BRONE’s POV So ayon na nga’t nakalabas ng kami ng teretoryo at ngayon ay nasa kalagitnaan na kami ng daan papunta sa sinasabi nilang magandang dagat dito. Ang buong akala ko nung una ay maglalakad lang kami kaya medyo alanganin ako pero nung nakita ko ang papalapit na sasakyan sa amin ay nakahinga na ko ng maluwag. “Ano ‘yan?” pagtataka kong tanong sa kanila since unang beses ko pa lang makakita ng ganoong uri ng sasakyan na umuugong. “Kotse ang tawag nila niyan dito. Isang uri ng sasakyan na mas mabilis ang takbo kesa sa tradisyonal na kalesa.” Si Ace na ang sumagot sa akin, since matagal na nga siyang sumusuyod ng buong mundo kaya’t hindi na ako nagtataka kung bakit alam na niya ang tungkol sa bagay na nasa aming harapan. Napatango-tango na lamang ako nang malinawan na ako sa kung an

