Chapter 10 - Worried
HINDI pa rin humuhupa ang lagnat ni Karen kaya hindi na nakuha pang matulog ni Rusell.
Nakatanaw lang siya sa dalaga. Mahigpit ang hawak nito sa mga kamay niya na parang takot itong maiwanan. Unlike kanina, mas payapa na ang mukha ng dalaga.
Hindi niya alam ang gagawin kanina nang makitang hirap na hirap ang dalagang magising mula sa bangungot nito. Whatever her dreams, he is sure that this woman was tormented.
Tinitigan niya ang dalaga. Karen is really beautiful. Sa kabila ng pamumutla nito ay kakikitaan pa rin ito ng ganda. Nang una niya nga itong makita ay hindi siya agad maka-react, she has the most coldest personality but the hottest woman he ever met.
Alam niya sa sarili niya na nang makita niya ang dalaga ay tiniyak niyang sa kulungan ang bagsak nito pero kasi may iba, e. Sa t'wing pinagmamasdan niya ang dalaga ay may mga mata itong nalulungkot na whenever she is smiling, you couldn't help but fall for it. It's genuine that you will just want to remain her smiling. Kaya nakakatakot— nakakatakot para sa kaniya na ang ipinunta niya rito, na ang inaral at plano niya sa dalaga ay mauuwi lang sa wala dahil lang sa ayaw niyang maalis ang mga ngiti nito.
Iba-iba ang nakikita niyang ugali ng dalaga. She was consistent cold to all the people when they're facing her including his little sister but in the other way around, she is caring ang loving person to all of the people without knowing that she is loving them.
"No...." nagulat siya nang bumulong ang dalaga. Here she goes again, she is having her dream again. Nanginginig nanaman ito at pinagpapawisan. "No...mommy, help me," nagulat siya. Kung anong may sipa sa puso niya nang makitang hirap na hirap ito, may namumuo pang luha sa mga mata nito.
Niyakap niya ang dalaga. "Sshhh. Do not cry, Karen," nahihirapan niyang sabi. He is hurt. Masakit sa kalooban niyang ganito ang dalaga.
"Mommy, mommy, help me.."
"Stop, Karen. Nandito ako para sa iyo. Puprotektahan kita," mahina niyang bulong sa dalaga.
Hinagod niya ang likod ng dalaga at pinunasan ang ang noo nitong may namumuong pawis.
Niyakap siya ng dalaga at nagsumiksik sa bisig niya. Naestatwa siya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"D*mn. You're making me crazy, girl," hindi niya mapigilang tugon.
He is starting to feel something to this girl, hindi siya t*nga para di malaman kung ano ito. This is not going to be a simple attraction. Heto iyong tipong nararamdaman ng lalaki kung nagsisimula na siyang magkagusto sa babae. D*mn, why in all women, sa tinuturing niya pang kaaway?Sa taong alam niyang magpapabagsak sa career niya. Sa taong matagal niyang isinumpa na ipapabulok niya sa kulungan.
She will be his downfall, but why he doesn't feel like it's alright?Na parang ayos lang na bumagsak siya. Basta lagi lang maging masaya ang dalaga?
This is insane! This is fvcking crazy kasi ang bilis-bilis magbago ng isip at damdamin niya. He is a reasonable man! He is a fvcking lawyer for crying out loud! Pero wala pang isang linggo, binaliw na siya ng dalaga.
Ni hindi siya inakit ng dalaga. Puro kagaspangan ng pag-uugali rin ang sinukli ng dalaga sa kaniya ngunit heto siya yakap-yakap ito sa bisig niya. Natatakot sa kung ano ang mangyari sa dalaga.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa kawalan. Naalala niya ang maaring mangyari kung sakali mang itutuloy niya ang nararamdaman sa dalaga.
Napahilamos siya ng mukha at napag-isip isip.
He must go back to Manila. Kailangan niyang ibalik ang sarili niya. He must spend his life with his girlfriend, Alexa. Si Alexa ang mahal niya—I mean, siya dapat kasi ang girlfriend.
Tinitigan niya ang mukha ni Karen. Naroon pa rin iyong pagbilis ng pintig ng puso niya. Hindi ganito ang puso niya kapag si Alexa ang kaharap. Everything with Alexa is civil and simple.
He is comfortable with Alexa.
He is uneasy when Karen is around, he feel like Karen is a disaster. Hindi niya ito gusto pero laging hinahanap ng mata niya at kapag naghaharap o mag-uusap sila, rumirigodon ang puso niya. He is becoming more crazier because the girl is not afraid of getting into his nerves.
At dahil nasa harap siya ng dalaga, nag-iiba rin siya. The girl making him look like stupid. Hindi naman niya masisisi ito kasi kahit siya naiinis kapag nagmumukhang tanga sa harap ng dalaga. He is not like this. This is not him. Never in his life that he became damn stupid. But with this woman, he can't be normal.
He is not a man like this. Nasanay siyang siya ang tama at laging nasusunod. Nasanay siya na lahat ng sabihin niya ay batas. He is hugging the girl who will be his downfall, kumbaga si Karen ang dahilan ng pagbasak niya.
Napabuntong-hininga uli siya. Hanggang ang pag-iisip niya ay nauwi sa pagkahimbing.
---
When Karen woke up, napaigtad siya nang makitang gahibla na lang ang layo ng mukha nila ni Rusell, yakap-yakap siya nito sa ilalim ng kumot at dilim ng lugar.
Sumakit ang ulo niya pagkatapos ay dahan-dahan bumalik ang mga nangyari...she is not sure of what day it is, what she knows is the man who is hugging her right now is also the man who save her that rainy night.The man who saved her is also happen to be her neck-to-neck enemy na whatever she does, the guy is always getting grumpy kaya hindi niya naiintindihan bakit siya nito inaalagaan.
Dahan-dahan niyang inaalis ang braso ng binata. Nang makawala sa tabi nito ay habol-habol niya ang hininga niya. Grabe, he didn't need to hug me. Nakakakaba lalo na at hindi siya sanay na may physical touch siya from other people. She has a trauma of peoole who touches her body. They remind her of her demonic step father.
"Gising ka na pala, nasaan ang iyong manliligaw, neng?" gulat siya ng bumungad si Mang Karlos.
Yumuko siya nang bahagya at binati ito. "Magandang umaga po. Sino pong manliligaw?"
"Aba'y iyang batang hindi na lumabas sa kwarto, aba'y ilang nars na ang tinawag niya at pinabyahe dito ng tatlong araw," nakangiti nitong sagot. "Buti na nga lang, e, hindi ako nagkamali ng manok sa iyo, mahal ka ng batang iyan. Hindi ka pinabayaan kahit segundo lang," dagdag pa nito.
Nagulat siya. Si Rusell, mahal siya? What a big word!
"Nagkakamali po kayo, hindi po siya nanliligaw sa akin," iling-iling niyang paliwanag. "Nagmamalasakit lang po siguro ang tao,"
"Nako, lalaki ako, ineng. Alam ko kung kailan nagmamahal ang mga kabaro ko," nakangiti nitong sabi sa kaniya. "O siya, alis muna ako, ha. Ako'y magbabangka na. Nakahanda ang pagkain ninyo sa mesa, si misis ko ay inilabas muna ang mga apo namin," tumango siya at bahagyang yumuko.
Nalilito siya sa naririnig. Si Rusell mahal siya? Flat ang earth kaya kong maniwala, e, pero mahal siya ng lalaki, no way! That man is full of himself that a poor girl like her will never be with a rich man like him.
Tiningnan niya ang ulam pero ayaw talaga niya kumain. Kaya kumuha na lang siya ng kape at humigop no'n.
"Is that how you breakfast? Kape? Really, Karen?" seryoso at naiinis na bungad ni Rusell sa kaniya. Napatayo si Karen sa gulat at pinaypayan ang napapasong dila.
Dinaluhan agad siya ng binata. "Are you alright?"
Nang mahimasmasan ay tiningnan niya ito ng masama. "Ang laki mong tao hindi ka man lang gumawa ng presensiya hindi iyong ang tahimik ng paligid bigla kang nagsasalita," pagtataray niya rito.
Bigla ay tumaas ang kilay ng binata at pagtaas ng sulok ng mga labi nito. "You found it funny? Tumatawa ka?" masungit niyang tanong.
Umiling-iling ito sa kaniya habang nakangiti. His eyes seems so different, iyong bad aura na lagi niyang nararamdaman ay wala na.
Nagulat siya nang mabilis itong makalapit sa kaniya. "Hey, what are you doing!?" masungit niya nanamang tanong ng bigla ay dumapo ang kamay nito sa noo niya.
"Good, you are not sick anymore." At dahil matangkad ito ay tiningnan siya nito pababa na parang bata siyang tiningnan lang dahil hamak na matangkad ito.
Habang nakatingin ito sa kaniya ay naroon ang kaba at dahil sa kaba niya hindi niya namalayan na nasa kamay na pala ni Rusell ang kape, he drink it. Doon sa mismong pinaghigupan niya.
"Hey, that's mine."
"You are not allowed to drink coffee, girl. You just came from a fever," sabi nito habang tinapon ang kape niya sa lababo.
Nagbawi ito ng tingin sa kaniya at tiningnan ang nakalutong ulam. "You don't like this?"
Wala sa isip niyang tumango.
"Okay," naglabas ito ng cellphone at may tinawagan. Mayamaya ay tumingin ulit ito sa kaniya. "From now on, do not skip eating," mabait niting wika habang sinisimulan na siyang timplahan ng gatas.
"Drink milk instead," sabi nito saka binigay sa kaniya ang gatas na itinimpla nito. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya tuloy ito.
"May kailangan ka ba? Bakit parang mabait ka? Nakakatakot, e,"
"Guni-guni mo lang iyan. Ubusin mo ang gatas mo," sabi nito sa kaniya pagkatapos ay naubo sa sofa na gawa sa kahoy. Sinundan niya ito ng tingin habang ang lalaki ay bored din na tumingin sa kaniya. "Do not give me that look na para akong sinapian sa paningin mo," cold nitong sabi.
"Masisi mo ba ako?"
Abat inisnaban siya ng lalaking ito, ah.
Nakakalahati niya na ang gatas ng parami-rami nang parami ang delivery boy na dumarating sa bahay nila Mang Karlos.
Siya naman ay bahagyang nagtago sa gilid ng pader. It's too many people probably from district pa galing ang mga ito at may kaniya-kaniyang dalang mga pagkain, tendency was baka may makakilala sa kaniya at malaman na siya ang hinahanap na killer kahit hindi naman talaga siya
Nagtatago siya nang magtama ang tingin nila ng binata, there was sadness in his eyes habang nakatanaw sa kaniya ito. It was like telling her that he was hurt by her. Bakit mukha itong nasasaktan?
Nang masiguro niyang wala na halos parating na delivery boy ay lumabas na siya.
"Nabanggit ba ni Mang Karlos na may handaan dito?" takang tanong niya kay Rusell.
But this man was busy arranging and preparing the foods.
Mayamaya ay bigla na lang ito nagsalita. "Para lahat sa iyo ito. Para makapili ka ng gusto mo, hindi ako manghuhula at mukhang wala ka rin namang balak mamili kaya sige, kumain ka."
Natigalgal siya. Ito lahat?
Ang dami-dami nito. Sobrang dami na pang-isahang buwan mo ng kakainin.
"Baliw ka ba?"
Nilingon siya nito at seryosong tinitigan siya. "I think, yes. If I am normal, I wouldn't feel this way,"
"Feel? What?"
"Nevermind. Just eat all you want, kung hindi ka kakain nang marami, itatapon ko lahat iyan. Bahala na sa akin magparusa si Lord."
Napalunok siya. He sounded so serious.
"I will never let you say to me that you are hungry again. Mula sa araw na ito, I will be responsible for your meals. 1 month, right? 1 month kitang hindi gugutumin."
"Alam mo, Rusell. Let me just absorb what you are doing today. Bigla ay nag-iba ang pagkatao mo. Am i still dreaming?" Tanong niya kay Rusell pero parang tanong na rin niya sa sarili niya.
"This is not a dream. Your dreams are scary. Do I look like I am scaring you?"
Walang pag-aatubiling nag-Yes siya. Kaya ang lalaki ay nagkaroon ng pagkakataon na isalpak sa bibig niya ang isang slice ng pizza.
Hindi niya alam bakit ngumiti ang binata sa kaniyang itsura pero isa lang alam niya na may nagbago rito.
"Hindi ko uubusin, ha. Kakain lang,"
"Uubusin. That's final, Karen. Or guguluhin ko si Rhian at sasabihing we slept together?"
Namula siya pero nagpanggap siyang tumingin sa pagkain at nagsimulang kumain.
"Baka gusto mo ako tulungan?" sabi niya habang puno ang bibig niya ng pagkain. Ngumiti ito pagkatapos ay sabay silang kumain.