga katagang binigkas niya kanina. Payak akong ngumiti saka ikinaway-kaway ang aking mga paa na ngayon ay nakalublob na sa tubig. “I don’t know. Hindi ko pa naman kasi alam ang mga susunod na mangyayari. Ayaw ko ring pangunahan ang oras dahil wala naman akong kaalam-alam sa plano ng kalikasan. Gusto ko sanang hayaan na lamang ang kalikasan ang humusga sa mga susunod na mangyayari pero kasabay naman nun ay ang pangamba ko, pangambang kapag sinunod ko ‘yon at wala nga talaga kong gagawin para magawa ko ang mga gusto ko ay baka pagsisihan ko lang ang maging resulta sa huli.” “Then, choose your self over anything and anyone.” Kaagad akong napalingong muli sa kanya. Nagtitigan kami ng ilang sandali bago niya itinuloy ang kanyang sasabihin. “Ikaw na rin ang nagsabing walang nakakaalam kung anong mangyayari sa kinabukasan, na wala tayong magagawa kundi hintayin na lang na dumating ito at panuorin ang mga magaganap sa ating buhay. . . Bakit hindi ka gumawa ng sarili mong hakbang habang hindi pa dumarating ang bukas? Bakit. . . kailangan mo pang sundin ang batas ng kalikasan kung pwede mo naman itong pangunahan? Sa huli ay ikaw at ikaw pa rin ang may hawak ng sarili mong buhay at kapalaran, nasa kamay mo pa rin ang landas na gusto mong tahakin at walang ibang makakapagdikta nun kundi sarili mo lang. Gawin mo lahat ng sinasabi ng puso mo, sundin mo ang sarili mo at wag ang sinasabi ng iba.” Napakabigat ng damdaming nararamdaman ko habang ang bawat letrang lumalabas sa bibig ni Raze sa kataga niyang iyon ay patuloy kong naririnig. Para bang may mas malalim na kahulugan pa itong nilalaman. Wala akong ibang nagawa kundi mapatitig lamang sa kanyang mukha kasabay ng aking pagtuon ng buo kong atensyon sa mga sinasabi niya kasabay nun ay ang aking paghinuha sa lahat. Sa isang iglap lang ang umukit bigla ang napakalapad na ngiti sa aking labi. “Alam mo may point ka. Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yon, naapektohan ata talaga ang pag-iisip ko dahil sa panandaliang pagkawala ng aking mga alaala.” Tumayo ako sa ibabaw ng kahoy na aming inuupuan at magiliw na tumingin sa langit, inalalayan pa ako ni Raze dahil sa madulas nga itong kahoy na tinutongtongan ko ngayon. Sa aking pagtingala ay sumalubong sa aking ang bahagharing gawa ng mga naliligaw ng tilamsik ng tubig mula sa bumagsak na daloy nito. Gamit ang aking pinakamalakas ng boses ay isinigaw ko lahat ng aking mga gustong sabihin. Lahat ng gusto kong gawin sa puntong ito at lahat ng ayaw kong sunding mga utos ng iba. “Ako ang magdidikta ng mga desisyon sa buhay ko. Ako ang gagawa ng sarili kong landas. Wala akong ibang susundin kundi ang sarili ko lamang. Walang balakid ang aking aatrasan. Kahit na ano o sino ang haharang sa aking harapan ay buong tapang kong haharapin. Buhay ko ‘to at ako ang siyang masusunod para rito.” Iyon ang mga katagang lumabas sa aking bibig na siyang aking isinigaw ng malakas habang nakatingala sa kalangitan. Matapos kong isigaw ang mga iyon ay napapikit na lamang ako ng marahan sabay hugot ng aking hininga. Naramdaman kong parang gumaan ang aking dibdib dahil sa ginawa kong iyon. Magiliw kong nilingon si Raze, suot ang aking malapad na ngiti ay inabot ko ang kanyang kamay at inaya siyang samahan ako sa aking pagtayo rito. Matapos nun ay sinabihan ko siyang gawin rin ang ginawa ko kanina. Noong una ay nag-aalangan pa siyang sumigaw pero sa pangalawang beses na aking pagpilit ay bumigay na rin siya. Ginaya niya lahat ng aking sinabi pati na rin ang pagtingala ko sa kalangitan habang sumisigaw. Makalipas ang ilang minuto ay hingal niya akong nilingon. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging maliwanag na ang kanyang ekspresyon, tulad ko ay nakaukit din sa kanyang mga labi ang isang malapad at matamis na ngiti. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng ibayong saya dahil sa ginawa namin pati na rin sa nasilayan kong kondisyon ng kanyang mukha. Sabay kaming napatawa dahil sa aming pinaggagawa. Isa iyong pambatang gawain dahil ginagawa ko iyon noon tuwing umaakyat ako sa ibabaw ng puno ng Dayonarra. Ang bigla na lamang sumigaw ng malakas sa kawalan habang nakatingala sa langit ay gawain ng mga bata. A foolish and abominable act, pero para sa amin ngayon ay naging instrumento ito para mailabas namin ang aming mga nakatagong hinanaing na siyang nagpapabigat sa aming mga puso at dahil nailabas na namin ito ay sa wakas at naramdaman na rin namin ang kaginhawaang matagal nang nawalay sa aming systema. Nang mahimasmasan sa aming pagtawa ay dahan-dahang bumalik sa pagka kalmado ang aming mga mukha, nahihingal pa rin pero kalmado na. Kapwa kami nagtitigan sa isa’t isa habang walang lumalabas ni isang salita sa aming mga bibig. Titig lang talaga ng naging tulay namin sa puntong ito para mabasa ang gustong iparating ng bawat isa. Ngumiti siya sa akin kung kaya’t nginitian ko rin siya pabalik kasunod nun ay ang aking biglaang pagtulak sa kanya na naging dahilan para tuluyan siyang mahulog sa tubig at mabasa ang buo niyang katawan. Sa paglutang niya ay sinalubong ko siya ng aking mapang-asar na tawa pero imbes na mainis siya sa aking ginawa ay ngumiti lamang siya matapos nun ay siya naman ang gumanti at hinila niya rin ako para mahulog din ang buong katawan ko palublob sa tubig. Sunod na nangyari ay siya naming pagnamnam sa bawat segundong saya na bumabalot sa aming mga sarili sa puntong ito. Naglalaro sa gitna ng tubig ng kambal na talon suot ang walang halong pagpapanggap na mga ngiti. . . [. . .] “Brone, kung sakaling magkaroon ako ng kasalanan sa ‘yo, mapapatawad mo pa ba ako?” Wala sa lugar na naitanong sa akin ni Raze. Tapos na kaming magtampisaw sa tubig at nagpapatuyo na lamang kami ngayon dito sa gilid, sa ilalim ng isang puno. “Tch, anong klaseng tanong ba ‘yan?” “Basta sagutin mo lang.” “Syempre, depende pa rin sa kung gaano kabigat ang kasalanang magagawa mo sa akin, pero kung magkaganon man ay hahanapan pa rin ako ng matinong rason para patawarin at intindihin ka. Itinuturing na kitang isang malapit kong kaibigan kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko para intindihin ang rason mo,” ani ko sabay pakita ng ngiti ko sa kanya. “Pero paano kung ang kasalanang iyon ay isang napakabigat na kasalanan. Isang kasalanang higit na sa kapatawaran ang bigat na dala?” Napatigil ako sa muli niyang tanong na iyon. Napaisip ako ng malalim dahil sa tinuran niya. “Well. . .” Bigla siyang tumawa ng payak, “Hindi mo kailangang sagutin pa ‘yon, sapat na sa akin na malaman ang sensiridad sa nauna mong sagot. Para sa akin ay sapat na bagay na iyon para panghawakan ko.” Hindi ko man maintindihan ang mga kasalukuyan niyang ikinikilos ngunit pinili ko na lamang ring umintindi sa paligid at hindi na nag-usisa pa ng matindi. Hinayaan ko na lamang na matapos ang aming pag-uusap na iyon sa ganoon niyang sinabing kataga. Makalipas ang ilang minuto ay muli na kaming bumalik sa aming dinaanan padiretso ng balik sa laboratoryo. Ganon pa rin ang nangyari, the whole drationg of our travel ay nakasakay pa rin ako sa likod ng lobo niyang anyo. Gusto ko mang magbagong anyo rin para makipagkarerahan sa kanya sa paunahang makarating sa laboratoryo ay pinigilan niya ako. Hindi pa raw kasi sanay ang karamihan sa kanyang mga kalahing makakita ng ibang lahing nasa loob ng kanilang teritoryo lalo pa kung nasa beast form ito. Baka maging sanhi lang iyon ng walang katuturang pag-panic ng lahat. Hindi ko na rin naman ipinilit pa ang kagustuhan kong ‘yon, kuntento na rin naman akong nakasampa sa likod niya habang nakahawak sa malambot niyang mga balahibo. “Daya ng dalawang ‘to, sila-sila lang ang nagsasaya ron samantalang kami rito tutok na tutok sa trabaho magdamag.” “Kasalanan ba naming pinili mong manatili rito kaysa lumabas at magsaya.” “Kahit na masyado pa rin kayong madaya, parang hindi mga kaibigan ah.” “Hoy, Ford, ‘wag mo ngang kaming sisihin at tsaka bakit kasi dito ka nagtatrabaho. Baka nakakalimutan mong hindi sa laboratoryo ang trabaho ng isang delta kundi ang magpatrol sa perimeter ng teritoryo.” Hindi na siya naka-imik pa sa sinabi kong ‘yon at bumalik na lang sa pagtulong kay Ike na mag-ayos ng mga malalaking box na hindi ko alam kung ano ang mga laman. Pagkarating namin dito sa laboratoryo ay bunganga niya kaagad ang bumungad sa amin. Since hindi naman palasalita si Raze sa iba ay ako lang ang sumagupa sa pagtatalak na iyon ni Ford. Sinisisi ba naman kami dahil hindi namin siya sinama sa pagligo namin doon sa talong pinanggalingan namin ni Raze. Unang-una naman ay biglaan lang ang lahat at maski ako ay hindi alam na doon pala ako dadalhin ni Raze and lastly, ay hindi na iyon magiging special surprise sa akin ni Raze kung pati siya ay isasama pa namin. Sino ba siya? “And by the way, hindi ka rin pwede roon. Exclusive lang ang talong iyon sa mga betas ang alphas. Delta ka, remember?” “Ka-kahit na, kaibigan pa rin ako ni Raze kaya exception ‘yon,” giit niya pa. “O siya, siya. Tama na ‘yang pagbabangayan niyo para kayong mga batang nag-aaway sa kaperasong candy, jusko.” Sabat sa amin ni Mrs. Veronica. “Redford, bilisan mo na ‘yang pag-a-arrange mo jan at marami ka pang gagawin banda ron. Brone, sumama ka sa akin, I have important matter to discuss with you.” “Ay ay, captain,” ani ni Ford na parang isang masunuring aso sabay saludo pa kay Mrs. Veronica, siniko naman siya ng katabi niyang si Ike. Nagtinginan kaming dalawa ni Raze bago ko siya iniwan saka sumunod kay Mrs. Veronica papasok sa kanyang opesina. “Kakabisita ko lang sa halamang nakadikit sa dambuhalang dahon mo kanina, Brone, at napansin ko ang drastic growth nito. In my assumption, tumutubo ito ng isang dangkal per hour and it’s not normal for a plant to grow that much in just an hour. At base sa teorya ko ay ilang araw lang ay magiging isa na itong ganap na malaking puno, hindi lang isang puno kundi isang dambuhalang puno.” “So, ano pong gusto niyong gawing natin?” “Minumungkahi kong ilabas na natin ito sa laboratoryo bago pa umabot sa ganoong punto, at dahil wala pa akong initial na kaalaman sa uri ng punong iyon ay hindi ko pa alam kung paano ang maayos na paglilipat nito kaya kailangan ko ang tulong mo upang humingi muli ng impormasyon kay Ace.” Hindi na nga ako magtataka kung umabot na nga ang ganitong sitwasyon patungkol sa halamang iyon since may napakalaking katawan nga naman ang puno ng Dayonaraa kumpara sa mga normal na puno. Ang hindi ko lang alam ay ang mabilis na pagtubo ng supling nito. “No need, ngayong bumalik na ang alaala ko I can easily guide you with that matter,” ani ko sabay ngiti kay Mrs. Veronica. “Well, good then. Patulong na rin tayo kay Raze para mapadali na lang ang proseso ng paglilipat.” *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD