CHAPTER 29

2520 Words
BRONE’s POV  Mabilis na dumaan ang oras at ‘di ko namamalayan na tatlong tulog ko na lang pala at magigisnan ko na ang tree of change na sinasabi nila rito. Kung noon ay atat na atat akong makapunta sa lugar na iyon ay para bang sa kaunting araw na nagdaan ay bigla na lamang nagbago iyon. May kung ano sa loob ko na parang ayaw ko na lamang pumunta sa lugar na iyon dahil baka kapag ginawa ko ito ay bumalik lahat ng mga ala-ala ko, at kahit despirado akong makaalala agad ay natatakot din ako sa kaakibat nitong mga hindi magagandang ala-ala. Papaano pala kung may parte sa ala-ala kong matagal ko nang gustong kalimutan at dahil sa pagmamadali kong makaalala ay masaktan lang muli ako ng mga masasakit na ala-ala kong iyon. Lahat naman tayo may mga mapait na karanasan sa nakaraan pero simula nang maalala ko ang tungkol sa aking bangungot ay parang umatras lahat ng kagustuhan kong makaalala. Kung titingnang mabuti ay hindi na rin masama ang ganitong estado ko ngayon ng pamumuhay. Wala masyadong alalahanin na obligasyon at pwede akong magsimulang muli, bumuo ng mga masasayang ala-ala kasama ang mga napalapit na sa akin sa aking kinalulugaran ngayon. Kung pwede ko lang talikuran lahat ng responsibilidad na nakaatang sa aking balikat ay gagawin ko, ngunit kung gagawin ko naman iyon ay hindi ko ata makakayang dalhin panghabang buhay ang konsensya sa hindi ko pagtupad sa huling habilin ng aking lola. Ang muling pagbabalik na nga lang ba ng lahat ng ala-ala ko ang sagot para tumubo ang halamang nakakabit sa dambuhalang dahong iyon? O may iba pa. These past few days ay palaging naglalaro sa aking isip kung paano ko kokomprontahin si Raze para diretsahang tanungin sa kanya ang totoo nitong pagkatao, pero parang bastos naman iyon kung basta-basta na lamang akong makikiusyoso sa pribado niyang buhay. Marunong rin naman akong rumespeto at iyon ang pumipigil sa akin para kulitin si Raze. Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang hindi makatulog ng mahimbing sa gabi sa kakaisip sa mga problemang nasa isipan ko at maging palaging lutang na parang napakalayo na nararating ng isip sa tuwing kinakausap ako ng iba. Unang nakapansin ng pag-iba ng mood ko ay mismong si Raze, kaagad niya akong tinanong patungkol sa kung bakit palagi na lamang akong tulala at masyadong malalim ang iniisip. Hindi ko siya masagot ng diretso dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagkukwento. Napakaraming klase-klaseng alalahanin akong dinadala sa mga puntong ito at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa lahat, hinahayaan ko na lamang na ang panahon na lang ang magdikta at pumili. Lubos pa akong nakonsensya sa hindi ko pagkwento sa aking nararamdaman kay Raze nang lalo nitong ipinadama sa akin na kahit na anong mangyari ay susuportahan niya ako at palagi lamang siyang nasa tabi ko. Hindi na nga siya umuuwi sa totoo niyang tahanan at dito na talaga siya sa bahay natutulog. May isang pagkakataon pa ngang gusto na niya akong samahan sa pagtulog upang masiguro niyang makatulog ako nang mahimbing pero todo angal ako dahil ayaw kong maulit kaagad ang nangyari nung gabi ng solar eclipse sa aming dalawa. Ang maalala pa lang kung gaano kalaki ang sakanya at kung paano ko tiniis ang sakit na dala nito ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. May konting parte naman sa akin na gustong maulit ang pangyayaring iyon pero sa tingin ko ay hindi pa sa ngayon, siguro ay kailangan ko munang mag-ipon ng sapat na lakas. Sa mga nakalipas ding araw ay narito pa rin si Ace sa teritoryo, ang sabi niya ay hindi pa natatapos ang pakay niya rito kaya baka matagalan pa ang kanyang pananatili tutol na tutol doon si Raze, base na rin sa kung paano niya matalim na titigan ang huli, pero wala naman siyang magagawa dahil nasa likod ni Ace ang mismong alpha leader. Palagi itong nakabuntot sa akin sa kung saan man ako naroon pero ‘yung tipong hindi lang siya mahahalatang nakabuntot sa akin at dahil doon ay dumarami na rin ang pagkakataon na lumiliban si Raze sa kanyang trabaho para lang din bakuran ako. He really thought na ano mang oras ay nanakawin ako ni Ace at klarong-klaro iyon sa kanyang mga ekpresyon sa tuwing nasa paligid ang huli. “Mamayang tanghali ay kailangan nating pumunta sa harapan ng chamber ng alpha leader, may mahalaga raw itong iaanunsyo sa lahat. By the way, natapos na pala iyong nere-request mong damit sa akin. Nasa bahay na ang sampung pares ng mga damit na ipinatahi mo. Pwede mo na iyong suotin pagkauwi natin,” usal sa akin ni Raze na naka-poker face na naman. Nagningning ang mata ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Sa wakas ay hindi na ako mamomroblemang magbagong anyo out of open places dahil hindi na ako magiging hubo’t hubad kapag ginawa ko iyon. Ang telang gamit kasi sa ni-request kong damit kay Raze ay gawa sa espesyal na tela na hindi mapupunit kapag nagbagong anyo ka. Base sa pagkaka-alam ko ay galing ang raw materials nito sa mismong dahon ng tree of life nila rito. Doon kumukuha ang isa pang laboratoryo nila rito para makagawa na ganoon ka espesyal na mga damit ng kanilang lahi. Sa totoo lang ay dalawang pares lang talaga ng damit ang hiningi ko sa kanya pero nagulat na lang akong naging sampu na pala. Pwede naman kasi akong magsuot ng normal na damit lang sa normal na araw, hindi naman kasi araw-araw eh magbabagong anyo ako. Nagtatatalon ako sa galak at bigla na lamang napayakap nang mahigpit sa leeg ni Raze, nagulat pa siya pero bumawi na rin ng yakap sa akin. “Salamat ng marami, nabawasan na ng isa ang lahat ng mga alalahanin ko,” wika ko matapos bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang leeg. “W-walang anuman.” Sagot pa niya habang kumakamot sa kanyang batok at parang nahihiya pa, naging medyo pula rin ang kulay ng kanyang mukha na bahagya kong ipinagtaka. Tinanong ko siya patungkol sa biglaan niyang pamumula at ang sagot lang niya ay wala lang daw iyon, ang akala ko naman kasi ay napasobra ang pagyakap ko sa kanyang leeg kanina at kamuntikan ko pa siyang malagotan ng hininga. “Wala bang sa ‘kin jan?” biglang sabat ni Ace na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin. Bigla na namang kumunot ang mukha ni Raze. Hindi nito pinansin ang huli at tinuring lang na nagsasalitang hangin. “Bakit kailangan mo ng ganoon, anong klaseng lahi ka ba?” ani ko kay Ace sa nagtatakang ekspresyon. Tumawa lamang ito ng payak saka hindi na naman ako sinagot ng diretso. “Secret, you’ll know it when you know it.” Well, ano pa nga ba naman ang aasahan ko. Maya-maya lang ay nararamdaman ko na naman ang unti-unting pagbabago ng ambiance ng aking paligid, na para bang dahan-dahan na namang tumataas ang temperatura sa magkabilaang side ko, kung nasaan nakatayo ang dalawa. Pakiramdam ko ay ano mang minuto ay may away na magaganap. Kung kaya’t bago pa iyon mangyari ay minabuti ko nang ibahin ang usapan para mag lighten-up ang paligid naming tatlo. Sinubukan ko talagang pagaanin ang bawat mood ng lahat at parang kahit papaano ay nagawa ko naman iyon. Wag lang talagang magsalita si Ace na talagang ikakakulo ng dugo nitong isa kundi mangyayari talaga ang isang madugong labanan sa pagitan nila. Mga ilang minuto lang din ang lumipas ay kaagad na ring umalis sa amin si Ace, ang sabi nito ay may gagawin pa raw siya sa chamber ng alpha leader. Naiwan ang isa na parang sirang-sira na ang araw, ang ginawa ko na lamang ay sinubukan ang lahat para hindi na kumunot ang mukha nito. After a couple of hours ng random na mga ginagawa namin sa labas to relax at para maging kalmado ang isip ko ay bumalik na kami sa bahay. Ako na rin ang nag-imbeta kay Raze na bumalik na kami dahil excited na talaga akong masubukang isuot ang mga damit na ipinatahi niya. Pagkarating na pagkarating namin ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko kung saan sabi ni Raze na naroon daw ang mga pares ng bago kong mga damit. Nagtatakbo akong binuksan ang pinto ng aking kwarto at una ko talagang tiningnan ay ang aking kama. Kung saan naroon ngayon ang sampung pares ng mga damit na may espesyal na tela. Abot tenga ang aking ngiting nilapitan ang mga ito saka inamoy-amoy at niyakap-yakap. Hindi pa ako nakuntento at kulang na lang ay isayaw ko ang mga ito. “Did you like the designs?” rinig kong boses ni Raze mula sa pinto. Nakangiti ko siyang nilingon saka mabilis na tumango-tango habang akap-akap pa rin ang mga damit. Ngumiti naman siya sa akin habang tinitingnan ako sa childish kong mga reaksyon. “Mabuti naman, ako mismo ang pumili ng mga desinyo niyang at sinigurado ko talagang babagay ang lahat ng ito sa iyo.” Isang matamis na ngiti na naman ang kanyang ipinakita sa akin habang ang kanyang masisiglang mata ang direktang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko na lamang namalayan na bigla na pa lang bumilis ang t***k ng aking puso at para bang sasabog na ito. Napalingo-lingo na lamang ako para makabalik sa aking ulirat. Kamuntikan na ako roon ah. Bigla na lang kasi akong natulala sa kung gaano kaganda ang ngiting ipinakita niya sa akin, na para bang sa sandaling iyon ay nasilayan ko ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo. Minsanan ko lang kasi talagang makita ang ganoong ngiti niya o mas tamang sabihing unang beses ko pa lang iyong nakita galing sa kanya. “Maiwan na muna kita. Be sure to not be late later. Isukat mo lahat pero ‘wag mong kakaligtaan ang oras.” Tinanguan ko lang siya nang hindi tumitingin sa kanyang mukha. Pagka-lock niya ng pinto ay isang malakas ng buga ng hangin ang aking ginawa sabay hawak pa sa aking dibdib na ngayong ay malakas pa rin ang t***k dito, habang sa aking isip ay paulit-ulit na bumabalik ang imahe kanina ni Raze habang siya ay nakangiti sa akin. Lumingo-lingo muli ako but this time ay nilakasan ko na para lang talaga mawala ang imahe niyang iyon. “Am I falling for him?” naibulalas ko na lang sa hangin. Para mawala sa isip ko ang imaheng iyon ay naging busy na lang ako sa pagkawili sa pagsusukat ng mga damit ko. Lahat ng iyon ay masaya kong isinuot at tiningnan sa salamin habang abot tenga ang aking ngiti. Bawat design ng mga ito ay talagang nagustuhan ko talaga. Hindi ganoon ka light ang mga color ng mga ito. Dark blue, brown, gray, black, and maroon lang ang makikitang kulay sa mga ito na tamang-tama sa taste ko. Ayaw ko kasi nung masyadong makukulay na mga damit. Gusto ko iyong hindi masyadong eye-catching na mga kulay tulad ng mga nabanggit ko. Dumaan ang ilang pang mga sandali at nakapili na nga ako ng isang damit na isusuot ko para mamaya sa pagpunta namin sa chamber. Naligo kaagad ako’t binilisan ko na ang aking pag-aayos para maka-alis na kami kaagad. Yung pinaka-formal na damit ang napili kong isuot dahil parang isang event naman ang pupuntahan namin doon. Hindi ko nga gets kung bakit katanghalian pa talaga ang napili ng alpha leader nila rito kung pwede namang sa gabi na lang. Nang masiguro kong okay na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Lixn sa labas na naglilinis ng sahig. Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin siya nakaayos hanggang ngayon, ang sabi naman sa balita eh lahat ay pinapapunta sa chamber ngayon. “Oh bakit hindi ka pa bihis. Malelate tayo niyan,” bungad ko sa kanya. “Ay wala kasi talaga akong balak pumunta roon, hindi ako sanay sa mga ganong events.” Napakunot ako ng aking noo sa kanyang sinabi. “Anong hindi sanay, hindi sanay ka jan? Itigil mo na ‘yang ginagawa mo jan at magbihis ka na ron. Hihintayin kita sa sala.” Nakupagtalo pa siya sa akin nang makailang ulit pero hindi ko talaga siya tinigilan sa pangungulit hanggang sa hindi na talaga siya nakatiis at siya na ang sumuko. Hindi ako naniniwalang hindi talaga siya sanay, siguro ay ayaw niya lang talagang pumunta roon dahil nahihiya siya at mababa ang tingin niya sa sarili niya. Pwes, sa araw na ‘to ay sisiguraduhin kong tataas ang lebel ng confidence niya. Pagkapunta ko sa sala ay naabutan ko roon si Raze na nakaayos na rin, katulad ko ay formal attire rin ang suot niya. At magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin napaka-hot niya sa suot niyang damit ngayon. Pati na rin sa kanyang hairstyle na side-parted. Ang elegante tuloy ng look niya ngayon. Hindi pa niya ako kaagad napansin at abala siya sa pag-aayos ng kanyang butones sa kanyang pulsohan. Nilapitan ko siya saka sinabing ako na lang ang mag-aayos nun hindi naman siya umangal at hinayaan na lang akong ituloy iyon. “You look... stunning.” Rinig kong bigkas niya habang nagkakabit ako ng kanyang butones. Bigla pa akong napatigil dahil doon at nahihiyang tumangala sa kanya. “Thanks, you too.” Yun lang ang nasabi ko at kaagad nang bumalik sa pagkakayuko. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na nga si Lixn ng kanyang kwarto. Nagulat pa ako sa kung gaano kaganda ang itsura niya ngayon. Nakasuot siya ng kulay maroon na dress na hanggang tuhod habang ang kanyang suot sa paa ay isang stilletos. Hindi ko lubos akalaing may mas igaganda pa pala siya kapag nag-ayos sa ng kanyang sarili. Hindi ko na lang napigilang mapatulala at mapanga-nga habang nakatitig sa kanya. Nang makabawi ako ay kaagad ko na siyang tinawag na lumapit sa amin. Malayo-layo pa rito ang chamber ng alpha leader kaya naisipan na lang naming gumamit ng karwahe para naman hindi masira ang postora namin ngayon. Makalipas ang ilang mga sandali ay naratin na namin ang harapan ng chamber dahil mabilis naman ang takbo ng sinakyan naming karwahe. Maraming mga tao na rin kaming nadatnan at lahat sila ay papasok na ng mismong chamber kung kaya’t sumunod na rin kaaagad. Ang mismong pagdadausan ng event ngayon ay ang napakalawak na hall sa harap mismo ng chamber. Pagkapasok mo kasi sa main entrance nitong chamber ay bubungad sa iyo ang dalawang pathway. Yung nasa kanan ay papunta sa bulwagan ng alpha leader samantalang ‘yung nasa kaliwa naman ay papuntang main hall dito. Ang pathway sa kaliwa ang aming tinahak kasunod din sa iba pang mga panauhing naririto. Lahat sila ay magagara rin ang mga kasuotan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglaan na lamang nagsagawa ng ganitong uri ng event ang alpha leader. Kung ano man ang dahilan niyang iyon ay sigurado ang kaunting sandali na lang ay malalaman ko na iyon. Ilang hakbang na lang at makakapasok na kami sa mismong pintuan ng hallway kung saan magaganap ang mahalagang anunsiyo ni Vladimir.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD