CHAPTER 03

2466 Words
BRONE’s POV I don’t know what emotion should I feel right now. First, I do not know who is this Alpha Leader, Raze mentioned. Second, I am an outcast in this place and the fact that they are a pack of wolves is what really terrifies me. Hindi ako makaalala sa nakaraan ko pero there is something inside of me that tells me that their kind is not as nice as how good looking they are. May kung ano sa loob ko sa mga oras na ito na nagsasabi sa akin na dapat akong tumakbo at umalis na lang kaagad dito. I don’t belong here, and I do not know if I will ever be. Felines cannot befriend with canines. Sa buong durasyon ng paglalakad naming dalawa ng lalaking sinasabi nilang nagligtas sa akin ay nasa likod lang niya ako habang siya ay nagsisilbing personal tour guide ko. No talk nor questioning our different existence. Tanging nakakabinging katahimikan naming dalawa lang ang nakabalot sa buong paligid. Hindi ko naman made-deny na talagang gwapo nga ‘tong nasa harapan ko ngayon. Kung tutuosin ay kailangan ko pang tumingala ng bahagya para lamang makita ko ang mukha niya. Medyo may pagkakalayo talaga ang aming taas. He had this moreno complexion na talaga namang bumagay talaga sa kulay green niyang mga mata. Napaka-rear ng ganong kulay at isa pa ay napakatingkad pa ng kulay ng kanya. Well, mine is also radiant pero brown nga lang ang kulay, plus kulay puti pa ang buhok ko na talaga namang hindi talaga nababagay sa isa’t-isa. Base rin sa higpit ng kanyang suot na damit ngayon na talaga namang dumidikit talaga at humuhulma sa buo niyang katawan ay alam kong maganda ito. Maganda sa paningin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasabi sa akin kanina ni Lixn na combat suit daw ang tawag sa suot ngayon ng lalaking nasa harapan ko. Kulay itim na leather ito na pinares din sa kulay itim nilang pantalon at boots. I guess kaya all black iyon ay for camouflage purposes. If I hear it correctly ay isa itong Delta wolf. The one who patrolled the whole premises of their territory. Sa pag-iisip ko ng malalim ay hindi ko namalayang may nabungo na pala ako, sa aking pagtingala ay mukha ng lalaking iyon ang nakita ko. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin habang sa kanyang mukha ay wala ni isang ekspresyon ang nakaukit. Nagtaka naman ako kung bakit siya huminto. “We’re here.” Maikli niyang wika. Sinilip ko kung ano ang nasa likoran niya dahil nakaharang talaga ang malapad niyang katawan sa harapan ko. Nakita ko roon ang isang malaki at mataas na pinto. Siguro ay sa loob nun ay kung saan namin matatagpuan ang kanilang Alpha leader. Ilang segundo pa ang dumaan at hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko, kaya pinanliitan ko na siya ng mata senyalis na pinapaalis ko siya sa dadaanan ko. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang sinagot sa akin saka siya dahan-dahang umalis sa harapan ko at lumipat sa aking tabi. “Stay close to me, always.” It was not a favor but a warning. Hindi ko na lang din binigyan ng malalim na kahulugan ang sinabi niyang iyon. Ako na ang naunang humakbang palapit sa malaking pinto, medyo confident naman ako kahit na sino o ano pa ang nasa likod ng pintuang ito ay alam kung kaya ko namang protektahan ang aking sarili kung magkagulo man. A familiar scent welcoming me upon entering the huge door. Kung hindi ako nagkakamali, ang amoy na iyon ay nakadikit din sa lalaking kasama ko ngayon. Hindi kalayuan sa aking pwesto ay naroon ang isang magarang upuan. Ang buong lugar na ito ay nababalutan ng nagtataasang mga haligi na gawa sa bato. Sa maikling sandali ay nakalimutan kong isa itong lungga ng mga lobo. Ang upuang nasa harapan ko ngayon ay walang ni isang nakaupo. Blanko ito taliwas sa aking inaasahang sa pagkakataong makapasok ako ay bulto kaagad ng kanilang Alpha leader ang bubungad sa akin. I was confused for a moment about what is happening. Dahil doon ay napalingon ako sa aking likoran kung nasaan naroon ang aking kasama. “Ang buong akala ko ba ay gusto akong makita ng inyong Alpha leader, ano ‘to?” Medyo iritable kong wika sabay turo pa sa upuang walang nakaupo. Pero maging siya man ay nagtataka rin sa kanyang nakikita, marahil ay hindi niya inaasahang wala kaming aabutan sa kwartong ito. Medyo madilim ang silid na ito kung kaya’t hindi ko malibot ng aking tingin ang kabuoan nito, samahan pa na ang iilang liwanag galing sa labas ay hinaharang ng mga matatayog na haligi. Nagpalingo-lingo ako sa paligid habang siya naman ay nagsimula ng maglakad-lakad. Ilang minuto pa ang dumaan at nabagot na ako’t hinayaan na lamang na siya na lang mag-isa ang maghagilap, tutal naman ay siya mismo ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Nakatayo lang ako roon habang ang dalawang kamay ko ay nakakrus sa aking bandang dibdib at sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng lalaking kasama ko. Maya-maya pa ay biglang gumalaw ang isang tenga ko kung kaya’t kaagad na akong napa-alisto. Narinig ko ang mahihinang tunog ng yapak ng isang sapatos na dahan-dahang lumalapit sa aking direksyon. Alam kung narinig din iyon ng aking kasama dahil bigla siyang napatigil sa kanyang paghahanap at dali-daling bumalik palapit sa akin. Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang lumabas sa liwanag ang pinanggagalingan ng tonog ng yapak na iyon. “Hinahanap niyo ba si Vladimir?” ani nito. Base sa kanyang boses ay lalaki ito, hindi ko lang talaga makita ang kanyang mukha dahil nasisinagan ang kanyang pwesto ng liwanag ngayon papunta sa akin. “Who are you?” tuwid kong tugon habang nakatitig lamang sa pwesto ng bagong dating na ito. Narinig ko ang bahagya niyang paghagikhik saka muling nagsalita nang hindi sinasagot ang tanong ko. “Kakaalis niya lang. May importanteng bagay siyang pinuntahan. Kung hindi ako nagkakamali ay sabay lamang ang pagdating niyo sa pag-alis niya.” “Then wala na akong ibang pakay pa rito.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad ko na siyang tinalikoran at sana’y aalis na sa lugar na iyon nang kanya akong pigilan. I don’t know what happen pero wala akong ibang nagawa, sunod ko na lamang naradaman ay muli na akong humaharap. Kinabahan ako sa nangyayari pero wala akong magawa dahil para bang nawalan ako bigla ng kontrol sa sarili kong katawan. Tuluyan na muli akong nakaharap sa kanya, siya naman ay humakbang ng kaunti palapit sa akin na nagsanhi para sa puntong ito ay tuluyan ko nang makita ang kanyang itsura Nakangiti siya sa akin habang kanyang kulay gintong mata ay walang kakurap-kurap na nakatitig din sa akin. Pakiwari ko ay umiilaw ang mata niyang iyon. “Izy, that’s enough.” Madiing pagkakasabi ng lalaking kasama ko na nagpalingon sa isa pang lalaking kaharap ko ngayon. Kasabay rin non ay ang pagbalik ng kontrol ko sa aking katawan. “Oh, andyan ka pala. Muntikan na kitang hindi mapansin, gumalaw-galaw ka naman kasi.” Ani nito sa kasama ko saka muling ibinalik sa akin ang kanyang tingin, nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. “Pasensya ka na, may ugali lang talaga ako na hindi ko kayang pigilan ang galit ko lalo na kapag tinatalikuran ako ng taong kausap ko.” May pagbabanta sa kanyang mga huling salita na nagpataas ng aking mga balahibo. Matapos nun ay tuluyan na siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo ng bahagya. He snaps his fingers at biglang nagsilabasan ang mga apoy na nakapatong sa bawat sulong nakadikit sa matatayog na haligi. Ngayon ay napuno na ng liwanag ang buong silid dito. “Kumusta ka naman? Kung hindi ako niloloko ng sarili kong isip ay mahigit isang buwan ka nang hindi dumadalaw sa gusaling ito.” Bulalas ng bagong dating na lalaki sa aking kasama. Nakatalikod siya sa akin habang patuloy ang kanyang paglalakad palapit sa magarang upuan na nasa kabilang dulo nitong silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking systema ang takot at kaba sanhi ng nangyari sa aking katawan kani-kanina lamang. May kung ano sa loob ko na hindi ko maipaliwanag kung ano na lalong nagpapa-igting ng takot na aking nadarama. Ito ba iyong trauma na sinasabi ng karamihan? Muli siyang lumingon sa aking direksyon pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya sa akin nakatingin. Pakiwari ko ay hindi rin para sa akin ang huli niyang sinabi dahil first time ko pa lang namang makapunta sa gusaling ito. “Masyado mo atang nae-enjoy ang magpatrol sa buong territoryo—" “Stop the nonsense, Izy. Nasaan ang Alpha Leader?” pagpuputol ni Raze sa sinasabi ng huli. Dalawang beses nang binigkas ng aking kasama ang pangalan nito. Nga pala, kanina ko pa hindi masabi-sabi ang pangalan ng lalaking nagdala sa akin sa lugar na ito. Hindi ko pa pala natanong ang kanyang pangalan nalilito tuloy ako kung paano ko siya ia-address. Isang makahulugang ngisi ang gumuhit sa labi ni Izy saka kaagad itong nawala. Sa pangalawang pagkakataon ay tumalikod muli siya sa aming pwesto. “’Di ba nga’t kasasabi ko lang sa inyo na kaaalis lang niya para puntahan ang isang importanteng bagay. Masyado na yatang naging malabo ang iyong mga pandama sa labas, magpahinga ka rin kaya minsan.” May pagkapilosopong sagot ni Izy. “Ang ibig kong sabihin ay kung nasaan siya ngayon. Kung nasaan ang eksakto niyang lokasyon.” “Well, that’s the information that I do not wish to spit out. Aside that it’s confidential ay maaari pa akong mapugotan ng ulo kung nagkataon.” Mukhang wala nga talagang balak na sabihin ng lalaking ito kung nasaan ang Alpha Leader nila. Kung ganon naman pala ka-importante ang lugar na pupuntahan nito ay bakit niya pa sinabay ang pakikipagkita sa akin? Napatulala na lamang ako dahil nagsisimula na ang walang kwentang pagbabangayan ng dalawa. Hindi ko alam kung ano pero parang kilalang-kilala ng dalawang ‘to ang isa’t-isa. Narinig ko na naman ang malalim na pagbuntong hininga ng aking kasama hudyat ng pagtatapos ng kanilang bangayan ng isa pa. At sa huli ay hindi niya talaga ito mapilit na sabihin sa kanya kung nasaan ang kanilang alpha leader. Nakangisi lang si Izy na tinititigan ang naiinis ng mukha ng aking kasama habang ang mga kamay nito ay nakatago sa kanyang likoran. Sumunod nun ay wala ni isang salitang iniwan ang kasama ko bago nito tuluyang talikuran ang kanyang kabangayan kanina. Wala na rin naman akong nagawa kundi sumunod na lang din sa kanya at gusto ko na rin talaga makaalis sa lugar na ‘to. I don’t want to be alone with that creepy bastard, Izy. “Let’s hang out sometimes, feline.” Pahabol na sigaw ni Izy sa akin. Dahil sa pagtawag niya sa akin ng gano’n ay nagpantig ang tenga ko at walang segundo napalingon akong muli sa aking pinanggalingan. Naging doble ang kabang aking nararamdaman. Paano niya nalamang isa akong feline? Sa pagkakaalam ko’y naitago ko nang maayos ang amoy na maglalantad ng aking lahing pinanggalingan. Babalik pa sana ako sa loob nang tawagin ng aking kasama ang aking pansin. Medyo malayo na ang agwat ng aming mga pwesto. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako sa aking kasama o babalik sa loob ng kwartong aking pinanggalingan, pero sa huli ay pinili ko na lamang na muling ‘wag pansinin ang sinabi ng Izy na iyon. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking mga kamay kahit na nakalayo na ako sa Izy na iyon. Hindi ko talaga mawala sa aking systema na ‘wag matakot sa pinaggagawa niya. Siguro nga’y hindi talaga nakatadhanang maging magkasundo ang isang feline at canine. “Ayos ka lang?” tawag sa aking pansin ng aking kasama. Magkatabi kaming naglalakad sa napakahabang hallway rito. Kung bakit ba naman kasi ang laki ng gusaling ito ng kanilang Alpha Leader. Ang dami pang pasikot-sikot na daanan, nagmistula na siyang isang maze. Kung hindi ko lang kasama itong lalaking ito ngayon ay baka kanina pa ako paikot-ikot sa buong lugar at hindi mahanap kung saan ang tamang labasan. Kaagad ko siyang nilingon at sabay tago ng aking mga kamay. Sinabi ko na ring okay lang ako at ‘wag na lamang akong intindihin. Medyo hindi siya naniwala sa sinabi kong ‘yon dahil sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin. Ngunit sa huli ay hindi na rin naman niya inusisa ang tungkol sa bagay na iyon. Naisipan ko siyang tanungin tungkol kay Izy dahil simula nang sabihin nito ang huling mga katagang iyon kanina ay patuloy pa rin talaa itong nangungulit sa aking isipan, na kahit anong pilit kong iwaksi ang tungkol sa pagkakaalam nito sa totoo kong lahi ay hindi ko magawa. “Lucas Izykrias. ‘Yon ang buo niyang pangalan.” Pagsisimula ng pagkekwento ng aking kasama. “He is the personal magician of our Alpha king. Sa murang edad niya ay kasa-kasama na siya ng aming Alpha leader maging sa mga importante nitong mga lakad ay naroon si Izy sa kanyang tabi upang gumabay. Siya rin ang nagsisilbing tagapayo ng aming Alpha leader patungkol sa pamamalakad ng buong territoryo namin.” Kaya pala ganon na lamang siya magsalita kanina na animo ay barkada niya lamang ang kanyang tinutukoy sa mga salita niya, where in fact ay alpha leader nila ito. Kung ganon na nga sila kalapit sa isa’t-isa at matagal na siyang personal magician ng kanilang alpha leader ay hindi na ako magtataka sa uri ng kanyang pananalita. May hinuha na rin ako sa dahilan patungkol sa kung paano nito nalaman ang totoo kong pagkakakilanlan. Maybe later this day or tomorrow ay bibisitahin ko itong muli, baka makatulong ang pagiging magician niya para maalala ko lahat ng tungkol sa aking nakaraan. “Ilang taon na ba siya?” “Hindi halata sa kanyang batang itsura pero ilang alpha leader na rin ang napagsilbihan ni Izy.” Lumipas ang ilang minuto at tuluyan na nga kaming nakalabas sa pagkalawak- lawak na lugar na iyon. “By the way. Alam mo na kung sino at ano ang pangalan ko pero ikaw, hindi pa rin kita kilala ni pangalan mo ay hindi ko alam,” ani ko sa kanya habang tinitingala ko ang kanyang mukha. Dahan-dahan namang simulay ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi. ‘Yon bang ngiti na nakalulusaw at makalaglag panga. “Raze. That’s my name.”   *****   *The reign of one alpha king/leader is maximum to 200 years. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD