CHAPTER 25

1131 Words
BRONE’s POV Grabeng kaba ang muling nanumbalk sa aking sistema nang marinig ko ang sinabing iyon ni Ike. Wala na akong sinayang pang oras at kaagad na akong tumungo kung nasaan ngayon nakatunghod si Ike. Nanginginig ang aking kamay at panagang sinundan ng tingin kung saan siya nakatitig. Doon ay nakita ko ang maliit na halamang tumubo sa dahon na hanggang ngayon ay kulay brown pa rin at ‘di tulad ng mismong dahon ay hindi ito bumalik sa dati. Wala ano-ano ay bigla na lamang akong naging hestirical at kahit na anong maisip ko na lamang tanong ay ibinabato ko na sa aking mga kasamahan. Sa kung bakit hindi pa rin bumabalik sa dati ang kulay nito, sa kung bakit wala pa rin itong reaksyon kahit na pinasobrahan ko na naman ang saboy rito kanina. Ang daming bakit na lumalabas sa bibig ko at lahat ng iyon ay alam ko ring hindi rin masasagot ng aking mga kasama rito. Tanging awa na lamang para sa akin ang makikita sa kanilang mga mukha. Naramdaman ko ang mga bisig ni Raze na pumulupot sa akin, at sa kanyang dibdib ay roon ko isinubsob ang aking mukha saka umiyak dala ng frustration ko. Wala naman siyang nagawa kundi hagurin na lamang ang aking likod para ako ay himinahon na. Ilang sandali lang ay bigla akong napalayo ng aking mukha sa dibdib ni Raze nang may isang bagay akong naalala. “I need to see Ace, again. May hindi siya sinabi sa akin at nararamdaman ko iyon.” Akmang aalis na sana ako roon at pupuntahan na sa kung saan man ngayon si Ace nang pigilan ako ni Raze sa pamamagitan ng paghawak sa isa kong kamay. Nang lingonin ko siya ay purong pagmamakaawa ang nasa kanyan ekpresyon habang paulit-ulit siyang palingo-lingo sa akin. Pero desidido ako, dahil baliwala ang pagbabalik ng kulay ng dahon kung mamamatay naman ang halamang tumubo na rito. Malakas ang kutob kong iyon ang mismong puno ng Dayonarra at gusto na nitong tumubong muli pero sa kung ano mang dahilan ay hindi ito naapektohan ng pollen na ibinudbod ko rito kanina. Nagtalo pa kami ni Raze dahil ayaw niya talaga akong bitawan. Nagsisimula na akong mainis sa kanya, bakit ba kasi kapag patungkol kay Ace ay grabe ang pagtutol niya sa aking makita ko ito. Nagpupumiglas na ako sa hawak niya pero hindi pa rin ako makawala dahil masyado siyang malakas. Maya-maya pa ay sumali na si Mrs. Veronica. Malambing ngunit may diin boses ng ginang ang narinig namin habang inuutosan nito si Raze na pakawalan ako, naging dahilan iyon para kumalma kaming dalawa ng huli at ilang segundo lang ay dahan-dahan na akong binitawan ni Raze. Nasa mukha ko pa rin ang halatang pagkainis sa kanya. “Kung hahayaan ka naming puntahan mo ang lalaking tinatawag mong Ace ay alam mo ba kung nasaan siya ngayon?” pagtatanong ni Mrs. Veronica habang mariing nakatitig sa akin. Tumango ako. “Hmm, before we part ways kanina ay sinabi niya sa aking kanina pa raw siya hinihintay ng alpha leader kaya sigurado akong nasa chamber nito ito ngayon.” Nilingon ni Mrs. Veronica si Raze nang may kahulugang titig saka muling bumaling sa akin. “Sige, papayagan ka naming umalis pero kailangang may kasama ka.” “No, it’s fine, I can go th—” “Raze, ikaw na ang sumama kay Brone para narin mawala iyang pag-aaalala mo sa kanya at nang wala nang gulo sa bawat pagitan niyo.” Ilang sandali pa akong nag-isip hanggang sa napagtanto kung wala namang kaso sa akin kung sasama si Raze basta ba kapag nakita na namin si Ace ay hindi siya gagawa ng kilos na alam niyang ikakasira ng gusto ko. Sinabi ko iyon kay Mrs. Veronica at kapwa naman silang dalawa na tumango sa akin. “Me, what about me?” sabat ni Ford na bigla na lang sumulpot galing sa likod ko. “Magharutan na lang kayo ni Ike, tutal kanina mo pa ‘yan kinukulit ang assistant ko kaya lubos-lubosin muna.” Si Mrs. Veronica na ang sumagot, ngimisi lang naman ang huli at agad nang pinuntahan si Ike saka tinalakan ng kung ano-anong mga weird niyang jokes. Wala na akong sinayang pang oras at kaagad na akong umalis roon, hindi lamang naglakad kundi tumakbo na talaga ako para mabilis kung mapuntahan ang chamber ng alpha leader, nangangamba kasi akong baka sa pagdating ko roon ay wala na akong Ace na maabutan. Maya-maya pa ay tinawag ni Raze ang pangalan ko na ngayon ay tumatakbo rin habang nakasunod sa akin. Inis ko siyang nilingon saka sinagot kung bakit. Ang sabi lang nito na ‘wag raw akong masyadong magmadali at pansamantalang mananatili naman raw sa loob ng teritoryo si Ace. Nang marinig ko iyon ay medyo nakahinga ako ng maayos pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo ko bagkus ay binilisan ko pa ito. Kung pwede lang talaga akong magbagong anyo out in open para mas bumilis ang pagtakbo ko ay ginawa ko na. Wala pang kalahating oras ay narating na namin ang harapan ng chamber. “Teka, ako na lang ang mauuna sa likod ka lang at sumunod ka sa dadaanan ko,” usal ni Raze. Nagtaka pa ‘ko sa kung bakit niya nasabi iyon. Para bang sinasabi niyang isang nakamamatay ng mga bitag ang nag-aabang sa loob at kapag hindi kami nag-ingat ay siguradong katapusan na namin. Kung umasta siya ay parang hindi lugar ng kanilang alpha leader ang aming papasukan. Hinayaan ko na lang siya at ‘di na nakipagtalo pa para hindi na rin humaba ang aming pag-uusap. Sa mismong gate ay mayroong dalawang Beta na nakabantay. Ang akala ko ay haharangin kami nito ngunit lakign gulat ko na parang hindi man lamang kami nito nakita at walang kahirap-hirap lamang kaming nakapasok. Tumuloy na kami sa aming paglalakad patungo sa bulwagan kung saan ang pinakasiguradong lugar kung saan namin makikita ang aming pakay. Nasa likod lang ako ni Raze katulad ng sabi nito sa akin. Malalaking hakbang ang ginagawa naming dalawa. Ilang sandali pa ang dumaan sa aming paglalakad at natatanaw ko na ang mismong pinto ng bulwagan. Sumilay ang kaunting saya sa aking mukha ngunit kaaagad iyong napalitan ng kaba at gulat nang bigla na lamang naming marinig ang sunod-sunod na malalakas na pagsabod sa loob. Napakislot pa ako nang bahagya. Mabilis naman ang naging reaksyon namin ni Raze at kaagad na kaming tumuloy papasok sa pintuan upang tingnan kung ano talaga ang nangyayari sa loob. Sa pagbukas namin ng pinto ay tumambad kaagad sa paningin ko ang napakagulo estado ng silid. Nakatayo at magkaharap si Ace at si Izy sa gitna habang ang kanilang alpha leader ay kalamado lamang na nakaupo sa trono nito.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD