BRONE’s POV
The thought of having a glimpse of your memories slowly coming back bring this unfathomable excitement. Magkahalong saya at lungkot ang kasalukuyang lumulukob sa aking puso ngayon, mga pakiramdam na dala ng katiting lamang na peraso ng aking nakaraang mga ala-ala. Hindi ko lubos akalaing ang bangungot ko pa lang iyon ay mas nakakatakot pa kapag nakita ko ito ng mas malinaw. Bawat hiyaw ng aking mga kalahi at bawta dugong dumadanak sa harap ng aming sagradong puno ng Dayonarra ay ibayong pighati ang dala sa aking damdamin.
Kasabay rin ng lungkot na iyon ay ang poot at galit na dumadaloy sa aking mga ugat sa tuwing bumabalik sa aking isip ang kalunos-lunos na nangyari sa aming lupon.
Hinding hindi ko mapapatawad ang mga nilalang na iyon kahit kailan man. Ako mismo ang hahanap sa kanila at lilipol ng kanilang lahi.
Matapos ng pribadong pag-uusap naming dalawa ni Ace kanina ay magkasabay pa rin kaming bumalik sa bulwagan ng alpha leader, wala kaming imikan sa isa’t isa at kahit gusto ko man siyang kulitin tungkol sa kanyang tunay na pagkatao ay pakiramdam ko’y baliwala rin iyon at iibahin lamang niya ang topic.
Nadatnan namin sa labas ng pinto si Raze, nakatayo lamang siya doon marahil ay hinihintay ang aking pagbabalik. Nang makita na niya ako ay mabilis siyang naglakad at sumalubong sa akin. Nang magkalapit kami sa isa’t-isa ay isang matalim na tingin muna ang kanyang mabilis na ibinigay kay Ace bago niya ako tuluyang kausapin.
Makalipas ang ilang sandali ay hindi na rin kami nagtagal doon at tuluyan na naming nilisan ang chamber, naiwan doon si Ace ‘pagkat may hindi pa raw sila tapos na pag-uusap ni Izy. Ang sabi naman niya ay susunod na lamang daw siya sa amin. Inembetahan ko kasi itong sa bahay na lamang maghapunan at marami pa akong gustong itanong sa kanya.
Matapos nun ay minabuti muna naming bumalik sa laboratoryo. Habang nasa daan kami ay panay ang tanong sa akin ni Raze tungkol sa mga pinag-usapan namin ni Ace kanina. Wala naman sa plano kong maglihim sa kanya kung kaya at kenwento ko na rin lahat ng nasabi sa akin ng huli.
Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha lalo na nang sabihin kong may naaalala na akong katiting na parte ng aking nakaraan. Tingin ko naman ay masaya siya sa natuklasan ko base na rin sa kanyang naging reaksyon at ekspresyon.
Pagkarating namin sa laboratoryo ay nasa labas na nga ang tatlo. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Mrs. Veronica samantalang ang dalawa naman ay naghaharutan lang sa gilid nito. Si Mrs. Veronica ang unang nakapansin sa aming pagdating at wala itong sinayang na pagkakataon. Pagkalapit na pagkalapit ng aming mga pwesto ay kaagad niya na kaming inulan ng mga tanong patungkol sa dahon at halamang tumubog rito, partikular na sa akin.
Pinakalma ko muna siya bago ko sinabi ang tungkol sa naging solusyon ni Ace sa hindi pagbabalik ng normal na kulay ng maliit na halaman. Lalong lumugmok ang mukha ni Mrs. Veronica nang sabihin ko iyon pero sinabi ko rin naman sa kanya na sisikapin kong mabuti para lang maibalik ko lahat ng aking nawalang mga alaala sa lalong madaling panahon.
“For now eh kung maaari siguro ay ihinto niyo na muna ang ginagawa niyo pong eksperimento sa dahon, baka kasi lumala pa kapag hindi natin sinunod kung ano man ang sinabi ni Ace.”
“Of course, don’t worry about that. Magiging safe sa pangangalaga ko ang dahong iyon habang hindi ka pa nakakaalala ng buo,” tugon sa akin ni Mrs Veronica.
After a couple of minutes ng aming pagpapalitan pa ng mga salita ay naisipan na rin namin nila Raze na umalis na sapagka’t palubog na rin ang araw at ilang oras na lang ay simula na ng patrol shift ng dalawa.
Gusto pa sanang hindi sumama ni Ford sa amin at sinabing liliban muna raw siya sa pagpapatrolya ngayong araw pero hindi sumang-ayon si Raze pati na rin si Mrs. Veronica, kaya’t wala siyang nagawa kundi magpakaladkad na lang sa amin.
Alam kasi ng ginang na kapag nanatili ito sa laboratoryo ay wala nang magagawang matinong trabaho si Ike dahil kukulitin at kukulitin lamang ito ni Ford.
[. . .]
Nasa bahay na ako’t kausap ko ngayon si Lixn. Tinutulungan ko siya sa mga gawaing bahay dahil wala naman akong ginagawa sa puntong ito. Biglang sumagi sa isip ko ang isang bagay na kanina ko pa gustong-gustong itanong sa kanila.
“Nga pala, Lixn.” Mabilis akong hinarap ni Lixn para pakinggang mabuti ang susunod kong sasabihin.
“Is there anyway para makakuha ako ng tela sa mga susuotin kong damit na hindi napupunit basta-basta kahit pa magbagong anyo ako?”
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumitig sa aking mukha. Parang may kinakalkal siya sa kanyang isipan habang inaanalisa ang tungkol sa sinabi ko.
“Yung tela ba na kagaya sa suit nila sir Raze ang tinutukoy mo?” Tumango ako. “Well, meron naman. Kaso hindi ito binibigay basta-basta lalo na sa sitwasyon mo na hindi kalahi namin.”
Medyo nadismaya ako pero pinilit ko pa ring magtanong ng bagay-bagay patungkol doon.
“Ganun ba, is there anyway para magkaroon ako kahit kaunting tela lang para sa isang damit at short ko?”
Muli ulit siyang tumigil sa kanyang ginagawa at nag-isip ng malalim.
“Hmm, I think meron. Pwede mong gamitin ang koneksyon ni sir Raze para makakuha ka. Kaya ko kasi nasabing mahirap itong makuha kasi hindi sa laboratoryo ni Mrs. Veronica ito ginagawa kundi sa isa pang laboratoryo na mostly mga Beta ang namamahala at mga Omega ang mga gumagawa.”
Naging interesado ako sa lahat ng sinabi niyang iyon pero ang talagang nakapagkuha ng pansin ko ay kung bakit pakiramdam ko ay ganoon na lang kalawak ang sakop ng privilege ni Raze. Tinanong ko siya tungkol doon ngunit kaagad rin siyang natamimi at halos kagatin na niya ang kanyang mga labi, wag lamang masabi sa akin ang sagot na aking hinihingi.
Kinulit ko pa siya nang kinulit hanggang sa sumuko na nga siya.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago niya ako sinagot.
“I know sinabi ko na sa ‘yo last time na wala akong karapatan at wala ako sa tamang posisyon para sabihin ang buong katotohanan sa ‘yo, pero bilang itinuturing mo akong kaibigan na iba sa tingin sa akin ng mga kalahi ko ay bibigyan kita ng hint.” She paused for a couple of seconds at nakipagtitigan muna sa akin. Muli siyang bumuntong hininga at tiim-bagang na ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.
“Ang Raze na nakakasama mo araw-araw ay hindi mo ganoon kakilala, kung inaakala mong alam mo na ang buong pagkatao ni sir ay nagkakamali ka. Ang mabuti pa ay direkta mo na siyang tanungin sa lalong madaling panahon tungkol sa usaping ito, dahil siya lang ang may karapatang magbigay ng totoong kasagutan tungkol doon.”
Then it hit me. Habang hindi ko pa nalulutas ang mga nauna kong problema ay panibagong iisipin na naman pala ang dadagdag. I know wala ako sa posisyon para magreklamo pero sana naman isa-isa lang. Mahina po ang kalaban, nag-iisa lamang ang aking isip.
Mortal din ako, naguguluhan at kailangang magpahinga. Para kasing araw-araw na lang ay mayroong bagong suliranin akong dapat lutasin.
*****