BRONE’s POV
“So, how’s life doing?” pagtatanong sa akin ni Mrs. Veronica.
“Ito lumalaban pa rin tsaka wala na rin namang bago. Sa bahay tsaka sa laboratoryong ‘to lang namang umiikot buhay ko rito.” Medyo may pagkapilosopo kong sinasabi ang mga katagang iyon.
Halata ko pa ang pagkagulat sa mukha nito pero kaagad din naman siyang nakabawi at ngumiti na lang sa akin.
“The sprout been doing good lately, mabuti nga’t nakinig ka sa payo ni Ace at sundin ang mga sinabi niya dahil doon ay bumalik na talaga sa dating sigla ang maliit na halamang iyon.”
“Oo nga eh to tell you frankly, Mrs. Veronica, ay nagdalawang-isip pa talaga ako nun kung susundin ko ba talaga mga sinabi n Ace. Kung nakakaalala lang talaga ako ng matino nang mga panahong ‘yon ay wala talaga akong pagdadalawang isip na susundin lahat ng sasabihin niya. He is a trustworthy person.”
“Hmmm, what’s with the sudden lighten face and big smile? Nag-mention ka lang ng pangalan niya ay parang may kakaiba na itong dating sa ‘yo.”
Kaagad akong napa-ayos nang sabihin iyon ni Mrs. Veronica, ramdam kong nang-iinit na ang pisngi ko dahil sa panunukso nito.
“H-huh, wala kaya. Pinagsasabi niyo,” usal ko na hindi makatingin ng diretso sa kanyang mukha.
Tinukso pa ako nang tinukso nito hanggang sa siya ay natigil na dahil sa biglaang pagpasok ni Ford dito sa opesina niya na ngayon ay nakaakbay sa balikat ni Ike.
“Alam mo ba, Brone, kung anong tawag sa ginagawa mong ‘yan?” ani nito na nagpakunot sa aking noon.
“Huh?”
“Ang tawag diyan ay pagtataksil. Paano mo nagagawang kiligin sa ibang tao samantalang alam mo namang may mate ka na at walang iba ‘yon kundi si Raze.” Madramang bulalas ni Ford sabay acting pa na parang naiiyak na sa sama ng loob.
Napa-poker face na lang ako sa kanyang harapan at tinaasan siya ng isang kilay.
“So ngayon, big deal ‘yon? Tsaka bakit ba eh wala namang nakasaad sa kung ano mang kasulatan na bawal magka-crush ang isang tao kapag ito’y may mate na. Kung may ibang magugustuhan man si Raze bukod sa akin ay hindi ko siya pipigilan, hahayaan kong gawin niya ang gusto niya.
Eksahirada namang napasinghap si Ford pati na rin si Mrs. Veronica sa sinabi kong ‘yon. ‘Di naman ako makapaniwalang salitan silang tinitigan. Maya-maya pa ay nakita ko na lamang si Ike na napapalingo sabay kibit balikat ko.
“Masyado nga talaga sigurong mababaw ang feeling mo towards Raze.” Napakaseryoso ng pagkakabigkas niya nun na hindi ko mapigilang mapangiwi habang tinitingnan ang ekspresyon niya.
Matapos nun ay bigla na lang naging maingay ang apat na sulok nitong opesina dahil sa kaliwa’t kanang pagbabato ng mga sermon at kung ano-ano nilang tatlo tungo sa akin. Napatakip na lamang ako ng aking tenga at pinilit na makawala sa gitna nila, nang magtagumpay ako ay diretso ko kaagad na tinungo ang pinto saka sabay pihit sa doorknob nito. Nilingon ko pa ang mga pwesto nila sabay tuluyang bukas ng pinto na naging dahilan para hindi ko makita ang lalaking nakaharang sa harapan nito.
Nabunggo ako sa matigas niyang tiyan, pagkatingala ko ay mukha kaagad ni Raze ang bumungad sa akin. Akmang papasok sana akong muli at isasarado ang pinto nang hindi ito nakakapasok nang bigla rin naman akong pinagtulongang itulak ng tatlo pabalik sa bisig ni Raze.
Dahil sa gulat ay hindi ko tuloy napigilan ang aking katawan at diretso akong dumikit sa kanya habang ang aking dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilaan niyang matitigas na dibdib.
Nang ma-realize kong ibang parte ang kinalulugaran ng mga kamay ko ngayon ay dahan-dahan ko ulit siyang tiningala at saktong ang kanyang mga titig ay nakapako sa mga kamay kong ngayon ay mahigpit na nakakapit sa kanyang matipunong dibdib.
Napalagok ako sabay kalas sa pagkakadikit sa kanya.
“Sorry, nawala lang ako sa balanse kasi tinulak ako ng tatlo, sorry.”
Wala naman akong nakuhang tugon sa kanya, tanging poker face niya lang ang sumalubong sa tingin ko sabay tingin pa sa malayo na kunyare ay hindi niya ako napapansing nasa kanyang harapan ngayon.
“Ba’t ka nga pala naparito ‘di ba shift hour mo ngayon?”
“It’s already past lunch time at hindi ka pa rin bumabalik sa bahay kaya sinundo na kita rito to make sure na makakauwi ka talaga at makakain na,” tugon niya habang hindi pa rin tumitingin sa akin.
“I’m fine don’t worry about me, hindi naman madaling magutom ang mga tulad kong werecat.”
Doon na siya napalingon sa gawi ko, nagtama ang aming mga titig. Diretso lamang ang mata niya na nakatingin sa mga mata ko pero wala siyang kahit na ano mang ekspresyong ipinapakita. Nang tumagal ay ako na ang unang nakakaramdam ng ilang sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin. Para tuloy akong nasa gitna ng empty room habang pinapalibutan ng mga CCTV.
“Raze, hello?” ani ko sabay kaway-kaway sa harap ng kanyang mukha. Ilang sandali lang ay napadilat-pikit naman siya.
“Ah-ha.”
Nabigla na lamang ako nang mabilis niyang hablotin ang isa kong kamay sabay hila sa akin palabas nitong laboratoryo. Panay tanong naman ako sa kanya kung saan niya ako dadalhin peroo hindi niya pa rin ako sinasagot, nang tuluyan na kaming makalabas ng laboratoryo ay doon lamang siya nagsalita.
“Sumakay ka sa ‘kin.” Kaagad akong naguluhan dahil sa sinabi niyang iyon.
Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang siyang nagbagong anyo sa harapan ko, bahagya pa akong napaatras nang tuluyan na siyang naging isang malaking itim na lobo.
Nakatayo lang ako sa gilid niya habang siya ay nakatitig sa akin. Hindi ko kasi alam ang susunod kong gagawin.
“Anong gagawin ko?” natataranta kong usal sa lobo niyang anyo.
Maya-maya pa ay pinababa niya ang kanyang taas na tama lang para komportable akong makasampa sa likod niya. Tinitigan ko muna ang mukha niya bago ako tuluyang sumampa. Napahigop naman ako ng maraming hangin nang biglaaan niyang itinaas ang kanyang tindig nang hindi man lamang ako nakakapaghanda ng maayos, mabuti na lang at hindi masyadong madulas ang kanyang mga balahibo at nakakapit ako rito nang mas mahigpit.
“Kumapit kang mabuti.”
Napalingon-lingon ako sa aking paligid nang marinig ko ang mga salitang iyon pero wala naman akong nakita na ibang tao. Ilang sandali lang ay na-realize kong boses pala ni Raze ang narinig kong nagsasalitang iyon.
“Nakakapagsalita ka pala sa ganito mong anyo?” I exclaimed.
“It’s only exclusive to you since you are my mate. Hold on tight.”
“Kay, san mo ba ako dadalhin?”
“Sa lugar na alam kong walang Ace na pangalan ang lalabas sa bibig mo.”
And with that ay kumaripas na siyang nang takbo habang ako ay sayang-saya na nakasampa sa kanyang likod habang nilalasap ang simoy ng hanging dumadampi sa aking mukha, abot tenga ang ngiti habang patuloy na sumisigaw sa saya.
*****