CHAPTER 39

3576 Words
BRONE’s POV Napatigil ako sa aking paghakbang nang marinig ko ang mga salitang iyon na nanggaling sa bibig ni Raze. Dahan-dahan akong napalingon sa aking pinanggalingang pwesto kanina na kung saan naroon siya nakatayo ngayon. Puno ng lungkot ang kanyang mukha na para bang kay bigat ng bagay na dinadala ng kanyang puso. Pansin ko rin ang pag-arko ng gilid ng kanyang labi na parang pinipigilan niyang ‘wag maiyak. “Nakalimutan mo na ba talaga ang lahat, Brone? Pati mga masasayang pinagsamahan nating mga oras at pagkakataon ay ibinaon mo na lang ba nang ganon-ganon lang?” malungkot niyang wikang muli habang ang kanyang maliliit na hakbang ay unti-unting lumalapit sa akin. “Ayos lang sa aking kung kakalimutan mo ako pero ang hindi ko matanggap ay pati pala ang mga ala-alang laman ay tayong dalawa. Pati ba naman ang gabing iyon, ang gabing naging isa ang ating mga katawan at sabay na tumibok ang ating mga puso sa iisang ritmo ay kinalumutan mo na rin?” Napakunot ako ng aking noo at walang kamuwang-muwang na napatayo na natuod na lamang sa aking pwesto. Hindi agad ako nakatugon dahil abala ang isip ko sa paghahanap ng dahilan sa biglaang pag-iiba ng ugaling ito ni Raze. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at walang ano-ano’y hinablot niya ang aking dalawang kamay saka ito hinawakan ng mahigpit. Matapos nun ay pinilit niya talaga ako sa kanyang mga walang katuturang pinagsasabi. “May nagawa ba akong kasalanan? May pagkukulang ba akong nagawa kaya mo ginagawa sa akin ‘to ngayon? Dahil ba nagsinungaling ako sa ‘yo tungkol sa totoong pagkatao ko, sagutin mo ko, Brone.” “Ano bang pinagsasabi mo, hindi kita maintindihan,” buska ko sabay kawala sa pagkakahawak niya sa aking pulsohan. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanyang mag matang ipinagpatuloy ang aking pagsasalita. “Kanina mo pa iginigiit sa akin na parang may mga bagay akong nakalimutan na in the first place ay wala nama talaga. I already said it kahapon at ayokong inuulit ang mga paliwanag ko kaya tigilan mo na ‘tong kalokohan mong ‘to.” Akmang tatalikuran ko na sana siya nang kaagad niya akong hilahin pabalik na nagsanhi upang masubsob ako sa kanya. Sunod ko na lamang na namalayan ay magkadikit na ang aming mga labi. Dilat na dilat ang aking mga mata nang ma-realize ko kung ano ang nangyari habang siya naman ay pikit na pikit ang mga matang hinahalikan ako. Sinubukan ko siyang itulak para makawala pero sige lamang siya sa pagpigil sa akin sa pamamagitan ng pagsubsob ng aking ulo palipit sa kanya. Dahil sa katataranta ay mabilis na nawalan ako ng hininga, nagdulot iyon para suntok-suntokin ko na ang dibdib niya para lang pakawalan na niya ako. Lumipas pa ang ilang sandali at pakiramdam ko talaga na ilang segundo na lang at tuluyan na talaga akong mawawalan ng hininga. Napansin niya na siguro ang biglaang paghina ng mga suntok ko kung kaya’t doon lamang siya kumalas sa pagsiil niya ng halik sa akin. Bago pa man siya makabalik sa normal niyang tayo ay isa nang suntok ko ang ipinatama ko sa mukha niya. Sinigurado ko talagang maibubuhos ko lahat ng natitira kong lakas sa suntok na iyon para kahit papaano ay malasap niya kahit sa ganong paraan man lang kung gaano kamali ang ginawa niyang surprisa paghalik sa akin. Hinga na hingal at habol-hablol ko ang aking hininga sabay hawak pa sa aking dibdib. “Nahihibang ka na ba, Raze” inis na inis kong usal. “Kamuntikan na ‘kong... mamatay dahil sa biglaan... mong ginawang iyon.” Dugtong ko sa gitna ng aking malalalim na paghugot ng hininga. Kita ko naman ang mabilis na paglabas ng pagka-konsensya sa kanyang mga mata nang sabihin ko ang mga huli kong katagang iyon. Sinubukan niya pa akon lapitan pero dahil sa medyo nakakaramdam na ako ng takot na baka ulitin niya na naman ang ginawa niya sa akin kani-kanina lang ay nasigawan ko na siyang ‘wag na akong subukan pang lapitan. Wala talagang ibang ekspresyon ang namumutawi sa kanyang mukha ngayon kundi pagkakonsensya sa kanyang ginawa sa akin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa biglaan kong pagsigaw sa kanya pero hindi ko na pinahalata iyon. Narinig ata ni Lixn ang malakas kong sigaw na iyon dahil mabilis itong sumulpot sa aming harapan habang nakapaskil sa mukha ang pagkataranta at pag-aalala. “May nangyari ba? Nairnig ko ang sigaw mo, Brone.” Dilat na dilat ang mga mata ni Lixn habang tinatanong niya ako nun. Lumingo-lingo lang naman ako sa kanya na kanya ring ikinalito pagkatapos ay mabilis na akong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas ng bahay Baon ang inis dahil sa biglaang paghalik sa aking iyon ni Raze ay dumiretso ako papunta sa direksyon ng laboratoryo ni Mrs. Veronica. Doon na lamang ako magpapalipas ng inis at baka kapag napalapit pa ako sa lugar na naroon si Raze ay baka ‘di ko alam ang magagawa ko sa mokong na ‘yon. Napaka-bad, bigla-bigla na lang nangki-kiss. Padabog akong naglakad papasok sa mismong laboratoryo habang suot ang mabigat na ekspresyon. Lahat ng mga foxtrot na nagtatrabaho dito ngayon ay natatakot sa tuwing nakikita ang mukha ko. Diretso kong pinuntahan ang pinakadulong bahagi rito. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok sa pintuan ng office ni Mrs. Veronica ay nabungaran ko na lamang sa harap nito ang naghahalikang sina Ike at Ford. Napangiwi na lamang ako nang ‘di oras habang tinitingnan kung ano ang ginagawa nila. Sinadya kong umubo ng malakas para mapansin nila ang presenya ko which is naging effective naman. “Eww, get a room. Ang bababoy niyo dito pa talaga sa harap ng opesina ni Mrs. Veronica kayo naglalamutakan.” Iritableng bulalas ko sa kanilang harapan. Kaagad namang napakislot ang dalawa lalong-lalo na si Ike na halatang hiyang-hiya na nahuli ko sila sa akto. Hindi ko naman kasi lubos akalaing ang pangungulit pala noon ni Ford sa kanya ang mauuwi sa pagiging magka-mate nilang dalawa tapos hindi pa man din inaabot ng isang araw ay ganto na sila ka-intemate sa isa’t isa. Napakabilis nila ah, infairness. “Well, damn. Who hurt you today?” Ford exclaimed. “Nobody.” Matapos nun ay tumuloy na ako sa pagpasok at wala akong anino ni Mrs. Veronica doong naabutan maybe because nasa isang kwarto pa ito ngayon at abalang inaalagaan ang mga tanim niyang halaman pati na rin ang dambuhalang dahon ko. Papasok na sana ako roon upang personal nang kumustahin ang dahon nang marinig ko na naman ang boses ni Ford, sumunod pala sila sa pagpasok ko ang akala ko naman kasi ay itutuloy niya ang naudlot nilang ginagawa once na mawala na ako sa paningin nila. Inis ko siyang nilingon sa hindi ko malamang dahilan. “Chill, Brone. Parang sa uri ng tingin mo ay kaya mo na akong kainin ng buhay ah.” Komentong muli ni Ford sabay taas pa ng dalawa niyang palad hanggang sa kanyang dibdib, waring inaarestong magnanakaw. “Wag mo kong inisin, Ford. Mainit ulo ko ngayon baka sa ‘yo ko lang maibuhos lahat.” “Bakit, ano bang nangyari? Sino bang umaway sa ‘yo?” “Wala, may isang mokong lang na panay ang pangungulit na kesyo raw nakalimutan ko na siya, kahit anong gawin kong pagpapaliwanag na hindi naman talaga eh hindi talaga siya naniniwala sa akin.” “Hmmm” pumaikot si Ford sa akin sabay himas-himas pa sa kanyang panga na parang nag-iisip. “Hulaan ko kung sino ‘to. Si Raze ano?” Hindi ako sumagot kaya’t kinuha na niya iyong senyales bilang pagsagot ko ng oo. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang pag-iiba ng mood ng paligid. Parang bigla na lamang naging mabigat ang pakiramdam ko. “Actually, Brone, may punto rin naman ang pagiging hysterical ni Raze,” usal muli ni Ford ngunit mababanaag na sa boses niya ang kaseryosohan ng kanyang pagsasalita. “ Simula kasi nang ritwal kagabi sabayan pa ng wierdong nangyari sa ‘yo ay parang nag-iba na ang ihip ng hangin sa paligid especially sa ‘yo. Para bang naging ibang tao ka na, kahit na sabihin mo pa sa aming hindi mo nakalimutan ang mga pinagsamahan nating lahat ay hindi mo talaga maiaalis sa amin ang pangamba at magtaka lalong-lalo na si Raze. Sa totoo nga lang ay napansin ko rin na nag-iba nang bigla ang ugali mo pati pananalita mo eh nagbago na rin —” “Huh, ganto naman talaga uri ng pananalita ko simula pa noon ah. Even nung wala pa ako sa teritoryong ‘to.” “Ayon na nga. Okay lang sa amin ang biglaang pag-iiba mong ‘yon dahil na rin sa pagbabalik ng mga ala-ala mo pero ibang usapan na ‘yon kay Raze. Parang sa isang gabi lang ay bigla na lang naglaho ang pagiging malapit niyo sa isa’t isa, parang noon ay isa kayong kambal na saging nahindi mapaghiwalay pero ngayon ay parang isang normal na lang na kaibigan ang turing mo sa kanya. Nakalimutan mo na nga ba talaga ang masasayang ala-ala niyogn dalawa o sadyang sa simula pa lang ay si Raze lang talaga ang nag-aakalang malapit ang puso niyong pareho sa isa’t isa?” [. . .] Tuluyan na akong naririto sa harap ng dambuhalang dahon na siyang nagdala sa akin sa lugar na ito. Tama nga ang sabi ni Ace na tanging pagbabalik lang ng aking ala-ala ang siyang magpapabuhay muli sa umusbong na maliit na halaman sa dulo ng dahon. Iniwan na ako ng tatlo ritong mag-isa at wala akong ginawa sa nakalipas na mga oras kundi titigan lamang ang dahon habang ang aking isip ay naglalaro sa kawalan o mas tamang sabihing tanging gumugulo lang sa isip ko ngayon ay ang mga sinabi kanina sa akin ni Ford. Napaisip ako nang napakalalim dahil sa kanya, bigla ko tuloy naalala ang lahat ng madamdaming sinabi sa akin ni Raze kanina sa bahay. Totoo nga ba talagang nagbago ako o may nakalimutan akong mga bagay? Kasi pakiramdam ko naman ay wala talaga ni isa, sa totoo nga lang ay naaalala ko na lahat ng parte ng nakaraan ko ngayon, maging ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na mga araw at linggo rito sa teritoryong ‘to ay wala ako ni isang nakalimutan. Napatingkayad na lamang ako sa harap ng dambuhalang dahon habang ang aking panga ay nakapatong sa aking mga palad, saka paulit-ulit na napapabuntong hininga. “Hay, napakagulo namang buhay ‘to. May maalala man o wala kumplekado pa rin ang lahat.” Naibulalas ko na lamang sa hangin.   ***** BRONE’s POV Napatigil ako sa aking paghakbang nang marinig ko ang mga salitang iyon na nanggaling sa bibig ni Raze. Dahan-dahan akong napalingon sa aking pinanggalingang pwesto kanina na kung saan naroon siya nakatayo ngayon. Puno ng lungkot ang kanyang mukha na para bang kay bigat ng bagay na dinadala ng kanyang puso. Pansin ko rin ang pag-arko ng gilid ng kanyang labi na parang pinipigilan niyang ‘wag maiyak. “Nakalimutan mo na ba talaga ang lahat, Brone? Pati mga masasayang pinagsamahan nating mga oras at pagkakataon ay ibinaon mo na lang ba nang ganon-ganon lang?” malungkot niyang wikang muli habang ang kanyang maliliit na hakbang ay unti-unting lumalapit sa akin. “Ayos lang sa aking kung kakalimutan mo ako pero ang hindi ko matanggap ay pati pala ang mga ala-alang laman ay tayong dalawa. Pati ba naman ang gabing iyon, ang gabing naging isa ang ating mga katawan at sabay na tumibok ang ating mga puso sa iisang ritmo ay kinalumutan mo na rin?” Napakunot ako ng aking noo at walang kamuwang-muwang na napatayo na natuod na lamang sa aking pwesto. Hindi agad ako nakatugon dahil abala ang isip ko sa paghahanap ng dahilan sa biglaang pag-iiba ng ugaling ito ni Raze. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at walang ano-ano’y hinablot niya ang aking dalawang kamay saka ito hinawakan ng mahigpit. Matapos nun ay pinilit niya talaga ako sa kanyang mga walang katuturang pinagsasabi. “May nagawa ba akong kasalanan? May pagkukulang ba akong nagawa kaya mo ginagawa sa akin ‘to ngayon? Dahil ba nagsinungaling ako sa ‘yo tungkol sa totoong pagkatao ko, sagutin mo ko, Brone.” “Ano bang pinagsasabi mo, hindi kita maintindihan,” buska ko sabay kawala sa pagkakahawak niya sa aking pulsohan. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanyang mag matang ipinagpatuloy ang aking pagsasalita. “Kanina mo pa iginigiit sa akin na parang may mga bagay akong nakalimutan na in the first place ay wala nama talaga. I already said it kahapon at ayokong inuulit ang mga paliwanag ko kaya tigilan mo na ‘tong kalokohan mong ‘to.” Akmang tatalikuran ko na sana siya nang kaagad niya akong hilahin pabalik na nagsanhi upang masubsob ako sa kanya. Sunod ko na lamang na namalayan ay magkadikit na ang aming mga labi. Dilat na dilat ang aking mga mata nang ma-realize ko kung ano ang nangyari habang siya naman ay pikit na pikit ang mga matang hinahalikan ako. Sinubukan ko siyang itulak para makawala pero sige lamang siya sa pagpigil sa akin sa pamamagitan ng pagsubsob ng aking ulo palipit sa kanya. Dahil sa katataranta ay mabilis na nawalan ako ng hininga, nagdulot iyon para suntok-suntokin ko na ang dibdib niya para lang pakawalan na niya ako. Lumipas pa ang ilang sandali at pakiramdam ko talaga na ilang segundo na lang at tuluyan na talaga akong mawawalan ng hininga. Napansin niya na siguro ang biglaang paghina ng mga suntok ko kung kaya’t doon lamang siya kumalas sa pagsiil niya ng halik sa akin. Bago pa man siya makabalik sa normal niyang tayo ay isa nang suntok ko ang ipinatama ko sa mukha niya. Sinigurado ko talagang maibubuhos ko lahat ng natitira kong lakas sa suntok na iyon para kahit papaano ay malasap niya kahit sa ganong paraan man lang kung gaano kamali ang ginawa niyang surprisa paghalik sa akin. Hinga na hingal at habol-hablol ko ang aking hininga sabay hawak pa sa aking dibdib. “Nahihibang ka na ba, Raze” inis na inis kong usal. “Kamuntikan na ‘kong... mamatay dahil sa biglaan... mong ginawang iyon.” Dugtong ko sa gitna ng aking malalalim na paghugot ng hininga. Kita ko naman ang mabilis na paglabas ng pagka-konsensya sa kanyang mga mata nang sabihin ko ang mga huli kong katagang iyon. Sinubukan niya pa akon lapitan pero dahil sa medyo nakakaramdam na ako ng takot na baka ulitin niya na naman ang ginawa niya sa akin kani-kanina lang ay nasigawan ko na siyang ‘wag na akong subukan pang lapitan. Wala talagang ibang ekspresyon ang namumutawi sa kanyang mukha ngayon kundi pagkakonsensya sa kanyang ginawa sa akin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa biglaan kong pagsigaw sa kanya pero hindi ko na pinahalata iyon. Narinig ata ni Lixn ang malakas kong sigaw na iyon dahil mabilis itong sumulpot sa aming harapan habang nakapaskil sa mukha ang pagkataranta at pag-aalala. “May nangyari ba? Nairnig ko ang sigaw mo, Brone.” Dilat na dilat ang mga mata ni Lixn habang tinatanong niya ako nun. Lumingo-lingo lang naman ako sa kanya na kanya ring ikinalito pagkatapos ay mabilis na akong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas ng bahay Baon ang inis dahil sa biglaang paghalik sa aking iyon ni Raze ay dumiretso ako papunta sa direksyon ng laboratoryo ni Mrs. Veronica. Doon na lamang ako magpapalipas ng inis at baka kapag napalapit pa ako sa lugar na naroon si Raze ay baka ‘di ko alam ang magagawa ko sa mokong na ‘yon. Napaka-bad, bigla-bigla na lang nangki-kiss. Padabog akong naglakad papasok sa mismong laboratoryo habang suot ang mabigat na ekspresyon. Lahat ng mga foxtrot na nagtatrabaho dito ngayon ay natatakot sa tuwing nakikita ang mukha ko. Diretso kong pinuntahan ang pinakadulong bahagi rito. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok sa pintuan ng office ni Mrs. Veronica ay nabungaran ko na lamang sa harap nito ang naghahalikang sina Ike at Ford. Napangiwi na lamang ako nang ‘di oras habang tinitingnan kung ano ang ginagawa nila. Sinadya kong umubo ng malakas para mapansin nila ang presenya ko which is naging effective naman. “Eww, get a room. Ang bababoy niyo dito pa talaga sa harap ng opesina ni Mrs. Veronica kayo naglalamutakan.” Iritableng bulalas ko sa kanilang harapan. Kaagad namang napakislot ang dalawa lalong-lalo na si Ike na halatang hiyang-hiya na nahuli ko sila sa akto. Hindi ko naman kasi lubos akalaing ang pangungulit pala noon ni Ford sa kanya ang mauuwi sa pagiging magka-mate nilang dalawa tapos hindi pa man din inaabot ng isang araw ay ganto na sila ka-intemate sa isa’t isa. Napakabilis nila ah, infairness. “Well, damn. Who hurt you today?” Ford exclaimed. “Nobody.” Matapos nun ay tumuloy na ako sa pagpasok at wala akong anino ni Mrs. Veronica doong naabutan maybe because nasa isang kwarto pa ito ngayon at abalang inaalagaan ang mga tanim niyang halaman pati na rin ang dambuhalang dahon ko. Papasok na sana ako roon upang personal nang kumustahin ang dahon nang marinig ko na naman ang boses ni Ford, sumunod pala sila sa pagpasok ko ang akala ko naman kasi ay itutuloy niya ang naudlot nilang ginagawa once na mawala na ako sa paningin nila. Inis ko siyang nilingon sa hindi ko malamang dahilan. “Chill, Brone. Parang sa uri ng tingin mo ay kaya mo na akong kainin ng buhay ah.” Komentong muli ni Ford sabay taas pa ng dalawa niyang palad hanggang sa kanyang dibdib, waring inaarestong magnanakaw. “Wag mo kong inisin, Ford. Mainit ulo ko ngayon baka sa ‘yo ko lang maibuhos lahat.” “Bakit, ano bang nangyari? Sino bang umaway sa ‘yo?” “Wala, may isang mokong lang na panay ang pangungulit na kesyo raw nakalimutan ko na siya, kahit anong gawin kong pagpapaliwanag na hindi naman talaga eh hindi talaga siya naniniwala sa akin.” “Hmmm” pumaikot si Ford sa akin sabay himas-himas pa sa kanyang panga na parang nag-iisip. “Hulaan ko kung sino ‘to. Si Raze ano?” Hindi ako sumagot kaya’t kinuha na niya iyong senyales bilang pagsagot ko ng oo. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang pag-iiba ng mood ng paligid. Parang bigla na lamang naging mabigat ang pakiramdam ko. “Actually, Brone, may punto rin naman ang pagiging hysterical ni Raze,” usal muli ni Ford ngunit mababanaag na sa boses niya ang kaseryosohan ng kanyang pagsasalita. “ Simula kasi nang ritwal kagabi sabayan pa ng wierdong nangyari sa ‘yo ay parang nag-iba na ang ihip ng hangin sa paligid especially sa ‘yo. Para bang naging ibang tao ka na, kahit na sabihin mo pa sa aming hindi mo nakalimutan ang mga pinagsamahan nating lahat ay hindi mo talaga maiaalis sa amin ang pangamba at magtaka lalong-lalo na si Raze. Sa totoo nga lang ay napansin ko rin na nag-iba nang bigla ang ugali mo pati pananalita mo eh nagbago na rin —” “Huh, ganto naman talaga uri ng pananalita ko simula pa noon ah. Even nung wala pa ako sa teritoryong ‘to.” “Ayon na nga. Okay lang sa amin ang biglaang pag-iiba mong ‘yon dahil na rin sa pagbabalik ng mga ala-ala mo pero ibang usapan na ‘yon kay Raze. Parang sa isang gabi lang ay bigla na lang naglaho ang pagiging malapit niyo sa isa’t isa, parang noon ay isa kayong kambal na saging nahindi mapaghiwalay pero ngayon ay parang isang normal na lang na kaibigan ang turing mo sa kanya. Nakalimutan mo na nga ba talaga ang masasayang ala-ala niyogn dalawa o sadyang sa simula pa lang ay si Raze lang talaga ang nag-aakalang malapit ang puso niyong pareho sa isa’t isa?” [. . .] Tuluyan na akong naririto sa harap ng dambuhalang dahon na siyang nagdala sa akin sa lugar na ito. Tama nga ang sabi ni Ace na tanging pagbabalik lang ng aking ala-ala ang siyang magpapabuhay muli sa umusbong na maliit na halaman sa dulo ng dahon. Iniwan na ako ng tatlo ritong mag-isa at wala akong ginawa sa nakalipas na mga oras kundi titigan lamang ang dahon habang ang aking isip ay naglalaro sa kawalan o mas tamang sabihing tanging gumugulo lang sa isip ko ngayon ay ang mga sinabi kanina sa akin ni Ford. Napaisip ako nang napakalalim dahil sa kanya, bigla ko tuloy naalala ang lahat ng madamdaming sinabi sa akin ni Raze kanina sa bahay. Totoo nga ba talagang nagbago ako o may nakalimutan akong mga bagay? Kasi pakiramdam ko naman ay wala talaga ni isa, sa totoo nga lang ay naaalala ko na lahat ng parte ng nakaraan ko ngayon, maging ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na mga araw at linggo rito sa teritoryong ‘to ay wala ako ni isang nakalimutan. Napatingkayad na lamang ako sa harap ng dambuhalang dahon habang ang aking ulo ay nakapatong sa aking mga palad, saka paulit-ulit na napapabuntong hininga. “Hay, napakagulo namang buhay ‘to. May maalala man o wala kumplekado pa rin ang lahat.” Naibulalas ko na lamang sa hangin.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD