CHAPTER 21

1451 Words
BRONE’s POV Wala na akong sinayang pang oras at kahit sobra na ang pangangatog na binte ko ay pinilit ko pa ring tumakbo para malapitan siya. Pagewang-gewang na ang kanyang paglalakad at halata pa ang bukol na kanyang natamo sa kanyang isang mata, na para bang may malakas na sumuntok dito o tumama ito sa matigas na bagay. Hindi ko na maipaliwanag ang pag-aalalang kumalat sa buong sistema ko ngayon. Naiiyak na ako lalong-lalo na nang sandaling tuluyan ko na siyang malapitan. Bigla siyang nawalan ng balanse at mabuti na lamang ay nasalo ko kaagad ang kanyang katawan. Tumingala siya sa akin at kahit puno na ng bugbog at pasa ang kanyang mukha ay pinili niya pa ring ngumiti. Imbes na gumaan ang loob ko dahil sa ginawa niyang iyon ay naging dahilan pa ito para tuluyang tumulo ang aking luha. “Anong uri ba ng parusa ang pinagdaanan mo para ganto kagrabe ang abutin ng katawan mo?” wika ko habang inaalalayan siyang makatayo muli ng maayos. Muli ulit siyang ngumiti at sa gitna ng kanyang mahihinang pagdaing ay sumagot siya sa akin. “Wala ito... malayong karanasan ang isang ‘to kumpara sa mga naranasan ko na noon. ‘Wag kang mag-alala pagkatapos ng dalawang araw ay mawawala na rin ‘tong mga nasa katawan ko.” Kumirot na nang kumirot ang aking puso habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niyang iyon. Kasalanan ko itong lahat, kung sana ay nalaman kong may mabigat na parusa pala ang pagiging makasarili ko ng gabing iyon ay sana’y hindi na nangyari ito kay Raze. Kung sana ay pinaalis ko na lamang siya kaagad sa halip na makiusap tungkol sa ibang bagay ay wala sanang Raze na nakatayo ngayon sa harapan ko na puno ng pasa at sugat ang buong katawan. Gusto kong yumakap sa kanya para maibsan ang konsensya at sakit sa aking damdamin ngunit nangangamba akong baka lumala lang ang paghihirap niya kapag ginawa niya pa iyon. Nanatili lamang ako roon habang umiiyak at sinusuyod ng tingin ang buo niyang tindig. Maya-maya pa ay naramdaman kong inabot niya ang aking dalawang kamay, ikinulong niya ito sa gitna ng kanyang mga palad at saka tinitigan ako diretso sa aking mata. Ang mga magaganda at napakatingkad niyang kulay berdeng mata ay kasalukuyang nakatingin hindi lamang sa aking kundi sa sarili kong diwa. “Hey, wala kang kasalanan. I choose to stay with you that night, it’s all part of my decision, you don’t have to be guilty of things that you are not responsible for in the first place.” Sincere siyang tumitig sa akin habang ipinapakita niya ang kanyang malapad na ngiti, pilit niya akong kinukumbinse na wala akong kasalanan sa kahit na ano mang nangyayari sa kanya noon. “Pero—” “Shhh, this is my punishment at buong puso ko itong tatanggapin, at kahit pa ilang ulit ko itong maranasan ay muli at muli kong tatanggapin basta’t para sa ‘yo.” Wala na akong nasabi at tuluyan na nga akong napaiyak at humagulhol sa kanyang mga bisig. Umiyak ako nang umiyak at kahit pa napakalakas ng aking maghagulhol ay wala akong paki-alam, kahit pa natutulog na ang lahat ng mga taong nasa loob ng bahay na nakapalibot sa amin ngayon. Inalalayan ko na siya papunta sa bahay saka ko siya dahan-dahang pinaupo sa sofa. Kukunin ko na sana ang first aid kit para gamutin ang mga sugat niya nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagpulupot niya ng kanyang mga braso sa aking bewang. Napabuntong hininga ako. “Raze, bitaw na. May posibilidad na maggrabe ‘yang mga sugat mo kung hindi natin ‘yan gagamotin kaagad.” Nag-stay kami sa ganoong posisyon ng mahigit dalawang minuto hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan. Kinuha ko na agad ang first aid kit saka dali-daling bumalik sa pwesto niya. “Saan ka ba kasi galing at ganito ka grabe ang natamo mong mga sugat sa katawan?” ani ko habang inilalabas ko lahat ng kakailanganin sa paggamot. “As a form of punishment ay pinapunta ako ng aming alpha leader sa kaibigan naming tribo ng mga uso.” “Tribe of Bears? Ano namang ginawa mo ron at bakit doon pa?” “Konektado na ang aming pack at ang tribo nila matagal na panahon na at bilang patunay nun ay sila ang taga-bigay ng parusa sa mga kalahi naming nakaroon ng mabigat na kasalanan katumbas naman nun ay kami rin ang taga-bigay ng parusa sa mga kalahi ng tribo nilang magkakaroon ng mabigat ding kasalanan.” So, it was giving and taking. A rotation of responsibility oath by two races. Exchanging punishment for the preservation of an old pact. “I sparred with their best combat hero but unfortunately he was far much stronger than I anticipated.” Dagdag niya pa. Natahimik na ako at sinimulan nang gamuting ang kanyang mga sugat. Napadaing pa siya nang ‘di ko sinasadyang maidiin ang bulak sa isa niyang may kalakihang pasa. “I’m sorry,” I said in a monotonous tone, it was a phrase with a double meaning. At alam kong nakuha niya iyon. Napansin ko rin ang bahagyang pagkalma ng kanyang katawan at ang dahan-dahan niyang paghinga ng malalim.Tumingala ako sa kanya at malulungkot niyang mga mata ang sumalubong sa akin. “Wala kang dapat ihingi ng tawad. Desisyon ko ang lahat ng ‘yun at kahit pa mangyari iyon muli ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. You are far more important to me than anything else in this world, always remember that.” Pagkatapos nun ay bigla na lamang niya akong hinalikan sa labi. Isang masuyong halik na banayad lamang at walang halong ibang itensyon kundi iparamdam lamang sa aking ang kapayapaang kanyang gustong iparamdam. Dahan-dahan lamang ang paggalaw ng aming mga labi na sumasabay sa bawat pa kilos ng kamay ng orasan. Ninanamnam ang damdamin ng bawat isa. Makalipas ang mahabang minuto ay ako na ang unang bumitak sa aming halikan. Sandali niyang ipinagdikit ang aming mga noo sumunod ay hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi habang naka-lock pa rin ang aming mga tingin sa kapwa naming mga mata. Napatawa na lamang ako sa hindi malamang dahilan at sumunod naman siya. Pagkatapos ng madamdaming pangyayari kani-kanina lamang ay hito na kami at nagtatawanan sa bawat isa nang wala man lamang matinong dahilan. Parang mga timang. Pero wala kaming paki-alam doon ang importante sa amin ngayon ay ang unti-unti naming pagnamnam sa aming mga masasayang pinagsamahan. May mga malulungkot mang pagdadaanan pero hangga’t nariyang ang pagdadamayan ay hindi mapuputol ang pag-aalaga sa bawat isa. “Masakit ba?” tanong ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ko na ang panggagamot habang nakangiti na. Tumango-tango naman siya hawak niya ngayon ang isa kong kamay na paminsan-minsan ay hinahalikan niya at idinadampi sa kanyang pisngi. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng mga paru-parong nagsisiliparan sa aking sikmura kapag ginagawa niya iyon. Sa likod ng nakabusangot palagi na mukha ng lalaking ito ay nakatago pala ang malambing na kanyang ibang personalidad.   [. . .]   Pagkagising ko kinaumagahan ay pinuntahan ko kaagad si Raze sa kwarto niya ngunit hindi ko na siya naabutan doon, ang sabi naman sa akin ni Lixn na umalis na raw ito ng maaga at mag importante raw na gagawin. Tinanong ko na rin kung ano iyon pero maging si Lixn ay hindi rin alam. Nagtaka naman ako kung bakit napakaagad ata ng pag-alis nito gayong marami pa itong iniindang sugat sa katawan at nasa kalagitnaan pa ito ng pagpapagaling. Maiintindihan naman siguro iyon ng mga kasama niya kung kahit ngayon lang ang liliban muna siya sa kanyang tungkolin sa pagpapatrolya. May hindi ako magandang kutob na nararamdaman sa nangyayari kaya kaagad na akong naghanda at walang ano-ano’y nilisan na ang bahay mag-isa. Sa kung saan ako pupunta ay hindi ko alam basta’t ang importante sa akin ngayon ay mahanap si Raze at masiguradong nasa mabuti itong kalagayan ngayon. Naglakad ako sa kahit saan mang direksyong tatahakin ng aking mga paa. Naliligaw at pati man ang aking isipan ay magulo rin dahil hindi ko maisip-isip kung saan ko pwedeng hanapin si Raze ngayon. Sa aking paglalakad ay dinala ako ng paa ko sa isang ‘di pamilyar na lugar sa akin. Isang napakagadang puno na mayabong ang nasa aking harapan habang sa ilalim nito ay dumadaloy ang napakalinaw na tubig sapa. Sa ‘di kalayuan naman ay napansin ko ang dalawang lalaking magkaharap at parang napakaseryoso ng kanilang pinag-uusapan. Sa sobrang seryoso nito ay mararamdaman mo na talaga kung gaano kalakas ang enerhiyang bumabalot sa kanilang dalawa.   *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD