CHAPTER 27

2149 Words
RAZE’s POV Pagkatapos sundan ni Brone sa pag-alis sa silid na ito si Horace ay naiwan na lamang kaming tatlo ng aming alpha leader at ni Izy. They both have this strange expression stuck in their faces, it always appearing whenever I visit this chamber. Something like they always have something to discuss with me. “I believe hindi lang ang pagsama sa iyong tinatanging kuting ang dahilan ng pagpunta mo rito?” bungad na usal sa akin ng alpha leader. The longingness of something is vividly showing in his deep aquamarine blue eyes. Izy didn’t even bother to say a thing which is not so particular with how talkative his personality is. Pinasadahan ko siya ng tingin bago ako nakipagtitigan sa aming alpha leader, hinihintay kung may sasabihin pa ba ito o sadyang hinihintay niya lang din ang magiging tugon ko. “What’s with Horace appearance here, ang buong akala ko ba ay napag-usapan na natin ang lahat. You will give me a month to decide then you can do all want with my life.” “Sa pagkaka-alala ko ay wala akong nilabag na kahit ni isa mang bagay sa loob ng ating kasunduan. Sumang-ayon akong pabayaan ka sa iyong mga gustong gawin sa loob ng isang buwan pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako mangingialam.” He paused, “You are a heir of this pack and your responsibility is inside this chamber not with all the bullsh*t pretending to be a Delta and flinging with some random outsider.” Naging mataas na ang pagkakasabi niya ng mga huling katagang iyon. Ang nagpakulo pa sa dugo ko ay nang bigkasin niya ang tungkol kay Brone at kung pano niya ito hamakin na parang isa lamang itong hindi importanteng piece sa kanyang ginagawang laro. “He has a name and he is my mate. Of all wolves in this world, you are the one who should know that you can’t defy destiny. Our fate is already intertwined and it is all because of your past mistakes.” Gumanti rin ako sa kanya at nakipagtaasan na rin ng boses. Hindi na nito mapigilan kundi mapatayo na lamang sa kanyang pagkaka-upo sa kanyang trono at duruin ako. Kita ko ang inis sa kanyang mukha at kung paano niya sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Samantalang walang ginawa ang kanyang kanang kamay na si Izy kundi tumayo lang sa kanyang tabi at panuorin ang aming pagbabangayan na para bang nanunuod lamang siya ng isang family soap opera. Napakuyom ng kamao ang alpha leader ng makailang beses kasabay ng kanyang pagpapakalma sa kanyang sarili, nang tuluyan na siyang makabawi ay bumalik muli siya sa kanyang pagkaka-upo ngunit sa pagkakataong ito ay himas-himas na niya ang kanyang sentido animo’y sumasakit ito. “It’s all for the sake of the pack, bilang isang pinuno ay tungkulin kong protektahan ang buong lupon kahit sa ano mang paraan, kahit pa—” “Kahit pa sa ano? Kahit pa ang kapalit nun ay ang mismong pagkagulo ng tadhana ng mismo mong anak. Ganon ba?” Sa pagkakataong ito ay naging medyo madamdamin na ako, hindi ko na napigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman sa harap niya. Sa harap ni Vladimir Konvelkier. Sa harap ng alpha leader ng lupong ito. Sa harap ng aking tunay na ama. Ilang segundong natahimik ang bawat naming panig at nang muli siyang magsalita ay mahinahon na ang kanyang tono. “Pero hindi mo ba nagugustuhan ang nangayari matapos magulo ang sarili mong tadhana? Nakilala mo ang isang nilalang bilang iyong kapares na labas sa ating lahi. Naging mas malaya kang gumawa ng desisyon, hindi tulad ko na nakakulong lamang sa apat na sulok nitong bulwagang ito.” Hindi ako nakasagot sa winika niyang iyon. Bagkus ay napayoko na lamang ako’t parang nahihiya nang siya ay tingnan diretso sa mata. Tama ang lahat ng kanyang sinabing iyon, hindi ko man aminin ngunit nasa loob ko ay nasisiyahan din ako sa pagbabago ng takbo ng aking tadhana. Sa buong buhay ko ay ang puntong ito ata ang hinding-hindi ko pagsisisihan matapos maganap ang pagkagulo ng aking tadhana. Ang makilala sa ‘di inaasahang pagkakataon si Brone ay siyang lubos kong ipinagpapasalamat sa lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko. Kinakailangan kong magtago at ibahin ang tunay kong pagkakakilanlan sa nakararami para lamang maproteksyonan ang sarili ko sa kung ano mang panganib na hindi ko man lang alam kung ano, tanging ang aking ama lamang ang nakakaalam kung ano iyon. Ang tanging sinasabi lamang niya sa akin na sa pagdating ng tamang paghuhukom ay may utang na kailangang bayaran. Hindi ko man lubos maintindihan ang kanyang pinagsasabi ngunit isa lang ang lubos ko nauunawaan. Na ang kanyang hininging karangyaan ng buong lupon ay may dalawang kapalit na bagay. Ang una ay nasingil na, ngunit ang pangalawa ay nagbabadya pa. Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ng aking ama na nagdulot sa akin upang makawala sa pagbabalik tanaw at wala sa sariling mapatingala ng tingin diretso sa kanya. “Isang buwan. Binigyan kita nang ganoon kahabang panahon para pagdesisyonan mo ang susunod mong hakbang at iilang araw na lamang ang natitira bago maubos ang palugit na ibinigay kong iyon sa iyo. Hindi ikaw ang humahabol sa oras, Raze. Kundi ikaw ang hinahabol ng oras at hindi iyon mababaliktad kailanman... Naniniwala akong ang presensiya ng isa pang feline sa teritoryo natin ay makakatulong upang mapadali ang paggawa mo ng desisyon.” Hindi na ako nakasagot pa sa kanya sapagkat nang matapos siya sa kanyang mga sinasabi ay siya rin niyang paglisan sa bulwagang iyon. Gusto ko mang habulin siya ng aking mga katanungan ay parang hindi ko magawa. May kung anong bagay ang pilit na pumipigil sa akin para masabi ko ang mga iyon. Sa pagkakataong ito ay tanging kami na lamang ni Izy ang natitira rito. Ganoon pa rin ang kanyang posisyon. Ni hindi ko nga siya napansing gumalaw kahit isang dangkal lamang simula pa kanina, para lamang siyang isang estatwang ayosan ng mga damit sa pamilihan. “Kung pagsasabihan mo rin ako katulad ng ginawa ng butihin mong pinuno ay ‘wag mo nang balakin pa. Baliwala lamang ang mga salita mo pagdating sa akin,” ani ko habang pinapakita ko talaga sa aking mukha ang walang kagana-ganang ekspresyon. Narinig ko ang kanyang pagtawa habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa akin. Bawat yapak ng kanyang mga paa ay para bang tumatakip sa bawat daluyan ng hangin sa aking katawan. Nakasusulasok ngunit parang hindi. “At bakit mo naman naisip ‘yon aber. Sa lahat ng lobo ay alam ko na alam mong malayong-malayo ang ugali ko sa ama mo. Kung siya ay palaging nakabusangot lang, ako naman itong nagsisilbing bulaklak ng buong lupon na siyang nagbibigay ng kulay at halimuyak sa lahat.” Sinimangotan ko lamang siya ng mukha habang titig na titig ako sa kanyang hitsura, maya-maya lang ay umayos na siya ng kanyang tindig. Sa isang iglap ay naging seryoso na ang kanyang mukha. “Pero ito lang ang sasabihin ko. ‘Wag na ‘wag mong babaliwalain ang mga babalang inilatag sa iyo ng iyong ama. Kilala mo siya, hangga’t gusto niya ay nakukuha niya at kapag alam niyang ang isang bagay ay balakid lamang sa kanyang landas ay hindi siya mangingiming alisin ito sa kahit ano mang paraan na kanyang naisin.” Nagdulot ang mga sinabing iyon ni Izy ng kakaibang kilabot sa buo kong kalamnan. Animo’y bawat letrang kanyang binigkas ay nag-anyong uod at pumasok na lamang sa aking katawan para akong pabulokin. Isina-isip ko ang mga sinabi niyang iyon dahil ni katiting na kataga ay wala siyang sinabing hindi makatuwiran sa kung anong klaseng pagkatao meron ang aming alpha leader. Ang aking ama. Napatingala na lamang ako sa ibabaw na bahagi nitong bulwagan na walang ibang makikita kundi mga desisyong hindi ko naman ma-appreciate. At sa hangin ay nagwika ako. “Kailangan ko ba talagang pumili o pwede namang ‘wag na lang at gawin ko na lang lahat ng nasa pagpipilian sa abot ng aking lakas at ng aking makakaya?”   *****   BRONE’s POV Natuod ako sa aking kinatatayuan nang tawagin ni Ace ang buo kong pangalan. Paano niya nalaman iyon, gayong hindi ko naman ito sinasabi sa kanya. At wala akong maalalang pagkakataon na nasabi iyon sa kanya ng iba. Sa aking pagkagulat ay hindi ko nakontrol ang aking sarili at bigla na lamang aking napaatras mula sa kanya nang hindi inaasahan. Kaagad rin namang gumuhit sa kanyang mukha ang pagtataka sa aking naging reaksyon. Na parang tinatanong niya ako kung may nagawa ba siyang mali o ano. “S-sino ka ba talaga?” pautal-utal kong pagbigkas habang dilat na dilat ang mga matang nakatitig sa kanya. Sa isip ko ay kapag may ginawa siyang ni katiting na hakbang na hindi ko magugustuhan ay siguradong gugutay-gutayin ko ang buo niyang katawan sa abot ng aking makakaya. Akma siyang hahakbang palapit sa akin pero nang makita niya ang pagtaas ng aking mga kuko ay kaagad rin siyang napatigil. “Kilala mo ba ako? Ano ba talaga ang tunay mong pagkatao? Anong koneksyon mo sa aking nakaraan? Sino ako? Bakit ako napadpad sa lugar na ito...” At marami pang mga katanungang lumabas sa aking bibig. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan at tuluyan na akong napaluha. Sa bigat na dinadala ng aking puso ay tuluyan na nga akong bumigay. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko ay ano mang oras ay sasabog na ang utak ko sa dami ng nagagawa kong mga tanong sa puntong ito. “Hindi ako ang makakasagot ng mga katanungan mong ‘yan, Brone. Kundi ikaw lamang din at kailangan mong personal na hanapin ang bawat kasagutang iyong hinahanap.” Nainis na ako sa matatalinghaga at paikot-ikot niyang mga pinagsasabi. Walang ano-ano’y tumakbo ako palapit sa kanya habang ang aking isang kamay ay nakataas at handa ng kumalmot sa kanya, nang sa isang iglap ay napatigil na lamang ako sa paggalaw na parang may kung anong bagay ang gumapos sa buo kong katawan. Nataranta ako’t binato muli siya ng mga tanong, pero this time ang lahat ng iyon ay patungkol na sa kung paano ako biglaang napatigil. “Huminahon ka, Brone. Pakalmahin mo ang iyon sarili at ibibigay ko sa iyo ang landas na iyon hinihingi.” Para bang isang malamig na hangin ang kanyang boses na diretsong pumasok sa aking tenga at nahipnotismo ako. Namalayan ko na lamang ang dahan-dahang paggaaan ng aking dibdib pati na rin ang pagkawala ng aking pagkataranta. Ilang sandali pa ay ang blanko kung isip ay bigla na lamang nagkaroon ng kulay at ang unang imaheng bumungad sa akin ay ang imaheng ipinakita sa akin ng aking bangungot nung nakaraang mga araw. Ngunit ang kaibahan ngayon ay may mga mukha na ang lahat ng nilalang na naririto, pati na rin ang kanilang mga boses ay tuwiran ko nang naririnig. “Lola? Kataliya?” naibulalas ko habang tuluyan pa ring nagp-play sa aking utak ang mga imahe. Alam kong sa mga oras na ito ay dumadaloy na ang masasaganang luha sa aking mata. Sanhi ng pinaghalong saya at lungkot sa aking mga nakikita. Maya-maya pa ay napunta ang imahe sa punto kung saan sinalakay ng kami ng mga kakaibang nilalang na ngayon ko pa lamang nakita. Napasigaw na ako’t ramdam ko kung paano pinapakalma ni Ace ang aking katawan sa pamamagitan ng paghagod sa aking likod. Muli na namang nagbago ang mga imahe at ipinakita na naman ang punto kung saan ibinigay ni lola sa aking ang dahon ng Dayonarra. Nagpatuloy ang paglabas ng mga imahe sa aking utak hanggang sa hindi ko na makayanan ang mga nangyayari at pwersahan ko nang pinalaya ang aking sarili sa ginawang hipnotismo sa akin ni Ace. Habol-habol ko ang aking hininga habang ang buo kong katawan ay pawis na pawis na, sabayan pa ng matindi kong pagluha. Tumingala ako sa mukha ni Ace at tinitigan ko siya nang walang sinasabi. Ngayon ay natatandaan ko na ang bawat detalyeng nilalaman ng bangungot kong iyon at wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na ito kundi matinding puot at galit para sa mga nilalang na sumugod sa amin ng araw na iyon. Hindi ko sila mapapatawad at kahit  kailangan kong galugarin ang buong kontenenteng ito ay gagawin ko, mahanap lamang ang lahi nila at tuluyan kong mabura ang kanilang bahid sa mundong ito. “Katulad ng sabi ko ay ikaw lamang ang makagagawa ng lahat ng gusto mong mangyari sa iyon buhay kasama na roon ang pagbabalik ng namatay na tumubong halaman sa dahon ng Dayonarang dala mo. Hanapin mo ang lahat ng nawawala mong ala-ala at sigurado akong yayabong ang maliit na halamang nakakabit sa dahong iyong pinapangalagaan.”   *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD