BRONE’s POV A few days passed. Wala namang bagong nangyari sa nakalipas na mga araw, abala lang kaming lahat sa mga sari-sarili naming mga ginagawa habang ako naman ay nawiling alagaan at maglinis sa pagkalaki-laking bahay na nilipatan namin. Inabot pa ko ng mahigit isang araw bago ako makatapos ng lahat ng kailangang gawin sa loob, and since matagal-tagal na rin dawng hindi ito tinitirhan ni Raze kaya kapansin-pansin talaga ang mga nagtataasang d**o sa likod bahay. Natatabunan na ng mga ito ang mga bulaklak at halamang nakatanim doon, minabuti ko na lang na alisin lahat ng mga d**o sa tulong na rin ni Lixn, sa awa ng kalikasan ay hindi naman na kami naabutan pa ng isang araw ulit para makatapos. Matapos ang lahat-lahat ng paghahanda sa labas at loob ng bahay ay naisipan naming mag house

