Chapter 12 - HANBAR
"MASTER HAN...." tawag niya sa Koreanong may-ari at siya ring chef ng Hanbar na pinagtatrabahuhan niya. Tuesday ngayon, tulad nga ng nangyari, isang linggo siyang hindi nakapasok dahil sa hindi siya nanalo kay Rusell, ika nito, kailangan niya raw ng peace of mind kaya ang binata ay pinagpahinga siya. Akala naman ng binata ay nakapagpahinga siya? kung alam lang nito na kapag malapit ito ay hindi niya mai-postura ang sarili niya. Kinakabahan siya sa binata. There is something in his action that she doesn't like DAPAT! Pero nagugustuhan ng lukaret niyang puso. Iyong pader na tinayo niya sa pagkatao niya, nabubuwag dahil lang sa pagbubuntot nito sa kaniya.
Nakakahiya nga sapagkat nakita siya nito sa traumatic state niya. Dati na siyang ganoon, sa t'wing naalala niya ang kababuyan ng stepfather niya o may nakita siyang kapareho ng ginawa ng stepfather niya, hindi niya maiwasang hindi magsumiksik, mag-hysterical at umiyak. She is still haunting by that painful past. And Rusell saw that!
Nakakahiya pero na-appreciate niya ito kasi hindi ito nagsalita. He just listen to her while she is sobbing.
"Maraming mga customer. Focus to your work, Karen," malamig na sabi ng boss niya.
Hindi niya maintindihan bakit malamig ang pakikitungo nito sa kaniya magmula kaninang pumasok siya. Dahil hindi ba siya pumasok ng isang linggo?
Nagkibit-balikat na lang siya.
Baka wala lang sa tamang hulog ang boss niya.
"Finally, nagtatrabaho ka pa rin pala rito?" sabi ng manyak na matandang talagang gusto siyang makuha. Sa kasamaang palad si Mr. Arturo ang pinag-serve-an niya.
Tiningnan niya ito nang malamig. "Order po ninyo, sir?"
Luminga-linga ito sa paligid pagkatapos ay bahagyang hininaan ang boses. "Balita ko nasunog ang bahay mo? P'wede kita bigyan ng bahay..." bulong nito ng may pagmamalaki tapos tiningnan siya nito sa kaniyang dibdib pababa sa p********e niya. Hindi mo talaga matatago ang kamanyakan ng matandang to, e. "isang gabi lang, Karen. Pumayag ka na, " pamimilit nito.
Napapikit siya sa inis. Gustong-gusto niya hampasin ito ng order tray nilang matigas para magkahiwa-hiwalay ang utak nitong walang laman.
"Nakakalimutan mong may number ako ng asawa mo, Mr. Arturo?" walang gana niyang sabi kahit gusto na talaga niyang maghuramentado.
"Wala kang telepono, Karen. Alam ko dahil matagal ko nang pinaghahanap ang numero mo. Ni minsan ay di kita nakitang humawak ng cellphone kaya anong numerong pinagsasabi mo?" mayabang nitong sambit.
Bumuntong-hininga siya sapagkat tama itong wala siyang numero o telepono sa takot na baka mahanap siya ng mga tumutugis sa kaniya. Pero totoo ring may numero siya ng asawa nito. Nakasulat nga lang. Minsan nang kumain ang asawa niya rito at alam nito kung gaano kag*go ang lintek niyang asawa. Ang alam niya ay may affair din ang maybahay nito.
Pareho silang naglolokohan sa isa't isa. Takot sa kaniya-kaniyang mga multo kaya ganoon kahigpit sa isa't isa.
"Order ninyo, Mr. Arturo? Naghihintay ang aming chef," seryoso niyang tanong sa matanda. Napagdesisyunan ni Karen na huwag na lang pansinin ang matandang hukluban pero sa gulat niya ay idinantay nito ang mukha nito sa tagiliran niya banda sa puwitan. Sh*t! Mas lalo siyang nagulat ng pisilin nito ang pwet niya! Bastos!
Nanigas siya. Nagsisimula nanaman mandilim ang paningin niya. Mukhang hihilahin nanaman siya ng trauma niya. Argh! She really hate people! Pikit matang hahampasin sana niya ang kabastusan nito para mapigilan din ang paghulog niya sa dilim dahil unti-unting nakikita niya ang stepdad niya sa utak niya pero nawala nang biglang sumigaw-sigaw si Mr. Arturo.
"Aray! Aray!" daing nito. Pagdilat ni Karen ay mga galit na anyo ni Master Han ang nakita niya. Nakatingin ito sa kalagayan niya.
Maski siya nagulat na lang sapagkat hawak niya ang sarili niyang puso. Hindi pala siya makahinga. Hindi pala talaga niya hawak ang service tray, nalaglag pala niya ito.
"Napipilay ako! Puny**a! Ano ba!?" Kinwelyuhan kasi ni Master Han ang matanda habang ang isang kamay ay nakapalupot na animo mababali na. "Customer ako rito, tan*ina!"
Lahat na yata ng bulyaw at masasakit na salita ay nasabi na ni Mr. Arturo pero seryoso at hindi pa rin binibitawan ng boss niya ito. Ngayon lang niya nakitang ganito ito kagalit at kaseryoso sa ilang taong niyang pagtatrabaho rito.
"Bitawan mo ako!" galit na pagpupumiglas ng matanda pero lalo lang siya nito idiniin. Sa mukha ni Mr. Arturo mukhang hindi na siya makakahinga pa, mahigpit ang pagkakasakal ng binata baka mapatay nito ito kung hindi niya pipigilan.
Hinila niya ang braso ng binata. "Tama na, Master Han," sabi niya rito pero kitang-kita pa rin ang mga ugat nito indikasyon na galit ito.
Ngunit mayamaya ay nilingon siya nito at bahagyang niluwangan ang pagkakasakal nito kay Mr. Arturo.
"Are you alright?"
Nagtataka man ay tumango siya. Bakit iba ang tono ng boses nito? Alalang-alala talaga ito sa kaniya, e.
Binalingan nito ang matandang bastos na mura pa rin nang mura. Nilingon ni Mr. Arturo ang lahat ng mga tao na nakatingin halos lahat sa kanila. Oh-ow, they are looking at here at baka may makakilala sa kaniya, pinulot niya ang service tray at tinakpan kalahati ng mukha niya. Hindi naman siya nagpahalata na nagtatago siya ng mukha, she acts natural.
"Magbabayad kayo sa kahihiyang ito! Lalo ka na!" banta nito sa binata habang dinuduro. "Pwe!" dura nito. "Hindi ako pupunta rito kung hindi lang sa pakipot mong empleyado," dagdag nito habang nakasulyap sa kaniya.
"Huwag kang bumalik dito. G*go!" maangas na balik ni Master Han. "Magsasara ang party bar ko, wala akong pakialam pero walang babastos sa mga empleyado ko."
Tiningnan niya si Master Han. Namamangha siya sa kabaitan nito. Hindi niya nakita ang side na ito ni Master Han noon. Dati kasi ay palabiro ito at masiyahin. Unti-unting pumunta ang mga iba pang empleyado sa lugar nila ngayon.
"Buti nga do'n, chef, ilang beses na iyon bumabalik dito para magtanong tungkol kay Karen," sumbong ni Joana.
"What? Matagal na iyon? Bakit ngayon ko lang alam?" tanong ni Master Han kay Joanan.
"Akala po namin alam ninyo kasi si Ma'am Ysa po ang nag-aayos ng gusot noon," mahinang sumbong ni Joana dahil iba na ang mga tingin ni Ma'am Ysa dito.
"Ysa, what is this?" seryosong tanong ni Master Han. "I love the customers, oo. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pababayaan ko kayo. May kasamahan na tayong nababastos and still hindi ko alam?"
Natatarantang humingi ng pasensiya si Ma'am Ysa, "ayoko lang, sir, mawalan ng customer saka friendly naman si Sir Arturo, maliban kay Karen," sisi nito sa kaniya.
"Excuse me, Ma'am Ysa," singit ni Rhian na kalalabas lang ng kitchen. "You know why he is friendly to us? He is fishing information about Karen. He is not friendly with Karen because that guy disgusts her. He is s****l harassing one of your subordinates , pero sa tono mo po, Maam, parang kasalanan pa ni Karen na namanyak siya," inis nitong sita rito.
Siya naman ay napabuntong-hininga. Rhian is always protective to her kaya minsan sa sobrang protective nito sa kaniya ay napapasama ito.
"Hinipuan siya noon pero siya pa humingi ng pasensiya. Kung tutuusin, naipakulong na iyan, e. But since Karen is not the kind of person to give a fvck about other people hindi niya ginawa," dagdag pa nito.
"Rhian, stop it. Ma'am Ysa did nothing wrong," sabi niya rito.
"That's the wrong, she did nothing. If una pa lang ay kumakampi sa iyo itong si Maam, sana hindi ka nahihipuan."
Nang sulyapan ni Karen ang mga kasamahan niya ay naka-thumbs up ang mga ito sa kanila. Palibhasa nasa likod sila ni Maam Ysa kaya hindi makikita ang mga ito.
"We'll talk about it later, Ysa," sabi ni Master Han saka naglakad palayo.
"Saan ka pupunta, chef?" tanong ng mga lalaki niyang kasamahan.
"May bubugbugin lang!" sigaw nito.
"Chef!!!" tarantang sigaw nilang lahat at hinabol agad si Master Han ng mga assistant nito at hinila pabalik sa Hanbar.
"That son of a fvcking b***h!" pagmumura nito habang pumipiglas. "Hindi pa iyon nakakalayo, e. Susuntok lang talaga ako," sigaw nito.
Napahilamos siya sa mukha niya. They are creating more scene and since halos mga customer nila ay parokyano, nag-aalala siya na baka may makakilala sa kaniya.
Hindi malabo dahil isa sila sa pinakamayaman sa bansa. Her stepdad owns the biggest manufacturer of liquor brands in the world.
He has been featured in different magazines before and even in documentary shows, hindi lang niya lang alam why until now hindi pa rin siya nakikilala ng mga tao rito .
"Chef!" sigaw nanaman ng mga ito. Tapos ay umalis pero hindi pa ito nakakalayo ay lumingon ito. "Walang pipigil sa akin, boys!?" Rekalmo nito. "Papapigil pa man ako."
Nagtawanan na umiling-iling ang mga assistant niya.
"Akala ko seryoso na iyon," iling-iling na sabi ni Joana habang natatawa. "Nako, tara na, Karen. Hayaan mo na ang pangyayari ngayon. Hindi na babalik dito iyon."
Tumango siya at naglakad na palayo.
Sinulyapan niya ang boss niya at nakatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam pero iba na ang paninitig ni Master Han sa kaniya. Bagay na gaya ng paninitig sa kaniya ni Rusell.
Gusto siya nito? Parang malabo!
Kakainis. Ang dami-daming nagbabago sa paligid niya. Naiinis siya kapag hindi niya nakokontrol ang paligid niya.
-----
"Nakakainis ang Mr. Arturo na iyon! Manyak iyon!" pagdadabog ni Rhian.
Nasa sala si Rusell at nanonoof ng TV nang dumating ang kapatid niyang inis na inis. Habang ang dalaga ay seryoso ang mukhang pinapakalma ang kapatid niya.
"I am fine, Rhian. There is nothing to worry about."
"No, day! Hindi okay iyon. Kuya!!!"
Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay.
"Ate Karen was sexually harassed by an old man. Do something about this!"
Napatayo siya sa kinauupuan niya. "What?"
Nilapitan niya ang dalagang bumuntong-hininga at hinihilot ang sentido.
"Anong nangyari, Karen?"
"Walang problema, Rusell." Nilingon nito si Rhian. "Okay lang ako, Rhian. Stop worrying, it was solved."
"Hmp!" irap nito kay Karen. Tapos ay hinarap siya at matalim na tiningnan. "Do something about this."
Tumango siya at hinarap ang dalaga. "Tell me about it. Promise, I will just listen."
Pumalatak ito nang mahina at pagod na naupo. Samantalang si Rhian ay nagpunta sa kwarto nito. Ugali nito ang magpahinga muna bago kumain.
"That old dirty man hit on me again. Ewan ba, ilang beses ko naman tinanggihan iyon. Pero gusto talaga niyang ikama raw ako."
"Okay, go on," mahinahon niyang sabi pero sa loob-loob niya, nanggalaiti siyang pasabugin ang nguso nito. "Continue your story, makikinig lang ako," sabi niya.
"Kanina, dinikit niya ang mukha niya dito," napapikit siya nang tinuro nito ang pang-ibaba niya. "pero mas gulat ako ng bigla niyang pisilin," naluluha nitong kuwento. Fvck that, old dirty man!
"Shhh, do not cry, ha. It will never happen again," buong pag-aalala niyang sabi.
"When he hold me there, akala ko mahuhulog ako uli sa hallucination kong nandito sa paligid ang stepfather ko," hikbi nito. "Natatakot ako, Rusell. Takot na takot," nanginginig nitong sumbong sa kaniya.
Her word strike his soul. Parang may ginigising na kung ano sa loob niya.
Karen was starting to open up with him. Binanggit na nito ang step father nito sa kaniya.
"He will come to me. He will kill me," sabi nito. Hindi siya nagsalita. Hindi kailangan ng dalaga ang salita niya. Kailangan lang nito ng tagapakinig. Kung ano man ang sabihin nito ay kanila lang. He will never use it against her kahit gaano pa iyon ikakapahamak ng dalaga.
There must be a reason, and he think he knew it already.
Pinagsamantalahan ni Richard ang anak niyang dalaga.
Doon siya sigurado.
But he has not sure kung dahil ba sa pananamantala nito ay pinatay nito ang ama nito.
He will never justify especially murder. But self-defense is a nature of people, so if ever na mapapasa korte, mananalo ito.
Pero kanina nang puntahan niya ang dating tinitirhan ng dalaga, walang laman iyon kundi mga gamit pambahay lang.
Wala ang CCTV at wala ang baril na ginamit.
Nasaan ang mga iyon? That could save her!
Doon niya malalaman if Karen was the one who killed his dad or there is someone involved in here!
" 'My daughter and my sons are not murderers. Maghintay kayo at mapapatunayan ko iyan'
Rosela Manansala is still the chairman of RM Liquor Manufacturing company at ayon dito ay hinahanap nito ang mga anak niyang nagtatago dahil sa krimeng nangyari na ikinasawi ng padre de pamilya. Ayon sa source, hawak na ng ina ang bunsong anak na si Molly Manansala. Karen and Mario are still missing. Hindi alam kung buhay pa o patay na,"
Sabay silang napalingon ni Karen sa balita sa TV. She was froze while her tears are falling down.
Tumayo si Karen at mabilis na tumakbo papuntang kwarto nito.
"Karen, the foods!" pero hindi na nito iyon narinig. Nakapasok na ito sa loob.
Siya naman ay napabuntong-hininga. Karen was unrecognizable because of her super long hair plus Karen has a Madrigal surname na hindi niya alam paano nito nagawang pekein ang birthcertificate nito na Manasala.
Nilabas niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigang si AJ.
"I have someone I will bring in jail. Arturo is his name, gawin mo ang lahat para mahanap lahat ng baho niya. I will never let him out of prison. Doon siya hanggang sa huling hininga niya."
---
A/N: I have story on Dreame na Free rin. Hehehe. Kumpleto iyon. Return of the Wife and title. Walang coins din iyon pero kinontrata kasi ni Dreame kaya hindi ko pwede i-share sa Heart Romances. Haha. Baka lang gusto po ninyo.