BRONE’s POV Parang mga maaamong tuta ang dalawa nang simulan ko na silang sermonan dahil sa gulong ginawa nila sa bahay na ito. Ang mababangis nilang aura kanina ay bigla na lang nawala nang makita nila akong umuusok sa inis. “Ang laki-laki ng space sa bakuran pero rito niyo pa talaga naisipang magbuno, ang malala pa dinamay niyo pa lahat ng mga magagandang gamit dito. Ano ba kayo, bata? My god, siguro kung medyo nahuli pa kami ng balik dito ni Lixn ay baka pulbos na lamang nitong buong bahay ang madadatnan namin.” Nakaupo lang sila sa isang sofa na sira-sira na rin at kitang-kita ang marka ng pagkasunog at mga kalmot. Pareho naman silang dalawa na hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata at nakasimangot lamang na magkatabing nakayuko. Noong una ay ayaw pa nilang magtabi at gusto

