CHAPTER 35

4236 Words
BRONE’s POV Tuluyan nang nagpakita ang bilog na buwan. Puno na ng dilim ang buong paligid at wala nang makikitang mga halaman o kahit na ano mang bagay sa kalayuan. Ngunit hindi naman gaano kadilim ang paligid dala na rin ng sinag na nanggagaling sa malaki at bilog na buwan, tumatama ang sinag nito sa tubig na nasa sapa na siyang nagpapadoble pa sa nalilikha nitong liwanag sabayan pa na may mga sulo ring nakatarak palibot sa buong tree of change. Nagkumpol-kumpol na ang lahat ng lobong kabilang sa lupong ito. Pinapagitnaan nila ang mismong tree of change. Maiging naghihintay kung kailan tuluyang magsisimula ang kanilang ritwal. Alas sais (6) y media na ng gabi o mas tamang sabihing labinlimang minuto na lang talaga bago mag alas siyete (7). Labinlimang minuto na lang ang kailangan nilang hintayin bago mangyari ang magiging hudyat na pwede na silang magbagong anyong lahat. Tahimik at lahat ay seryosong nakatitig lamang sa langit diretso sa buwan habang ang kanilang mga tenga ay maiging nakikinig kung kailan magbibigay ng hudyat ang alpha leader. Maging si Ford man ay naging seryoso na rin sa puntong ito. Samantalang ako ay naririto sa ‘di kalayuan ng mga lobong nagkukumpulan partikular na malapit sa mismong katawan nitong tree of change kung saan naririto rin ang mga alpha wolf kabilang na si Raze na ngayon ay nasa aking tabi. Kanina pa siya lingon nang lingon sa akin marahil ay ganon na lang ata talaga ang pag-aalala niya patungkol sa sinasabi ni Ace. Nang hindi na ako nakatiis ay kinausap ko na siya’t sinabing wag na niyang masyadong itanim sa isip ang tungkol sa bagay na iyon, ‘wag niya na akong masyadong alalahanin at kaya ko naman na ang aking sarili. Mababanaag pa rin ang pagka disgusto niya ngunit wala na siyang ibang nagawa pa kundi magtiwala na lamang sa akin. Ayaw ko naman kasing mangyari muli ang nangyari noong araw ng solar eclipse na hindi niya nagampanan ang kanyang tungkolin dahil lang sa akin. Gusto kong sa pagkakataong ito ay hindi na iyon masusundan pa at ‘wag na niyang ituon pa sa ibang bagay ang kanyang atensyon at mag-fucos na lamang sa paparating na ritwal. Hindi ko na rin mapigilang mapatingala na rin sa kalangitan kung saan kitang-kita ang napakalaking bilog na buwan, hindi mapigilang pahalagahan ang buwan, pinagisnan ko itong mabuti at pilit sinuyod ang kasulok-sulokan nitong parte. Nakangiti ako habang nakatingala sa langit. “Kay gandang sinag ang nagagawa mo. Ikaw ang nagsisilbing tanglaw sa mga diwang naliligaw sa gitna ng kadiliman. Sana ay ipagpatuloy mo ang paggabay sa mundong ito,” usal ko sa aking isip pagkatapos ay pamikit ako at taimtim na isinapuso ang aking mga nasambit. Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ng alpha leader. Ipinabatid nito sa lahat na maghanda na at iilang sandali na lang ang kanilang hihintayin at tuluyan na talagang magsisimula ang ritwal bilang pagtatapos sa kanilang taonang pagbabagong anyo sa ilalim ng tree of change. Come to think of it, ay hindi ko pa pala nakikita ang lobong anyo ni Raze kung ganon ay unang beses ko pa lang itong masisilayan sa gabi ito. Ano kaya ang kulay niya? Siguro ay napakalambot ng kanyang mga balahibo kapag ito’y aking nahawakan. Gaano kaya kalaki ang kanyang sukat? Marahil ay isang lobong makisig ang tayo kapag tuluyan ko nang nasilayan ang kanyang totoong anyo. Nasasabik na tuloy akong makita siya. Naging mas seryoso na ang lahat at handang-handa na talaga sila sa kanilang pagbabagong anyo. Nakalaylay na ang kanilang mga kamay habang ang kanilang mga katawan ay bahagya nang nakasulong paharap, handang tumalon sa ano mang sandali. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang bahagyang paggalaw ng lupa kasabay ng paggalaw ng malalaking ugat ng puno, samantalang ang mga dahon nito ay isa-isa ring nahuhulog sabayan pa ng parang sumasayaw ang buong katawan nito sa saliw ng ihip ng hangin. Hindi ganoon kalakas ang pag-ihip ng hangin kung kaya’t sigurado akong hindi iyon ang dahilan ng waring pagsayaw ng katawan ng puno, siguro ay dahil lamang iyon sa papalapit na nang papalapit ang ritwal na mangyayari. Kasunod nun ay siyang pagtakip ng isang makapal na ulap sa sinag ng buwan na siyang nagsanhi upang mawala ang nililikha nitong tanglaw na liwanag dito sa ibaba. Hindi naman iyon nagtagal at ilang segundo lamang ay nawala nang muli ang tumakip ng ulap. Kasabay ng muling pagpapakita ng buwan ay siyang tuluyang pag-iibang anyo ng lahat ng lobong naririto. Napapitlag pa ako sa biglaang pangyayari ng sabayang paglundag nilang lahat. Hindi nagtagal ay bumungad na sa aking paningin ang kanina ay mga anyong tao na ngayon ay isa ng mga lobo. Napatulala ako nang mahuli ng akong titig ang makukulay na berdeng mata ni Raze. Tuluyan pa akong nabighani sa kung paano dalhin ng hangin ang paggalaw ng kanyang napakaitim na balahibo. Tumama ang sinag ng buwan sa kanya kung kaya’t nagdagdag pa ito upang mas lalong maging matingkad ang kanyang kulay na nagmimistula na siyang isang kumikinang sa dilim. Hindi ko mapigilang hindi lumapit ng bahagya sa kanya at haplosin ang kanyang balahibo na kanina ko pa gustong gawin. Tama nga ang aking hinuha na may makisig na tindig nga ang kanyang anyong lobo, bagay na bagay sa kanyang postura. Pinasadahan ko ng haplos ang balahibo sa kanyang bandang gilid, gusto ko sanang hawakan ang nasa tuktok ng kanyang likod pero dahil sa tayog ng kanyang tindig ay hindi ko ito maabot kung kaya’t minabuti ko na lamang na sa kanyang gilid na balahibo na lamang ang aking haplosin. Nang magdampi sa aking kamay ang kanyang balahibo ay kakaibang pakiramdam ang bigla na lamang kumalat sa aking buong sistema, may kung anong uri ng kuryente ang kumiliti sa akin na galing sa kanyang balahibo at naglakabay patungo sa akin. Bigla na lamang akong napangiti habang patuloy ko pa ring hinihimas ang kanyang balahibo. Nakasara ang aming parehong mga titig sa bawat mata waring sa pamamagitan nun ay tinitingnan namin ang kaibutoran ng aming mga sarili. Matapos nun ay dahan-dahan kong idinikit ang aking noo sa kanyang noo at sabay kaming pumikit na dalawa. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa na ang unang himiwalay at bahagyang lumayo sa akin. Tumitig pa siya waring sinasabi niyang ‘wag akong lalayo masyado na siya ko namang tinanguan, matapos nun ay sabay-sabay na lamang silang lahat na umangongol habang nakatungo ang kanilang mga ulo sa bilog na buwan. Tatlong ulit na sabay-sabay na angongol ang kanilang ginawang lahat bago sila tumigil. Bumalik sa tabi ko ang lobong anyo ni Raze, maya-maya pa ay bahagya siyang bumaba sa lupa pagkatapos nun ay siyang muling pagbabalik ng kanyang taong anyo. Maging ang iba ay nagsisibalikan na rin sa kani-kanilang mga taong anyo. Nagmistulang isang batang nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina ang posisyon ngayon ni Raze habang siya ay nakabalukto sa lupa. Walang suot na kahit ano mang saplot sa katawan. Kahit na pwede naman siyang magsuot ng isang espesyal na damit upang hindi siya maing hubo’t hubad ay hindi niya iyon ginawa sapagkat ayon din sa kanya ay isan sagradong ritwal ang gabing ito at kasama iyon sa tradisyon ng kanilang lahi na maging hubo’t hubad pagkatapos ng pagbabalik anyo sa gitna ng isang ritwal katulad ngayon. Dali-dali ko siyang nilapitan at ibinigay ang isa pa niyang damit na hawak-hawak ko, kaagad niya naman itong kinuha saka sinuot sabay tayo na. Hinawakan niya ang aking panga saka bahagya niya akong pinatingala upang maayos naming matingnan ang mukha ng bawat isa. Isang matamis na ngiti ang aking ipinakita na kanya ring ginantihan, saka muli ay isang masuyong halik na naman ang aming pinagsaluhan. Sandali lamang iyon dahil ako na mismo ang humiwalay at nahihiya ako’t maraming nakakakita sa amin sa lugar na ito. Nag-iinit ang aking mukha napayuko na lang ngunit agad niya rin naman akong pinatingalang muli. Nginitian niya muli ako sabay pisil ng marahan sa aking ilong. “Mabilis lang pala ang ritwal niyo. Ang akala ko ay aabutin ito ng ilang oras.” Pagbubukas ko ng pag-uusap sa aming dalawa. “Hindi pa tapos ang totoong ritwal, simula pa lamang iyon at tama kang magtatagal talaga tayo sa lugar na ito,” he paused. “Marami sa aking mga kalahi ang hindi pa nakakahanap ng kanilang kapares kung kaya’t kukunin nilang pagkakataong muli ang gabing ito para makahanap. Ngunit ako ay may nahanap na kung kaya’t hindi ko na kailangan pang magpakahirap na makipagkumpulan sa lahat habang naghahalo ang aming mga amoy.” Lumingon muli siya sa gawi ko na kaagad ko namang iniwasan dahil sa bigla akong nahiya sa sinasabi niya, narinig ko pa siyang tumawa ng mahina. Matapos nun ay nagpasya kaming lumapit sa gawi kung nasaan si Ford at hindi ko inaasahan ang aking makikita. Sa aming harapan ay nakatayo ang hubo’t hubad pang sina Ford at Ike habang sila ay masuyong naghahalikan, walang pakialam sa kanilang paligid. Waring ang pangyayaring kanilang pinagsasalohan ay dinadama nila sa kaibuturan ng kanilang puso. Napasinghap na lamang ako habang nakatuod sa aking pwesto at dilat na dilat ang mga matang nakatitig sa kanilang dalawa. Isinuyod ko ang aking paningin at kahit saan ako tumingin ay mayroong mga naghahalikang mga magkapares. Wala silang mga pakialam sa kanilang paligid kahit pa napakaraming nakakakita sa kanila. Wala tuloy akong magawa kundi matigilan na lamang at ako na lamang ang nahiya sa aking nakikita. Kung gising ako nang gabing makita ako ni Raze, magiging ganto rin kaya ang kakahinatnan naming dalawa nang gabing iyon? Naramdaman ko ang matinding init na kumalat sa aking mukha at napasigaw na lamang sa loob-loob ko. Pilit kong pinakalma ang aking sarili upang hindi mahalata ni Raze ang nangyayari sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuli kong nakatitig rin siya sa akin. “Normal lang ito rito kapag ganitong mga okasyon. Dapat sanayin mo na ang sarili mo lalo pa’t matagal ka nang nakatali sa susunod na pinuno ng buong lupong ito.” Mapilyong ngiti ang kanyang ibinato sa akin na lalong nagpa-init sa aking mukha, ‘di ko na napigilan at tuluyan na talaga akong napatalungko ng upo. Dahil sa naiilang na ako sa pinagsasabi ng aking katabi ay naisipan ko nang ibahin ang aming pinag-uusapan. “D-di ba. Sabi ko sa ‘yo tinatakot lang talaga ko ni Ace nang sinabi niya ang mga babala niyang ‘yon. Tingnan mo naman mahabang oras na rin ang nakararaan pero wala namang nangyayari sa akin. Tama nga ako’t pinagtitripan lang talaga ako ng estrangherong ‘yon.” Napansin ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ni Raze. Naging taranta rin ang kanyang mga ikinikilos at hindi makatingin ng diretso sa akin. Napakalayo rin ng kanyang tingin na waring may hinahanap siya. Maya-maya pa ay tumigil ang kanyang titig sa isang direksyon, sinundan ko kung saan ito at doon ko nakita si Ace. Nakatayo lamang ito habang direktang nakatitig kay Raze. Kita ko naman ang bigla na lang panginginig ng kamay niya. “Raze, okay ka lang?” Tumingin siya sa aking pero malikot pa rin ang kanyang mga mata. “Ah, oo. A-ayos lang ako. Medyo nilalamig lang kaya nanginig ‘yung kamay ko.” “Ganon ba, wait hintayin mo ko rito at kukunin ko lang ang jacket ko.” Akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang aking kamay. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin ay nakakaramdam na ako ng sakit. Nag sabihin kong medyo nasasaktan na ay saka lang niya ako binitawan at natatarantang humingi ng paumanhin. “Raze, may problema ba? Tumitig ka sa mga mata ko.” Hindi talaga siya makatingin ng diretso sa akin, tuloy lamang siya sa pagsulyap sa aking likoran kung nasaan naroon nakatayo si Ace. Hindi ko maintindihan ang kanyang kinikilos na para bang may kung ano siyang kinakatakutan. Nag-isip ako nang bahagya at naalala kong naging ganito lamang siya nang banggitin ko ang tungkol doon sa sinabing babala sa akin ni Ace. “Tungkol ba —” Napamulagat ako dahil sa biglaang pagsakit ng aking buong katawan kasabay nun ay bumibigat rin ang aking bawat paghinga. Parang may kung anong bagay na pumipigil sa aking lumanghap ng hangin, na parang ang bagay na iyon ay nakabara mismo sa aking lalamunan. Pasakit nang pasakit ang nararamdaman kong kirot sa aking buong katawan hanggang hindi ko na talaga nakayanan at tuluyan na akogn napahiyaw na naging sanhi upang matawag ko ang lahat ng pansin ng mag panauhing naririto. “R-Raze, tulong ahhhhhhhh!”   **** BRONE’s POV Tuluyan nang nagpakita ang bilog na buwan. Puno na ng dilim ang buong paligid at wala nang makikitang mga halaman o kahit na ano mang bagay sa kalayuan. Ngunit hindi naman gaano kadilim ang paligid dala na rin ng sinag na nanggagaling sa malaki at bilog na buwan, tumatama ang sinag nito sa tubig na nasa sapa na siyang nagpapadoble pa sa nalilikha nitong liwanag sabayan pa na may mga sulo ring nakatarak palibot sa buong tree of change. Nagkumpol-kumpol na ang lahat ng lobong kabilang sa lupong ito. Pinapagitnaan nila ang mismong tree of change. Maiging naghihintay kung kailan tuluyang magsisimula ang kanilang ritwal. Alas sais (6) y media na ng gabi o mas tamang sabihing labinlimang minuto na lang talaga bago mag alas siyete (7). Labinlimang minuto na lang ang kailangan nilang hintayin bago mangyari ang magiging hudyat na pwede na silang magbagong anyong lahat. Tahimik at lahat ay seryosong nakatitig lamang sa langit diretso sa buwan habang ang kanilang mga tenga ay maiging nakikinig kung kailan magbibigay ng hudyat ang alpha leader. Maging si Ford man ay naging seryoso na rin sa puntong ito. Samantalang ako ay naririto sa ‘di kalayuan ng mga lobong nagkukumpulan partikular na malapit sa mismong katawan nitong tree of change kung saan naririto rin ang mga alpha wolf kabilang na si Raze na ngayon ay nasa aking tabi. Kanina pa siya lingon nang lingon sa akin marahil ay ganon na lang ata talaga ang pag-aalala niya patungkol sa sinasabi ni Ace. Nang hindi na ako nakatiis ay kinausap ko na siya’t sinabing wag na niyang masyadong itanim sa isip ang tungkol sa bagay na iyon, ‘wag niya na akong masyadong alalahanin at kaya ko naman na ang aking sarili. Mababanaag pa rin ang pagka disgusto niya ngunit wala na siyang ibang nagawa pa kundi magtiwala na lamang sa akin. Ayaw ko naman kasing mangyari muli ang nangyari noong araw ng solar eclipse na hindi niya nagampanan ang kanyang tungkolin dahil lang sa akin. Gusto kong sa pagkakataong ito ay hindi na iyon masusundan pa at ‘wag na niyang ituon pa sa ibang bagay ang kanyang atensyon at mag-fucos na lamang sa paparating na ritwal. Hindi ko na rin mapigilang mapatingala na rin sa kalangitan kung saan kitang-kita ang napakalaking bilog na buwan, hindi mapigilang pahalagahan ang buwan, pinagisnan ko itong mabuti at pilit sinuyod ang kasulok-sulokan nitong parte. Nakangiti ako habang nakatingala sa langit. “Kay gandang sinag ang nagagawa mo. Ikaw ang nagsisilbing tanglaw sa mga diwang naliligaw sa gitna ng kadiliman. Sana ay ipagpatuloy mo ang paggabay sa mundong ito,” usal ko sa aking isip pagkatapos ay pamikit ako at taimtim na isinapuso ang aking mga nasambit. Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ng alpha leader. Ipinabatid nito sa lahat na maghanda na at iilang sandali na lang ang kanilang hihintayin at tuluyan na talagang magsisimula ang ritwal bilang pagtatapos sa kanilang taonang pagbabagong anyo sa ilalim ng tree of change. Come to think of it, ay hindi ko pa pala nakikita ang lobong anyo ni Raze kung ganon ay unang beses ko pa lang itong masisilayan sa gabi ito. Ano kaya ang kulay niya? Siguro ay napakalambot ng kanyang mga balahibo kapag ito’y aking nahawakan. Gaano kaya kalaki ang kanyang sukat? Marahil ay isang lobong makisig ang tayo kapag tuluyan ko nang nasilayan ang kanyang totoong anyo. Nasasabik na tuloy akong makita siya. Naging mas seryoso na ang lahat at handang-handa na talaga sila sa kanilang pagbabagong anyo. Nakalaylay na ang kanilang mga kamay habang ang kanilang mga katawan ay bahagya nang nakasulong paharap, handang tumalon sa ano mang sandali. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang bahagyang paggalaw ng lupa kasabay ng paggalaw ng malalaking ugat ng puno, samantalang ang mga dahon nito ay isa-isa ring nahuhulog sabayan pa ng parang sumasayaw ang buong katawan nito sa saliw ng ihip ng hangin. Hindi ganoon kalakas ang pag-ihip ng hangin kung kaya’t sigurado akong hindi iyon ang dahilan ng waring pagsayaw ng katawan ng puno, siguro ay dahil lamang iyon sa papalapit na nang papalapit ang ritwal na mangyayari. Kasunod nun ay siyang pagtakip ng isang makapal na ulap sa sinag ng buwan na siyang nagsanhi upang mawala ang nililikha nitong tanglaw na liwanag dito sa ibaba. Hindi naman iyon nagtagal at ilang segundo lamang ay nawala nang muli ang tumakip ng ulap. Kasabay ng muling pagpapakita ng buwan ay siyang tuluyang pag-iibang anyo ng lahat ng lobong naririto. Napapitlag pa ako sa biglaang pangyayari ng sabayang paglundag nilang lahat. Hindi nagtagal ay bumungad na sa aking paningin ang kanina ay mga anyong tao na ngayon ay isa ng mga lobo. Napatulala ako nang mahuli ng akong titig ang makukulay na berdeng mata ni Raze. Tuluyan pa akong nabighani sa kung paano dalhin ng hangin ang paggalaw ng kanyang napakaitim na balahibo. Tumama ang sinag ng buwan sa kanya kung kaya’t nagdagdag pa ito upang mas lalong maging matingkad ang kanyang kulay na nagmimistula na siyang isang kumikinang sa dilim. Hindi ko mapigilang hindi lumapit ng bahagya sa kanya at haplosin ang kanyang balahibo na kanina ko pa gustong gawin. Tama nga ang aking hinuha na may makisig na tindig nga ang kanyang anyong lobo, bagay na bagay sa kanyang postura. Pinasadahan ko ng haplos ang balahibo sa kanyang bandang gilid, gusto ko sanang hawakan ang nasa tuktok ng kanyang likod pero dahil sa tayog ng kanyang tindig ay hindi ko ito maabot kung kaya’t minabuti ko na lamang na sa kanyang gilid na balahibo na lamang ang aking haplosin. Nang magdampi sa aking kamay ang kanyang balahibo ay kakaibang pakiramdam ang bigla na lamang kumalat sa aking buong sistema, may kung anong uri ng kuryente ang kumiliti sa akin na galing sa kanyang balahibo at naglakabay patungo sa akin. Bigla na lamang akong napangiti habang patuloy ko pa ring hinihimas ang kanyang balahibo. Nakasara ang aming parehong mga titig sa bawat mata waring sa pamamagitan nun ay tinitingnan namin ang kaibutoran ng aming mga sarili. Matapos nun ay dahan-dahan kong idinikit ang aking noo sa kanyang noo at sabay kaming pumikit na dalawa. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa na ang unang himiwalay at bahagyang lumayo sa akin. Tumitig pa siya waring sinasabi niyang ‘wag akong lalayo masyado na siya ko namang tinanguan, matapos nun ay sabay-sabay na lamang silang lahat na umangongol habang nakatungo ang kanilang mga ulo sa bilog na buwan. Tatlong ulit na sabay-sabay na angongol ang kanilang ginawang lahat bago sila tumigil. Bumalik sa tabi ko ang lobong anyo ni Raze, maya-maya pa ay bahagya siyang bumaba sa lupa pagkatapos nun ay siyang muling pagbabalik ng kanyang taong anyo. Maging ang iba ay nagsisibalikan na rin sa kani-kanilang mga taong anyo. Nagmistulang isang batang nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina ang posisyon ngayon ni Raze habang siya ay nakabalukto sa lupa. Walang suot na kahit ano mang saplot sa katawan. Kahit na pwede naman siyang magsuot ng isang espesyal na damit upang hindi siya maing hubo’t hubad ay hindi niya iyon ginawa sapagkat ayon din sa kanya ay isan sagradong ritwal ang gabing ito at kasama iyon sa tradisyon ng kanilang lahi na maging hubo’t hubad pagkatapos ng pagbabalik anyo sa gitna ng isang ritwal katulad ngayon. Dali-dali ko siyang nilapitan at ibinigay ang isa pa niyang damit na hawak-hawak ko, kaagad niya naman itong kinuha saka sinuot sabay tayo na. Hinawakan niya ang aking panga saka bahagya niya akong pinatingala upang maayos naming matingnan ang mukha ng bawat isa. Isang matamis na ngiti ang aking ipinakita na kanya ring ginantihan, saka muli ay isang masuyong halik na naman ang aming pinagsaluhan. Sandali lamang iyon dahil ako na mismo ang humiwalay at nahihiya ako’t maraming nakakakita sa amin sa lugar na ito. Nag-iinit ang aking mukha napayuko na lang ngunit agad niya rin naman akong pinatingalang muli. Nginitian niya muli ako sabay pisil ng marahan sa aking ilong. “Mabilis lang pala ang ritwal niyo. Ang akala ko ay aabutin ito ng ilang oras.” Pagbubukas ko ng pag-uusap sa aming dalawa. “Hindi pa tapos ang totoong ritwal, simula pa lamang iyon at tama kang magtatagal talaga tayo sa lugar na ito,” he paused. “Marami sa aking mga kalahi ang hindi pa nakakahanap ng kanilang kapares kung kaya’t kukunin nilang pagkakataong muli ang gabing ito para makahanap. Ngunit ako ay may nahanap na kung kaya’t hindi ko na kailangan pang magpakahirap na makipagkumpulan sa lahat habang naghahalo ang aming mga amoy.” Lumingon muli siya sa gawi ko na kaagad ko namang iniwasan dahil sa bigla akong nahiya sa sinasabi niya, narinig ko pa siyang tumawa ng mahina. Matapos nun ay nagpasya kaming lumapit sa gawi kung nasaan si Ford at hindi ko inaasahan ang aking makikita. Sa aming harapan ay nakatayo ang hubo’t hubad pang sina Ford at Ike habang sila ay masuyong naghahalikan, walang pakialam sa kanilang paligid. Waring ang pangyayaring kanilang pinagsasalohan ay dinadama nila sa kaibuturan ng kanilang puso. Napasinghap na lamang ako habang nakatuod sa aking pwesto at dilat na dilat ang mga matang nakatitig sa kanilang dalawa. Isinuyod ko ang aking paningin at kahit saan ako tumingin ay mayroong mga naghahalikang mga magkapares. Wala silang mga pakialam sa kanilang paligid kahit pa napakaraming nakakakita sa kanila. Wala tuloy akong magawa kundi matigilan na lamang at ako na lamang ang nahiya sa aking nakikita. Kung gising ako nang gabing makita ako ni Raze, magiging ganto rin kaya ang kakahinatnan naming dalawa nang gabing iyon? Naramdaman ko ang matinding init na kumalat sa aking mukha at napasigaw na lamang sa loob-loob ko. Pilit kong pinakalma ang aking sarili upang hindi mahalata ni Raze ang nangyayari sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuli kong nakatitig rin siya sa akin. “Normal lang ito rito kapag ganitong mga okasyon. Dapat sanayin mo na ang sarili mo lalo pa’t matagal ka nang nakatali sa susunod na pinuno ng buong lupong ito.” Mapilyong ngiti ang kanyang ibinato sa akin na lalong nagpa-init sa aking mukha, ‘di ko na napigilan at tuluyan na talaga akong napatalungko ng upo. Dahil sa naiilang na ako sa pinagsasabi ng aking katabi ay naisipan ko nang ibahin ang aming pinag-uusapan. “D-di ba. Sabi ko sa ‘yo tinatakot lang talaga ko ni Ace nang sinabi niya ang mga babala niyang ‘yon. Tingnan mo naman mahabang oras na rin ang nakararaan pero wala namang nangyayari sa akin. Tama nga ako’t pinagtitripan lang talaga ako ng estrangherong ‘yon.” Napansin ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ni Raze. Naging taranta rin ang kanyang mga ikinikilos at hindi makatingin ng diretso sa akin. Napakalayo rin ng kanyang tingin na waring may hinahanap siya. Maya-maya pa ay tumigil ang kanyang titig sa isang direksyon, sinundan ko kung saan ito at doon ko nakita si Ace. Nakatayo lamang ito habang direktang nakatitig kay Raze. Kita ko naman ang bigla na lang panginginig ng kamay niya. “Raze, okay ka lang?” Tumingin siya sa aking pero malikot pa rin ang kanyang mga mata. “Ah, oo. A-ayos lang ako. Medyo nilalamig lang kaya nanginig ‘yung kamay ko.” “Ganon ba, wait hintayin mo ko rito at kukunin ko lang ang jacket ko.” Akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang aking kamay. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin ay nakakaramdam na ako ng sakit. Nag sabihin kong medyo nasasaktan na ay saka lang niya ako binitawan at natatarantang humingi ng paumanhin. “Raze, may problema ba? Tumitig ka sa mga mata ko.” Hindi talaga siya makatingin ng diretso sa akin, tuloy lamang siya sa pagsulyap sa aking likoran kung nasaan naroon nakatayo si Ace. Hindi ko maintindihan ang kanyang kinikilos na para bang may kung ano siyang kinakatakutan. Nag-isip ako nang bahagya at naalala kong naging ganito lamang siya nang banggitin ko ang tungkol doon sa sinabing babala sa akin ni Ace. “Tungkol ba —” Napamulagat ako dahil sa biglaang pagsakit ng aking buong katawan kasabay nun ay bumibigat rin ang aking bawat paghinga. Parang may kung anong bagay na pumipigil sa aking lumanghap ng hangin, na parang ang bagay na iyon ay nakabara mismo sa aking lalamunan. Pasakit nang pasakit ang nararamdaman kong kirot sa aking buong katawan hanggang hindi ko na talaga nakayanan at tuluyan na akogn napahiyaw na naging sanhi upang matawag ko ang lahat ng pansin ng mag panauhing naririto. “R-Raze, tulong ahhhhhhhh!”   ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD