BRONE’s POV
Panibagong bukas na naman ang sumalubong sa akin nang ako ay magising. Isang araw pala akong nakatulog at habang nangyayari ang hydrib solar eclipse. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Raze ay hindi ko namalayang madali lang din akong nahulog sa antok at dire-diretso ngang natulog.
Sa mga panahong natutulog ako ayon pa kay Raze ay parang wala na naman akong nararamdamang sakit dahil nakangiti na raw akong nahihimbing na natutulog. Sa buong araw din iyon ay wala man lamang kaalam-alam ang iba sa kung ano ang nangyayari sa akin.
Nalaman lamang ito nila Lixn at Ford nang matapos na ang ceremonya ng kanilang ritwal. Pagkagising ko nga ngayon ay mukha nilang tatlo ang bumungad sa akin. Nakwento na rin daw sa kanila ni Raze sa kung ano ang nangyari sa aking habang nangyayari ang solar eclipse. Syempre pwera na dun sa ginawa naming dalawa na masyadong maselan para ibahagi pa sa iba.
To my surprise ay marami-rami na pala silang nakakaalam ng tunay kong pagkatao at kung saang lahi ako nagmula. Ang sabi pa sa akin ni Ford ay noong gabing napulot daw ako ni Raze sa tabing sapa ay nasa anyong pusa pa raw ako ang buong akala nga raw ng lahat ng kanilang kalahing nakasaksi sa aking totoong anyo ay isa akong tagabantay ng buwan na bumaba sa lupa para magbasbas dahil sa angking kagandahan ng aking pusang anyo lalong-lalo na ang mala nyebeng puti ng balahibo nito na animo raw ay umiilaw kapag nasisinagan ng liwanag ng buwan.
I also asked them if they already know what and who I am then why they still keep me in their territory while in the first place feline and canine beings is really not that close to each other.
As usual ay ang madaldal na si Ford na naman ang sumagot sa akin. He said that they can’t let me just die there dahil sa utang na loob ng kanilang lahi sa amin. Tinanong ko kung anong klaseng utang na loob iyon pero hindi raw nila alam ang buong katotohanan tanging ang kanilang Alpha Leader raw ang nag-utos na ‘wag akong pabayaan. Ang ikalawang rason naman ay siyang talagang nagpabigla sa akin.
Dire-diretso at walang prenong pagsasbi sa akin ni Ford na kaya raw ako iniligtas ng mismong si Raze ay dahil ako ang kanyang mate.
I mean, yes, hindi na iyon bagong balita para sa akin dahil ikatlong beses ko na ata itong narinig pero narito pa rin ang sobrang pagkagulat dahil hindi ko lubos akalaing totoo pala ang tungkol doon. Ang buong akala ko kasi ay tanging babae at lalaki lamang ang pwedeng maging mate ng isa’t isa at hindi posible ang magkaroon ng isang kapares na galing sa kapwa mo kasarian.
“Brone, it’s already 21st century marami nang bagay ang imposible noon ngunit naging posible na ngayon. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi lang werecats and werewolf ang naiibang nilalang except sa mga tao sa mundong ‘to?”
Pinanlakihan ko ng mata si Ford dahil sa huli niyang sinabi at the same time ay natigilan na rin. I really don’t know how to process all the information I gathered in just a single amount of time.
Matapos nun ay nagtitigan lamang kami ni Raze, mata sa mata habang nakasuot sa aming mga mukha ang hindi maipaliwanag na espresyon, parang malungkot ngunit masaya.
I mean matapos mangyari ang pagniniig namin kagabi eh medyo naniniwala na rin akong siya nga ang mate ko. Kahit naman outsider ako sa pack na ito ay may kunting kaalaman pa rin akong nalalaman patungkol sa tradisyon ng kanilang lahi. Na ang isang lobong nakatali na ay hindi na pwedeng makipagtalik pa sa iba pwera sa nilalang na komukonekta sa isa pang dulo ng kanyang tali.
Kung ako talaga ang mate ni Raze ay hindi ko na alam kung gaanong saya ang pupuno sa aking puso kapag naproseso ko na ito ng maayos. I still have my doubts until now, not just because we have the same s*x but because we are not from the same kind of race. I am a feline and he is a canine. The two beings who consider one another as a mortal foe.
“So, kung totoo man na ako ang mate ni Raze eh sino ang sa ‘yo?” diretso kong pagtatanong kay Ford.
Napatikom na lamang siya ng kanyang bibig at hindi masagot sagot ang tanong kong iyon. Tinitigan ko pa siya ng mariin para piliting sumagot pero ayaw niya talaga kaya si Raze na ang tinitigan ko hudyat na sa kanya na ako humihingi ng kasagutan since magkaibigan naman silang dalawa.
Ilang segundo ring natahimik si Raze siguro ay nag-iisip ngunit sinagot niya pa rin naman ako.
“He has a special case.”
“What do you mean?” I replied.
“Ford had a premature picking. Ibig sabihin nun ay hindi sabay sa aming kaedaran niya ang pagpili niya ng kanyang magiging mate. Probably next year or next next year, worst ay hindi na talaga siya magkakaroon ng mate.”
Matapos magsalita si Raze ay ibinalik ko ang tingin ko kay Ford na bigla na lamang nawala ang energetic vibe bigla. Malungkot na ang kanyang mukha at parang naiirita.
“Why he looks embarassed?” Panloloko ko pa rito trying to provoke him para mas lalo pa talagang mainis, may feeling kasi akong big deal sa lahi nila ang pagpili ng magiging mate.
“He’s not embrassed more like... afraid.” Agad akong napalingon kay Raze dahil sa sinabi niyang iyon.
“You see, kung ang tulad naming mga lobo ay hindi makahanap ng aming kapares bago kami tumuntong sa edad na 30 ay pwede kaming maging isang rouge wolf.”
Kung hindi ako nagkakamali ay minsan ko nang narinig ang salitang ‘yon hindi ko lang masyadong maalala pero sigurado akong hindi magandang bagay kung sakaling mangyari iyon sa isa sa tulad nilang mga lobo.
“Pagkatungtong niya ng 30, habang lumilipas ang araw ay unti-unti ring mawawala ang pagiging isa niyang tao hanggang sa umabot na sa puntong isa na lamang siyang ordinaryong lobo na hindi kayang kumilatis sa masama at sa hindi. The only thing he will remember is his wolf instinct, to exterminate whoever is in front of him and consider all of the living as his prey.”
“Whoa, wait, bro. Napakalungkot naman ng mga pinagsasabi mo as if naman mangyayari talaga iyon sa akin. May limang taon pa ako para makahanap ng aking kapares, parang sa uri ng pinagsasabi mo ay siguradong-sigurado ka nang magiging isang rouge wolf talaga ako. ‘Wag ganon, brad. Masama ‘yon,” sabat bigla ni Ford.
Pinakita niya talaga sa aming hindi siya naaapektuhan sa mga sinabi ni Raze pero sa nakikita ko ay nangangamba rin siyang baka dumating ang panahon na mangyari ang ganoong bagay sa kanya. Ayaw man niyang aminin pero halata pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala sa posibleng mangyari sa mga susunod na taon.
Maging si Raze man ay kitang-kita rin sa kanyang mukha ang pag-aalala siguro dahil matalik niyang kaibigan si Ford at ang isang bagay na hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon na lang silang dalawa makareact sa bagay na iyon as if sure na sure silang napaka masamang bagay ng pangyayaring iyon. Na para banag nasaksihan na nila ito gamit ang sarili nilang mga mata.
[. . .]
“Brone.” Tawag sa akin ni Raze nang makapasok siyang muli rito sa kwarto ko. Nakakatayo naman ako at nakakalakad pero ayaw niya pa rin akong palabasin ng kwarto, baka raw bigla na lang akong manghina sa labas.
Lumapit siya sa aking at tumabi sa pagkakaupo ko rito sa kama. Maya-maya pa ay may hinugot siyang kung ano sa kanyang bulsa saka niya hinawakan ang aking isang kamay at pinabuka ang palad ko.
Nilagay niya roon ang parang isang necklace na may parang maliit na stick na gawa sa kawayan na nagsisilbing pendant nito.
“Ano ‘to?” pagtutukoy ko sa necklace na hawak-hawak ko na ibinigay niya.
“It’s a whistle, I personally ask Mrs. Veronica na gawin ‘yan. Gamitin mo ‘yan kapag kailangan mo ko sa tabi mo o kapag kailangan mo ang tulong ko, Kahit gaano pa ako kalayo sa ‘yo ay pinapangako kong darating ako kaagad sa tabi mo sa oras na hipan mo ‘yan.” Dire-diretso niyang wika habang nakakulong sa kanyang mga mata ang isang katapatan. A sincere word coming from him means a lot to me.
Tumawa ako ng bahagya habang nakatitig sa ibinigay niya sa aking kwentas. “Thanks, pero hindi ka na sana nag-abala pa, kaya ko namang protektahan ang sarili ko. I am not a damsel in destress or something wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin sa loob ng teritoryo niyo.”
Hindi na niya ako sinagot pa at isang mahigpit na yakap na lang ang iginawad niya sa akin kasabay ng isang masuyong halik sa labi bago siya tuluyang umalis para simulan na ang daily patrolling shift niya.
“Masyado naman atang clingy ‘tong lalaking ‘to,” wika ko sa hangin habang nakatitig lang sa pinto. Pagkatapos ay isinuot ko na sa aking leeg ang kwentas na aking hawak-hawak.
Lumipas pa ang napakaraming minuto at nagsasamula na akong mabagot dito sa loob ng kwarto ko. Wala naman akong ibang gagawin dito kundi titigan lang ang apat na sulok pati ang kisame rito. Kanina pa ako napapabuntong hininga ng paulit-ulit. Lakad doon, lakad dito. Upo roon, higa rito.
Ganon lang ang mga ginagawa ko sa nakalipas na mga minuto rito sa loob ng aking kwarto. Hindi na talaga ako nakatiis at kahit pa paulit-ulit na ibinilin sa akin kanina ni Raze na ‘wag na ‘wag akong lalabas ng kwarto ay hindi ko pa rin ito sinunod. Bakit ba, eh sa nababagot na talaga ako parang ilang sandali na lang at tuluyan na talaga akong mababaliw sa loob. Feeling ko nga nasa isang rehabilitation room ako ng mga oras na ito eh.
Tuluyan na akong nakalabas ng aking kwarto dahil hindi naman ito ni-lock ni Raze. Dumiretso kaagad ako sa kusina kung saan alam kong naroon si Lixn. Kahit pa paika-ika pa rin akong maglakad dahil sa masakit pa rin ang bandang ibaba ko ay maligalig ko pa ring pinuntahan si Lixn sa kusina. Nang matanaw ko na siya ay dali-dali ko na siyang nilapitan saka sabay hinila nang walang sinasabi.
Nagpupumiglas pa siya sa hawak ko at paulit-ulit na nagtanong sa kung saan ko siya dadalhin at kung bakit ako lumabas ng kwarto. Ako naman ay hindi sumasagot at todo hila lang sa kanya palabas ng bahay.
Nang medyo malayo-layo na kami ay saka ko lang siyang binitawan at nakangiting sinabi sa kanya kung saan kami pupunta. Noong una ay ayaw pa niya dahil baka raw pagalitan siya ni Raze pero hinila ko na naman siya ulit kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumunod sa akin.
Ilang minuto rin ang aming nilakbay bago naming narating ang lugar na tinutukoy ko. I need to refresh my self kaya dito ko dinala si Lixn sa lugar kung saan ako dinala nila Raze at Ford noon. Sa talon kung saan maligamgam at hindi malamig ang tubig.
Pagkatanaw ko sa rumaragasang tubig ng talon mula sa itaas ay sumilay kaagad sa aking mukha ang napakalapad kong ngiti. Walang ano-ano ay paika-ika akong tumakbo papunta sa mismong tubig ng falls na nasa ibaba saka tumalon rito. Rinig ko pa kung paano mataranta sa pagsisigaw sa akin si Lixn para pigilan ako pero wala pa rin siyang nagawa dahil tuluyan na akong nasa tubig ngayon.
Sa muli kong pag-ahon mula sa ilalim ng tubig ay bumungad kaagad sa aking ang puno ng pag-aalala niyang mukha habang nililibot ng tingin ang buong tubig.
“Come on, join me. Dinala kita rito para makapag-relax ka rin. Halika ka na, don’t worry safe naman dito.” Puno ng saya kong paanyaya sa kanya.
“Brone naman eh, pinapakaba mo ako. Tsaka hindi ako pwede rito. This place is only exclusive for Betas and Alphas.” Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay bahagya akong napabusangot pero kaagad ko rin namang ibinalik ang ngiti ko.
Nilapitan ko siya at hindi na hinintay pang matapos niya ang kanyang gusto pang sabihin at tuluyan ko na siyang hinila papunta rito sa tubig. Napasigaw pa siya nang malakas sa pagkabigla dahil sa biglaan kong paghila sa kanya papunta sa tubig, ako naman ay todo tawa lang.
*****