CHAPTER 02

1018 Words
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. **** Kabilugan ng buwan ngayon at oras na para ang mga nilalang na katulad ko ay mag palit anyo. Nagipon-ipon lahat ng mga lobo rito sa Tree of Change ng pack namin dahil tradisyon na namin ang sabay-sabay na magpalit kapag kabilugan ng buwan.   Hinihintay na lamang naming lahat na mapuno ng ilaw ang kabuuan ng buwan at kapag na puno na ito ay sabay-sabay na kaming magpapalit anyo. Ngunit hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari, isang 'di inaasahang bisita ang nagpalutang-lutang sa lawa malapit sa Tree of Change, wala siyang ni isang saplot na natitira sa kanyang katawan at parang ilang oras na rin siyang nagpapalutang-lutang dahil sa sobra na ang panginginig niya ngayon. Hindi ko alam ang sumunod na nangyari sa'kin, bigla na lang kasi akong tumakbo ng matulin patungo sa kinalulugaran niya, saka ko siya kinarga sa aking mga braso. Nakita ko pang marahang dumilat ang kanyang mga matang kulay berde na ngayon ko pa lamang nakita ang ganon kagandang kulay na pares. Saglit kaming nagkatitigan bago siya muling nahimatay at bumagsak sa mga braso ko ang kanyang may kaliitang katawan. At alam ko sa mga oras na iyon... Nakita ko na ang matagal nang hinahanap ng aking lobo. **** "Kasalukuyan na pong nagpapahinga ang inyong panauhin, Ginoo. Kagaya po ng sabi niyo ay hindi ko po sinabi sa kanya na nandito lamang kayo at hindi talaga kayo nakatalagang magbantay," pagbibigay-alam ng Omegang itinalaga kong magbantay sa kanya. "Mabuti, makakaalis ka na." Sampung araw rin siyang natutulog sa kwartong aking ibinigay upang matulugan niya at sa mga araw na iyon ay nanatili lamang ako rito sa loob ng bahay, ni hindi ko na nga nagagampanan ang kailangan kong gawin bilang isang delta dahil lamang sa sabik na sabik akong makita siyang gumising at gusto ko ring kapag gumising na siya ay ako ang una niyang makikita. Ngunit nang dumating na ang oras na tuluyan na siyang gumising ay roon naman ako nawalan ng lakas na harapin siya. Alam kong hindi namin siya kauri, dahil bukod sa iba ang kulay ng kanyang mata ay maliit din siya kumpara sa amin. Hindi ko rin matukoy kung anong uri siya ng nilalang, kung tao ba siya o ano, pero nang marinig ko ang pag-uusap nila ng omega kanina ay doon ko nakumpermang hindi siya tao, may kakaibang katangian din siya katulad naming mga lobo at 'yun ang hindi ko alam. "Hayy, kapagod magbantay ng bente kwatro oras habang 'yung iba jan, pa-chill-chill lang dito sa loob ng bahay niya," pagpaparinig ng kaibigan kong kararating lang, marahil ay galing sa pagbabantay ng buo naming pack. "Pumasok ka naman, pre, kahit ngayon lang nababanat na mga buto ko eh samantalang ikaw pa-upo upo lang dito habang nag-aantay magising ang isang nilalang na hindi mo naman kilala." "Nagising na siya kaya bukas na bukas rin ay babalik na ako sa pagbabantay, kaya 'wag ka nang mag-alala." "Ayon, mabuti naman, umiitim na ako dahil doble 'yung ginagawa kong trabaho eh, dahil sa'yo-" Sa halip na sagutin ko siya ay iniwanan ko na lamang ito roong nagmamaktol at patuloy lamang akong naglakad papasok sa kwartong nasa harapan ko lang. "Hoy, Raze, 'wag mo kong tatalikuran nagsasalita pa ko—haystt!" Nakita ko ang isang nilalang na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama rito sa loob ng kwarto, tinititigan ko pa lamang ang kanyang mukha ay hindi ko na mapigilang mapangiti dahil sa klase-klaseng mga bagay na pumapasok sa isipan ko ngayon. Napakaamo ng mukha niya habang siya ay nakapikit, ang kulay puti niyang buhok ay tumatabon sa isa niyang mata kaya hinawi ko ito upang makita ko ng maayos ang buo niyang mukha. Para siyang bata kong matulog, nakangiti pa at kunti na lang talaga ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na siya ay hagkan. Hindi ko pa alam ang totoo niyang pangalan ngunit pakiramdam ko ay ang tagal-tagal ko na siyang kilala, simula nang madikit ang kanyang balat sa akin ay ibayong kiliti at saya ang dala nito sa loob ko. At ang kanyang amoy ay may kakaibang halimuyak na bigay. Bahagya siyang gumalaw na naging dahilan upang bumukas ng bahagya ang kanyang robang suot at makita ko ang napakakinis niyang dibdib, ilang sandali lang ay dahan-dahan nang dumilat ang kanyang mga mata at mula roon ay nakita ko ang aking repleksyon dahil sa angking kalinawan nito. Saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa ako na ang bumawi sa aming dalawa. "Sino ka, at bakit nasa loob ka ng silid ko!" natatarantang pagtatanong niya sa akin. "Hindi ba't dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, sino ka? At bakit ka napadpad dito sa amin?" Sandaling katahimikan. "Wala akong ma-alala tungkol sa sarili ko, ang tangi ko lang naaalala ay isa akong..." "Isa kang ano?" "Wala... kalimutan mo na lamang iyon, ang gusto kong malaman ay kung bakit ako nandito sa inyo at kung paano ako napunta rito." Ikinwento ka sa kanya ang lahat ng kanyang kinasapitan at habang sinasabi ko iyon ay patuloy lamang siyang nakikinig sa akin nang walang ka-imik-imik, ni hindi siya nabigla ng sinabi kong hubo't hubad ko siyang kinuha sa gitna ng lawa. "Asan na ang malaking dahon na sinasabi mong sinakyan ko?" "Nasa laboratory ito ng mga Foxtrot ngayon at kasalukuyan nila itong pinag-aaralan kung saang puno ito nagmula." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumango-tango lamang siya na parang isang bata, ni hindi niya alam na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Gustong-gusto na ng sarili kong sunggaban siya pahiga sa kamang kanyang kinauupuan ngayon, pati na rin ang isa pang bahagi ko ay hindi na makapagpigil at anumang oras ay gusto na nitong kumawala. Sampung araw na siyang namalagi rito at sa mga araw na iyon ay grabe ang pagpipigil na ginawa ko upang hindi siya lapitan dahil baka hindi ako makapagpigil, pero ngayon... Parang gusto ko na siyang lundagan agad. "Pwede mo ba akong samahang maglakad-lakad sa labas, gusto ko lang sanang makita ang buo niyong lugar." "Sige, pagkatapos mo ring mamasyal ay dediretso na tayo sa palasyo dahil gusto ka ring makilala ng aming Alpha Leader." Tumango lamang siya saka na kami umalis at nagtungo sa labas. ________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD