CHAPTER 41

2564 Words
BRONE’s POV I have a hunch kung saang lupalop niya ako dadalhin ngayon pero pinili ko na lamang na manahimik at hayaan siya sa kung saan siya patungo. Bagkus ay nag-enjoy na lamang ako sa pagsampa sa kanya kasabay ng ‘di maputol-putol kong ngiti habang sinasalubong ako ng sampal ng ihip ng hangin. I kinda refreshing and make me feel freedom at the same time. Alam ko namang malaya talaga ako pero ewan ko ba pakiramdam ko ay mas malaya pa ako sa malaya sa puntong ‘to habang nakasampa ako sa likod ng kanyang anyong lobo. After a while ay napansin ko nang tama nga ang hinala ko sa kung saan niya ako dadalhin ngayon. Kabisado ko na kasi ang daan patungo roon dahil nga’t dalawang beses na akong nakapunta. And if I remember correctly eh hindi pa nga naging maganda ang kinalabasan ng huli kong bisita roon. Alam na alam talaga ni Raze na ang lugar na iyon ay ang pinaka paborito kong lugar sa teritoryong ‘to. Napangiti na lamang ako ng ‘di oras habang nakatitig sa kanya. Hindi naman na nagtagal at tuluyan na kaming nakarating sa harap ng talong may maligamgam na dumadaloy na tubig rito sa kanila. Hindi ko pa alam ang pangalan ng talong ito but I like to call it as enchanted falls. It suits that name though. Mula sa crystal clear nitong tubig, sa mahinahong pagbagsak ng tubig nito mula sa itaas at isama na rin natin ang hindi malamig na may katamtamang temperaturang tubig nito. Napaka-mahiwaga naman talaga ‘di ba animo’y bawat parte nito ay may mahikang dumadaloy. Simula ngayon ay tatawagin ko na ‘tong enchanted falls. Siguro naman wala nang mandadakip sa ‘kin ngayon dahil kasama ko na ang mismong susunod na pinuno ng lupong ito. Subukan lang talaga nila akong ikulong muli at hindi ko na pipigilan ang sarili ko baka mahaluan na ng dugo nila itong napakalinis na tubig nitong talon. Handa na sana akong bumaba mula sa pagkakasampa sa likod ni Raze nang muli na naman siyang nagsimulang tumakbo. Nataranta pa ako’t pinaulanan siya ng tanong sa kung saan na naman niya ako dadalhin. Ang buong akala ko kasi talaga ay dito na talaga niya ako ibababa. Well, hindi na bago sa akin ‘tong lugar kaya hindi na ganoon kataas ang expectation ko pero espesyal pa rin naman kaya okay rin. “Basta kumapit ka, malapit na tayo roon.”  Kausap niya muli sa akin gamit ang kanyang isip. Inaamin kong hindi ako komportable sa ganoong uri ng pakikipag-usap niya sa akin ah, pakiramdam ko kasi na nate-trespass ‘yung privacy ko nang hindi ko nalalaman, pero dahil sinabi niya namang siya lang ang pwedeng makagawa nun sa ‘kin kaya medyo nabawasan na rin ang pangamba ko. Tumakbo muli siya habang nakasakay pa rin ako sa kanya. Bahagya naming binaybay muli ang daang tinahak namin kanina saka siya biglang lumiko sa bandang kanan namin paikot sa mismong falls. Sa unahan namin ay napansin ko ang medyo pataas na damohan at doon siya dumiretso, kahit naman siguro pataas itong dinadaanan namin ay hindi siya mahihirapang umakyat since hindi naman ako ganoon kataba at isa pa ay tiwala naman ako sa lakas niya. Inakyat niya iyong pataas na damohan sa matulin niyang pagtakbo, ako naman ay kapit na kapit sa kanyang balahibo para talagang siguradong hindi ako mahuhulog, pero habang paakyat siya ay nakadilat lamang ako at sayang-saya pa rin sa nangyayari. Ang sarap pala sa feeling ng ganitong pangyayari habang nakasakay ka lang sa likod at todo enjoy lang sa nangyayari. Ibang-iba sa ako mismo ang tumatakbo gamit ang pusa kong anyo. Napatingin ako sa banda kong kanan at kitang-kita ko pa rin sa ‘di kalayuan ang bumabagsak na tubig ng talon mula rito at hangggang dito ay nabibighani pa rin talaga ko sa angking kagandahan nito. Dahil sa abala ang aking sarili sa kakatitig sa talon ay hindi ko namalayang huminto na pala sa pagtakbo si Raze. Napabalik lamang ako nang kausapin niya muli ako. Sa paglingon ko sa aking harapan ay hindi ko inaasahan ang tanawing bubungad sa akin. Kung maganda na ang enchanted falls ay mas maganda at nakakabighani pa ata ang lugar na ito. Hindi ko mapigilang mapasinghap sabay awang pa ng aking bibig dahil sa aking mga nakikita. Dalawang talon ang magkatabi habang sabay na bumabagsak ang tubig galing sa mga ito ang mas nakakatulala pa ay kung gaano kalawak ang parang lawa na binabasakan ng tubig galing sa dalawang talong iyon. Hindi ko naman alam na may nakatago pa palang ibang talon sa ibabaw ng talong kakapangalan ko lang kanina at hindi ko ineexpect na mas maganda pa pala ito kesa doon. “Ang ganda.” Wala sa isip kong naibulalas iyon. “Nagustuhan mo ba ang lugar?” rinig kong wika ni Raze sa normal na niyang pagsasalita. Nilingon ko siya at nasa taong anyo na siya ngayon. Malapad ang kanyang ngiting nakatingin sa akin habang ang kanyang mga mata ay parang nagsusumamo habang naghihintay sa aking tugon. Wala naman akong sinayang pang sandali at mabilis na akong tumango sa kanya habang ang aking mga mata ay nagniningning sa galak, dahil doon ay mas lalo pang lumapad ang ngiti niya na sinabayan pa ng halos hindi na makita niyang mata dahil sa singkit na inabot ng mga ito. Muli akong bumalik sa paglunod ng aking paningin sa magandang tanawing nakahain sa aking harap. Bukod sa mismong falls ay nakakaagaw pansin rin ang mga matatayog na punong nakahilira sa magkabilaang gilid sa ibaba nito. Kakaramput na tubig na bumabagsak ay nasasalo ng mga dahon nito kung kaya’t nagiging dahilan iyon para makalikha ng isang bahaghari sa gitna mismo ng dalawang falls. “Whoaaah,” naibulalas ko. I heard him chuckled kung kaya’t napalingon muli ako sa kanya. “What?” tipig kong wika sabay balik muli ng paningin ko sa harap. “Nothing, I just find it cute when you’re in the middle of being awestruck by the beauty of the place. Pakiramdam ko ay hindi ako nabigo sa surpresa kong ito sa ‘yo ngayon.” Madamdamin niyang usal. Dahan-dahan kong muli siyang nilingon, “I know, thank you for surprising me ang ganda ng lugar and I really meant it.” [. . .] “Twin majestec falls ang tawag sa talong nasa harapan natin ngayon. Kaya siya tinawag na majestic dahil ang mismong tubig na bumabagsak dito ay galing sa sapang nasa ilalim ng tree of change. This place is special lalo na sa aming mga alpha, lalong-lalo na sa akin.” He paused and then suddenly naramdaman ko na lang ang pagiging tahimik at payapa ng buong lugar. Sa muli kong pagharap sa kanya ay ang kanyang malalambing na titig ang unang sumalubong sa akin. “Alam mo ba kong bakit?” tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus ay hinintay ko lang na ipagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. “Dahil sa mismong lugar na ito opesyal na ipinagbuklod ng kalikasan ang aking ama at ina... at ipinapangako kong sa lugar ding ito, saksi ang kambal na talong iyon, ang mga halaman at puno sa paligid pati na rin ang mga ibon sa himpapawid na kahit na anong mangyari ay dito rin tayo opesyal na pagbubuklorin ng tadhana.” Hindi ako nakaimik sa madamdamin niyang sinabing iyon. Natamimi ako’t wala akong mapulot na kahit isang salita sa aking isip para isawika. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan habang hinihintay ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin hanggang sa madikit muli ang aming mga labi.   ***** BRONE’s POV I have a hunch kung saang lupalop niya ako dadalhin ngayon pero pinili ko na lamang na manahimik at hayaan siya sa kung saan siya patungo. Bagkus ay nag-enjoy na lamang ako sa pagsampa sa kanya kasabay ng ‘di maputol-putol kong ngiti habang sinasalubong ako ng sampal ng ihip ng hangin. I kinda refreshing and make me feel freedom at the same time. Alam ko namang malaya talaga ako pero ewan ko ba pakiramdam ko ay mas malaya pa ako sa malaya sa puntong ‘to habang nakasampa ako sa likod ng kanyang anyong lobo. After a while ay napansin ko nang tama nga ang hinala ko sa kung saan niya ako dadalhin ngayon. Kabisado ko na kasi ang daan patungo roon dahil nga’t dalawang beses na akong nakapunta. And if I remember correctly eh hindi pa nga naging maganda ang kinalabasan ng huli kong bisita roon. Alam na alam talaga ni Raze na ang lugar na iyon ay ang pinaka paborito kong lugar sa teritoryong ‘to. Napangiti na lamang ako ng ‘di oras habang nakatitig sa kanya. Hindi naman na nagtagal at tuluyan na kaming nakarating sa harap ng talong may maligamgam na dumadaloy na tubig rito sa kanila. Hindi ko pa alam ang pangalan ng talong ito but I like to call it as enchanted falls. It suits that name though. Mula sa crystal clear nitong tubig, sa mahinahong pagbagsak ng tubig nito mula sa itaas at isama na rin natin ang hindi malamig na may katamtamang temperaturang tubig nito. Napaka-mahiwaga naman talaga ‘di ba animo’y bawat parte nito ay may mahikang dumadaloy. Simula ngayon ay tatawagin ko na ‘tong enchanted falls. Siguro naman wala nang mandadakip sa ‘kin ngayon dahil kasama ko na ang mismong susunod na pinuno ng lupong ito. Subukan lang talaga nila akong ikulong muli at hindi ko na pipigilan ang sarili ko baka mahaluan na ng dugo nila itong napakalinis na tubig nitong talon. Handa na sana akong bumaba mula sa pagkakasampa sa likod ni Raze nang muli na naman siyang nagsimulang tumakbo. Nataranta pa ako’t pinaulanan siya ng tanong sa kung saan na naman niya ako dadalhin. Ang buong akala ko kasi talaga ay dito na talaga niya ako ibababa. Well, hindi na bago sa akin ‘tong lugar kaya hindi na ganoon kataas ang expectation ko pero espesyal pa rin naman kaya okay rin. “Basta kumapit ka, malapit na tayo roon.”  Kausap niya muli sa akin gamit ang kanyang isip. Inaamin kong hindi ako komportable sa ganoong uri ng pakikipag-usap niya sa akin ah, pakiramdam ko kasi na nate-trespass ‘yung privacy ko nang hindi ko nalalaman, pero dahil sinabi niya namang siya lang ang pwedeng makagawa nun sa ‘kin kaya medyo nabawasan na rin ang pangamba ko. Tumakbo muli siya habang nakasakay pa rin ako sa kanya. Bahagya naming binaybay muli ang daang tinahak namin kanina saka siya biglang lumiko sa bandang kanan namin paikot sa mismong falls. Sa unahan namin ay napansin ko ang medyo pataas na damohan at doon siya dumiretso, kahit naman siguro pataas itong dinadaanan namin ay hindi siya mahihirapang umakyat since hindi naman ako ganoon kataba at isa pa ay tiwala naman ako sa lakas niya. Inakyat niya iyong pataas na damohan sa matulin niyang pagtakbo, ako naman ay kapit na kapit sa kanyang balahibo para talagang siguradong hindi ako mahuhulog, pero habang paakyat siya ay nakadilat lamang ako at sayang-saya pa rin sa nangyayari. Ang sarap pala sa feeling ng ganitong pangyayari habang nakasakay ka lang sa likod at todo enjoy lang sa nangyayari. Ibang-iba sa ako mismo ang tumatakbo gamit ang pusa kong anyo. Napatingin ako sa banda kong kanan at kitang-kita ko pa rin sa ‘di kalayuan ang bumabagsak na tubig ng talon mula rito at hangggang dito ay nabibighani pa rin talaga ko sa angking kagandahan nito. Dahil sa abala ang aking sarili sa kakatitig sa talon ay hindi ko namalayang huminto na pala sa pagtakbo si Raze. Napabalik lamang ako nang kausapin niya muli ako. Sa paglingon ko sa aking harapan ay hindi ko inaasahan ang tanawing bubungad sa akin. Kung maganda na ang enchanted falls ay mas maganda at nakakabighani pa ata ang lugar na ito. Hindi ko mapigilang mapasinghap sabay awang pa ng aking bibig dahil sa aking mga nakikita. Dalawang talon ang magkatabi habang sabay na bumabagsak ang tubig galing sa mga ito ang mas nakakatulala pa ay kung gaano kalawak ang parang lawa na binabasakan ng tubig galing sa dalawang talong iyon. Hindi ko naman alam na may nakatago pa palang ibang talon sa ibabaw ng talong kakapangalan ko lang kanina at hindi ko ineexpect na mas maganda pa pala ito kesa doon. “Ang ganda.” Wala sa isip kong naibulalas iyon. “Nagustuhan mo ba ang lugar?” rinig kong wika ni Raze sa normal na niyang pagsasalita. Nilingon ko siya at nasa taong anyo na siya ngayon. Malapad ang kanyang ngiting nakatingin sa akin habang ang kanyang mga mata ay parang nagsusumamo habang naghihintay sa aking tugon. Wala naman akong sinayang pang sandali at mabilis na akong tumango sa kanya habang ang aking mga mata ay nagniningning sa galak, dahil doon ay mas lalo pang lumapad ang ngiti niya na sinabayan pa ng halos hindi na makita niyang mata dahil sa singkit na inabot ng mga ito. Muli akong bumalik sa paglunod ng aking paningin sa magandang tanawing nakahain sa aking harap. Bukod sa mismong falls ay nakakaagaw pansin rin ang mga matatayog na punong nakahilira sa magkabilaang gilid sa ibaba nito. Kakaramput na tubig na bumabagsak ay nasasalo ng mga dahon nito kung kaya’t nagiging dahilan iyon para makalikha ng isang bahaghari sa gitna mismo ng dalawang falls. “Whoaaah,” naibulalas ko. I heard him chuckled kung kaya’t napalingon muli ako sa kanya. “What?” tipig kong wika sabay balik muli ng paningin ko sa harap. “Nothing, I just find it cute when you’re in the middle of being awestruck by the beauty of the place. Pakiramdam ko ay hindi ako nabigo sa surpresa kong ito sa ‘yo ngayon.” Madamdamin niyang usal. Dahan-dahan kong muli siyang nilingon, “I know, thank you for surprising me ang ganda ng lugar and I really meant it.” [. . .] “Twin majestec falls ang tawag sa talong nasa harapan natin ngayon. Kaya siya tinawag na majestic dahil ang mismong tubig na bumabagsak dito ay galing sa sapang nasa ilalim ng tree of change. This place is special lalo na sa aming mga alpha, lalong-lalo na sa akin.” He paused and then suddenly naramdaman ko na lang ang pagiging tahimik at payapa ng buong lugar. Sa muli kong pagharap sa kanya ay ang kanyang malalambing na titig ang unang sumalubong sa akin. “Alam mo ba kong bakit?” tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus ay hinintay ko lang na ipagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. “Dahil sa mismong lugar na ito opesyal na ipinagbuklod ng kalikasan ang aking ama at ina... at ipinapangako kong sa lugar ding ito, saksi ang kambal na talong iyon, ang mga halaman at puno sa paligid pati na rin ang mga ibon sa himpapawid na kahit na anong mangyari ay dito rin tayo opesyal na pagbubuklorin ng tadhana.” Hindi ako nakaimik sa madamdamin niyang sinabing iyon. Natamimi ako’t wala akong mapulot na kahit isang salita sa aking isip para isawika. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan habang hinihintay ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin hanggang sa madikit muli ang aming mga labi.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD