CHAPTER 19

2184 Words
BRONE’s POV “This place really is exclusive for Alphas ang Betas. Hindi tayo allowed dito, Brone.” “Ano naman, as far as I know walang nagmamay-ari sa kalikasan kung sino mang gustong i-appreciate ang ganda nito ay malayang magagawa. At isa pa, I've been here before kaya ‘wag kang mag-aalala, I’m your backer,” sagot ko kay Lixn na ngayon ay nakatampisaw na sa tubig ng talon katulad ko. Pinataas ko pa ang isa kong kilay at proud na proud sa aking mga pinagsasabi. Try lang talaga nilang pigilan kaming magsaya rito malalaman nila hinahanap nila. This is a public property of nature no one shall own it neither banned anyone who does not in line with their likeness. Hindi ko pinansin ang kaliwa’t kanang pagbubunganga ni Lixn at sige lang ako sa pagwisik sa kanyang ng tubig. Pumapasok pa nga ang iba nito sa bunganga niya dahil sa kakanganga niya, nasasamid pa siya at todo tawa lang ako kapag nangyayari iyon sa kanya. “Relax, Lixn. Gaya ng sabi ko dinala na ako rito ni Raze noon at wala namang pumigil sa amin kahit na I am an outsider at silang dalawa ni Ford ay delta. Kaya huminahon ka jan baka naman kasi nagbago na ang protocol ng pack niyo ngayon.” Natigilan si Lixn nang marinig niya ang pagbanggit ko sa pangalan ni Raze, hindi na siya nagbunganga pa at tumahimik na lang. “May problema ba?” I asked out of my confusion of her sudden change of mood. Hindi naman siya makatingin ng diretso sa akin. “No, wala. Kung ganon ay dinala ka na pala ni sir Raze rito noon?” tumango ako. “It means you already have the approval to wander the whole territory.” “Huh?” “Ah wala, I mean baka nga nagbago na ang protocol ng pack,” ani niya sabay pakawala pa ng isang pekeng tawa. Hindi ko na rin iyon pinagtuonan ng masyadong pansin ang importante ay hindi na siya mangunglit pa at sa wakas ay magiging masaya na lang ang pagligo namin dito. Sige lang ako sa paglangoy sa maligamgam na tubig ng talon habang paminsan-minsan ay naghahabolan kami ni Lixn. Kita ko naman sa kanyang mukha na nag-eenjoy nga talaga siya dahil nakikita ko na ang malapad niyang ngiti habang nakikipagtapunan ng tubig sa akin, bihira ko lang siyang makitang ngumiti kung ngingiti man siya ay isang payak na ngiti lamang at kaagad ring huhupa. Pero iba ngayon nafefeel ko talaga ang pagkatotoo ng bawat ngiting nakaukit sa kanyang mukha. “You know, Lixn. You’re much pretty when you smile, you should do it frequently.” I muttered out of my conciousness. Bigla naman siyang natigilan at parang nahihiya pa sa nasabi ko. We are in the middle of our fun swimming nang bigla na lamang may sumigaw sa amin. Sabay pa kaming napakislot ni Lixn nang marinig namin ang malakas na sigaw na iyon na nanggaling sa ‘di kalayuan. Ilang sandali pa ay may dalawang lalaking bigla na lang sumulpot galing sa likod ng mayabong na d**o at galit na nakatitig sa aming dalawa ni Lixn. Kita ko naman kung paano sumilay ang takot sa mukha ng kasama ko. Nakasuot sila ng damit na katulad sa isinusuot ni Raze sa tuwing patrolling shift nito kaya kung hindi ako nagkakamali ay isa rin silang mga delta. “Anong ginagawa niyo rito? Bawal ang ibang tao rito liban sa mga Beta at Alpha. Sagradong lugar ito ng aming lupon, bawal ang tulad niyong omega dito.” Sigaw sa amin nung isang lalaking may hawak na latigo sa kanyang kaliwang kamay. Nakipagpalitan ako sa kanila ng masamang tingin at sinigurado ko talagang hindi nila ako makikitaan ni katiting na sindak dahil sa kanila. Nung nainis ang mga ito at hindi na makatiis ay nilapitan na nila kami. Ako naman ay todo layo lang din sa kanila habang nasa likod ko si Lixn nagtatago. I’m not afraid of them, I can just slit them open in an instant using my bare hands. Nasa bandang malalim na kaming parte nitong tubig at ayaw na nilang sumunod pa sa amin kaya ang ginawa nung may hawak na latigo ay winasiwas niya ito patungo sa amin. Pumulupot ito sa kamay ko which is masakit din ang nagawa nitong impact, pero kapalit nun ay nahawakan ko naman ito. Walang ano-ano ay hinila ko ng malakas ang latigo na naging dahilan para mabitawan ito ng lalaki. “Ang titigas talaga ng ulo niyo ah. Hindi ba nasabi sa inyo ng mga ka-sector niyo na bawal kayo sa lugar na ‘to? Kung hindi kayo aahon jan sa tubig ngayon din ay mapipilitan kaming gamitan kayo ng dahas,” bulalas pa nung isa pa. “Brone, umalis na lang tayo. I told you this place is off limits,” usal ni Lixn sa likod ko habang napakahalata na ng kanyang panginginig. “Tsk, don’t underestimate me kung may sinabi akong pangako ay tutuparin ko iyon, isa pa dalawa lang sila. Kayang-kaya ko silang patumbahin ng hindi ako pinagpapawisan.” Confident kung sabi habang matulis na mga titig ang ipinupukol sa dalawa. Maya-maya pa ay bigla na naman kaming sinigawan nung isa at halata na talaga ang galit sa mukha nito. Pagkatapos ay bigla itong nag-ibang anyo kasabay rin ng isa pa nitong kasama. Naging isa silang malalaking itim na lobo na ano mang oras ay handang talonan kami. Out of my natural intinct ay bigla na lamang akong napa-react sa pagbabagong anyo nila at kaagad rin akong naging isang malaking puting pusa kasunod nila. Tumalon ako papunta sa lupa na nasa gilid lang ng tubig ng talon. Kaharap ko silang dalawa at kitang-kita ko kung paanong gulat at pagkabigla ang pumaskil sa pareho nilang mga ekspresyon. The moment na nakita nila akong nag-ibang anyo at hindi isang lobo ay para bang nabahag ang kanilang mga buntot. Bigla na lamang umalolong ang isa sa kanila hudyat na nagtatawag ang mga ito ng iba pa nilang mga kasama. Wala pa man ring isang minuto ay kaagad na ring nagsidatingan ang iba pa nitong mga kasama at pinalibotan nila akong lahat. Sa rami ng kanilang bilang ay hindi na ata ako ganon ka tiwalang makakaya ko silang talunin lahat. [. . .] “You will stay here until we gone into conclusion that you bring no harm to our pack,” wika sa amin ng isang delta matapos kami nitong itapon sa loob ng isang silda. Isang tunog ng pag-lock ang aking narinig hudyat ng pagkandado nito ng pinto nitong silda saka tuloy-tuloy kamign tinalikoran. Sigaw pa ako nang sigaw na pakawalan niya kami pero parang bingi lang itong walang naririnig kahit pa napakalakas na ng bawat paghiyaw ko. “Tama na ‘yan, Brone. Hintayin na lang natin kung kailan malalaman ni sir Raze na nawawala tayo sa bahay at tiyak na kaagad tayong hahanapin nun,” biglang pagsalita ni Lixn na ngayon ay nakasalampak na sa lupa. Napabuntong hininga na lamang ako matapos kong magsisigaw at hinihingal na napasandal sa pader na yari sa kahoy. Kulungan ba talaga ‘to ng tao ang pinaglagyan nila sa ‘min o isang kulongan ng hayop. Wala man lang kalinis-linis. Nagkalat ang mga dayami sa lupa at napakabaho pa ng amoy na nakakalat sa hangin. Isa pa sa ikinagagalit ko ay hindi man lamang nila kami binigyan ng matinong kasuotan. Pinabayaan lamang nila kaming magsuot ng mga basang damit at hindi man lamang nila kami binigyan kahit na basahan man lang. Napunit pa ang suot kong damit dahil sa biglaan kong pababagong anyo kaya ang result ay nakatapis lang ako ngayon ng isang tuwalyang basang-basa rin. “Hindi ba nila tayo kilala? Ako o si Raze. Hindi ba nila alam na ako iyong natagpuan ni Raze sa tabing sapa?” Naiinis kong pagtatanong kay Lixn. Ilang segundo siyang natahimik bago niya ako tuluyang sagotin. “As you already know eh masyadong malawak itong teritoryo namin. Hula ko ay sa ibang kampo nakatalaga ang mga delta na nakahuli sa atin. They don’t know any person named Raze.” “What do you mean?” “I am not in a position to tell you the thing about it. Better ask sir Raze.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako. “Galit ka ba sa ‘kin, Lixn?” Hindi siya sumagot at nagpasawalang kibo lang. Hindi na rin ako nangulit pa at pinili na lang na manatili rin sa salungat na pwesto ng sa kanya. Obvious naman kasing galit talaga siya sa akin at tanggap ko iyon dahil dinamay ko pa siya sa kagaguhan kong ‘to. Kung nakinig lang talaga sana ako sa kanya na manatili lang kami sa bahay ay hindi na sana nangyari ang lahat ng ito. Kaya tinatanggap kong kasalanan ko ang lahat. “Hindi ako galit sa ‘yo at hindi ako kailanman magagalit sa ‘yo, sadyang nagtatampo lang ako kasi hindi ka kaagad nakinig sa akin.” Bigla niyang pagsasalita habang nakatalikod pa rin sa pwesto ko. “I’m sorry.” Tumahimik na muli siya kaya tumahimik na rin ako. Nanlalamig na rin ako sa puntogn ‘to dahil sa tanging nag-iisang tuwalya lang ang nakatakip sa buo kong katawan ngayon, basa pa. Hindi ko alam kung magtatagal ba ako sa ganitong estado sana lang ay mahanap kaagad kami ni Raze. Dumidilim na ang langit na nakikita ko rito sa loob gamit ang may kaliitang awang, kaya’t alam ko nang ano mang sandali ay maggagabi na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nahahanap ni Raze. Nakauwi na kaya siya o baka naman nasa kalagitnaan pa siya ng pagpapatrolya niya ngayon. Tiningnan ko ang gawi ni Lixn at nakita kong nanginginig na rin ito sa ginaw gustohin ko mang ibigay sa kanya ang tuwalya ko ay hindi ko magawa dahil nga’t magiging hubo’t hubad na ako pag ginawa ko ‘yon. Maya-maya pa ay biglang nagbukas ng pag-uusap si Lixn. “I really don’t know what your relationship with sir Raze pero base sa uri ng pagpapahalaga at pag-aalaga niya sa ‘yo masasabi kong isa kang mahalagang parte ng kanyang buhay.” “Well, sabi nila eh ako raw ang mate niya. Hindi ko lang alam kung totoo ‘yon at hanggang ngayon ay duda pa rin ako sa mga pinagsasabi nila.” “Kung ‘yon ang sinasabi ng karamihan ay hindi talaga malabong mangyari iyon. You see, posible rin sa aming mga lobo ang magkaroon ng kapares na hindi namin kalahi. Karaniwang nangyayari ito sa lahi ng mga tao.” “What do you mean?” “Alphas and Betas can be mated with other races and kinds. Aside from them having a high position on our pack they are also especial in terms of privileges. Isa na nga roon ang malayang makakapili ng kapares kahit na hindi nila ito kalahi.” “Pero hindi ba eh Delta si Raze, maari din ba iyong mangyari sa mga delta?” “No, not really only alphas and betas can do that. And it’s very rear usually their fate is intwined with unavoidable curse or promised done by the past.” Matapos iyong sabihin ni Lixn ay hindi na ako nakapagsalita pa. I really have my suspicions with the real identity of Raze at unti-unti na itong nabibigyang linaw ngayon, sa kung bakit kabisadong-kabisado niya ang chamber ng alpha leader nila at sa kung bakit parang barkada lang ang turing niya kay Izy. All things really lightened up now. I really need to confirm all of this with Raze. Parang may gusto pang sabihin sa akin si Lixn pero hindi niya ito masabi, sa huli ay pinili niya na lamang na ibahin ang aming usapan. “Yesterday, when you suffer with the effect of solar eclipse. Ang totoo ay may mahalagang gampanin talaga si Raze sa ritwal namin pero nang mapansin niyang matagal ka nang hindi nakakabalik ay wala siyang pagdadalawang isip na iwanan ang tungkulin niya para sa’yo. He really prioritizes you over everything. Dahil dun ay hindi nangyari ang ritwal kahapon at unang beses pa lamang iyong mangyari sa buong kasaysayan ng aming lupon.” She paused momentarily, “I am not blaming you for what happened instead I admire you. Kaya kang unahin ng taong pinapahalagahan mo kahit pa gaano kabigat ang kapalit nito. He value you safety more than his self.” Hindi ako nakatugon, nanatili lang akong tulala doon habang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang bawat sinabing iyon ni Lixn. I don’t know how to react. Should I be happy by how Raze value me or should I feel guilt for what is the consequence of it. “Then... what is the consequence of it?” “Nothing particular, just... as the ritual interrupted the blessing from the moon that all male wolf should enjoy were also canceled.”   *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD