CHAPTER 22

1181 Words
BRONE’s POV Nakatayo ngayon ang dalawang lalaking magkaharap hindi kalayuan mula sa pwesto ko. May pinag-uusapan sila pero hindi ko masyadong marinig dahil sa malayo rin ang pagitan namin. Base sa ekspresyon ng mga mukha nila ay napakaseryoso talaga ng kanilang usapan. Unti-unti akong humakbang palapit sa kanila upang mas maaninag ko ang mga mukha ng mga ito. Na-curious na rin ako dahil sa lakas ng kutob ko sa kung sino ang mga ito. “This isn’t the right time for you to show up here.” “Bakit, dahil ba may namumuong magandang bagay na sa inyong dalawa? Tandaan mo sa simula pa lang ay alam nating dalawa na alam mo na kung anong namamagitan sa amin. Ngayon, kung gusto mong magbulag-bulagan at kalimutan lahat ng napag-usapan natin ay hindi kita pipigilan patungkol doon pero ito lang ang tatandaan mo. Sa lahat ng desisyong gagawin mo, mabuti man o masama, palagi itong may kaakibat na kapalit.” Iyon ang naabutan kong mga palitan nilang salita matapos kung makalapit sa pwesto nila. Hindi muna kasi ako nagpakita at minabuti ko na lamang na magtago muna likod ng katawan nitong napakalaking puno para makinig muna sa pinag-uusapan nila. Alam kong maling makinig sa pribadong pag-uusap ng iba pero tinamaan lang talaga ako ng kuryosidad ko kaya pinili ko ang desisyong iyon. Kilalang kilala ko kung kaninong boses ang isa sa kanila at pati rin doon sa isa pa. Pamilyar siya sa akin ngunit malabo rin, para bang narinig ko na ito ngunit hindi ko lang maalala kung saan. ‘Yung para bang nagsasalop ka ng tubig gamit lamang ang mga palad mo pero kahit anong gawin mo, kahit na abot kamay mo na ang tubig ay hindi mo pa rin ito mailagay sa mga palad mo. Napansin kong wala na akong narinig na pag-uusap at medyo mahaba-habang sandali na rin ang dumaan kaya nagpasya na akong silipin ang pwesto kung saan nag-uusap ang dalawang lalaking iyon. Pagkasilip ko sa kanilang pwesto ay nagtaka ako dahil kapwa ang dalawa ay wala na roon. Tuluyan na akong lumabas sa pagkakatago at napalingon sa paligid pero hindi ko mahanap ni anino ng mga ito. Maya-maya pa ay bigla na lamang akong napatalon sa gulat dahil sa narinig kong pag-ubo ng kung sino man na nasa likoran ko na ngayon. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi nito, mabagal pa sa snail o sloth ang paglingon ko kasabay nun ay ipinikit ko rin ang aking mata at kagat-kagat ang aking ibabang labi. Lumipas ang ilang segundo at tuluyan na akong nakalingon sa gawi ng umubo kanina. Mabilis akong dumilat at tumambad sa aking harapan ang mukha ni Raze at ng kanyang kasama na napakapamilyar talaga sa aking paningin pero hindi ko ito maalala. Sa isang iglap ay para bang nakalimotan ko nang naroon si Raze at mariin lamang akong napatitig sa mukha ng kanyang kasama. Inosente itong nakangiti sa akin na nagpapasilay ng kanyang mapuputing mga ngipin. Subconciously ay napahakbang ako palapit sa kanya. Konting dipa na lang ang layo ng aming mga mukha pero nakatitig pa rin ako sa kanya, siya naman ay parang naiilang na dahil nawala na ang ngiti niya kanina. “Have... have we meet before?” bungad kong bulalas sa lalaki. Kita ko ang biglaang pagkabigla niya ngunit kaagad din namang nakabawi. Nagtinginan silang dalawa ni Raze saka maya-maya ay ngumiti na ulit siya ng payak sabay tugon sa akin. “Have we? Sa tingin ko ay ito pa lang ang unang beses na nagkita tayo. Ito pa lang ang unang beses na makakita ako ng isang lalaking sing cute mo,” ani niya pagkatapos ay ngumiti ng napakalapad na halos abot tenga na. Corny naman ng lalaking ‘to. Bahagya akong lumingo-lingo para mawala sa isip ko ang tungkol sa pagkapamilya ng mukha niya. “Baka nga. Hindi ko maalalang may nakasalamuha akong sing kapal ng balat katulad mo.” Hininaan ko na ang huli kong kataga pero feeling ko ay narinig pa rin niya iyon dahil bigla na lang siyang humagikgik ng konti. Magkaparehas kami ng kulay ng mata pero ang buhok niya ay kulay brown na may pagka orange, hindi ko alam kung normal na kulay ng buhok niya lang ba iyon o sadyang kinulayan niya talaga. Medyo maputi rin ang complexion ng kanyang balat, hindi katulad ng kina Raze at mga kalahi nito na may pagka morenio. Kumpara naman sa akin ay ‘di hamak na mas maputi ang balat ko. Magkasing-taas lang din sila ni Raze at feeling ko ay magka-edad lang din silang dalawa. “Raze, sino siya? Siya ba ‘yung sinasabi mong nakalaban mo sa bear tribe kahapon?” Base sa tinging ipinupukol ni Raze sa lalaking nasa harapan ko ngayon ay nararamdaman ko talagang hindi maganda ang ugnayan nila sa isa’t isa. Nang tawagin ko ang pangalan ni Raze ay kaagad na siyang tumigil sa pagtitig ng masama sa lalaki at bumaling na sa akin sabay wala ng kunot ng kanyang noo. “No, kung siya lang ang nakalaban ko ay sana’y hindi ako umuwing ganon kagrabe ang tamong pinsala.” Dahil sa tugon na iyon ni Raze ay napasipat tuloy ako sa kabuoan ng lalaki. Hindi naman siya ganoon ka lampa katulad ng gustong sabihin ni Raze, dahil magkasinglaki lang din ang hubog ng kanilang mga katawan. “So, sino siya?” Bahagya akong nabigla nang bigla na lamang abutin ng lalaki ang kamay ko. Napapitlag ako’t ‘di makapaniwalang napatitig sa kanya. “I’m Horace, pero kung ikaw ang tatawag sa akin ay papayag akong Ace na lang ang itawag mo. I prefer it than the former,” ani niya saka malagkit na tumitig sa mukha ko, agad-agad namang kinalas ni Raze ang pagkakahawak nito sa aking kamay. “Hindi ako galing sa tribo ng mga uso kundi galing ako sa ibang lahi na mas higit na nangingibabaw kesa sa mga lahing naririto.” Pagatapos niyang sabihin ang mga huli niyang salita ay tumitig muli siya sa akin pero this time ay hindi na siya nakangiti kundi seryoso na ang kanyang mukha, na para bang may ibig ipagkahulugan ang mga titig niyang iyon. Muli na naman nagtitigan ang dalawa at parang nagpapatayan na sa loob ng kanilang mga isip. Lumipas ang ilang sandali ay nagsalita na muli ako dahil ako na ang naiilang sa kanilang ginagawa. “So narinig ko kaninang may importante kayong pinag-uusapan. I’m sorry if nakinig ako pero dulo lang naman ang narinig ko so ‘wag kayong mag-alala. Gusto ko lang itanong kung maaari niyo bang i-share sa akin ang tungkol sa bagay na ‘yon since nandirito na rin naman ako.” Salita ko silang tiningnan dalawa at kita ko kung paano mamilog ang kanilang mga mata at maging wary sa presensya ko. Para bang ayaw talaga nilang magsalita at ayaw talaga nilang i-share sa aking kung ano ang pinag-usapan nilang iyon. Well, hindi rin naman ako insensitive na tao kaya hindi ko na rin ipipilit ang tungkol sa bagay na iyon.   *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD