CHAPTER 01

1035 Words
DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. **** Palutang-lutang sakay ang napakalaking dahon ng Dayonarra, hindi alam kung saan dadalhin sa daloy ng tubig na ito, animo'y isa lamang akong nabaling sanga ng puno dahil kahit anong gawin kong pagkilos ay hindi ko maigalaw ang kahit isa man lamang parte ng buo kong katawan. Ang ginaw. Parang namanhid na ang bawat laman ko dahil sa lamig na aking nararamdaman. Naghahalo na ang hapdi dulot ng aking mga sugat at sa ginaw na dala ng tubig. Kulang na lang ay baliktarin ko ang aking balat para lamang makaramdam ng kunting init ngunit wala. Wala na talagang maprosesong init ang aking sarili. Parang may kung anong malaking bagay ang nakadagan sa akin dahil sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Bakit ba nangyari 'to? Bakit ako pa? At bakit buhay pa ako hanggang ngayon? Kinuha na ang lahat sa akin ngunit bakit hindi pa ako sinama, kailangan ba talagang ako pa ang matira at magdala ng pighating dulot ng aking mga nasawing kasama? Ayoko ng buhay na ito, hindi ko ito pinili. Hindi ako ang siyang nagtakda nito. Kung pwede lang na bawiin ang lahat, kahit pa ialay ko ang aking diwa’t kaluluwa ay gagawin ko. Pinipilit ng katawan ko ang mag-anyong pusa upang kahit papano ay maibsan ang nararamdaman kong sakit ngayon ngunit ni katiting na lakas at enerheya ay wala akong mahugot. Napasigaw ako dahil ang dahong sinasakyan ko ngayon ay bumangga sa isang malaking bato na naging sanhi para palalain pang lalo ang sakit na nararamdaman ko. Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak kasabay nang pagbuhos ng ulan, isa itong palatandaan na sa mga oras na ito ay marami na ang nasawi sa aming hanay. Sa pagpapatuloy ng pagdaloy ng tubig ay dinala ako nito sa isang bangin nang hindi ko namamalayan. Akala ko ay mamamatay na ako ngunit hindi pa pala ito ang katapusan ko. Kung ano ang dahilan, ang langit lamang ang may alam... Isang alulong muna ang aking napakawalan bago ako sinakop ng dilim. “Inang Feline, kayo na po ang bahala sa akin, ipagkakaloob ko na po sa inyo ang kabuuan ng aking kasasadlakan...” [...] Nagising na lamang ako habang nakahiga na sa malambot na kama at napapalibutan ng mga napakabangong pulang kandila. Nagpalinga-linga pa ako sa buong kwarto at kaagad na nahagip ng paningin ko ang napakalaking salamin na may disenyong pang-maharlika kaya nasisigurado kong hindi lamang ordinaryong nilalang ang nakatira rito kundi may dugo siya ng pamilyang bughaw. Pero ang tanong ko, bakit ako nandito at bakit parang wala akong maalala sa mga nangyari? Nagsimula na akong kabahan sa mga nangyayari sa'kin. Una, hindi ko alam kung nasaan ako, at pangalawa ay wala akong maalala kahit ano sa mga nangyari sa'kin sa nakalipas na mga panahon. Ni pangalan ko ay hindi ko maalala, ang tangi ko lamang natatandaan ay isa akong CAT SHIFTER. Sisigaw na sana ako nang biglang bumukas ang pagkalaki-laking pintuan at iniluwa nito ang isang napakaputing babae na nakasuot ng isang kasuotang punit punit na at gahibla na lamang ang mga tela na tama lang upang takpan ang masisilang parte ng kanyang katawan. "Mabuti po at gising na kayo," wika niya habang nakayuko sa'kin gamit ang kakaibang dayalekto. Iba ang naaamoy ko sa kanya at isa lang ang nasisiguro ko nito. Hindi ko siya ka-uri. Out of instinct ay bigla akong napabalikwas sa aking pagkakahiga at ginawa ang combat position naming mga feline. I hissed and point my claws on her. Napamulagat pa siya dahil sa ginawa kong iyon. "Sino ka at bakit ako nandito, sino ang nagdala sa akin dito?" tuloy-tuloy kong pagtatanong sa kanya sa mataas na tono. Mukha naman siyang natakot dahil sa ginawa kong iyon. "P-paumanhin po ngunit hindi ko po alam ang t-totoong kaganapan, ang Ginoo na lamang po ang inyong tanungin." Mababanaag sa kanyang tinig ang pagkatakot kaya upang maibsan ang kanyang pagkabalisa ay pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. "Ganon ba, asan ba siya at gusto ko siyang maka-usap?" "N-nasa kagubatan po siya ngayon, doon sila naitalagang magbantay." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinalabas ko na siya ng kwartong kinalulugaran ko. Sinipat ko ang aking buong katawan sa salamin, ngayon ay nakasuot ako ng magarang kulay berdeng roba. Nakita ko naman na may mga galos ako sa aking balat partikular na sa aking likurang bahagi kaya lubha akong nababahala kung bakit ganito ako ngayon. Kailangan ko talagang makausap ang tinutukoy ng babae kanina na Ginoo. Buong magdamag ay wala akong ginawa kung hindi humiga lamang sa may kalakihang kama rito at nang sumapit ang tanghali ay bumalik na naman 'yung babae kanina para maghatid ng pagkain. Pagkakita ko pa lamang sa kanyang dala ay bigla kaagad kumalam ang aking sikmura, animo'y kay tagal na nitong hindi nakakatikim ng pagkain. Pagkalapag niya sa mesa na nasa gilid ng kama ay kaagad ko itong sinunggaban. Mga karne lang ang kinain ko dahil feeling ko'y hindi ko magugustuhan kung kakainin ko 'yung mga gulay, sa unang tingin pa lang ay alam ko nang babaliktarin nun ang aking sikmura. "Ilang oras na ba akong natutulog dito?" tanong ko sa babae habang puno ng pagkain ang bibig ko. "Mga sampung araw na po." walang kagatol-gatol nitong sagot na nagsanhi upang ako'y mabilaukan. Agad naman niya akong binigyan ng tubig upang mawala ang pagkaing nakabara sa aking lalamunan. "Paumanhin po," sambit niya habang nakayuko, pinatawad ko naman siya dahil hindi niya naman kasalanan. Sampung araw na akong nakahiga rito. Kaya pala gutom na gutom na ako dahil sa taas ng panahong itinulog ko. Pagkatapos kong kumain ay agad niya namang niligpit ang pinagkainan ko, tutulungan ko sana siya ngunit sinabi niya lang na pagagalitan siya kapag tumulong ako kaya hinayaan ko na lamang siya sa takot na baka totooo iyon. Palabas na sana siya ng pinto nang bigla ko siyang pinigilan. "Ano bang pangalan mo?" tanong ko. "Lixn po," sagot niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto at ako naman ay naiwan na namang nakatunganga rito sa loob. Buti pa siya may pangalan, ako ni isang letra hindi ko matandaan.   ****   Dayonarra - A special tree only found in Purria (Cat shifter's/Feline village) *Being a cat shifter can never be forgotten even if you've faced a tragic phenomenon. It was one of their special ability. _____________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD