BRONE’s POV
“Pupunta ka ba talaga sa tree of change ngayon? I heard na binalaan ka nung Ace na bawal ka talagang pumunta roon, hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang ang pagbisita mo ron?” kausap sa akin ni Ike nang minsang magawi akong muli sa laboratoryo.
Lahat sila ay ganoon ang sinasabi sa akin. Na kung pupwede ay ‘wag akong pumunta sa lugar na iyon sa araw na ito, pero buo na ang pasya ko wala na itong atrasan at hindi na ako papayag na madagdagan pa ng ni segundo ang pagtagal na makaalala ako.
Sa kanilang lahat ay si Raze lang ang hindi ako pinipigilan, hindi naman sa sang-ayon rin siya pero at least hindi siya nagsasabing ‘wag na akong pumunta roon. Sapat na sa aking ‘wag na siyang mamilit din. Sa lahat ng tao ay suporta niya ang mas kailangan ko.
“I told you, buo na ang desisyon kong pumunta roon mamaya tsaka tiwala naman akong poprotektahan ako ni Raze kung sakali mang may mali talagang mangyari. At isa pa ay kaya ko ring proteksyoan ang sarili ko.”
“Ah kaya pala may marka ka ng kalmot sa balikat mo dahil kaya mong proteksyonan ‘yang sarili mo.” Diniinan niya pa talaga iyong huli niyang salita.
Tinalikuran ko na lang siya, hindi ko naman lubos akalaing ganto pala kasuplado ‘tong lalaking ‘to. Ang buong akala ko pa man din eh mahiyain siya base doon sa una iyang ipinakita sa akin nung nagkita kami sa talon pati na rin nung una naming pagkikita rito sa laboratoryo.
“Anyway, ikaw na rin nagsabi na buo na talaga ang pasya mo. Ang totoo niyan ay si Mrs. Veronica talaga ang nakiusap sa akin na pigilan ka but I guess wala na rin akong magagawa. Pagdadasal ko na lang na walang mangyari sa ‘yo.”
“Thank you—”
“Don’t thank me yet, hindi pa natin alam kung talaga ngang ligtas ka mamayang gabi,” bumaba siya mula sa pagkakaupo namin dito sa medyo mataas na upuan na kailangan pa naming akyatin para lang makaupo. “Then, see you there na lang.”
Pagkatapos nun ay umalis na siya at muling pumasok sa loob ng laboratoryo. Naiwan ako roong nag-iisa. Napatanong na lang ako sa aking sarili. Tama ba talaga ‘tong gagawin ko ngayon? Hindi ko nga ba pagsisisihan kung hindi ko papakinggan ang babala sa akin ni Ace?
Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit anong gawin kong pagtatanong sa aking sarili ay wala rin naman akong makukuhang matinong sagot. Mga ilang beses na ata akong napabuntong hininga at hindi na matapos-tapos.
Maya-maya pa ay bigla na lamang may tumabi sa akin sa pagkaka-upo rito. Pagkalingon ko ay si Raze pala, tinigan niya ako sandali bago niya itinuon ang kanyang paningin sa mayabong na punong nagsisilbing pansalag namin ng araw.
Binalot kami ng katahimikan, kapwa nagkikiramdam kung sino ang dapat na unang magsalita. Akmang ibubuka ko na sana ang aking bibig nang naunahan na niya ako.
“Are you really sure about this?” mahina niyang wika.
Sa uri ng pagbigkas niya ng tanong na iyon ay medyo kinabahan ako, ito na nga ba ang sinasabi ko mukhang siya ata ang huling pipigil sa akin sa pagpunta sa lugar na iyon.
“Hindi kita pipigilan kung ‘yon ang iniisip mo. Gusto ko lang malaman kung sigurado ka ba talaga sa gusto mong gawin.” Nilingon ko siya pero hindi pala siya nakatingin sa akin kundi nakatungo lang talaga siya sa mga dahon nitong mayabong na kahoy sa aming harapan.
Ilang minuto rin akong hindi sumagot habang nakatitig lang sa maamo niyang mukha.
Maya-maya pa ay tumango ako ng dahan-dahan , sigurado naman akong nakita niya iyon kahit pa sa gilid lang ng kanyang paningin.
“Kung ano mang desisyon ang gagawin mo ay susuportahan kita. I will make sure na matatapos ang araw na ito na ligtas ka at hindi ko hahayaan may katulad kahapon muli na mangyayari sa ‘yo.” Napamulagat ako dahil sa sinabi niyang iyon at hindi mapigilang mang-init ang aking pisngi.
Nahihiya akong napa-iwas ng tingin at hindi ko na tuloy kayang mag-angat muli ng tingin sa kanya.
“S-salamat.”
Narinig ko siyang bumuga ng hangin, “May pakiusap lang ako sa ‘yo.” Mabilis akong napa-angat muli ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon.
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Maya-maya pa ay tuluyan na niya akong tiningnan.
“Pangako mo sa aking sa buong durasyon ng gabi mamaya ay hindi ka aalis sa tabi ko. Do not worry about my transformation, hindi ako mawawalan ng control sa aking sarili kaya ipangako mong hindi ka lalayo kahit na anong mangyari.”
Tinitigan niya ako sa mata wari ay tinititigan niya na rin pati ang kaluluwa ko. Lumipas ang ilang sandali at dahan-dahan na akong napatango habang hindi napuputol ang aming tinginan. Naramdaman ko na lamang na unti-unti na palang lumiliit ang agwat namin sa isa’t isa at pagkatapos ay tuluyan na ngang nagdikit ang aming mga labi.
Isang masuyon halikan na naman ang aming pinagsaluhan at katulad ng nangyayari sa akin sa tuwing nahahalikan niya ako ay bumibilis na naman ang t***k ng aking puso ngayon. Maya-maya lang ay tuluyan na akong napakapit sa kanyang balikat habang lumalalim nang lumalalim ang kanyang paghalik sa akin.
[. . .]
Alas singko na ng hapon at iilang sandali na lang ang hihintayin at maggagabi na. Doon ay tuluyan nang lalabas ang bilog na buwan na siyang hudyat ng pagsisimula ng patapos na ritwal ng lupong ito.
Nandito pa rin kami sa bahay habang hinihintay kong matapos sa kanyang paghahanda si Raze. Nababagot na rin at the same time ay excited na rin sa kung anong kahihinatnan ng gabing ito. Umaasa akong ngayong gabi ay tuluyan na nga talagang bumalik ang aking ala-ala.
“Brone, tara na.” Hindi ko pala namalayang nakalabas na ng kanyang kwarto si Raze dahil sa nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
Maging si Lixn man ay nakahanda na rin pala. Sabay kami ngayon tatlo na pupunta sa lugar kung nasaan ang tree of change. Palagay ko ay naroon na rin ang karamihan dahil sa kukunti na lamang ang nakikita kong taong nasa labas na naglalakad.
Narinig kong may tumatawag sa amin sa ‘di kalayuan. Pagkatingin ko kung saan ito nanggaling ay si Ford pala. Nakasakay ito sa isang karwahi.
“Tara, sabay-sabay na tayong pumunta roon,” ani nito wala na naman kaming sinayang na oras at sumakay na rin kami sa karwahing sinasakyan niya.
“So Brone, ready ka na ba?” usal muli nito nang nasa byahe na kami.
“Oo nga, kanina pa kayo tanong nang tanong.” Medyo iritable kong sagot sa kanya sabay irap pa.
“Uy nagtatanong lang naman galit agad, halata kasing excited ka talagang makaalala dahil sa ekspresyon mo.” Hindi ko na siya sinagot pa at nagpatuloy na lang ang byahe na sila-sila lang ang nag-uusap samantalang ako ay nasa labas lang at kinakabisado ang daang tinatahak namin nang sa ganon ay kung gusto kong bumalik sa lugar kung nasaan ang tree of change nila rito ay hindi ko na kailangan pa ng tulong nila Raze. Pwede na akong pumunta roon ng mag-isa.
Dahil sa sobrang pagkasabik ko ay hindi ko na mapigilang bilanging kung ilang minuto na ang nagdaan sa aming byahe. Mahigit isang oras na rin kaming nasa byahe nang nagsalita si Ford at sinabing nandirito na raw kami.
Ang buong akala ko ay nagbibiro lang siya pagkat puro matataas na d**o lang naman ang nakikita ko sa paligid. Pero isa-isa na silang nagbabaan lahat sa sinasakyan naming karwahi at ako na lang mag-isa ang natira sa loob.
“Ano, Brone, magpapaiwan ka ba jan. Ang akala ko ba ay sobrang excited mo na?”
Hindi pa talaga ako bumaba kaagad at tinitigan ko lang sila isa-isa. Nang masiguro kong hindi talaga sila nagbibiro base sa kanilang mga mukha ay nagpasya na akong bumaba kahit pa nagdududa pa rin ako.
Wala talaga akong makita sa buong paligid ko ngayon kundi mga nagtataasang mga halaman lang at mga d**o. Ni ang sinasabi nilang tree of change na napakataas at napakayabong ay hindi ko maaninag sa paligid.
Ngasimula na silang maglakad pasulong kung kaya’t sumunod na rin ako. Napansin kong palapit kami sa mga matataas na d**o kaya hindi napigilang mapatanong sa kung bakit doon kami patungo pero nginitian lang ako ni Raze sabay bahagyang tango pa sa akin. Nalilito pa rin ako pero hinayaan ko na lang sila at minabuti ko na lamang na sumunod sa kanilang nilalakaran.
Si Ford ang nauna sa aming apat kung kaya siya ang unang nakalapit sa mga matataas na d**o. Tumigil sila sandali sa paglalakad kaya napatigil na rin ako at lalong nalito.
“Andito na tayo. Maligayang pagdating sa aming tree of change.” Maligalig iyong winika ni Ford bago siya tuluyang sumuong sa mga d**o na sinundan naman ni Lixn.
Kaming dalawa na lang ni Raze ang natitira rito. Sinabihan niya naman akong ako an raw ang maunang sumuong at gayahin ko lang daw ang ginawa kanina ng dalawa. Nagdadalawang isip man ay sinunod ko pa rin siya.
Nakapikit pa akong sumuong sa mga d**o at nang tuluyan na akong makalagpas ay dahan-dahan ko nang binuka ang aking mga mata.
Bumungad sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin at ang napakaganda sa pandinig na agos ng tubig sa sapa. Ang lalo pang nakakuha ng aking pansin ay ang napakalaking puno sa ‘di kalayuan sa pwesto ko ngayon.
Nagtatakpan ng mga dahon nito ang napakalaking bahagi ng kalupaan. Hindi rin katulad ng ibang mga puno ay kakaunting kulubot lamang ang makikita sa katawan nito na kahit pa medyo malayo pa ako rito ay kitang-kita ko na iyon.
Hindi ko mapigilang mapanganga habang dinadama ang kagandahan ng lahat ng mga bagay na naririto. Kung may salita mang pwedeng sabihin sa ganda ng lugar ay iyon na siguro ang pagka LUNTIAN nito. Napaka-perpekto ng mga halaman pati na rin ang malinis na tubig sa sapang siyang nagbibigay ng iinumin ng lahat ng mga halamang tumutubo rito.
“Nagustuhan mo ba ang lugar, Brone?” rinig kong wika ni Raze.
“Ang ganda!” naibulalas ko na lamang at parang kumikislap na sa saya ang aking mga mata.
“Yan ang tree of change. Jan mangyayri ang ritual na gaganapin maya-maya lamang. Tara, lumapit na tayo roon.” Segunda pa ni Raze, sumunod naman ako kaagad kahit pa abala pa rin ang mga mata ko sa paghangga sa lahat ng halamang naririto.
Napansin kong maraming mga panauhin na rin talaga ang naririto. Ngunit malaking espasyo pa rin nitong lugar ang hindi pa nauukopa kahit na halos nandirito na ang lahat. Ilang sandali lang at tuluyan na kaming nakalapit sa mismong puno. Nakita ko kaagad sila Izy at ang alpha leader pati na rin ang mga pinsan ni Raze ay naririto na rin. Maging si Ace ay hindi ko inaasahang makikita ko rin sa lugar na ito. Nang magsalubong ang aming tingin ay ngumiti lang siya sa aking ngunit halatang peke lamang iyon dahil iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.
Minabuti ko na lamang na ‘wag lumapit masyado sa gawi ni Conrad dahil hanggang ngayon ay matalim pa rin ang ipinupukol nitong tingin sa akin, napansin ko pang nag-smirk siya.
Iba naman ang naging bungad sa akin ni Agatha, nang makita niya ako ay binati niya kaagad ako sabay kumusta pa ng aking sugat. Siya pa ang humingi ng tawad sa aking dahil sa ginawa ng kanyang kuya. Sinabi ko na lamang na kalimutan niya na iyon ‘pagkat parte na lamang iyon ng nakaraan.
“So you really disregard my warning ah.” Rinig kong bigkas ng isang boses sa aking likoran nang lingonin ko ito ay mukha ni Ace ang bumungad sa akin.
“Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mo na ako mapipigilan. Tsaka isa rin ito sa nakikita kong paraan para tuluyan na akong makaalala. Ngayon ay hihintayin ko na lamang ang tuluyang pagpapakita ng buwan.”
Napangisi siya ng bahagya, “Inaasahan mo talagang maganda ang hatid sa iyo ng gabing ito. Doon ka nagkakamali, Brone. Kung nakinig ka lang sana sa akin ay hindi kakaharapin ang sakit na dala ng gabing ito.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko na kailangan pang sabihin iyon tutal narito ka na rin naman kaya ikaw na lamang ang siyang personal na tumuklas.”
Tumalikod na siya sa akin at akmang lalayo na nang muli ko siyang tawagin.
“Ikaw, ano naman ang ginagawa mo rito?”
Napatigil siya sa kanyang paghakbang, makalipas ang ilang segundo ay saka lamang siya sumagot.
“Kailangan kong masigurado na hindi sosobra sa kaya mong tanggapin ang mangyayari mamaya.”
*****