CHAPTER 20

2219 Words
BRONE’s POV “Hoy, someone over there. Hindi niyo ba ako nakikilala. Ako ‘to galing sa lahing pinagkakautangang loob ng lahi niyo. Kaya palabasin niyo na ako rito. Argh!” Sinisigawan ko ‘yung dalawang nakabantay sa may b****a nitong kulongan. Nagbubulongan sila sa isa’t isa, siguro ay iniisip nilang nababaliw na ako at kung ano-anong salita na lang ang lumalabas sa bibig ko. “Ano ba palalabasin niyo ba kami rito o makakatikim kayo ng hagupit ng karmang dala ko. Ang banton na ng amoy namin wala pa kaming tuyo at matinong suot,” sigaw ko ulit pero ganon pa rin sila, hindi pa rin nila ako pinapansin. Sa inis ay napabalik na lamang ako sa aking pagkakaupo sa lupa at nagmamaktol. Gabi na talaga at hanggang ngayon ay ni anino ni Raze ay hindi ko pa rin maramdaman dito para sunduin kami. Kahit anong ulit kong sabihin sa mga bantay ang pangalan niya ay parang hindi man lamang sila pamilyar sa pangalan niyang iyon. Kung tama nga ang aking hinala na isa ngang Alpha si Raze at hindi isang Delta ay dapat alam ng lahat dito ang pangalan niya dahil nasa pinakamataas siyang rango. Napapabuntong hininga na lamang ako dulot ng pagkabagot at lubos na inis sa nangyayari. Ang buong akala ko pa naman ay magiging magandang araw ito para sa akin, ano ba ang nangyari at nauwi sa ganito kamalas na pagkakataon ang lahat. Ilang sandali pa akong nagsenti roon hanggang sa may narinig akong mga yapak na palapit sa amin. Napalingon kaagad ako sa pinanggagalingan ng mga yapak na iyon sa pag-aakalang si Raze na ‘yon at sa wakas ay makakauwi na rin kami. Nakita kong yumuko ang dalawang bantay sa mga bagong dating at base sa naging reaksyon nila tungkol dito ay masasabi kong importanteng tao ang dumating na iyon. “Magandang gabi po, kung hindi niyo po mamarapatin ay sa anong dahilan bakit kayo naligaw sa lugar na ito?” ani ng isa sa dalawang bantay habang pinipilit nitong hindi mautal. “I just need to fetch a special person held in this shabby place,” sagot ng isa sa mga bagong dating. Pamilyar sa akin ang boses na ‘yon. May suspetsya na ako kung sinong tukmol ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Maya-maya pa ay humakbang ito upang masa makalapit sa mismong sildang pinagkukulongan sa amin ngayon ni Lixn. At hindi nga ako nagkakamali sa aking hinala, dahil ang boses na iyon ay nangagagaling sa nilalang na talagang tumataas ang aking balahibo sa tuwing nakikita ko ang mukha nito. Si Izy, ang kanang kamay ng alpha leader at isang mahikero. Sa likod niya ay naroon ang apat na mga taong hindi ko kilala pero base sa suot nila ay isa silang mga Beta. “Long time no see, Brone. It’s been a few days since we last saw each other. I’m sure you don’t forget this charming face of mine. Don’t you?” Nakangiting usal niya sa akin. Napangiwi pa ako sa mga pinagsasabi niya, kilabutan kaya siya. Hindi ko naman alam na ganito pala ka boastful ‘tong taong ‘to. Bukod pa ron ay lalo ko talagang ikinadismaya na hindi si Raze ang dumating sa harap ko ngayon. Sa lahat ba naman ng kamalasang dadagdag sa alalahanin ko sa mga oras na ito ay si Izy pa. “Anyway, andito kami para sunduin ka. The alpha leader wants to meet you again.” Matapos niyang sabihan iyon ay sinenyasan na niya iyong dalawang bantay na agad namang tumalima para buksan ang sildang pinagkukulongan nila sa amin. Pagkatapos ay binitbit na kami ng apat na kasama ni Izy kasama nila sa chamber ng alpha leader. Hindi ko na rin pinilit pang magpumiglas pa at hindi ko naman nararamdaman na may ulterior motive ‘tong mokong na ‘to sa ‘kin ngayon. Ilang minutong paglalakad at narating na namin ang chamber ng alpha leader. As usual dinala kami ni Izy sa bulwagan nito pero wala na naman akong naabutang panauhin doon. Tas bigla kong naalala na hindi ko pala dala iyong potion na bigay sa akin ni Mrs. Veronica upang panlaban kay Izy. Kinabahan tuloy ako dahil baka bigla na naman akong gamitan ng mahika ng may saltik ng mahikerong ‘to at wala na naman akong magagawa. Nabasa ata niya ang iniisip ko dahil bigla na lamang siyang nagsalita patungkol sa naiisip ko. “Wag kang mag-alala hindi na kita gagamitan ng kapangyarihan ko, takot ko lang sa lalaking bumabakod sa ‘yo. Ang about last time I’m sorry it was just part of my natural instinct to play others with my magic.” Magic mo mukha mo. Kapal din ng mukha nito para ibalandra talaga sa harap kong natural intinct lang niya ang paglaruan ang iba. Gusto ko sana siyang sumbatan ng harap-harapan kaso ‘wag na lang at mahirap na, baka bigla na namang gawin ang sinasabi niyang natural instinct niya. “Ahm, before anything, can you do anything about our situation right now,” usal ko. Napatingin naman sa aming dalawa ni Lixn si Izy at nakuha kaagad nito ang sinasabi ko. Pinagalaw lang niya ang isa niyang hintuturo at may mga damit na kaagad na nagsiliparan palapit sa amin na hindi ko alam kung saan nanggaling. “May banyo sa bandang kanan. Doon na lang kayo magbihis, bilisan niyo at maya-maya rin ay darating na si Vlad. Especially you, Brone.” Wala na kaming sinayang pang sandali ni Lixn at agad-agad na kaming tumakbong papunta sa direksyong sinasabi ni Izy upang magbihis. Hindi naman kami nahirapang makita ang banyong iyon kung kaya’t mabilis lang din kaming nakapagsimulang magbihis. After a few minutes ay nakabalik na kami ang I’ve never felt this fresh before. Nagbanlaw na rin kasi ako saglit para mawala ‘yong bantot na dumikit na talaga sa balat ko kanina. Medyo malaki sa akin iyong binigay na damit ni Izy suspetsya ko ay sa kanya ‘to since may pagkakapareha ang motif nito sa suot niya ngayon. Ganoon rin ang suot ni Izy. Tinitigan ako ni Izy mula ulo hanggang paa saka niya binalingan ng tingin si Lixn. Nagsenyas siya rito saka biglang tumalikod si Lixn para iwan kami. Pipigilan ko pa sana ito sa pag-alis nang pigilan din ako ni Izy. “Ano bang kailangan ng alpha leader sa ‘kin this time?” “I don’t know basta ang utos lang niya sa akin ay sunduin ka sa pagkakakulong mo at dalhin ka rito. Nothing more, nothing less.” Niknik niya as if maniniwala ako sa alibi niyang iyon. Alam niya ang dahilan ng pagtawag sa akin dito ayaw lang talaga niyang sabihin sa kung ano mang dahilan na hindi ko mahulaan. Ilang saglit pa ay napansin ko na lamang ang dahan-dahan niyang paglapit sa pwesto ko. Napatuod lang naman ako ng tayo sa aking pwesto habang siya ay naglalakad paikot sa akin. “Hmmm, I see. He already put a mark on you. Clever, a very clever action of yours, Raze.” Hindi ko naman alam kung ano ang mga pinagsasabi niya pero napansin kong nakatungo lang ang titig niya sa bandang leeg ko. “Akalain mo ‘yon ilang araw pa lang ang dumaan at naangkin ka na niya. Masyado ba siyang mabilis o sadyang masyado ka lang talagang mapagbigay, huh, Brone?” Medyo na-intimidate ako sa uri ng tanong niyang iyon sa akin kaya nauutal akong sumagot sa kanya. “Ano bang sinasabi mo... diretsahin mo na nga at ‘wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.” Tumawa siya ng medyo may kalakasan na parang pinagtatawanan niya ang pagpapa-inosente ko which is totoo naman talagang hindi ko siya nage-gets. “Nevermind, buhay niyo naman ‘yan at wala sa bukabolaryo ko ang manghimasok sa buhay ng iba. It’s none of my business after all.” Liar, a douchebag and a terrible liar. Ilang minuto pa ang dumaan at sa wakas ay dumating na rin ang nagpatawag sa akin sa lugar na ito. Nakasuot na naman ito ngayon ng napakahabang roba na nakasadsad na sa sahig. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng suot niya lalo na ang bandang dulo na nasa sahig na parang may nakapatong atang limang kilong bato. Umupo ito sa kanyang trono saka naman mabilis itong nilapitan ni Izy. Nanatili si Izy sa gilid nito. “As you told me. I already bring him here unscathed and in a whole piece,” Panlolokong sabi ni Izy sa kanya nang makarating ito sa kanyang tabi. I am not in a mood para magbigay galang sa taong ‘to ngayon kaya hindi ako yumuko sa harap niya bagkus ay nakipag paligsahan pa ko ng titig. “Raze is busy with his responsibility and the punishment for his discourtesy yesterday kaya ako na lamang ang kusang nagpasundo sa ‘yo sa kulongan.” “Punishment? What kind of punishment?” “You already know wha—” sasabat sana si Izy pero pinigilan siya ng alpha leader sa pammagitan ng pagtatas ng isang kamay nito. “Don’t worry it was just a minor drawback for what he has done yesterday. It won’t last long.” Kahit pa ganon na ang sinabi mismo ng alpha leader ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala lalo pa’t alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit iniwan ni Raze ang napaka-importante niyang tungkolin sa ritwal nila. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng masasamang bagay. “About our last encounter. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa pagtataas ko ng boses sa iyon. Alam kong nawalan ka ng ala-ala at maging ikaw man ay nahihirapan din sa kasalukuyan mong sitwasyon. Inaamin kong may kasalanan ako sa ginawa kong panunumbat sa iyo ng mga bagay na wala kang kaalam-alam.” Napakalambing ng pagkakasalita niya nun at damang-damang mo talaga ang sensiridad sa kanyang pagsasalita. Mabait naman pala itong alpha leader na ito siguro nga ay may kung anong masamang bagay lang talagang nagawa ang mga ninuno o kalahi ko sa kanya noon. “Kung hindi niyo po mamasamain ay gusto ko sanang malaman ang buong detalye ng dahilan sa kung bakit ganoon na lamang ang naging bungad niyo sa akin noon.” Hindi kaagad sumagot ang alpha leader bagkus ay tinitigan lang niya ako ng ilang segundo wari ay nag-iisip pa ng malalim. Ilang sandali pa ay narinig ko siyang bumuntong hininga. “Sa tamang panahon ay sasabihin ko rin sa iyo ang lahat KUNG hindi ikaw mismo ang makatuklas nito. Sa ngayon ay umuwi ka na muna at magpahinga alam kong mahabang araw para sa iyo ang nangyaring solar eclipse kahapon.” Sinabihan niya pa si Izy na ihatid ako pauwi pero ako na rin ang nag-insist na ‘wag na at medyo kabisado ko na rin naman ang daan pauwi. Kasama ko naman si Lixn kaya hindi na rin ako maliligaw. Habang nasa daan ako pauwi ay hindi mawaglit sa isip ko ang kasalukuyang sitwasyon ni Raze pati na rin ang mga katanungan ko patungkol sa dahilan ng galit ng alpha leader sa aking lahi. Kailan kaya mauulit muli ang pagkabangungot ko upang kahit na sa ganon ay may maalala man lang ako. Mas pipiliin ko pang bangungotin nang maibalik ang nawala kong mga ala-ala kesa sa mahimbing ang aking tulog pero bulag naman ako sa nakaraan. Tuluyan na kaming nakabalik sa bahay at dumiretso na kaagad si Lixn sa kusina para magluto nang makakain namin, habang ako naman ay nasa sala lang naghihintay sa pag-uwi ni Raze. Lumalim nang lumalim na nga ang gabi pero ni anino ni Raze ay wala pa rin akong nahagilap. Pinauna ko nang pinatulog si Lixn at hindi talaga ako makatulog sa kakaalala kay Raze. Nakaupo lang ako rito sa sala habang nakatanaw sa malayo gamit ang bukas na bintana. Tinatanaw ko ang daan kung saan ko kadalasang nakikita si Raze na dumadaan sa tuwing pauwi siya pagkatapos ng kanyang pagpapatrol. Bakit nga ba wala akong napansin na may kapalit pala ang ginawa niyang pag-aalaga sa akin kahapon habang may nagaganap na ritwal sa labas. Sa sobrang ukupado ng buong isip ko ng mga sandaling iyon ay hindi ko na naisip ang tungkol kay Raze. Nakakaramdam ako ng konsensya at kung may pwede lang akong gawin para makabawi ay gagawin ko. Mhaigit kalahating oras pa ang nagdaan at wala talaga akong ibang ginawa kundi tumitig lang sa labas ng bahay. Nakakaramdam na ako ng antok pero pilit ko itong nilalabanan. Hindi ako pwedeng matulog hangga’t hindi ko nasisigurong makakauwi si Raze rito ng walang bahid ng kahit ano mang sugat o pasa sa katawan. Maya-maya pa ay isang bulto na ng tao ang nakikita kong naglalakad palapit sa bahay. Tinitigan ko ito ng mariin hanggang sa masiguro ko na ngang si Raze nga ang taong iyon. Sa saya ko ay wala akong sinayang na oras at kaagad na akong lumabas ng bahay para salubongin siya. Ngunit napapitlag ako sa sandaling magkalapit kami sa isa’t isa. Ang inaasahan kong uuwing Raze na pagod lang at wala nang iba ay umuwi ngayong puno ng sugat at mga natuyong dugo ang buong katawan. *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD