CHAPTER 38

2165 Words
BRONE’s POV Nang imulat ko ang aking mga mata ay unang bumungad sa akin ang mga mukha ng lahat na waring takot na takot sa aking presensya. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking mga kalamnan ngunit ang sakit na umaatake sa akin kanina lang ay hindi ko na maramdam ngayon. May kunting pamamanhid pa rin ngunit hindi na gaya ng dati. Mabibigat ang aking mga talukap na sinuyod ko ang aking paligid. Hinahanap kung sino ang gusto kong taong unang makita, hanap ako nang hanap sa napakaraming taong nakapalibot sa akin ngayon. Sa hindi malamang dahilan ay parang hindi pamilyar sa aking ang lugar na kinatatayuan ko ngayon pero sa kabila nito ay may pakiramdam din sa loob-loob ko na pamilyar ang lugar na ito sa akin. Nagugulohan ako sa kung bakit ako naririto ngayon at kasabay naman na nagiging payapa ako lalo na kapag nadadako ang tingin ko sa malaking punong nasa aking harapan. Para bang may dalawang personalidad sa aking katawan; Ang isa ay estranghero sa lugar na ito at ang isa pa ay buong pusong naniniwalang nabibilang siya rito. Ilang ikot at suyod pa ng aking paningin hanggang sa natunton ko ang pwestong kinalulugaran ng mga nilalang na para sa akin ay malapit sa sarili ko, lubos pang nakakuha ng aking atensyon ay ang isang lalaking nakahubad habang mabibigat na tingin ang ipinupukol sa akin. Napangiti ako sa kadahilanang tuluyan ko nang nahanap ang kanina pa’y gustong makita ng aking mga mata. Sa hangin ay naibulalas ko ang kanyang pangalan kasabay ng dahan-dahan kong paglapit sa kanyang direksyon. “Ace.” Maligalig kong usal saka naglakad pasulong sa kanyang direksyon. Siya naman ay ganoon rin ang ginawa, nakangiti siyang dahan-dahang humakbang pasalubong sa akin. Nang magkalapit kami ay binalot niya ako ng kanyang suot na jacket, nagdulot iyon upang mawala ang malamig na temperaturang nararamdaman ko dala ng hangin, at napalitan ito ng init na dala ng kanyang jacket na siyang suot niya kanina. Tinitigan ko siya sa kanyang mapupungay na mga mata. Kahit kailan ay hindi talaga ako magsasawang titigan ang mga mata niyang iyon, para bang ang mga ito ay naglalaman ng napakaraming mesteryo at sa likod ng kayumangging kulay nito ay nagtatago ang malawak ng mundong kanyang nilalakbay. Isang mahigpit na yakap ang aking iginawad sa kanya hindi rin naman nagtagal at ginantihan niya rin ako. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig sa mahabang minuto. Nang magkalas na kaming pareho ay tumingala muli ako sa kanyang mukha habang suot ko pa rin ang napakatamis kong ngiti. “Na-miss kita, ang tagal mong nawala sa ating teritoryo. San ka na naman ba napadpad sa mga panahon ng iyong pagkawala ah?” usal ko sa kanya. Payak lang siyang humagikgik bago ako tugonin. “Isang malayong lugar kung saan hindi mo ko maaabot kahit ano pang gawin mo.” “Well, sorry ka dahil kung ginusto lang kitang hagilapin ay hindi matatapos ang isang minuto at nasa harapan mo na ako.” Natawa siya sa sinabi kong ‘yon. Nagtawanan lamang kami habang nagpapalitan kami ng aming mga biro na kadalasan naming ginagawa sa tuwing umuuwi siya galing sa kanyang mahabang paglalakbay. Ganoon lamang kami sa nakalipas ng mahigit dalawang minuto hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsabat ng isang boses habang tinatawag ang aking pangalan. “Brone.” Hindi ko mapigilang ito’y lingonin dahil sa uri ng damdaming dinadala ng pagbigkas niya ng pangalan kong iyon. Puno ito ng lungkot at pighati. Animo’y isa itong ibon na pilit kumakawala sa kanyang hawla upang maging malaya. Gumuhit sa aking mukha ang pagtataka nang tuluyan ko nang makita kung sino ang tumawag sa pangalan kong ‘yon. Ang kanina palang lalaking nakita kong may mabibigat na titig na ipinupukol sa akin. Ramdam kong nanghihina ito sa ‘di ko alam na dahilan ngunit kahit na ganon pa man ay umalis pa rin ito sa pagkakaalalay sa kanya ng isa pang lalaking pamilyar sa aking ang mukha. Tumitig ako sa malugmok nitong itsura at sinipat ko itong mabuti, makalipas ang ilang segundo ay isang imahe ang lumabas sa aking isip. Maya-maya pa ay napalitan na rin ang pagtataka sa aking mukha ng isang malapad na ngiti. “Raze? Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang nagligtas sa akin nung ako’y mapadpad sa lugar niyong ito. Hindi pa kita napapasalamatan ng maayos.” Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang kanyang dalawang kamay upang ito’y mahawakan ng maayos. Dahan-dahan akong yumuko sa kanya bilang paraan ng lubos kong pagpapasalamat sa kanyang pagtulong sa akin. Tradisyon na ito sa aming teritoryong mga feline bilang paraan ng pagpapasalamat sa mga tumulong sa amin ng buong puso. Ngunit imbes na pagkatuwa ang makita ko sa kanyang mukha ay mas lalo pa ata siyang nalungkot dahil sa ginawa ko. Namumula na ang ilalim ng kanyang mga mata at nanginginig na rin ang kanyang mga labi. Nagtaka ako sa naging reaksyon niyang iyon kung kaya’t lumingon akong muli sa gawi ni Ace para humingi rito ng paliwanag sa kung ano ang nangyayari. Wala itong ibinigay na maayos na tugon sa akin kung kaya’t naiwan na lang talaga akong takang-taka sa reaksyong iyon ni Raze. “Brone, nagbibiro ka ba or what? Kasi kung oo hindi magandang biro ‘yan para sa oras na ‘to. Hindi mo na ba kami naaalala?” sunod-sunod na tanong sa akin ng lalaking umalalay kay Raze kanina. Napakunot nama ang noo ko dahil sa tinuran nito. “Huh, anong klaseng mga tanong ‘yan. Syempre anong akala mo sa ‘kin, may dementia?” Isa-isa ko silang tinuro lahat habang binabanggit ko ang kanilang mga pangalan. “Ikaw si Ford. Ike. Mrs. Veronica. Izykrias. Lixn and Vladimir.” Nagkibit balikat pa ako kay Ford matapos kung sabihin ang lahat ng kanilang pangalan pero naroon pa rin sa kanilang mga mukha ang pagkagulat. “I-I mean...” “Pagod na si Brone sa gabing ito at siguro’y panahon na rin para makapagpahinga na ang lahat. Makabubuti na rin siguro sa lahat na magsi-uwian na at alam kong kanina pa natapos ang inyogn ritwal.” Sabat ni Ace na siyang pumutol sa gusto pa sanang sabihin ni Ford. Hanggang sa maging ako ay naguluhan na rin sa mga nangyayari sa aking paligid. Sa kung bakit parang naninibago ata silang lahat sa ikinikilos ko. Namutawi sa aking systema ang pagkatataka. Kaagad kong kinausap si Ace patungkol sa bagay na iyon ngunit hindi niya naman ako sinasagot ng diretso, tanging sinasabi lang niya sa akin ay kailangan ko nang magpahinga at malalim na raw ang gabi. Makikipagtalo pa sana ako nang sa isang iglap lang ay naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagdilim ng aking paligid. Bahagya pa akong nawalan ng balanse kasabay ng kaunting pagkirot ng aking sintido. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Ace nang sa ganon ay hindi ako tuluyang matumba, dahil doon ay madali niya lang ding napansin ang nangyayari sa akin. Dali-dali niya akong hinawakan sa aking bewang at saka kinarga sa kanyang mga bisig. Hindi na ako makapagsalita ng maayos at talagang umiikot na talaga ang lahat ng aking nakikita. Huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay ay siyang pagtatalo ng dalawang boses patungkol sa aking kalagayan. Gusto ko mang makisali at pigilan ang mga ito ngunit wala na talaga kong lakas, pagkatapos nun ay tuluyan na talaga akong sinakop ng kadiliman. [. . .] Nagising akong muli na mabigat pa rin n bahagya ang aking pakiramdam. Ngunit napapawi nama ito kahit papaano ng malambot ng kamang aking kinahihigaan ngayon. Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob na pala ako ng aking kwarto rito sa teritoryong ‘to. Pumikit akong muli para namnamin pang lubos ang lambot ng aking hinihigaan. Maya-maya pa ay may mga boses akong naririnig na nag-uusap sa labas nitong kwarto. Nakabukas naman ang pinto rito kung kaya’t naririnig ko pa rin ang mga boses nila kahit pa mahihina ito. Dahil sa aking kuryosidad ay minabuti ko na lamang na tumayo na sa kama at dahan-dahang lumapit banda sa pinto. Idinikit ko ang aking mga tenga sa dingding nang sa ganon ay mas marinig ko pa ang pinag-uusapan ng dalawang boses na iyon. “Binalaan na kita nang ilang beses pero binaliwala mo lang iyong lahat. Sa simula pa lang ay pansamantala lamang ang pananatili ni Brone sa teritoryo niyon ‘to habang hindi pa humuhupa ang sigalot sa aming dimensyon. Sinabi kong pakisamahan niyo siyang mabuti bilang pagtanaw niyo na rin ng utang na loob sa pagtulong ng aming ninuno sa lahi niyo noon pero hindi ko sinabing makipagpalagayan kayo ng loob dalawa.” “Alam ko, alam ko ang lahat ng ‘yon pero hindi ko mapipigilan ang puso kong tumibok sa taong matitipuhan nito, at isa pa alam ko na alam mong siyang ang itinadhanang maging aking kapares. He is my mate.” Kilala ko ang mga boses na iyon, base sa pinagsasabi nila ay talagang napakaseryoso nga nito. Minabuti ko pang ‘wag magparamdam at makinig pa sa mga susunod nilang sasabihin. “Wala akong paki. Hindi ko na problema kung nahulog ka sa isang nilalang na hindi mo kalahi, maging isa kang rouge wolf kung maaari ngunit hindi ko ibibigay sa ‘yo si Brone.” “At hindi rin ako papayag na kunin mo siya sa akin dahil sa simula pa lang ay akin na siya, nakatali na ang aming mga tadhana sa isa’t isa.” Matapos nun ay naging tahimik silang dalawa. Wala akong narinig ni isang salita pang sumunod sa sinabing iyon ng nahuli pero nanatili pa rin ako sa aking pwesto. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng isa sa kanila. “Bago dumating ang kaarawan ni Brone ay ilalayo ko na siya rito. Natapos na ang rason ng kanyang pamamalagi sa pudir mo kung kaya’t wala nang dahilan para manatili pa siya.” Nanlaki ang aking mata sa narinig kong iyon. Hindi ko na talaga natiis at tuluyan na akong nagpakita sa kanilang dalawa. “Totoo ba ang aking narinig?” Gulat na gulat ang kanilang mga mukha nang makita nila akong bigla na lang sumulpot sa kanilang gilid. Patulo na ang aking mga luha, ayaw ko pang lisanin ang lugar na ito napamahal na ang mga taong nakasalamuha ko sa lupong ito at hindi pa ako handang iwanan sila basta-basta. Tanging naisawika lamang ng dalawa ay ang kanilang sabayang pagtawag ng aking pangalan. Matapos nun ay nag-unahan na silang lumapit sa pwesto ko. Todo paliwanag sa akin si Ace upang hindi ako tuluyang lumuha habang si Raze naman ay malungkot lang na nakatitig sa akin. “Aalis na ba talaga tayo rito?” malungkot kong tanong kay Ace, bahagya siyang natahimik saka dahan-dahang tumango. Maya-maya pa ay nakipagtalo na ako sa kanya sa kung papaanong hindi ko pa gustong umalis sa lugar na ito. Sinigurado ko pang maraming luha ang aking maipapalabas nang sa ganon ay lalo siyang maawa sa akin at sundin niya ang kagustuhan ko. Pagkatapos ng maikli naming pagtatalo ay siya na ang sumuko na siyang ikinangiti ko sa loob-loob ko. “Fine. Isang buwan, mananatili tayo rito ng isang buwan at kailangan mong gamitin ng maayos ang mga panahong iyon para makapagpaalam ng maayos sa lahat ng naging kaibigan mo rito.” Nagningning kaagad ang aking mga mata dahil sa sinabing iyong ni Ace, tama na sa akin ang isang buwan pang pananatili sa lugar na ito gagamitin ko na lamang ang mga panahong iyon para mas magkalapit pa kami ng mga taong nakilala ko rito. Lumingon ako kay Raze at direkta siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Isang kindat ang aking iginawad sa kanya kasabay ng isang malapad na ngiti dahil doon ay napansin ko ang pagkawala ng kanyang pagmumugtok ngunit kaagad rin namang bumalik. Nagtataka pa rin ako sa biglaan niyang pagkalungkot siguro ay kakausapin ko na lamang siya mamaya patungkol sa bagay na ‘yon. After all, ay siya naman ay pinakamalapit na taong nakilala ko rito sa lupong ito. Umalis na sa bahay si Ace at may pupuntahan daw siyang mahalagang appointment sa chamber ni Vladimir. Hindi ko naman siya inusisa patungkol doo knowing Ace ay alam kong hindi niya rin ito sasabihin sa akin. Masyado siyang masekreto to the point na hindi na namin alam dalawa ni Kataleya. Speaking of her, asan na kaya ang gagang ‘yon at bakit hindi siya kasama ni Ace na pumunta rito. Akmang papunta na sana ako ng kusina para makipagchikahan kay Lixn nang marinig ko ang mahinang pagsasalita ni Raze sa aking likoran. “I miss caressing your snow-like hair, I still miss you even though we’re just a few inches apart, we are near yet so far. Kinalimutan mo na ba talaga ang masasayang ala-ala na pinagsaluhan natin, Brone.” *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD