BRONE’s POV
I was stunned by how things done when we arrived here. Hindi na siya masasabing isang bulwagan ng isang pinuno kundi isa na lamang siyang lugar na kung saan maraming bagay ang nakakalat sa paligid at sira-sira ang mga konkretong haligi.
Ang mga sirang iyon ay hindi lamang gawa ng isang simpleng pagsira lamang, may mga dents ang mga haligi na talagang sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang hindi ordinaryong mga nilalang ang may likha. Ang mga tipak sa iba’t ibang parte nito ay animo’y tinamaan ng isang concentrated na light beam sa pulidong pagkakahulma ng mga hugis nito, wala ka talagang makikitang ngarag o mga bako.
May mga natumba na ring mga haligi ngunit dahil nga’t over na sa rami ang mga ito sa silid na ito ay hindi iyon naging dahilan para tuluyang gumuho ang lugar.
Mga ilang minuto bago mapansin ng mga nilalang na nasa loob ng silid ay patuloy lamang ang pagsasagupaan nila Ace at Izy gamit ang kanilang magkakaibang kapangyarihan. Isang mahekiro laban sa isang estrangherong tao na hindi ko pa alam kung ano ang kanyang tunay na kakayahan.
Bawat taas ng kanilang kamay ay kasabay rin ng paglitaw ng mga pagsabog sa kanilang paligid. Para lamang silang nanunuod ng isang pelikula dahil sa napaka-relax lamang ng kanilang mga hitsura habang nangyayari ang lahat.
Mga umiilaw na enerhiyang naggagaling sa kanilang mga palad ang bumubulusok sa isa’t isa ngunit himalang kahit ni isa sa mga ito ay walang nagawang pinsala sa kanilang kapwa mga katawan, kabaliktaran naman ito sa kanilang paligid.
“Oh, I think we have a guest here,” usal ni Izy matapos nitong ibalibag ang lumipad na malaking tipak ng semento papunta sa kanya.
Naging dahilan iyon para tuluyan na nila kaming makitang tatlo ni Raze. Nakatuod pa rin ako sa mismong b****a ng pinto at parang nasmento na ang mga paa ko sa sahig dahil ayaw na nitong humakbang papasok.
Sa pagkakataong natuon na ang pansin ng lahat sa pagdating namin ay siya ring tuluyang pagtatapos ng nakakalulang labanang naabutan ko. It was spectacular yet terrifying exchange of power. Hindi ko naman lubos akalaing kaya palang makipagsabayan ng Ace na ito sa mahekirong si Izy. Sino ba talaga siya?
Naging kalmado na ang nararamdaman kong ambiance sa loob, wala na akong nararamdamang naglalagablab na aura na nanggagaling sa dalawang kakatapos lamang maglaban kanina. Nang maramdaman ko ang haplos ng kamay ni Raze sa bandang likod ko ay saka lamang ako nakabawi at sa wakas ay naiangat ko na ang aking mga paa.
The three lads look at me directly as if I have a huge favor or debt from them. Naging sanhi tuloy iyon para mangatog muli ang mga tuhod ko. Sino ba naman kasing hindi matatakot kung kakasaksi mulang ng isang nakakalokang pangyayari. Di ba? No man can resist the urge to feel inferior about what happened.
Nang tama na ang agawat namin sa kanila, mga sampung dipa siguro ay si Raze na ang naglakas loob upang unang magsalita patungkol sa pakay namin rito. Buti na lang at hindi ako umangal kanina sa labratoryo nang sabihin ni Mrs. Veronica na isama ko itong lalaking ito.
“Hindi kami naparito para guluhin ang kung ano mang nasimulan niyong laro. Narito lamang kami para sa isang napakahalagang dahilan...”
“At ano naman iyon aber, Raze?” tugon ni Izy while magically contructing the whole rooms mess just with his only one finger.
Ilang segundo rin atang natahimik si Raze bago siya tuluyang sumagot.
“We need that man, right now.” Madiin iyong sinabi ni Raze habang tinuturo niya ang pwesto ni Ace, wala namang naging reaksyon ang huli.
Nagpalitan ng tingin ang tatlo sa isa’t isa at makalipas ang ilang sandali ay walang kasali-salitang naunang naglakad si Ace palabas ng pinto. Hanggang sa nasa mismong b****a na ito at saka ito huminto at lumingon muli sa aming direksyon.
“One thing, katulad kanina ay gusto kong makausap nang mag-isa lang si Brone. That’s my only condition,” bulalas niya habang mariing nakatitig sa akin.
Aangal sana si Raze pero kaagad ko na siyang pinigilan at walang ano-ano’y sinundan ko na ang paglabas ni Ace sa silid na iyon. Bago ako tuluyang lumiko mula sa b****a ng pinto ay narinig ko pang kinakausap ng alpha leader si Raze. Hindi ko na ito masyadong narinig dahil sa layo at hindi ko na rin ito masyadong binigyan ng pansin.
Malalaking hakbang ang ginagawang paglalakad ni Ace kaya inabot pa ko ng ilang segundo ng pagtakbo para lamang matapatan siya.
“Masaya akong sa kunting durasyon ng oras ay muli mo kaagad hinanap ang aking presensya pero naniniwala akong hindi ganon kaganda ang gusto mong itanong sa akin ngayon,” bungad niyang salita habang nakangiti kasabay ng aming paglalakad.
It took me a couple of seconds bago ko siya tugonin. Naghahanap kasi ako ng magandang salitang masasabi sa kanya but in the end ay ipinagsawalang bahala ko lang din.
“Tungkol ito sa dahon.”
Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay kaagad siyang napatigil sa kanyang paglalakad kaya ganon din ako. Sa gitna ng hallway ay magkaharap na kami ngayon.
Una siyang nagsalita.
“Alam kong nakalimutan kong sabihin sa iyo ‘to kanina pero hindi ako ‘sang daang porsyento na seguradong magiging matagumpay ang ibinigay kong lunas sa iyo. Unang beses ko pa lang iyong ipinagawa at maging ako ay hindi ko pa iyon nagawa kaya kung ano mang nangyari ay hindi na sakop ng aking kakayahan—”
“I know, pero kailangan na kailangan ko talaga ang opinyon mo sa bagay na ito.”
Lumingo-lingon siya sa paligid namin pagkatapos ay sinabihan niya akong sa ibang lugar na kami mag-usap na kaagad ko namang sinang-ayonan. Napunta kami sa isang lugar na dito pa rin sa loob ng chamber. Sa pagkakaalam ko ay isa itong garden dahil sa napakaraming bulaklak na nakatanim sa lugar na ito. Wala namang ibang taong nasa paligid kaya siguro ito ang napiling lugar ni Ace para mag-usap kami.
“Speak,” ani niya.
“Ginawa ko ang sinabi mo sa akin. Okay naman ang lahat at nagpapasalamat akong naging successfull ang naging resulta... pero may isang bagay lang na nagkulang.” I paused for a second, “Ang sprout na tumubo na sa kabilang dulo ng dahon ay hindi nasama na nagbalik sa berdeng kulay. Hanggang sa mga oras na ito ay kulay brown pa rin siya at alam kong may tyansang tuluyan itong mamatay. I don’t want it to happen dahil pakiramdam ko ay iyon lang ang natitira kong pagpipilian para matupad ko ang kahilingang hinihingi sa akin ng taong iyon.”
I don’t know of my self pero parang hindi man lamang ako nagdalawang isip na ibahagi lahat ng bagay na iyon kay Ace. Na para bang pakiramdam ko ay ang lahat ng bagay na tungkol doon ay alam kong ligtas sa kamay niya.
“Kaya please, if may nalalaman ka pang ibang paraan jan ay sabihin mo na sa akin. Despirado na ako, gagawin ko lahat ng gusto mo mabuhay lamang muli ang halamang iyon.”
Napansin ko ang panandaliang pagningning ng mata niya lalong-lalo na nang banggitin ko ang aking mga huli kataga kanina. Agad rin naman iyon nagbago at napalitan ng napakaseryoso niyang ekspresyon.
Tumalikod siya sa akin sabay tingala sa langit na parang may iniisip siya. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nga at nakatalikod siya ngayon sa direksyon ko. Lumipas ang mahigit isang minuto ay muli siyang humarap sa akin suot pa rin ang seryoso niyang mukha.
“May isa pang paraan pero ikaw lamang ang makagagawa nito at higit sa lahat kapag nabigo ka ay posibleng hindi lamang ang halaman ang mamatay kundi pati na rin ang mismong dahong tinubuan nito.”
Nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay kaagad na kumalat sa aking dibdib ang kaba, napaisip ako ng malalim sa kung anong desisyon ang aking gagawin ngunit sa huli ay nanaig pa rin sa akin ang isa.
Kung gusto kong mangyari ang lahat ng aking kagustuhan ay hindi ko kailangang pumili. Kung pwede namang iligtas ko ng sabay ang dalawang bagay. Taas noo akong tumingalang muli kay Ace at sumang-ayon sa kanyang mga sinabi. Kasabay rin nun ay ang pagsilay ng napakasayang ngiti sa kanyang labi.
“Nagbago ka na talaga, hindi na ikaw ang dating kilala kong puro larong si Brone Ellise,” usal niya na tama lang para marinig ko nang maayos ang bawat salitang kanyang binitawan.
*****