CHAPTER 36

2131 Words
BRONE’s POV Isang napakalakas na sigaw ang aking napakawalan na siyang umalingawngaw sa buong paligid nang bigla na lamang akong nakaramdam na parang may libo-libong espadang tumutusok sa aking likoran. Kasabay nun ay siyang pagkataranta ni Raze, tanong siya nang tanong sa kung anong nangyayari. Tinatawag ko ang pangalan niya sa gitna ng aking paghiyaw at mga pagngiwi, sabi ako nang sabi na kailangan ko ng tulong kahit na alam ko namang wala rin siyang magagawa sa kung anong nangyayari sa akin. Ano na naman bang nangyayari sa katawan ko? Ito ba iyong pinapahiwatig na babala sa akin ni Ace. Kung ganon ay bakit ganito ata kasakit ang dala nito sa akin, mas matindi pa ito kesa sa dinanas ko nung nangyari ang solar eclipse. Ultimo ata pati kaluluwa ko ay nagdudusa rin sa pagkakataong ito. Hindi ko inaasahang totoo pala talaga ang babalang iyon ni Ace. Napaliyad na lamang ako nang wala sa oras dahil sa parami nang parami ang parang mga espadang tumutusok sa likod ko. Dahil sa tindi ng sakit na dala ng mga ito ay kusa na lamang lumalabas ang pusa kong anyo at saka kaagad ring babalik. Papalit-palit lamang ang anyo ko na parang isang sirang hologram, ilang beses iyong nangyari kasabay ng matinding sakit na dinaranas ng buong katawan ko ngayon. “Raze, t-tulong... Argghhh!” Maraming luha na rin ang aking naipalabas at pakiramdam ko ay ano mang oras ay tuluyan na talaga akong mawawalan ng malay ngunit ang hindi maipaliwanag na sakit ang siyang pumipigil sa katawan ko upang mahimatay. Siguro’y sa mga puntogn ito ay mas pipiliin ko na lamang na mawalan ng malay kesa danasin ang pagdurusa kong ito na parang pinaparusahan ako ng langit at impyerno. Kahit na ilang linggo pa akong mawalan ng malay ay tatanggapin ko, hindi ko lamang maranasan ang dinaranas ko ngayon. Pansin kong hindi na alam ni Raze ang kanyang gagawin ni ang hawakan ako ay hindi na niya magawa. Nanginginig na rin ang kanyang mga kamay sa tuwing sinusubukan niya akong abutin. Ibayong pag-aalala na rin ang makikita sa kanyang mukha. Nagkagulo na rin ang lahat ng mga panauhing naririto, maging sila man ay nagulat at naguguluhan na rin sa biglang pangyayari. Lahat sila ay may pagtatanong na nakikusyuso sa amin gustong lumapit sa akin ng lahat upang makita ang nangyayari sa malapitan ngunit salamat na rin kina Ike at Ford na siyang nangunguna sa pagpipigil sa ibang makalapit sa akin. Sila ang pilit tumutulak sa lahat nang sa ganon ay hindi ako pagkaguluhan. Napako ang aking paningin sa ngayon ay nakatayo lamang na si Ace, hindi ko siya gaanong maaninag sapagkat nanlalabo na rin ang aking paningin dulot ng panghihina at aking pagluha pero sigurado akong nakatingin din siya sa aking direksyon. Hindi siya gumagalaw at kung nasaan siya kanina ay naroon pa rin siya hanggang ngayon. Sinubukan kong tawagin ang kanyang pangalan ngunit tila ba’y hindi na niya ito naririnig dahil sa ingay ng paligid at dahil na rin sa hina ng pagkakabigkas ko. Pinilit kong iangat ang aking isang kamay paturo sa kanyang direksyon. Kasunod ay siyang biglaang pagtayo ni Raze sa tabi ko saka sumugod kung nasaan si Ace. Klarong-klaro pa sa aking pandinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. “Ace!” galit na sigaw ni Raze sabay angat pa sa kwelyo ng huli. “Hindi ganito ang sinabi mo sa akin. Hindi mo sinabing ganitong uri ng pagdurusa ang kakaharapin ni Brone.” Nanggagalaiting buska ni Raze na halos kunti na lang ay parang kakainin na ata ng buhay ang kanyang sinisigawang si Ace. Maya-maya pa ay wala namang buhay na sumagot ang huli na nagpatindi pa ng galit ni Raze. “Ilang ulit ko na kayong binalaan lalong-lalo ka na pero lahat ng sinabi ko ay binaliwala niyo lang. Na parang ang tingin niyo sa akin ay isa lamang walang kwentang estranghero na nanggugulo sa lupon niyo. Ilang ulit akong lumapit sa ‘yo, Raze, at alam mo ‘yan ngayon ay hindi ko na kasalanan kung natamaan na kayo ng sarili niyong kapabayaan.” Bigla na lamang tumama ang kamao ni Raze sa mukha ng huli na siyang dahilan upang bahagyang maalis si Ace sa kanyang pwesto. Napahawak pa ito sa kanyang labi na pakiwari ko ay pumutok sa lakas ng impact ng suntok na iyon ni Raze. Muling itong sinugod ni Raze saka hinawakang muli ang kwelyo nito. “Sabihin mo sa ‘kin kung paano mawawala ang pagdurusa ni Brone, ngayon din.” Ngumisi lamang ang huli, “Heh, dahil sa kapabayaan niyo ay dinaranas niyo ngayon ang hagupit ng karma, at ngayon ay gusto niyong ako muli ang magbigay ng solusyon sa kinakaharap niyong problema? Ba’t ‘di niyo tanungin ang sarili niyong mahekiro baka sakaling MAS makatulong siya sa inyo,” he paused while his face is in gremace. “Kung sinunod niyo lang sana ang babala ko at hindi niyo inuna ang paglalandian niyo ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.” Malakas na ibinalibag ni Ace ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo ni Raze. Matatalim na titig ang kanilang iginawad sa isa’t isa habang ang kanilang mukha ay puno ng pagngingitngit. “Kung ganon ay lumabas din ang totoo na nagseselos ka lang sa nangyayari. Na hindi mo lang nagugustuhan ang iyong nakikita, kung ayaw mo kaming makita sa ganoong akto ay hindi ka na sana dumalo sa gabing ito,” buskang balik ni Raze. Hindi nakaimik ang huli ngunit kita kong mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao nito. Sinubukan ko ang lahat para lang magkaroon ako ng lakas upang pigilan sila sa kanilang pag-aaway ngunit wala na talagang ni katiting na lakas ang natitira sa aking katawan. Ang tanging nagpapagising na lamang sa aking ngayon ay ang matinding sakit na dinaranas ng aking katawan. Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na angil na hindi ko batid kung kanino sa kanilang dalawa ito nanggaling. Sunod ko na lamang naaninag ay siyang pag-amba nilang dalawa na sumugod sa isa’t isa habang nakahanda na ang kanilang mga kamay sa pag-atake. Kunting dangkal na lang sana at magtatagpo na ang kanilang mga pwersa nang sa isang iglap ay nakita ko na lamag ang pagpagitna ng mismong alpha leader sa kanila. Galit ang mukha nitong nakatitig sa malayo, lumalabas na ang mga ugat nito sa kamay habang hawak-hawak ng mahigpit ang pulsohan ng dalawa. “Kung gusto niyong magpatayan ay ‘wag dito sa harap ng sagradong puno ng lupon. Humanap kayo ng lugar na babagay sa pagdanak ng inyong mga dugo at pinapangako kong walang pipigil sa inyo.” Kalmado ngunit ma-awtoridad na usal ng alpha leader sa kanilang dalawa. Nagngangalit pa rin ang mga ngipin ng dalawa ngunit halatang wala na silang balak pang ipagpatuloy ang kanilang sagupaan. Tumitig sa akin ang malalim na mga mata ng alpha leader, “Unahin niyo munang asikasohin ang inyong alagang kuting.” Hindi ko nagustuhan ang pagkakahulugan sa akin ng sinabing iyon ng alpha leader pero wala naman akong ibang magagawa kundi tanggapin lamang iyon kahit pa hindi ko ito gusto. Wala akong panahon ngayon para pairalin ang pride ko lalo pa’t tuloy pa rin ang paglakbay ng ‘di masukat na sakit sa aking katawan. Nakatalukbo na ako sa sarili kong katawan upang kahit papaano ay maibsan ko ang sakit ngunit tila ba’y wala naman itong nagiging epekto. Nang maging kalmado na ang sitwasyon ng dalawa ay mabilis na akong nilapitan ni Raze, saka sinipat muli ang aking katawan. Ganon pa rin siya, nanginginig nag mga kamay na parang natatakot akong hawakan dahil baka mas mapalala lamang niya ang nangyayari sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang ibayo niyang pag-aalala sa sitwasyon ko. Ibang-iba sa pag-aalala niya sa akin noon nung may ganto ring nangyari sa akin sa araw ng solar eclipse. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang paglapit ng presensya ni Mrs. Veronica sa gawi ko. Agad naman siyang kinausap ni Raze at dito ay nagmakaawa kung may magagawa ba ang ginang sa kondisyon ko. Ngunit naging lugmok lamang siya nang lumingo-lingo lamang si Mrs. Veronica tanda na wala rin itong naiisip na paraan. Gusto kong abutin ang mukha ni Raze o kahit ang kamay man lang niya pero hindi ko talaga maigalaw ang kahit ni isang muscle sa aking kamay. Gusto ko sanang kahit sa ganong paraan man lang ay mapahinahon ko siya. Alam ko kung gaano siya nag-aalala sa sitwasyon ko ngunit nagiging dahilan lamang din ‘yon para mag-alala rin ako sa kanya. Maya-maya pa ay bigla ko na lamang napansin ang pagtahimik ng aking paligid kahit na kani-kanina lamang ay nagmistula nang palengke rito. Napasuyod ako ng tingin sa aking paligid at kataka-takang ang lahat ay bumubuka ang mga bibig ngunit wala ako ni isang tunog na naririnig mula sa kanila. Maging ang pag-uusap ni Raze at ni Mrs. Veronica ay hindi ko na rin marinig. Doon ko lamang naramdaman na nawala na pala ang aking pandinig kung kaya’t kahit gaano pa kalakas ang ingay sa aking paligid ay ni kunting tunog ay wala akong marinig sa mga ito. Imbes na mataranta dahil sa pangyayaring iyon ay naging kalmado pa ako ng bahagya. Na para bang ipinagpasalamat ko pa ang pagkawala ng aking pandinig, sa kadahilanang naging sanhi iyong upang kahit paaano ay mawala ang kagulohan sa aking paligid, na kahit papaano ay ang ‘di masukat na sakit na lamang ng aking katawan ang kailangan kong indahin ngayon. Pero ang lahat ay isa ko lang palang pantasya dahil hindi pa man din nakakalipas ang mahabang sandali matapos akong mabingi ay sinundan na ng biglaang pagbulwak ng dugo sa aking bibig. Napasuka ako ng dugo sa hindi malamang dahilan. Sigaw nang sigaw sa harapan ko si Raze pero ‘di ko talaga siya marinig. Ngumiti na lamang ako sa kanya dahil iyon na lamang ang nakikita kong paraang para hindi siya mag-alala sa akin. Sa pangalawang pagkakataon ay napasuka na naman ako ng dugo kasabay ng pagmulagat ng aking mga mata dahil sa biglaang ‘di maipaliwanag na pakiramdam na kumalat sa buo kong sistema. Pagktapos ay bigla na lamang akong napasigaw ng malakas dulot ng pagdoble ng sakit na aking dinaranas. Hindi pa man din ako nakakabawi ay naramdaman ko na lamang na ang aking buong katawan ay dahan-dahan nang lumulutang sa ere. Nagulat ang lahat nang nakapalibot sa akin at sila’y kumaripas sa pag-atras palayo sa akin. Sunod nun ay siyang tuluyang pagkakagulo nilang lahat dahil sa biglaang agresibong paggalaw ng mga ugat ng tree of change. Maging ang alpha leader at sila Raze ay nagulat na rin sa nangyayari. Hindi ko man marinig ang kanilang mga pinagsasabi pero sigurado akong pinagtatalunan na nila ang kakaibang nangyayaring iyon. Ngunit sa kanilang lahat ay tanging si Ace lamang ang tila ba ay walang pakialam sa mga nangyayari. Masuyo lamang siyang nakatitig sa akin at sinusundan ng tingin ang dahan-dahang pag-angat ng aking katawan. Nakita ko ang mga ugat ng puno na gumagapang palapit sa akin hanggang sa tuluyan ako nitong pulupotan. Sinubukan pang kalasin ang mga ito ni Raze sa kanyang lobong anyo ngunit wala siyang nagawa dahil sa kapal ng mga ito. Natatakpan na nga ng mga ugat ang aking buong katawan at tanging mukha ko na lamang ang siyang tanging nakikita. Sige pa rin sa pagkalmot rito si Rage kahit alam niyang wala naman iyong magagawa. Tuluyan na sana akong lalamonin nang buo ng mga ugat na iyon hanggang sa maramdaman ko na lamang ang biglaang pagkaputol ng mga ito. Sinundan ko ng tingin kung sino ang may gawa ng pagkaputol at doon ko nakita si Izy na ngayon ay umiilaw ang isang palad na nakatutok sa akin. Kita kong nahihirapan siya dahil sa kanyang paminsan-minsang pagngiwi na hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa dahan-dahan akong lumingon sa direksyon kung saan gumagapang ang mga ugat, doon ay nakita kong tuluyan pa rin pala itong gumagapang palapit sa akin pero pilit pa rin itong pinipigilan ni Izy. Iyon marahil ang dahilan sa kung bakit siya nahihirapan. Sa aking kanan ay naroon si Izy na tuloy-tuloy ang pagpigil sa mga ugat sa paglapit sa akin habang sa aking kaliwang bahagi ay naroon si Raze sa kanyang lobong anyo at pilit na kinakalmot at kinakagat ang mga ugat ng puno ng pagbabagong-anyo. Nagpatuloy ang ginagawa ng dalawang iyon nang iilang minuto hanggang sa nakuha ng aking pansin ang paggalaw ni Ace sa kanyang pwesto. Nilapitan niya si Izy saka dali-dali niya itong pinalo sa tagiliran gamit ang gilid ng kanyang kamay.  Naging sanhi iyon upang mawalan ng balanse si Izy at tuluyang maputol ang pagpipigil nitong palapitin sa aking ang gumagapang na mga ugat. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD