CHAPTER 23

2153 Words
BRONE’s POV In the end ay hindi na lang talaga ako namilit na i-share pa nila iyong pinag-uusapan nila. Ramdam ko pa rin ang bigat ng pakiramdam ko kasama silang dalawa, para bang may dalawang naglalakihang bato na ano mang oras ang pipitpitin na ako sa gitna. Maya-maya pa a sinubukan kong basagin ang tensyon sa pagitan nila sa pamamagitan ng pagbubukas ng panibagong topic. Nag-isip pa ako nang nag-iisip dahil pati ata utak ko ay natataranta na rin at nagresulta na hindi ako makapag-isip ng maayos. “Ahm, Raze, ito na ba ‘yung sinasabing tree of change rito sa teritoryo niyo?” ani ko habang nakatingala sa napakalaking punong naririto. Ang beberde ng mga dahon nito at parang isang buong soccer field na ang lawak at sakop na naaabot ng yabong nito. Hindi ko alam pero parang malapit sa akin ang kalikasan dahil sa tuwing nakakakita ako ng mga mayayabong at luntiang mga puno at halaman ay para bang gumagaan ang pakiramdam ko, para bang hindi ako magiging malungkot hangga’t may halamang nakapalibot sa akin. Tumingala rin si Raze sa kung saan ako nakatingin, pagkatapos nun ay lumingo-lingo siya. “Kung hindi ito ang tree of change na sinasabi mo eh ano ‘to?” Para sa akin kasi ay napaka magkahalintulad ang punong tinitingnan ko ngayon at ang punong dine-describe nila sa akin noon. Bumuntong hininga si Raze saka na niya ibinalik ang kanyang tingin sa akin. “Ang totoo niyan ay dalawa ang sagradong puno na pinapangalagaan ng aming lupon. Ang tree of change na nasa kanlurang bahagi nitong teritoryo at itong tree of life na nasa silangan kung nasaan tayo ngayon.” Napatitig lang ako sa mukha niya at kaagad niya namang nakuha kung anong ibig kong ipagkahulugan sa titig kong ‘yon. Na ituloy pa niya ang kanyang sinasabi. “Unlike tree of change, ang punong katabi natin ngayon ay mas sagrado ang pinakamahalagang punong pinapangalagaan ng aming lupon. Pamana ito ng aming mga ninuno sa amin at kabilin-bilinan ng mga nagdaang alpha leader na kahit na anong mangyari ay ‘wag namin hahayaang mamatay ang punong ito.” “Is there some reason kung bakit kailangan niyo itong protektahan ng mabuti?” “Yes, but only the alpha leader knows it.” Mariin akong napatigil at hindi napigilang mapatitig sa malayuan. Naglalakbay ang isip ko sa kung bakit ang daming sekretong tinatago ang alpha leader nila na ultimo mga kalahi nito ay hindi niya binabahagian ng kanyang mga nalalaman. Maya-maya pa ay narinig kong tinawag ni Raze ang aking pangalan na siya namang nagpabalik sa akin sa normal. Inaya na niya akong umalis sa lugar na iyon na siya ko namang sinang-ayonan. Isang mabilis na lingon muna ang aking ginawa sa malaking puno bago ako tuluyang tumalikod. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakasunod pa rin sa amin ang lalaking iyon na nagngangalang Horace or Ace o kung ano mang gusto niyang itawag ko sa kanya. Nasa likod lang siya namin habang kamign dalawa ni Raze ay magkatabing naglalakad pabalik sa central plains. Palingon-lingon pa ako sa gawi nito dahil nawewerdohan ako rito. Panay ngiti kasi ang kanyang ginagawa. Sa katunayan ay mas kakaiba pa ang personalidad niya kesa kay Ford, ‘di tulad ng huli ay hindi ito mapagbiro at napaka-corny pa ng mga hirit niya, katulad na lamang kanina. Isa pa sa ipinagtataka ko ay kung paano niya ako titigan. Para siyang malungkot na hindi. Napansin ko kasi kanina nung sandaling magkasalubong ang aming tingin kung gaano kabigat ang damdaming pumapaloob sa kanyang mga mata. Para bang may hinihintay siyang bagay na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakakamtan. “Don’t look at him.” Tuwid na usal ni Raze habang diretso lang ang tingin sa kanyang harapan. “I’m sorry, nahihiwagaan lang talaga ako sa lalaking ‘yon. Sino ba talaga siya at paano mo siya nakilala? Base sa naabutan kong pag-uusap niyo kanina ay matagal na kayong magkakilalang dalawa.” Imbes na sagutin niya ako ay binato niya rin ako ng kanyang panibagong tanong habang hindi pa rin ako binabalingan ng kanyang tingin. “Ano ang narinig mo, tungkol sa pag-uusap namin?” “Nothing? I mean, ‘yung dulo lang talaga tsaka hindi ko na rin matandaan masyado,” ani ko sabay tawa pa wari ay naiilang kasabay ng pagkamot sa aking batok. “Just don’t mind him. He’s just someone particular, kalimutan mo na lang ang narinig mo kanina at ‘wag mo na siyang pag-aksayahan pa ng pagkakataon.” Napa “okay” na lang ako sa kanya at natahimik na, medyo nafe-feel ko kasing wala sa kodisyon si Raze na makipag-usap lalo na kapag nababanggit ang tungkol sa lalaking iyon. Mas lalo tuloy iyong nagpasidhi ng kuryosidad kong malaman kung sino ba talaga ang lalaking iyon. Sino ba talaga si Ace. Lumipas ang ilang minuto at iilang mga hakbang na lang ay mararating na namin ang central plains, nang biglang napansin ko na lang ang tumatakbong si Mrs. Veronica na palapit sa pwesto namin. Sinalubong pa ito ni Raze para maalalayan sa kanyang paghinto. Hingal na hingal itong tumingin ng salitan sa aming dalawa ni Raze saka siya tumgil na tingin sa akin. “Ano pong nangyari, ba’t parang hinahabol po kayo ng mamamatay tao?” pagtataka kong pagtatanong sa kanya. Humugot muna siya ng malalimang hangin saka bumuga, siguro dahil sa kanina pa siya nagtatatakbo kaya ganito na ang estado niya ngayon. Pawis na pawis at lukot na ang suot niyang lab gown. “I want to show you something, it’s urgent.” Matapos sabihin iyon Mrs. Veronica ay hindi na ako nagtanong pa at kaagad na kaming sumama sa kanya. Dinala niya kami pabalik sa kanyang laboratoryo. Gusto ko sanang magtanong sa kung anong bagay ang gusto niyang ipakita sa amin ng mabilisan pero pinili ko na lamang na manahimik na lang muna at hintayin na lamang na dumating kami sa aming destinasyon. “At sino naman itong lalaking ‘to?” tanong ni Mrs. Veronica nung nasa b****a na kami ng laboratoryo, tinutukoy niya ay si Ace na nakabuntot pa rin sa aming hanggang ngayon. Sasagot na sana ako nang putulin ni Raze ang aking sasabihin. “He’s just nobody,” he exclaimed. Lumingon sa akin si Mrs. Veronica suot ang nagtataka niyang ekspresyon pero napa-shrug lang ako ng aking balikat dahil sa ‘di ko rin gets ang gusto niyang makuha. “Ako po si Ace, magandang araw po sa inyo,” biglang sabat naman ng lalaking pinag-uusapan namin na lalong ikinataka ni Mrs. Veronica lalo na nang yumakap ito sa kanya. Dumiretso kami sa pagpasok sa mismong laboratoryo hanggang sa mismong opesina niya. “I’m sorry but stranger is not allowed inside of my office. Maglibot-libot ka na muna jan para hindi rin mabagot habang hinihintay mo itong dalawa, okay,” usal ni Mrs. Veronica kay Ace saka nito isinara ang pinto ng kanyang office at naiwan ang huli sa labas. Bumuntong hininga ang ginang saka niya ako binigyan ng isang makahulugang tingin, saglit lang iyon dahil kaagad rin siyang naglakad ulit papunta sa likorang bahagi ng kanyang office kung nasaan naroon ang isa pa niyang pribadong silid. Sumunod lamang kami ni Raze sa likod niya habang wala pa rin kaming kaalam-alam kung ano ang gusto niyang ipakita sa amin. May hinuha na ako pero hindi pa ako sigurado kung iyon nga ba iyon, dahil naipakita niya na ito sa amin noong nakaraan. Medyo nahuli kami sa pagsunod sa kanya dahil bigla siyang bumilis ng paglalakad, sa pagliko namin ni Raze ay nakita namin siya sa hindi kalayuan na nakatalikod sa amin habang may tinitingnang kung ano sa kanyang paanan. Dahan-dahan kaming lumapit sa pwesto niya saka ko sinundan ng tingin kung saan siya nakatitig. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung anong bagay ang nasa kanyang paanan ngayon. Isang kulay kayumangging dambuhalang dahon na ano mang oras ay tuluyan ng malalanta ang naroroon. Natigilan ako’t nanginginig at dahan-dahan tumuhod upang maabot ko ang dambuhalang dahong iyon. Saka dahan-dahan ko itong inabot, pati ang aking kamay ay grabe na rin ang pangingin sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit bigla na lamang nagkaganito ang dahong nasa aking harapan ngayon. Ang luntian nitong kulay ay nawala na at ang tanging makikita na lamang rito ay ang natutuyot nitong kulay. “I-I’m sorry, Brone. I swear we didn’t do anything bad with-it para maging ganyan ang estado nito. Kumuha lang kami ng katiting na parte ng dahon para sana mapag-aralan at iyon lang. Pero pagsilip ko kaninang umaga ay naging ganyan na ang kanyang kulay.” Puno ng pagpapasensiyang wika ni Mrs. Veronica sa akin. Para na akong maluluha sa paghimas pa lamang sa patay na kulay nang dahon ngayon. “How about it’s sprout?” dahil sa tanong na iyon ni Raze ay kaagad din akong nabuhayan ng kaunting pag-asa sabay hanap pa sa tumubo nitong parte. Hanggang sa isang malungkot na boses muli ni Mrs. Veronica ang aking narinig. “Pati iyon ay namatay rin. I’m sorry, Brone. Nang makita ko itong nag-ibang kulay na kaninang umaga ay kaaagad na akong tumalima upang hanapin kayo. Nang iwan ko ito kanina ay hindi pa purong kayumanggi ang kulay nito, sa katunayan ay may natitira pa itong berdeng parte pero kunting parte na lang. Masyadong mahiwaga ang dahon mong iyan kaya’t hindi kaagad ako nakagawa ng paraan para mapigilan ang pagkamatay nito.” Ramdam ko nang ilang sandali na lang ay parang iiyak na si Mrs. Veronica kaya nagsalita na ako. “Wala ka pong kasalanan, ginawa niyo po ang lahat ng makakaya niyo para lang matulungan ako. I don’t have the right to blame you for something you did not do.” Tumayo ako at nararamdaman ko na talagang nanunubig na ang mga mata ko, pakiramdam ko nga ay namumula na rin ang mga ito ngayon. “Siguro nga ay hindi talaga nakatadhanang malaman ko ang aking nakaraan sa pamamagitan ng dahong iyan. Hayaan niyo na po, hahanap na lang ako ng ibang paraan para maka-alala.” Lahat ng huling sinabi kong iyon ay pawang kasinungalingan lamang dahil ang totoo talaga ay hindi lamang sa hindi na ako maka-alala ang dahilan kung bakit ako nasasaktan sa biglaang pagkatuyo ng dahon kundi sa kadahilanang ang taong nasa aking bangungot noon, na nagbigay sa akin ng mismong dahong iyon ay alam kong gusto niya itong alagaan ko sa kung ano mang dahilan. At alam kung ang dahilang iyon ay para buhayin muli ang mismong katawan ng namatay nitong puno. “May paraan pa para mabuhay muli ang dahong iyan.” Rinig kong usal ng isang boses sa likod gilid ko. Kaagad na nagpantig ang aking tenga at mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko doon si Ace kasama nito sina Ford at Ike. “Ba’t ka nakapasok rito? ‘Di ba’t kabilin-bilinan kong bawal sa lugar na ito ang hindi ko kakilala,” bulalas ni Mrs. Veronica, may pagka-awtoridad ang pagkakasabi niya nun. “Ako ang nagpapasok sa kanya. Sabi niya kasi na magkakilala sila ni Raze at Brone kaya pinapasok ko na siya kasama namin, with the help also of my friend, Ike.” Sabat naman ni Ford sabay akbay pa kay Ike. Napangiwi na lamang ang huli habang nakatingin kay Mrs. Veronica at humihingi ng pasensya. “Anong ibig mong sabihin?” seryoso kong usal kay Ace. Ilang sandali muna siyang tumitig lang sa akin bago niya binuksang muli ang kanyang bibig. “Hindi ko pwedeng sabihin ito sa iyo rito, kailangang tayong dalawa lang ang mag-uusap.” “No!” napapitlag ako sa lakas ng pagkakasigaw nun ni Raze kita ko sa ekspresyon nito ang gulat at galit habang mariing nakatitig kay Ace. “Mamili ka, Brone. Iyon lang ang kondisyon ko at kung hindi ka magdedesisyon kaagad ay maaaring tuluyan nang mamatay ang dahong iyon.” Natataranta na naman ang aking isip, hindi ako makapag-isip ng maayos at dalawang pagpipiliin na naman ang pilit na nagtatalo sa loob ng utak ko. Nagmamakaawang titig ang sumalubong sa aking nang lingonin ko si Raze habang seryoso at hindi makikitaan ng pagsisinungaling na ekspresyon naman ang ipinapakita ng mukha ni Ace. Sino ba talaga ang lalaking ito at bakit tila ba napakarami niyang alam sa mga bagay-bagay na tungkol sa akin. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o dapat ko siyang layuan? Makalipas ang isang minuto kong pag-iisip ay humantong ako sa isang desisyon. At iyon ay ang kausapin si Ace mag-isa, dahil iyon lamang ang nakikita kong mabilis na paraan sa pagkakataong ito para maisalba ko pa ang dahong iyon.   *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD