CHAPTER 37

2207 Words
Abala sina Izy at Raze sa pagsubok na ‘wag makalapit ang gumagapang na mga ugat ng tree of change kay Brone. Ginawa nila lahat ng abot ng kanilang abilidad para lamang mapigilan ang tuluyang pagpulupot nito sa buong katawan ng huli. Ngunit tila ba ga’t ang tadhana ay hindi pabor sa kanila sa pagkakataong iyon dulot ng isang taong sisira sa kanilang paghihirap. Si Ace. Simula nang mangyari ang kakaibang pangyayaring iyon kay Brone ay wala itong ibang ginawa kundi tumayo lamang sa tabi ng katawan ng puno at titigan ang bawat angulo ng pangyayari habang hindi ito gumagawa ng hakbang para matulongan ang nagdudurusang si Brone. Ngunit sa punton ito ay tuluyan na nga itog umalis sa kanyang pwesto. Ang buong akala nila ay aalis na ito sa pinangyayarihang lugar ngunit ang hindi inaasahan ng lahat ay ang biglaan nitong paghataw ng kanyang kamay sa tagiliran ng mahikero si Izykrias na siyang nagdulot upang ito ay mawala sa kanyang balanse at tuluyang maputol ang mahikang ginagamit nito upang mapigilan sa paglapit kay Brone ang mga ugat. Napasinghap lahat ng nakakita sa pangyayari, hindi nila inaasahang ganoon ang gagawin nito sa mahikero. Dahil sa lakas ng pagkakahataw nito sa tagiliran ng huli ay napadaing pa ito. Galit na galit namang tumitig ang mahikero kay Ace. “Anong ginagawa mo? Nahihibang ka na ba?” inis na buska ni Izykrias dito. Wala namang ibang naging reaksyon ang kanyang kaharap kundi isang walang kagana-gana at blankong ekspresyon lamang. Sabay silang lumingon sa gawi ni Brone, patuloy pa rin itong lumulutang ngunit ang kanina ay napipigilan na sana nilang mga ugat ay muli namang gumagapang upang balotin ang buong katawan nito. Napamulagat si Izykrias ngunit sa kanyang isip ay wala na talaga siyang magagawa pa, tila ba’y sinadya talaga ni Ace ang pagkakahataw nito sa kanyang kanina upang sa maikling panahon ay hindi niya magamit ng maayos ang kanyang kapangyarihan. Naiwan na lamang na despiradong kumakalmot at kumakagat ang lobong anyo ni Raze, pero kahit anong gawin pa nito ay wala pa ring nagbabago sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang sinisinta. Hanggang sa umabos na nga sa puntong tuluyan nang nabalot ng ugat ang buong katawan ni Brone na ngayon ay nakalutang pa rin sa ere. Natahimik ang buong paligid dahil sa pagkagulat sa kakaiba na namang nangyari tanging alulong na pag-iyak lamang ng isang itim na lobo ang namumutawi sa paligid. Puno ng dalamhati at animo’y nawalan ng isang napakahalagang parte ng kanyang buhay. Mabilis na binawi ng lobong iyon ang kanyang sarili at walang ano-ano’y lumingon sa pwesto ni Ace. Mga matatalim nitong titig ay nakapako na sa huli kasabay ng mabilis nitong pagkilos pasulong dito. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay bigla na lamang siyang nahinto habang nakalutang sa ere, sa harap mismo ni Ace. Muli na namang nagdala iyon ng ibayong takot at pagkagulat sa lahat ng nakakakita. Sige pa rin sa pagpupumiglas ang itim na lobong makalapit kay Ace kahit na wala naman itong ibang nagagawa kundi pagod lamang. Ang paghinto nito sa ere ay siyang mismong gawa ni Ace gamit ang kanyang kakaibang kapangyarihan. Pinahinto niya ang daloy ng oras sa buong katawan ng lobo na nagsanhi upang ito ay hindi na tuluyang makalapit sa kanya. Hangga’t hindi niya tinatanggal ang pagkakahinto nito ay wala itong ibang magagawa kundi magpumiglas lamang. “Ace, anong ibig sabihin nito? Pakawalan mo ang anak ng alpha leader.” Mariing pag-uutos ni Izykrias sa huli. Ngunit imbes na siya ay sundin ay isang malamig at nakakakilabot na titig lamang ang iginawad nito sa kanya. Sa uri ng titig nito ay hindi mapigilan ni Izykrias na bahagyang pangilabotan at makaramdam ng takot mula rito. Nababalotan ito ng napakalakas na killing intent at alam niya sa sarili niya ang ganoong uri ng pakiramdam. Isang pakiramdam na hindi dapat basta-basta maliitin. “Ang mga tulad niyong bulag sa pangyayari at walang alam sa ibang bagay na hindi tungkol sa inyong lahi ay walang karapatang utosan ako.” Dahil sa winikang iyon ni Ace ay nag-iwan ang mga salita nito ng pagtatanong sa isip ng lahat lalong-lalo na kay Izykrias. Hindi niya batid kung anong punto talaga ang pinagsasabi nito ngunit may hinuha siyang patungkol ito sa kasalukuyang nangyayari kay Brone. Muling nilingon ni Izykrias ang direksyon ngayon ni Brone. Tinitigan niyang mabuti ang nangyayari rito habang pilit inaanalisa ang mga bagay-bagay. Ang mga ugat na nakabalot sa buong katawan ni Brone ay patuloy pa ring gumagapang at kumikilos, ang nangyaring pagbalot nito ay nagsanhi upang makulong sa loob nito si Brone. Mistulang nagiging isa itong insekto na kasalukuyang nasa proseso ng pagta-transform. Biglang sumagi sa isip ni Izykrias ang isang imahe patungkol sa proseso ng mga insekto, partikular ng isnag uod kapag nagiging isang ganap na paru-paro na ang mga ito. Kagaya ng mga ito ay ganon na ganon ang nangyayari ngayon kay Brone. Animo’y nasa kalagitnaan ito ng proseso ng pagiging chrysalis o pupa. Ang mga ugat na nakabalot sa katawan ni Brone ay parang isang malaking cocoon na siyang magiging dahilan ng pagta-transform nito. Nanlalaki ang mga mata ni Izykrias na napalingong muli sa kanyang katabing si Ace. Hindi siya makapaniwalang tinitigan ito habang naglalaro sa kanyang isip ang mga bagay-bagay na kanyang pinagsususpetsahan. “W-wag mong sabihing...” Napangisi lamang ng pagak si Ace habang diretso pa rin ang tingin sa pwesto ni Brone. Hanggang sa tuluyan na nga nitong pinakawalan ang itim na lobo, na si Raze. Matapos nun ay hinarap niya ang nagkukumpulang mga myembro ng lupong iyon. Bumuntong hininga siya at pagkatapos ay nagsalita sa malakas na boses. “Pagmasdan niyong mabuti ang napakagandang pangyayaring iyan. Sa tanang buhay niyo ay ngyaon niyo lamang makikita ang ganitong uri ng proseso. Isang transpormasyon na hindi katulad sa inyong lahi, isang pagbabago na maaaring mangyari lamang sa mga may dugong bughaw na feline.” Lumingon siya sa gawi ni Brone at saka ngumiti ng malapad. “Ang gabing ito ay tatatak sa kasaysayan bilang pagsilang ng susunod na pinuno ng lahing feline at susunod na tagasunod ng kalikasan. Behold the power of our almighty kind.” Dumagondong ang huling sinabing iyon ni Ace sa bawat tenga ng lahat kasabay ng malakas niyang mga halakhak. Nagdala pa iyon ng ibayong takot at sindak dahil sa uri ng pagkakasabi niya ng mga salita niyang iyon. Maya-maya pa ay bumaba ang tingin ni Ace sa kanyang paanan kung saan naroon ngayon ang naghihinang si Raze na nakabalik na sa kanyang taong anyo. “Ngayon, hintayin na lang natin kung kaya mo pa bang pangatawanan ang desisyong iyong pinili, Raze Konvelkier.” Madiin ang pagkakabigkas nun ni Ace. May malalim na hugot ang bawat salitang kanyang sinabi kay Raze, mababanaag rin sa mukha ng huli na alam nito ang pinagsasabi ng kanyang kaharap. Silang dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon dahil silang dalawa lang naman talaga ang nag-usap patungkol sa desisyong pinili ni Raze. Tuluyan nang naliwanagan si Izykrias, sa kanyang isip ay hindi niya lubos akalaing ganoong uri pala ng transpormasyon ang dadanasin ng mga nilalang na nabibilang sa lahing feline. Ang buong akala niya ay sa tagal ng kanyang pagkabuhay sa mundo ay alam na niya ang lahat ng mga bagay-bagay na umiikot dito ngunit ang pangyayaring sumasampal sa kanyang harapan ngayon ang siyang nagpapatunay na masyado pa nga talagang maraming mesteryo ang kailangan niyang matuklasan. “Horace.” Agad na napalingon sa kanya ang lalaking tinawag niya. “K-kung totoo nga ang sinasabi mong nasa proseso ngayon ng transpormasyon ni Brone katulad ng mga paru-paro ay hindi ba’t aabutin ito ng linggo bago tuluyang matapos, hindi ba’t—” Napangisi muli ang huli, “Tch, wala ka ngang kaalam-alam, Izykrias. Mas matanda ka pa sa lahat ng naririto pero tela ba’y sa katandaan mo’y nagiging hangin na lamang ang laman ng utak mo. ‘Wag mong itulad sa isang insekto lamang ang isang tulad ni Brone na nanggaling sa mataas na antas ng kanyang lahi. Napakalayo ng agwat ng isang paru-paro sa mga nilalang na katulad ni Brone, na isang feline.” Sa isip ni Izykrias ay naiinis na siya sa tabil ng dila ng kanyang kausap, kahit na napakabata pa naman nito kumpara sa kanya ay ganoon na lamang siya nito barahin. Pero pinili niya na lamang na isantabi ang kanyang pride lalo pa’t napuruhan na siya nito. Kahit pa alam niyang mas malakas ang kanyang kakayahan at kapangyarihan kumpara kay Ace ay wala siyang magagawa sa ngayon dahil baka magdulot lamang iyon ng mas malaking gulo. Ilang sandali lang ay biglang sumabat ang mismong alpha leader, sumulpot na lamang ito bigla sa harap ni Ace nang hindi nito namamalayan at nanlalaki ang mga matang tinanong siya. “A-anong ibig mong sabihin na nabibilang sa mataas na antas na lahi ng feline si Brone?” mabilis na pagsasalita ng alpha leader, animo’y hinahabol. “Hindi mo ba narinig ang aking sina—” “Sagotin mo ako nang maaayos at ‘wag kang pabalang!” Nagulat si Ace dahil sa pagsigaw na iyon ng alpha leader sa kanya. Ang malakas nitong boses ang siyang nagdulot upang makaramdam siya ng kaba mula rito, alam niyang sa puntong iyon ay wala nang saysay ang paikot-ikot niyang pinagsasabi. Sa totoo lang ay wala naman siyang balak na itago ang katotohanan sa lahat, siguro ay panahon na rin para malaman ng buong lupon ng lobong iyon ang tungkol sa pagkatao ng kanilang kinupkop na nilalang. “Isang may dugond bughaw na werecat si Brone.” Malumanay na niyang pagsabi sa harap ng alpha leader, “Ibig sabihin nun ay siya ang susunod na mamamahala ng buong angkan ng mga feline, hindi lamang ng mga werecat kundi buong grupong lahi ng mga feline. Nananalaytay sa kanyang ugat ang dugo ng isang pagiging white vessel.” Naging doble pa ang pagkagulat ng alpha leader dahil sa isiniwalat na iyon ni Ace, na pati ang kanyang mga labi ay hindi na mapigilang manginig dahil sa nerbyos na kanyang nararamdaman.  Kung sa ibang nakakarinig ay isa lamang iyong nakakalitong impormasyon ngunit para sa alpha leader at kay Izykrias ay isa iyong napakahalagang bagay. Isang impormasyong nakaugnay sa kanilang lahi, partikular sa kanilang lupon. Isang impormasyong taglay ay ibayong panganib hindi lamang nila kundi ng buong lahi ng mga canine at feline. Dahan-dahang napadako ang tingin ng alpha leader sa kanyang anak, nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Isang tingin ng ama na puno ng pag-aalala at takot at isang tingin ng anak na walang kaalam-alam at puno ng pagtataka sa mga pangyayaring kanyang nakita. “Ang buong akala ko ay naging tapat ka sa amin kung kaya’t buong tiwala akong binigyan kang pahintulot na maglabas-pasok sa lupong ito, ‘yon pala ay marami ka bang sekretong hindi ibinubunyag sa amin,” usal ni Izykrias kay Ace. “Hindi niyo ko masisisi. Pagdating sa huli ay alam natin parehong talo ang taong masyadong bukas ang sarili sa iba. Mas mabuti nang maglaan ka ng alas sa iyong sarili nang sa ganon ay hindi ka maisahan ng iba, Iyon ang turo sa akin ng aking guro sa teritoryo naming mga werecat.” Natahimik na ang lahat at may sari-sarili nang laman ang mga isip. Mga bagay na siyang gumugulo sa kanilang sarili hatid ng kanilang mga sekretong maibubunyag pa lamang. Habang nasa ganoong estado ang lahat ay patuloy pa rin ang pagharap ni Brone sa proseso ng kanyang transpormasyon. Nakatitig na ang lahat sa malaking cocoon na nakakonekta na ngayon sa mga ugat ng kanilang sagradong puno ng pagbabago. Lahat ay sabik sa muling paglabas ng taong nasa loob nun. Ang karamiha ay kuryosidad lamang ang dahilan sa kung bakit sabik silang magisnan ang lalabas sa cocoon na iyon, ngunit sa tulad nila Raze, Izykrias, Ace, at ng alpha leader ay alam nilang sa pagkakataong lumabas na sa bagay na iyon si Brone ay siya ring magiging hudyat ng pagbabago sa takbo ng kanilang nakagisnang buhay.     Lumipas ang mahigit kalahating  oras at dahan-dahan na nga nilang napansin ang pagkakatanggal ng mga ugat. Nakikita na nila ang unti-unting pagbabalik sa lupa ng mga ito. Namutawi sa mukha ng lahat ang kaseryosohan habang nakapako ang mga tingin sa direksyon kung nasaan ang cocoon na iyon. Ilang sandali pa ay unti-unti na nilang nakikita ang maliliit na parte ng katawan ni Brone. Akmang lalapit sana roon si Raze ngunit pinigilan siya ng kanyang mga kaibigan at kasama. Bukod pa roon ay nanghihina rin ang kanyang katawan kung kaya’t wala siyang magagawa kundi titigan na lamang ang dahan-dahang pagkalas ng mga ugat sa katawan ng kanyang minamahal. Matapos ang mahabang paghihintay ay tumambad sa lahat ang nakatalukbo sa kanyang sariling si Brone na parang isang sanggol. Kumikinang na parang dyamante ang buong katawan nito habang nakalutang pa rin sa ere. Maya-maya lang ay dahan-dahan an itong pumaibaba hanggang sa lumapat na ang paa nito sa lupa. Dahan-dahan nitong ibinuka ang kanyang mga mapupungay na mata ngunit malayo ang tingin nang tuluyang magdilat. Isang boses ang mahinang tumawag sa pangalan nito na siyang nagsanhi upang makuha ang pansin nito.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD