BRONE’s POV
And so, the walking continues. Pero sa mga oras na ito ay ihinahatid na ako ng kasama ko which is si Raze sa bahay na pinaglagian ko rito. It’s not that far naman sa lokasyon ng gusali ng kanilang alpha leader pero medyo aabutin ka rin ng ilang minuto sa paglalakad lalo na kung ang dami mong binabatong tanong sa kasama mo at dahil dito ay napapabagal ang inyong paghakbang.
“You know, It’s not that nangingialam ako or what siguro curious lang about some things here. Pero paano ka hindi na liligaw kanina sa gusali ng inyong alpha leader gayong napakalawak naman ng bakuran nito?” Out of nowhere ay ‘yon na lang ang biglang lumabas na tanong sa bibig ko. I’m just really curious.
Hindi ko kaaagad narinig ang sagot ni Raze kaya medyo inulit ko pa ‘yung sinabi ko.
“Okay lang naman kung hindi mo sagutin ‘yung tanong ko pero mas better kung sasagotin mo. I really want to know you better,” ani ko ulit sabay titig pa sa mukha niya.
Nakita ko namang sandali siyang natulala sa pagkakatitig sa akin pero kaagad ring umiwas ng tingin.
“Siguro ay likas na iyon sa aming mga delta wolves na alam namin ang pasikot-sikot hindi lamang ng gusali ng aming alpha leader kundi pati na rin ng buong territoryo,” sagot niya.
May point naman ang sinabi niyang iyon, after all, patroling is the major responsibility of delta wolves in one pack.
Tumango-tango lang ako saka hindi na nagtanong. Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko na namalayang nasa mismong harapan na pala kami ng bahay na tinutuluyan ko rito.
Kaagad na akong nagpaalam sa kanya at syempre ay nagpasalamat na rin. Nung akmang papasok na sana ako sa loob ay bigla niyang tinawag ang pansin ko. Nakayuko pa siya at parang isang tuta na nahihiya. Iniisip ko tuloy ang imahe niya bilang isang lobo habang ang dalawa niyang matulis na tenga eh nakabaluktot.
“I... Pwede ba kitang ayaing maglibot muna rito at ‘wag ka na munang pumasok sa loob.” This time, naka-angat na siya ng tingin sa akin. He muttered it with his puppy eyes.
Medyo na-touch naman ako sa uri ng pagkakatingin niya sa akin pero narealize ko ring pagod na rin talaga ang mga paa ko sa kalalakad. Parang gusto ko na lang humilata sa malambot nilang kama rito.
“I’m sorry but I’m a liitle bit tired, medyo masakit na rin ang mga benti ko.” I reasoned while uma-acting pang sumasakit talaga ang mga paa.
Matapos nun ay hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at tuluyan na talagang nagpaalam tsaka sinarado ang pintuan. Hindi pa ako umalis at nanatili lang na nakasandal sa likod ng pinto maya-maya pa ay narinig ko na ang paglayo ng mga yapak niya. Pero sa hindi malamang dahilan at ewan ko kung anong nakain ko pero muli ko na lang binuksan ang pinto at saka tinawag ang kanyang pangalan.
Walang ano-ano naman ay kaagad siyang lumingon sa akin. After that ay tuluyan na nga akong sumama sa kanya sa paglilibot sa territoryo nila. Despite my tired legs, I still manage to walk normally. Iisipin ko na lang na way ito para makabisado ko ang buong lugar na ito.
Sa daan ay bigla naming nakasalubong iyong babaeng omega na nabungaran ko sa paggising ko kanina. Ngumiti siya nang makita niya ako pero nung makita na niya na kung sino ang kasama ko ay biglang nagbago ang kanyang ekspresyon saka biglang nag-bow sa harap ni Raze, matapos nun ay napakabilis niya ring umalis sa harapan namin.
“Ano ‘yon? Ba’t parang takot ata si Lixn sa presensya mo?” tanong ko kay Raze habang nagtataka sa mabilis na nangyari.
Hindi sumagot si Raze at nanatili lang siyang nakatikom. And that’s the time na nakakaramdam na ako na may mali sa nangyayari. Base sa pananahimik niya ay may sekreto nga talaga siyang tinatago at ayaw niyang sabihin sa akin. Well, sino ba naman ako. I’m just an outsider here at wala akong karapatang manghingi ng dagdag na tiwala sa kanya o sa kung sino mang kalahi niyang naririto. Dapat siguro ay magpasalamat na lang ako na hindi masasamang nilalang ang nakapulot sa akin.
I hate liars, I fvcking hate them pero wala akong magagawa sa pagkakataong ‘to. Because as I have said, Isa lamang akong tagalabas sa lugar na ito, hindi ako rito nababagay.
Tiningala kong muli ang kanyang mukha nang hindi nagsasalita, nakatitig lang ako sa kanya habang sabay kaming dalawa na naglalakad. Hindi ko na pinapansin ang dinadaanan ko at naka-focus lang ang tingin ko sa kanya, pilit na inaanalisa at kinakabisado ang bawat angulo ng kanyang itsura.
Mula sa kanyang napakagandang hulmang jawline, sa kanyang mga bigoteng hindi naman ganoon katataas ang pagkakatubo, pati na rin sa makapal niyang mga kilay, at higit sa lahat ay ang kanyang mapupulang labi na kahit sa tingin lang ay alam ko nang napakalambot ng mga ito.
Maya-maya pa ay napansin niya sigurong nakatitig lang ako sa mukha niya kung kaya’t lumingon siya sa pwesto ko kaya sa pagkakataong ito ay nagkakatitigan na kaming dalawa.
In his emerald green eyes lies this unfamiliar yet familiar longingness of something that I can’t seems to know nor understand.
I feel like the time that surrounds us suddenly run slow kasabay nun ay ang walang kaputolang pagtititigan namin. Hindi ko alam ang naglalaro sa kanyang isip sa mga oras na ito pero sa isip ko ay libo-libo ng sitwasyon at imahe ang dumaan. Para akong nalulunod sa tingkad ng kulay ng kanyang mga mata.
Natigil lamang ang pagtitigan naming iyon nang biglang may isang boses ang tumawag sa pangalan ni Raze. Ako ang unang napabalik sa ulirat at kaagad na nag-iwas ng tingin. Habang siya naman ay nilingon na kaagad ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanyang pangalan.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Tulongan mo naman ako kahit minsan masyado mo naman atang inaabuso ang merit mo,” ani ng bagong boses pagkalapit nito sa pwesto namin.
“Oh, siya ba ‘yung kinuha mo sa gitna ng sapa sa ilalim ng tree of change, nung kabilugan ng buwan?” medyo malakas nitong pagwika na nagtawag sa pansin ng ibang mga taong malapit sa pwesto namin. Medyo sinilip pa niya ang itsura ko dahil nga eh hindi pa rin ako humaharap hanggang ngayon sa kanila. Ewan ko pero medyo nahiya ako sa nangyari kanina.
“Hi.” Tanging naiwika ko lang sabay kaway pa ng bahagya gamit ang kaliwa kong kamay. Nag-hi rin naman siya pabalik sa akin saka na siya bumalik sa pakikipag-usap kay Raze.
“What your name? I am Redford, by the way. You can just call me Ford.” he said in haste.
“Ahmm, Brone, Brone Ellise (E-li-ce)”
Bigla siyang tumalon galing sa gilid ko papunta sa harapan ko tsaka na niya ako sinipat mula ulo hanggang paa habang nakapamewang pa at sinisingkit niya ang kanyang mga mata.
“Ang buong akala ko kapag ang isang tao eh nagka-amnesia or kung ano mang tawag ng iba dun eh nakakalimutan nila lahat, ba’t parang iba sa’yo. Parang wala man lang signs na may mga nakalimutan kang ala-ala.” Medyo mahaba niyang dada matapos siyang magsipat.
Napatikom lang ako ng bibig dahil hindi ko naman alam kung ano ang tama at dapat kong sabihin sa kanya. Totoo talagang wala akong maalala ni kung ano mang bagay tungkol sa aking nakaraan, except na nga lang sa pangalan ko. Kung hindi din talaga iyon binanggit ni Ford ay baka hindi ko rin mahahalatang may mga nakalimutan pala akong parte ng buhay ko. Hindi lang basta kung hindi lahat talaga ng tungkol sa akin eh hindi ko maalala.
Napatalon pa ‘ko ng bahagya nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin saka niya ako binulongan which is medyo malakas din.
“Galing kang south border no?”
“South border? Ano ‘yon? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” I asked out of my confusion.
Then biglang tinabig ni Raze si Ford mula sa harapan ko para makalayo ito sa akin.
“Stop it, Ford. You’re scaring him.” Napalingo na lamang si Ford at hindi na nakipagtalo pa sa huli. “Nagbibiro lang siya, medyo mapilyo lang talaga itong kaibigan ko.” Dugtong pa niya sa mahinahong tono.
Bigla namang nagsalitang muli si Ford at sinabing aalis na raw siya at maiwan na kami dahil may gagawin pa raw ito. Kami namang dalawa ni Raze ay nagpatuloy na sa aming paglilibot. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay muling bumalik sa pwesto namin si Ford.
“It’s a prank. Bakante buong oras ko ngayon hanggang mamayang alas syete kaya kung hindi niyo mamasamain eh sasamahan ko na kayo sa kung saan niyo man gustong pumunta.” Wika pa ni Ford habang nakaakbay siya ngayon sa balikat ni Raze sabayan pa ng naniningkit niyang mata na sanhi ng pagngiti niya. Kita ko naman sa mukha ni Raze na parang medyo hindi ito natutuwa sa pagsulpot muli ng kanyang kaibigan.
“Okay lang, mas maigi na rin siguro ‘yon para madagdagan na rin ang pwede kong tanungin tungkol sa mga bagay-bagay rito.”
Natuwa naman si Ford dahil sa tugon kong ‘yon saka na niya tinanong si Raze kung sang-ayon ba ito na manatili siyang kasama namin sa mga oras na ito. Hindi pa kaagad tumugon ang huli pero maya-maya lang ay dahan-dahan na itong tumango.
Medyo napagod na ako sa aming kakalakad kaya nagsabi mo na akong magpahinga muna kami sandali para magpalipas lang ng pagod. Sa ilalim ng isang malaking puno kami rito naisipang sumilong dahil tirik din talaga ang araw. Kung titingnang mabuti ay parang ang buong territory nilang ito ay nasa gitna talaga ng gubat dahil sa dami ng mga matatayog na punong nadaanan namin kanina pa. Bukod dun ay kahit na malayo na ang nalibot namin ay wala pa rin akong makitang anyong tubig, even iyong sinasabi nilang sapa sa tabi o ilalim ng tree of change nila ay hindi ko mahagilap.
“Alam mo ba Brone na sa dami-dami naming mga lobo nang gabing napadpad ka sa sapa ay itong si Raze lang ang naglakas ng loob na tulongan ka at iahon mula sa ibabaw ng sinasakyan mo? Alam mo na likas para sa amin ang gabing iyon ang pagiging mabangis at hindi namin makontrol ang aming mga sarili pero mukha malakas nga yata ang fighting spirit ng kaibigan kong ‘to at hindi talaga siya natinag sa kapangyarihang dala ng liwanag ng bilog na buwan.” Usal ni Ford matapos siyang makaupo sa nakausling ugat ng punong sinisilongan namin. May pagkamadaldal din talaga ang isang ‘to taliwas sa pagka man of few word ni Raze.
Totoo nga talaga ang sabi nilang ‘opposite attracts’.
“Nabanggit mo ang tungkol sa sinakyan ko nang gabing mapadpad ako rito, nasaan na ‘yon?” ani ko.
“Yung weird na napakalaking dahon ba? Nasa—”
“Katulad ng sabi ko sa ‘yo kanina ay nasa laboratory iyon ng mga foxtrot, may pinapunta na ako roon para masiguradong hindi nila ito sisirain.” Pagsabat ni Raze na siyang nagtapos na sa gusto sanang sabihin ng kaibigan nito.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at inaya ko na agad silang pumunta kami kung nasaan naroon ang laboratory ng mga foxtrot, hindi naman nagdalawang isip ang dalawa at kaagad na nila akong sinamahan papunta roon.
After a couple of minutes ay nakarating na rin kami kaagad sa harap ng laboratoryo.
Isa itong pahabang gusali na yari sa kongkreto. Samantalang tatlong metro mula rito ay purong lupa lamang ang makikita at wala ni isang d**o o halaman na tumutubo. Animo’y patay na lupa ang nakapalibot sa buong laboratoryong nasa harapan namin.
Dali-dali nang nag-aya si Ford na tuluyan na kaming pumasok sa loob para magawa na namin ang aming pakay sa lugar na ito. Bumulaga sa akin ang iba’t ibang uri ng amoy ng mga kemikal at kung ano pang bagay. Tunay nga talagang isa itong laboratoryo.
Maya-maya pa ay may tinawag si Raze sa hindi kalayuan na kaagad din namang lumapit sa amin. Pagkalapit nito ay sinabi kaagad ni Raze ang pakay namin sa lugar na ito. Hindi naman nag-atubiling kunin iyon ng lalaki at saka muling bumalik sa pwesto namin.
Nakasalamin ang lalaking iyon, may balbas na siya ngunit sa hinuha ko ay magkasing edad lang sila ng dalawang kasama ko. Siguro ay tinatamad lang talagang mag-ahit.
Kaya ko gustong-gustong makita ang dahon na nagdala sa akin sa lugar na ito dahil nagbabakasakali akong makatutulong iyon para maalala ko ang mga bagay sa aking nakaraan. Umaasa akong kapag nakita ko ang malaking dahong iyon ay magdudulot ito upang maalala ko ang lahat.
Kinuha ko kaagad sa kamay ng lalaki ang napakalaking dahon na sing haba ko na ata. May kabigatan ito at kahit ilang araw na ang dumaan mula nang mapadpad ako rito ay himalang hindi pa rin ito naninilaw, napakatingkad pa rin ng pagkaluntian ng kulay nito.
Hinimas-himas ko pa ng banayad ang bawat parte ng dahon ngunit kahit anong himas ko rito at piga ko sa aking utak ay wala talagang lumilitaw na mga ala-ala. Isang walang hanggang kadiliman lang ang nakikita ko sa pagpikit ko ng aking mga mata, walang mga mukhang lumilitaw at walang mga boses na nagsasalita.
I starting to feel frustrated. Bigla ko na lamang naibaon ang aking mga kuko sa dahon na nagsanhi ng pagkapunit ng isang parte nito. Ramdam ko na rin ang pag-anghang ng aking mga mata hudyat na ano mang sandali ay iiyak na ako.
Doon ko na naramdaman ang pag-awat sa akin ni Raze upang pakawalan ko ang aking pagkakahawak sa dahon. Hinagod-hagod pa niya ang aking bandang likod para nang sa ganon ay huminahon ako.
“Raze, dalhin mo ko sa sapang sinasabi niyo kanina, gusto ko itong makita ng personal.” Mabilis kong pag-uutos kay Raze.
Nagtinginan ang magkaibigan at para bang nagdadalawang isip sila kung susundin ba nila ang sinasabi ko.
“Ano, tara na.” Medyo tumataas na ang boses ko.
“Pasensya na Brone pero hindi ka pa namin pwedeng dalhin doon ngayon.” Si Ford ang sumagot.
Kaagad ko naman itong tinanong sa kung bakit hindi pwedeng pumunta roon, nagtalo pa kaming dalawa at sinasabi niya talagang bawal nga habang hindi niya maisawika ang dahilan. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang ang boses ni Raze.
Mahinahon ngunit may kunting diin sa bawat salitang kanyan binibitawan.
*****