BRONE’s POV
Another day have passed, isang tulog na lang talaga at iyon na ang araw na pupunta ako sa lugar kung nasaan ang tree of change. Simpleng araw lang naman ngayon, so far wala namang mga nakakagimbal na mga pangyayari.
Pinag-uusapan pa rin ng lahat ang tungkol kay Raze pero hindi katulad ngayon ay nagbalik na siya pagpa-patrol. Parang walang lang din naman sa kanya na laman siya ng mga usapan ng mga taong nakakasalubong niya. Marahil ay inaasahan na rin niyang ganto talaga ang magiging reaksyon ng lahat sa pagkakataong malaman nila ang totoo niyang pagkatao.
Lingid sa kaalaman ko ay marami-rami na rin pala ang nakaka-alam na isang tagapagmana ng trono si Raze. Lahat ng taong nakakasalamuha ko pala ay alam na ang tungkol sa kwentong iyon. Maging si Ike ay alam din ang tungkol dito, at ito ako walang kaalam-alam na all along ang lalaking kasa-kasama ko at ang nagliktas pala sa akin ay isang nilalang na nabibilang sa mataas na antas ng kanilang lupon.
“Sinabi ni Vladimir na pupwede ka na rawng bumalik sa chamber at doon na tumira kasama siya. Ngayong alam na ng lahat na isa ka talagang Alpha ay wala ng dahilan para manatili ka pa rito bilang isang Delta.”
Iyon ang wika ni Izy matapos nitong biglaan na lamang dumalaw rito sa bahay. Ang nakakagulat pa ay napaka-aga ng pagdating nito. Kakagising ko lang kanina nang bigla na lamang akong naalimpungatan sa ingay ng kanyang bunganga na umaalingawngaw talaga sa buong kabahayan. Siguro ay sinasadya niyang lakasan ang boses niya para mabulabog kami, knowing Izy’s personality ay hindi malayong ganoon nga talaga ang nasa isip ng matandang ulikbang ito.
Mabilis naman tumugon si Raze at tinanggihan ang alok na iyon ni Izy. Matatag ang pagkakasagot ni Raze rito, kitang-kita ko talaga sa kanyang ekspresyon ang kaseryosohan. Halata mo talaga sa kanyang mukha na ayaw niyang pumunta sa lugar na iyon, ang manirahan pa ba.
Natigilan si Izy at sandaling hindi nakasagot, matapos nun ay isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan saka tumingin sa labas mula sa nakabukas na bintana.
“I know you despise your father now. You hate how he hastely announced you as his son to the public. Pero alam ko na alam mo ring hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo bilang susunod na pinuno ng lupong ito. You don’t decide how you face your future, upon your birth in this world the curse of your being is already planted at the depth of your soul.” Seryosong usal ni Izy, maging ako man ay napa-focus na rin sa kanyang mga sinasabi.
Unang beses ko iyong nakita na naging ganoon ka seryoso ang mukha ni Izy, walang kahit na anong bahid ng pagbibiro sa kanyang mga salita. Animo’y bawat bigkas niya ay mga palasong may dalang lason na tutusok sa kailaliman ng iyong utak at doon kakalat ang lasong dala nito.
Nagtitigan silang dalawa. Mata sa mata, walang gustong kumurap at para bang sa mga titig nilang iyon ay may kung anong bagyong nabubuo sa gitna nito. Makalipas ang mahigit dalawang minuto ay si Raze na ang unang bumitiw.
“Kahit na ano pang sabihin mo ay hindi mo ko mapipilit na tumira sa malungkot na lugar na iyon. Hayaan mo siyang mabulok sa sarili niyang tahanan at wala akong balak na samahan siya sa kanyang pagdurusang iyon,” bulalas ni Raze.
Biglang tumawa ng impit si Izy, nagulat pa ako sa biglang pag-switch ng mood nito.
“Of course, nandito lang naman ako bilang kanang kamay ng ‘yong ama at para sabihin lang din ang utos niyang ‘yon. Hindi naman ako naparito para pilitin ka nasa sa ‘yo pa rin ang huling pasya.” Izy paused for a second. Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha kay Raze, “But remember, oras na lang ang nalalabi para sa palugit na ibinigay niya sa ‘yo pagkatapos na pagkatapos nun ay hindi na ikaw ang palaging masusunod.”
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabing iyon ni Izy, naramdaman niya sigurong nalilito ako sa sinabi niyang iyon kaya pagkatapos niya itong sabihin kay Raze ay bumaling kaagad siya ng tingin sa akin habang may nakaukit na smirk sa kanyang labi.
Tuluyan na siyang tumayo sa kanyang pagkaka-upo saka dumiretso ng lakad patungo sa nakabukas na pinto palabas. Nang nasa b****a na siya ng pinto ay huminto muna siya saka muling lumingon sa amin.
“Muntik ko nang makalimutan, dadating pala ang mga pinsan mo mamaya. Kailangan mong pumunta sa chamber sa ayaw at sa gusto mo.” Matapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na nga siyang umalis.
Mabilis ko namang hinarap si Raze para kausapin siya.
“May mga pinsan ka?”
Tumango siya, “Anak sila ng kapatid ng alpha leader at ng isang tao. Kasalukuyan silang naninirahan sa mundo ng mga tao ngayon at pilit nakikihalubilo sa mga ito. A day after the complete healing of the tree of change ay bumibisita sila rito para makibalita sa mga nangyayari.”
Habang sinasabi iyon ni Raze ay nararamdaman ko ang bitterness sa kanyang mga salita, pakiramdam ko ay hindi ganoon kalapit ang relasyon niya sa kanyang mga pinsan. I really don’t know na may pinsan pala talaga siya. I guess hindi lang talaga ako well-informed sa lahat ng mga bagay sa lupong ito.
“Ilang taon na ba sila?”
“16 at 25. Si Conrad ang panganay sa kanilang dalawa at si Agatha ang bunso.”
Kung ganon ay magka-edad lang pala sila ng lalaki niyang pinsan na si Conrad. Malakas talaga ang kutob kong hindi ganon kaayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Lalo na nang banggitin niya ang pangalan nito, may ngiwi sa kanyang labi na para bang sa tanang buhay niya ay ayaw na ayaw niyang binabanggit ang pangalan nito.
Nasasabik tuloy akong makita kung anong klaseng mga nilalang ang dalawang pinsan niyang iyon. Siguro ay sasama na lang ako sa kanya mamaya kapagka naisipan niyang pumunta talaga sa chamber ng alpha leader.
[. . .]
After a couple of hours ay narito na nga kami sa loob ng chamber, partikular sa bulwagan ng alpha leader. Magkatabi kami ni Raze na naka-upo sa silyang tama lang ang sukat para sa tig-iisang tao. Nasa kanang bahagi kami habang sa kabila naman naroon ang apat na taong nakaupo rin sa kanilang mga silya, panay ang tingin nila sa pwesto namin lalong-lalo na sa akin, nagdudulot pa iyon para lalo akong mailang dahil sa uri ng titig na ipinupukol nila.
Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang mga pinsan ni Raze kasama ng kanilang mga magulang. Sinuri ko ang mukha ng pakiramdam ko ay kanilang ina at ama. Kung titingnang mabuti ay hindi nagkakalayo ang hulma ng mukha ng kanilang ama sa mismong alpha leader kaya masasabi kong siya nga ang tinutukoy kanina ni Raze na kapatid ng kanyang ama. Nakangiti ito ngunit mababanaag pa rin ang pagtataka sa kung bakit naririto ang isang tulad kong nilalang.
Ganoon rin ang ginang na katabi nito, hindi naman ganoon na nakakailang ang kanyang titig siguro ay naninibago lang sa mukha ko. Sa kanilang apat ay iyong lalaking sing tangkad ata ni Raze ang matalim na nakatitig sa direksyon ko o mas tamang sabihing sa pwesto mismo ni Raze. Kung nakamamatay lang ang titig ay baka nakabulagta na ngayon si Raze dahil sa uri ng titig na pinupukol nito sa huli. Kung hindi ako nagkakamali ay siya siguro ang sinasabi ni Raze kanina na si Conrad.
Ngunit ang tunay na nakakuha ng pansin ko ay ang isang babaeng katabi ng Conrad. Napakakinis ng balat nito, hindi man sing puti ko ang kanyang balat ay nababagay naman ito sa maitim niyang buhok. Higit pa roon ay napaka-visible din ng kanyang balat sa may bandang leeg.
Nang mapansin niya akong nakatitig sa kanya ay gumanti siya ng ngiti sa akin. Nagmistula siyang isang anghel na bumaba sa lupa lalo na nang nginitian niya ako. Hindi ko tuloy mapigilang mas mapatitig pa sa kagandahan niya.
“Bukas na ang huling ritual ng pagbabagong anyo sa ilalim ng buwan ng ating lupon, kuya. Anong balak mong uri ng ritual na gagawin?” paunang wika ng ama ng pinsan mga ni Raze.
“Inaasahan kong kabilugan ng buwan ang mangyayari bukas ng gabi kung kaya’t inaasahan ko ring magiging maganda ang pagtatapos ng ritual ng ating lupon sa taong ito. Tungkol sa kung anong uri ng ritual ang gagawin ay si Izykrias na lamang ang bahala sa bagay na iyon...” sagot naman ng alpha leader.
“Tsk, kung hindi lang kasi naging irresponsable ang iba jan edi sana maganda rin ang naging ritual noong solar eclipse. Sinayang niya pa ang bihirang pagkakataon ng hybrid na uri ng solar eclipse.” Biglang sabat ng lalaki.
Sinita naman siya ng kanyang ina pero hindi pa rin siya nagpatinag.
“Totoo naman ah, kailangan na ngang itago ang totoong pagkatao para lang maprotektahan pagkatapos magiging isa pang irresponsableng Alpha. Yan ba ang gusto niyong maging susunod na pinuno ng ating lupon?” medyo pasigaw na nitong sabi sabay tayo pa at itinuro si Raze.
“Conrad, tumigil ka. Wag kang magsasalita ng basto alalahanin mong hindi lang tiyohin mo ang nasa harapan mo kundi ang mismong alpha leader,” usal naman ng kanyang ama rito.
Natamimi ang lalaki at yumuko na lamang sa harapan ng alpha leader bilang paghingi ng paumanhin. Nanggagalaiti naman siyang tumitig muli kay Raze bago bumalik sa kanyang upuan.
Nagpatuloy ang pag-uusap ng alpha leader at ng kapatid nito na umabot ng mahigit dalawang oras. Nang matapos iyon ay kaagad na kaming nagpasya ni Raze na umalis na roon. Siya pa ang nag-aya sa aking umalis na kaagad. Hindi naman ako nagdalawang isip at pinagbigyan na kaagad siya dahil gusto ko na rin namang umuwi. Nang paalis na sana kami ay bigla kong narinig ang isang sigaw ng babae sa aming likoran. Sinisigaw nito ang pangalan ni Raze gamit ang kanyang malumanay na boses.
Pagkalingon ko ay nakita ko roon ang babaeng pinsan ni Raze na si Agatha, nakangiti ito habang tumatakbo palapit sa aming pwesto.
Isang mahigpit na yakap ang kanyang ibinigay kay Raze ng makalapit na siya. Mabilis naman nagbago ang ekspresyon ng huli, ngumiti ito at gumanti na rin ng yakap sa dalaga.
“Kuya Raze, na-miss kita. Hindi tayo nagkita nung nakaraang ritual sa tree of change buti na lang at naisipan mong dumalo ngayon,” ani ng dalaga. Hinimas naman ni Raze ang buhok nito saka hinagod-hagod.
“Namiss rin kita.” Tipid na tugon ni Raze pero ramdam mong totoo ang sinabi niyang iyon dahil totoo rin ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha ngayon.
Maya-maya pa ay bumaling ng tingin sa akin ang dalaga. Tinanong nito kay Raze kung sino ako. Mabilis namang akong ipinakilala ni Raze rito. Nagpakilala ako ng pormal sa kanya at ganoon rin siya. Gusto ko mang kurotin ang pisngi nito ay hindi ko magawa.
Matapos nun ay inamoy-amoy niya ako, “Hindi ka po kabilang sa lahi namin?” ani niya sa inosenteng tono.
Natigilan pa ako sandali habang iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo, pero sa huli ay napagpasyahan ko na ring ‘wag magsinungaling, tutal labing-siyam na taong gulang na naman siya. Tingin ko’y nasa tamang edad na siya para umunawa ng maayos.
Nang sabihin kong isa nga akong nilalang na nabibilang sa grupo ng mga lahing feline ay hindi naman siya natakot bagkus ay parang natuwa pa nga ito.
“Talaga po ba? Ang tagal ko na pong gustong makakita ng tulad niyo, nabasa ko kasi sa isang libro ng lupon na galing daw sa lahi niyo ang tumulong sa lahi namin noon. Totoo po ba?”
Hindi ko siya masagot ng diretsa dahil nga’t hindi pa naman ganoon kalawak ang naaalala ko, nginitian ko na lang siya bilang tugon.
Ilang sandali pa ng tuluyang pagkausap namin ay bigla na lang isang galit na boses ang sumabat. Pagkakita ko rito ay iyong lalaki kaninang tinuturo-turo si Raze. Walang iba kundi ang isa pa niyang pinsan na si Conrad.
“Agatha, lumayo ka jan. Halika rito.” Galit at madiin nitong wika sa kanyang kapatid.
Bigla namang nalungkot si Agatha at parang ayaw pa nitong sundin ang kanyang kuya, pero muli ulit siyang tinawag nito pero this time ay mas galit na ang tono ng pagsasalita nito. Kaya walang nagawa ang dalaga kundi sumunod na lang.
“Wag kang lumapit-lapit sa iba lalong-lalo na kung hindi mo sila gaanong kakilala, hindi natin alam kung ligtas ba silang pakitungohan.” Muling wika ng lalaki at alam kong ako ang tinutukoy ng mga sinasabi niya.
Tinitigan ko siya sa mata at nilabanan rin ng talim ang matalim niyang pagtingin.
Nainis siguro siya dahil sa ginawa ko kaya’t sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla na lamang siyang tumalon papunta sa direksyon ko para umatake sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay nabigla ako’t hindi kaagad nakailag.
Napadaing ako nang tumama ang kanyang matutulis na kuko sa aking isang balikat. Tumutulo ang dugo rito dahil medyo malalim rin ang natanggap kong galos.
“Heh, kung ayaw mong masaktan ‘wag mo kong tingnan ng ganon. Nakakasulasok ang baho ng lahi n—”
Bago pa ko makabawi ay nakita ko na lang na nakahandusay na si Conrad sa sahig habang nasa harap nito si Raze. Nakatingin sa kanya gamit ang galit na galit nitong mga titig.
*****