BRONE’s POV
Upang makapag-usap kaming dalawa ni Ace ay dinala ko siya sa labas ng laboratoryo habang sinisiguro na ring hindi sumunod sa akin nino man kina Raze. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak ng lalaking kasama ko ngayon pero mas mabuti nang sundin ko ng maayos ang kanyang kondisyon kesa mapunta pa sa wala ang katiting na natitira kong pag-asa.
Tutol na tutol sila sa akin kanina, ayaw talaga nila akong makipag-usap kay Ace na ako lang mag-isa na para bang kapag kami na lang dalawa eh may gagawin itong masama sa akin. Sa kanilang lahat ay si Raze ang pinakatutol, kitang-kita ko talaga sa mukha niya ang pangamba at pagkataranta sa nangyayari. Unang beses ko pa lang siyang nakitang ganon ka hesterical kung kaya’t gusto ko na talagang i-decline ang alok sa akin ni Ace pero na-realized kong hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. Dahil wala nang ibang paraan pa para mabuhay muli ang dahong iyon kundi ang kausapin si Ace at sumunod sa nag-iisa nitong kondisyon.
Naging mapagmatyag naman ako sa bawat kilos na ginagawa ni Ace, kahit pa ang paggalaw ng dibdib niya sanhi ng kanyang paghinga ay binabantayan ko rin. I am really esceptical with the true identity of this guy. Bukod pa roon ay iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit ganon na lang kagrabe ang pag-aalala ni Raze.
Maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ace kaya napatingala ako sa kanyang mukha.
“You don’t need to be wary with me. Wala akong balak na masama sa iyo, I can’t afford to do that you’re so precious to be tainted off.”
Imbes na kiligin ako sa mga pinagsasabi niya ay mas nangibabaw pa sa akin ang kilabutan na para bang isang adik ang nagsasabi nun, which is hindi naman talaga. Kung titingnang mabuti ay hindi nagkakalayo ang kagwapohang taglay ni Ace kay Raze, kung mas una ko lang siyang nakilala kesa sa huli ay baka sa kanya pa mahulog ang loob ko.
Kung si Raze pa ang nagsabi ng mga sinabi niyang iyon ay baka nakaihi na ako sa sobrang kilig.
“Cringe, let’s cut the chase. Ikaw na rin ang nagsabi na kakarampot na oras na lang ang nalalabi bago tuluyang mamatay ang dahong iyon kaya sa puntong ito ay gusto ko nang kaagad na malaman ang paraan para bumalik muli ang dating kulay nito.”
“Relax nang sinabi kong kaunting oras na lang ang nalalabi ay hindi ko sinasabing literal na oras na lang talaga o araw. Kung titingnan kong mabuti ay siguro’y may tatlong araw ka pa bagon tuluyang mamatay ang iniingatan mong dahon at mabigo mo ang nagbigay nito sa ‘yo.”
Isa muling makahulogang ngiti ang sumilay sa kanyang labi matapos niyang sabihin ang mga kataga niyang iyon.
“Sino ka ba talaga?” naibulalas ko na lamang nang wala ako sa normal kong pag-iisip.
He chuckled, “It’s not important of who really is me right now. Ang mas mahalaga ay ako lamang ang nakaka-alam kung paano mabubuhay muli ang mahiwagang dahong iyon. Actually, sa ating dalawa ay mas alam mo pa nga ang paraan, to bad you forgotten all your past memories.”
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong sumabog at nawala na lang bigla ang katiting na pagtitimpi ko. Tuluyan na akong nainis sa paikot-ikot niyang pinagsasabi at hindi ko sinasadyang mapagtaasan siya ng boses.
“Then tell me what it is!” Para akong isang galit na galit na pusang pinagsasabihan ang kanyang mga tagasunod dahil sa aking tono at lakas ng pagsigaw.
Nang ma-realize kong napasobra yata ako ay kaagad ko nang pinakalma ang aking sarili. Bumuntong hininga ako bago ko siya kausaping muli.
“I’m sorry nadala lang ako ng damdamin ko... I’m just really frustrated right now kaya pakiusap sabihin mo na kaagad sa akin ang paraan ngayon din para sa mas maagang panahon ay maagapan ko na ang tuluyang pagkamatay ng dahon.”
Kita kong natulala pa rin siya sa ginawa kong pagsigaw sa kanya kanina. Sino ba naman kasing hindi matutulala at mabibigla kung bigla na lang sumigaw ang kausap mo na ilang dangkal lang ang pagitan niyo sa isa’t isa.
Nang makabawi na siya ay bumalik na muli ang kanyang nakangiting ekspresyon. Naglakad siya ng dahan-dahan palayo sa akin ngunit ilang hakbang lang naman. Saka siya tumingala sa langit.
“Isa kang espesyal na nilalang, Brone. Walang sinuman sa lugar na ito ang makakapantay ng iyong katayuan. Saksi ang langit pati na rin ang buwang nakatago ngayon sa ulap kung sino at anong uring responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga nilalang na tulad mo.”
“D-do you know who am I?”
Pero imbes na sagutin niya ang tanong kong iyon ay pinagpatuloy niya pa rin ang mga pinagsasabi niyang mga salitang wala namang kinalaman sa aming pinag-uusapan.
“Bihira lamang ang mga taong nakakakita ng iyong totoong wangis at maituturing silang pinakamaswerte kapag nasilayan nila iyon. Balanse ang ‘yong katayuan pati na rin ang mismong kalikasan.”
Masyadong malalalim ang kanyang mga pinagsasabi at kahit ni katiting ay wala akong maintindihan sa mga ito. Maya-maya pa ay binalikan na niya ako ng tingin, ngunit hindi na siya nakangiti ngayon. Nawala na ang maaliwalas niyang ekpsresyon at napalitan na ito ng napakaseryosong mukha waring may gusto siyang iparating sa akin na lubhang importante.
Maging ako man ay napa-focus na rin sa mga susunod niyang sasabihin lalong-lalo na’t dahil binanggit niya ang tungkol sa pagkatao ko. Nagkaroon ako ng kutob na baka ang lalaking ito ay may alam sa kung sino ako at ano-ano ang nilalaman ng mga nakalimutan kong alaala.
Dahan-dahan, ay muli siyang humakbang palapit sa aking pwesto.
“Handa ka ba talagang malaman ang lahat ng tungkol sa iyong nakaraan? Maaring napakasabik mong matuklasan itong lahat ngayon pero sa sandaling bumalik na itong lahat sa iyon isip ay baka pagsisihan mo nang inasam mo pang makaalalang muli. Marahil ay ang kalikasan na rin ang tumulong sa iyo upang makatakas sa bangungot ng nakaraan. At dapat mo itong ipagpasalamat.”
Akmang hahawakan niya ang buhok ko nang mabilis kong inilagan ang kanyang kamay. Wala na siyang nagawa kundi titigan na lamang ako sa mata at payak na ngumisi.
“Bihira lang ang mga nilalang na may kulay ng buhok na kagaya ng sayo.” Matapos niyang sabihin iyon ay kasabay rin ng pagbabago ng damdaming nakapaloob sa kanyang mga mata.
Bigla itong naging malungkot, naging matamlay at parang ano mang oras ay maluluha na. Marahil ay nagbabalik tanaw siya. Kapwa kami natahimik habang nakatitig sa magkapareho naming mga mata. Hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil para bang hinihila ako ng mga malulungkot niyang titig. Pakiramdam ko ay nasa isang napakalalim akong balon. Napakakipot habang purong kadiliman lamang ang bumabalot sa paligid.
Animo ay pati ako’y hinihila rin ng kalungkotang ipinapakita ng kanyang mga mata.
“Handa ka ba talagang malaman?” ani niya matapos maputol ang aming pagtititigan.
Walang ano-ano’y bigla na lamang akong napatango nang hindi ko namamalayan.
Ilang sandali pa ay itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking harapan saka niya ibinuka ang kanyang palad. Maya-maya lang ay may isang maliit na orasanang lumitaw at nakalutang sa ibabaw ng kanyang palad. Umiikot-ikot ito at parang isa lamang itong imahe.
Bahagya pa akong napa-atras dahil sa pagkagulat sa aking nakita.
“Hindi ka pa ba sanay na makakita ng mga kakaibang pangyayari? Maging ang lupon ng lobo rito ay may sariling mahekiro.”
Sabagay ay tama naman siya, marahil ay nabigla lang talaga ako’t hindi pa talaga sanay na makakita ng biglaang pagsulpot ng mga kakaibang pangyayari sa harapan ko.
Sinabihan niya akong tumitig nang mabuti sa imahe ng orasang nakalutan sa kanyang palad na siya namang kaagad kong sinunod. Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang imahe at naging isa itong puno. Ngunit hindi tulad sa mga punong nakikita ko rito ay masyado itong malapad at animo’y walang tuktok dahil pahaba ang mga sanga nito at hindi pataas.
“Iyan ang puno ng Dayonarra. Ang punong pinanggalingan ng dahong nagdala sa ‘yo rito.”
Bigla akong napatingala ng tingin sa kanyang mukha dahil sa sinabi niyang iyon.
“Dayonarra?” taka kong tanong.
Dahan-dahan siyang tumango saka muli akong pinabalik ng tingin sa kanyang palad. Bigla ulit nag-iba ang imaheng nakalutang, naging isang bulaklak naman ito ngayon na dahan-dahang nalalagas isa-isa ang mga talulot habang may parang mga abong lumalabas sa loob nito.
“Iyan ang bulaklak ng puno ng Dayonarra, ang parang abo na nakikita mong lumalabas sa gitna nito ay ang mismong pollen nito. Na pinanggagalingan ng sustansyang kinakailangan ng mismong dahon para mabuhay itong muli. Thankfully, ay meron ako nito ngayong dala-dala.”
Kaagad na nagningning ng aking mga mata nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Mabilis akong napatingala ng tingin at kaagad siyang kinulit kong nasaan ang pollen na kanyang sinasabi.
May kinuha siya sa kanyang bulsang isang lumang maliit na lalagyang yari sa tela. Inabot niya iyon sa akin na kaagad ko namang tinanggap.
“Ano ‘to?”
Tumingin siya sa kanyang braso na hindi ko napansing may suot pala siyang relo roon.
“Nasa loob niyan ang pollen ng bulaklak na iyon. Ibodbod mo ‘yan sa buong dahon at kaagad na kaagad ring babalik na ito sa dati nitong kulay.” Saka siya tumalikod sa akin at akmang aalis na sana nang tawagin ko muli siya.
“Teka, saan ka pupunta? Marami pa kong itatanong sa ‘yo.”
Tumigil siya sa kanyang paghakbang at nilingon ako.
“Ilaan mo na lamang sa ibang araw ang mga katanungan mo’t kanina pa naghihintay sa akin ang Alpha leader ng lupong ito.” Ngumiti siya saka tuluyan nang naglakad papalayo sa akin.
Naiwan ako roong nakatulala at sinusundan lang ang kanyang likod na unti-unting lumalayo sa aking pananaw. Makalipas ang ilang minuto ay nakabawi rin ako’t kaagad na napabunot ng malalim na hininga.
Well, siguro naman ay magkikita pa kami. Ang mahalaga sa oras na ito ay magamot ko kaagad ang dahon para bumalik na ito sa dati.
Masaya akong tumakbo pabalik sa laboratoryo at dire-diretsong pumasok sa office ni Mrs. Veronica kung saan naroon silang lahat na sumalubong sa pagbukas ko ng pinto, na hanggang ngayon ay inaasar pa rin ni Ford si Ike.
Mabilis na tumayo si Raze sa kanyang pagkakaupo saka niya ako nilapitan sabay sipat pa ng buo kong katawan. Tinanong niya pa ako kung may ginawa ba sa akin si Ace, ang sabi ko lang naman na wala at pinatigil na siya sa kapraningan niya.
Pagkatapos ay abot tenga ang ngiti kong nagpatuloy sa pagtakbo papasok sa isa pang silid kung nasaan naroon ang dambuhalang dahon. Dahil nga’t tumakbo ako ay mas nauna akong nakarating sa mismong pwesto kung nasaan ang dahon, ilang sandali lang naman at nakahabol na rin kaagad sila.
“Alam mo na ba ang solusyon para mabuhay muli ang dahon?” excited na pagtatanong ni Mrs. Veronica.
Tinitigan ko siya saka dahan-dahan akong ngumiti kasabay ng mabibilis kong pagtango. Pagkatapos nun ay ibinahagi ko na sa kanila ang mga sinabi sa akin ni Ace patungkol sa dahon. Maging sila man ay hindi rin makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.
Makalipas ang ilang minuto ay pumwesto na ako sa gilid mismo ng dahon at handa na sa isa kong kamay ang lalagyan kung nasaan nakalagay ang pollen ng bulaklak ng puno ng Dayonarra.
Saka ko sinimulan ang pagbodbod nito sa mismong dahon kagaya ng sabi sa akin kanina ni Ace. Sinigurado ko talagang malalagyan ang kabuoan ng dahon kahit pa napakalaki nito, mabuti na nga lang at nagkasya talaga ang lahat ng ibinigay sa akin ni Ace. May narita pang konti pero sinaboy ko na lahat para talagang sigurado.
Tumayo na ako’t tumabi kay Raze saka tinitigan naming lahat ang dahon.
Makalipas ang ilang segundo ay nagkaroon ng iba’t-ibang kulay ang mga pollen na ibinudbod ko hanggang sa unti-unti na lamang nag-iba ang kulay ng dahon. Dahan-dahang bumalik ang kulay nitong berde na nagsimula sa dulo nito hanggang sa kumalat na nga sa kabuoan.
Namutawi sa dibdib ko ang kasiyahan nang masaksihan ko kung paano muling bumalik ang pagkabuhay ng kulay ng dahon. Sa sobrang galak ay hindi ko pa napigilang mapaluha.
Ganon din naman si Mrs. Veronica na kunti na lang ay parang tatalon na.
“Oh my god, is this true. This is really happening in front of me? I don’t believe in miracle pero parang simula sa oras na ito ay maniniwala na ako.” Bulalas pa ni Mrs. Veronica.
Nilingon ko si Raze at kita ko rin sa kanyang mukha kung gaano siya kasaya sa aking kasiyahan.
“Congrats for your success,” ani niya na tinugonan ko ng isang malapad kong ngiti.
“Ahm, guys, I hate to ruin the mood pero may gustong sabihin sa inyo si Ike.” Biglang pagsasalita ni Ford.
Kaagad kaming napalingon sa pwesto nila ni Ike na ngayon ay nakatuhod malapit sa dahon. Tumitig ako kay Ike at ganon din siya sa akin.
“The sprout is still color brown.”
*****