CHAPTER 33

2104 Words
BRONE’s POV Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko man lang namalayang nakalmot na pala ako ng kanyang matatalas na kuko. Napangiwi at napakahiyaw pa ako ng impit dahil sa sakit na dala ng sugat na tamo nun. Napatitig ako sa kanya't ibayong pangmamaliit na tingin ang sumalubong sa akin. Napangisi pa siya habang tinitingnan akong hawak-hawak ang malalim na kalmot na kanyang ginawa, animo'y napakagandang pakiramdam ang dala ng nangyari sa kanya. Ngunit bago pa man din ako makabawi ay nakita ko na lamang ang biglaan niyang pagtilapon sanhi ng isang suntok na galing sa isang taong ngayon ay nanggagalaiti na sa galit. Nababaga ang kanyang mga matang nakatitig sa lalaking nasa sahig na.  Kitang-kita na rin ang dalawa niyang pangil na nakausli sa magkabilaang gilid ng kanyang bibig. Natuod lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig ako sa mukha ni Raze. Nakabawi na ang lalaking nakahandusay sa sahig kanina, na si Conrad. Pinunasan niya gamit ang likod ng kanyang kamay ang kanyang pumutok na labi sanhi ng pagsuntok sa kanya kanina ni Raze. Akmang magsasalubong na sanang muli ang dalawa at kaunting sandali na lang ay mangyayari na ang totoong p*****n nang bigla na lang lumitaw sa kanilang gitna si Izy at ito ang sumalo ng parehong atake ng dalawa. "Boys, calm down. This is not the time for your house play. May importanteng pinag-uusapan ang mga magulang niyo kaya kung maaari ay maging behave muna kayo at wag kayong lumikha ng kung ano mang gulo." Nakangiti siya habang sinasabi niya iyon. Hindi pa rin nakinig ang dalawang nag-aaway, kapwa na sila kalahating anyong lobo. Nakausli na ang kanilang mga pangil sa kanilang nagngangalit na mga ngipin. Ang kanilang mga kuko ay matatalas na rin sabayan pa na nagiging isang lobo na ang kanilang mga mata. Muling gumawa ng atake ang dalawa kahit na nasa gitna pa rin nila si Izy. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin sila nagtagumpay na magalosan ang isa't isa. Isang malakas na alon ng enerhiya ang nabuo sa mismong pwesto ni Izy at lumikha ng isang malakas ng hanging nagpatilapon sa dalawa sa magkaibang direksyon. Tumama ang kanilang mga likod sa dingding nitong bulwagan tsaka sila tuluyang nahulog sa sahig at nanghina. Kasabay nun ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang normal na anyo. Maya-maya lang ay lumapit na rin sa amin ang alpha leader at mga magulang ni Conrad. "Anong nangyayari, ba't kayo nag-aaway?" usal ng ina ni Conrad. Nang makita nito ang kanyang anak na nakahandusay sa sahig ay kaagad nito itong nilapitan. Saka parang isang batang inagawan ng laruan na nagsisisigaw habang sinusuri ang katawan ng kanyang anak. “Sinong makakapagpaliwanag ng totoong nangyari? Ano’t nag-aaway na naman kayong magpinsan?” bulalas ng ama ni Conrad sabay titig kay Izy. Ilang sandali pa ay bumaling ng titig sa akin si Izy na naging sanhi para lumingon silang lahat sa gawi ko. Doon nila nakita ang sugat na natamo ko sa aking balikat. Gulat ang umukir sa mukha ng ama ni Conrad habang ang alpha leader naman ay parang hindi man lamang iniintinding may galos ako. “He started this,” ani ni Raze habang paika-ikang lumapit sa tabi ko, tinitigan niya ang pwesto ni Conrad na ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig. “Bigla na lang niyang kinalmot si Brone nang walang matinong rason.” Galit na galit niya iyong sinabi habang hindi napuputol ang kanyang ipinupukol na tingin sa kanyang pinsang lalaki. “Kung h-hindi niya ko tinitigan ng masama ay hindi sana siya masasaktan. Sa uri ng tingin niya sa akin kanina ay para bang anong oras lang ay handa na niya akong patayin.” Sagot naman ni Conrad. Akmang susugorin muli ito ni Raze nang ako na ang mismong pumigil sa kanya. Ayaw ko nang palakihin pa ang gulo at isa pa ay hanggang ngayo’y hindi pa rin tumitigil sa pagdugo ang aking sugat. Nagsisimula na akong mahilo ngunit pinipigilan ko lang ang sarili kong matumba sa mga oras na ito. Tinitigan ko si Raze sa kanyang mata na para bang sinasabi kong umalis na lamang kami rito pagkat nararamdaman kong wala kaming makukuhang simpatya o kakampi kapag nagpatuloy pa ang sigalot na ito. Agad naman iyong nakuha ni Raze kung kaya’t dahan-dahan na siyang kumalma. Walang sabi-sabi ay nilisan namin ang lugar na iyon nang hindi man lamang ako nabibigyan ng paunang lunas. Sa pagtapak namin sa labas mismo ng chamber ay doon ko na tinigilan ang aking pagpipigil. Sa isang iglap ay grumabe ang nararamdaman kong hilo at maya-maya pa’y tuluyan na akong kinain ng dilim. Pagkagising ko ay nasa bahay na ako’t kasalukuyan nang ginagamot ni Lixn. Nang mapansin niyang gising na ako ay tinawag niya kaagad si Raze na kaagad namang dumating galing sa labas nitong kwarto ko. Mabilis niya akong nilapitan saka kinumusta kung ayos na ba ako. Napatingin ako sa aking balikat kung saan ako nakalmot kanina. May bandage nang nakalagay rito at sa tingin ko ay si Lixn mismo ang naglagay nun. Kita ko kung gaano nag-aalala ang dalawa sa akin kung kaya’t binigyan ko sila ng assurance na ayos na ako’t wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa nahihilo pa rin ako ng bahagya. Siguro ay dahil iyon sa marami-raming dugo rin ang nabawas sa akin kanina. “He will pay for this. Hindi ko hahayaang pati ang kasalanang ito ay matakasan niya pa.” Madiing wika ni Raze habang napakalayo ng naaabot ng kanyang paningin. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sa uri pa lamang sa kung gaano kahigpit ang pagkuyom niya ng kanyang kamao ay alam ko nang ibayong galit ang nararamdaman niya ngayon sa pinsan niyang lalaki. Ayaw kong manghimasok ngunit palakas nang palakas ang kutob kong may mas malalim na dahilan sa kung bakit hindi sila magkasundong dalawa. Ayaw kong maghapong nakahiga lang doon kaya pinilit ko talaga ang aking sariling tumayo kahit nahihilo pa ako ng bahagya. Pinigilan pa ako ng dalawa pero nagmatigas pa rin ako. Wala silang nagawa kaya hinayaan na lamang nila ako. Minabuti kong lumakad mag-isa palabas ng kwarto kahit na mabagal. Gusto ko na lamang na sa sala na lang manatili, tutal mas maayos pa roon at may nakikita akong mga bagay-bagay sa labas. Pagkarating namin sa sala ay nabungaran ko roon si Ace na matamang naghihintay. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin, ngunit hindi niya ako tuluyang naabot dahil pinigilan siya ni Raze. “Kumusta ka na, maayos na ba ang sugat mo? Hindi na ba dumudugo?” ani nito habang tinitigan ako ng dahan-dahan mula ulo hanggang paa. Tumango lang ako ng dahan-dahan. “Mabuti naman dahil hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa ‘yo.” May diin sa pagkakasabi niya noon at ramdam ko talaga ang galit na dala ng mga salitang iyon. Isang simpleng salita lang pero maging ako man ay kinikilabotan din sa sinabi niyang iyon. “Ano nga pala ang ‘yong sadya at napadalaw ka rito. I doubt na para lang kumustahin ako?” “No, no. Nagpunta ako rito para sa mangyayaring ritual bukas. Gusto ko lang sabihin na hindi ka pwedeng dumalo sa gagawing ritual bukas.” Nabigla ako sa sinabing iyon ni Ace. Kaagad ko siyang tinanong sa kung bakit at ang sabi lang niya ay hindi nababagay sa ganong klaseng ritual ang ibang lahi. Lalong-lalo na nang katulad kong feline. “Pero bukas ang nakatakdang araw para dalawin ko ang tree of change, ayaw ko nang magsayang pa ng panahon kailangan ko nang maka-alala kaagad.” Mariin akong tumutol sa kanya at kahit ano pang sabihin niya ay hindi na magbabago ang isip ko. Kailangang bukas na ang pagpunta ko sa lugar na iyon. May sasabihin pa sana si Ace nang sumabat na si Raze, wala na siyang nagawa kundi tumahimik na lang at ‘wag na akong tutulan pa. Napagtanto na rin siguro niyang wala na talaga siyang magagawa sa nabuo ko ng pasya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. “Hindi na kita pipigilan. Pero ito lang ang maipapayo ko sa inyo,” bumaling siya ng tingin kay Raze. “Bukas, sa kabilugan ng buwan ay panatilihin mong buo ang iyong isip, ‘wag mong hahayaang matukso ka ng kahit na ano mang bagay na alam mong mali. Importante ang gabing iyon, lalong-lalo na sa katulad ni Brone.” Pakiramdam ko ay ang babala niyang iyon ay hindi talaga para sa akin kundi para lang talaga kay Raze. Ramdam ko rin ang lungkot sa kanyang tono habang nagsasalita siya animo’y may bagay siyang gustong-gustong sabihin ngunit hindi niya magawa. Bumuntong hininga muli siya saka tuluyan nang lumisan sa bahay na mabibigat ang mga yapak. Napansin ko ring nakakuyom ang kanyang kamao at base sa direksyong tinahak niya ay sigurado akong papunta siya sa chamber ng alpha leader. Naramdaman kong naging tahimik si Raze simula nang makaalis si Ace dito kung kaya’t tinanong ko siya kung anong problema pero ang tanging sagot lamang niya ay wala. Ngunit ramdam ko talagang meron siyang malalim na iniisip at ayaw niya lamang iyong sabihin sa akin. Pinabayaan ko na lamang siya at hindi na kinulit pa. Bandang mga hapon ay napagpasyahan kong umalis ng bahay para pumunta sa laboratoryo ni Mrs. Veronica para kumustahin ang kalagayan ng dahon. Pipigilan sana akong muli ng dalawa pero nagmatigas pa rin talaga ako. Wala pa ring nagawa si Raze, sa huli ay sumama na lamang siya sa akin. Gusto niya raw masigurong hindi ako biglaan na lang na matutumba sa daan. Nabalitaan rin pala nila Mrs. Veronica ang nangyari sa akin kaya grabe din ang pag-aalala nito nang makarating kami sa mismong laboratoryo. Sinipat niya ako nang mabuti at sinuguro talagang maayos ang pagkakagamot ng sugat na natamo ko. Habang sinusuri niya ako ay bigla kong naalala ang mukha ng aking lola. Ganito rin siya kung mag-alala sa akin noon sa tuwing nagkakasugat ako, kahit na maliit na sugat lang ay grabeng pag-aalala ang ibinibigay nito sa akin. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa alalang-alalang mukha ni Mrs. Veronica. Isang mahinang hurot ang naramdaman ko sa aking tagiliran. “Ikaw naman kasi bakit mo naman kasi tinarayan ang isang ‘yon. Hindi mo kilala si Conrad, kunting inis lang nun ay makagagawa na iyon ng isang napakadelikadong bagay kaya ikaw sa susunod ay mag-iingat ka na kung maaari ay ‘wag ka nang lumapit ng sampung metro sa isang ‘yon.” Pagbibigay ng paalala sa akin ni Mrs. Veronica. “Ganon talaga pag spoiled brat at palaging bini-baby ng mga magulang. Lumaki tuloy na puro hangin ang laman ng utak. Lalo na ‘yung ina niya kulang na lang eh kargahin sa balikat.” Sabat pa ni Ford. “Shhh, baka marinig ka,” sita rito ni Ike. “Ba’t di ka pa umaalis hinayupak ka, ‘di ko na naman mapapakinabangan assistant ko ngayong araw dahil sa ‘yo.” Inis na usal ni Mrs. Veronica at handa na sanang paluin si Ford ng dala nitong mahabang tube na bakal. Todo layo naman ang huli para hindi mahampas ng ginang. Naghabulan ang dalawa paikot kay Ike na ngayon ay parang tuod lang na nakatayo dahil takot ring matamaan ng winawasiwas na bakal ni Mrs. Veronica. Sadyang makulit talaga si Ford kaya napagod na lang ang ginang ay hindi pa rin nito ito nahuhuli. Inasar pa ng todo ni Ford si Mrs. Veronica na talagang nagpakulo ng dugo nito. Napapatawa na lamang ako sa kasutilan ng kaibigan ni Raze. Tuluyan na kaming pumasok sa laboratoryo at dumiretso na kaagad ako sa lugar kung nasaan naroon ang dahon.   ***** Mabilis na lumipas ang oras at natapos na naman ang isang araw. Ngayon ay ang mismong araw na upang tuluyan na akong makapunta sa lugar kung nasaan ang tree of change. Excited akong makita ang lugar na iyon sa pag-asang maalala ko na ang lahat. Ngunit kaakibat pala ng bagay na iyon ay isang hindi ko inaasahang pangyayari. Wala ni isang may alam na mangyayari ang bagay na iyon. Maging si Ace ay hindi iyon nasabi sa akin. Sa gabi ng kataposan ng ritual ng mga lahing lobo sa taong ito ay nagtitipon-tipon silang lahat sa ilalim ng tree of change. Lahat ay normal, maging ang nangyaring ritwal ay maayos na nagpapatuloy. Ngunit isang bagay ang babago sa lahat. Siya ang magiging dahilan kung bakit pati ako madadawit muli sa pagkaputol ng napakahalaga at sagradong ritwal na iyon ng lupong ito. *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD