BRONE’s POV Bagsak pa rin ang itsura ni Raze kahit na naririto na kami sa bahay at nag-eempake upang lumipat na sa main house niya. Tinulungan ko na si Lixn since nakatayo lang talaga si Raze malapit sa akin na para bang binabantayan akong hindi madukot. Naka-cross arm siya at nakapako lang sa bawat kilos ko ang tingin the whole time. Matalim ko siyang nilingon habang abala ang kamay ko sa pagtatakip ng puting mga tela sa bawat furniture na hindi namin dadalhin sa paglipat. “Psst, tumulong ka kaya nang matapos kaagad tayo at para may ibang gagawin ka na rin bukod jan sa pagbabantay mo sa bawat kilos ko.” Tumitig siya sa mata ko na siyang nilabanan ko rin, matapos ang ilang minuto ay siya na ang unang umiwas saka bahagyang lumayo sa tabi ko pero hindi pa rin tumulong sa pagliligpit. Nap

