Chapter 3
MAHILO-HILO pa si Rusell nang lumabas siya sa SDH, hospital sa Dapa, Siargao. Hindi kasi sinasadyang ma-out balance siya sa bangkang sinasakyan niya, marunong siya lumangoy, ang kaso nga lang, napulikat ang isa niyang binti. Magpapasalamat sana siya sa nagligtas sa kaniya kaya lang sinigaw-sigawan siya nito. The girl is so familiar that she can be mistakenly as Karen Manansala,the girl he is chasing for years, kamukhang-kamukha nito ang babaeng hinahanap niya, pero hindi siya sigurado. Maaari ring nasa bingit na siya ng kamatayan kaya ano-ano na lang ang nakikita niya. But whatever it is, the girl who save her life is stunningly beautiful with her neon swimsuit. Galit na galit ito pero hindi nawawala ang ganda nito. May girlfriend siya pero hindi niya maiwasang magandahan sa babae. Is she a local here?
Naramdaman nanaman ni Rusell ang pagpitik ng ulo niya. Marami talaga siyang nainom na tubig kanina.
Mayamaya ay nag-ring ang phone niya, his girlfriend is calling him right now.
"Yes?"
"Nasaan ka nanaman ngayon? My father wants to meet you! May meeting siya sa mga kumpare niya at gusto nitong kasama ka, he wants to brag you, Attorney Rusell Evangelista, hon. Punta ka ba?"
"I'm sorry, wala ako sa Manila ngayon, hon. I'm far away from there."
"Ano? Paano ang daddy ko? Mapapahiya siya!"
Bumuntong-hininga siya. Lalo yata sumasakit ang ulo niya. Patagal nang patagal ay ganito lagi sila mag-usap ng girlfriend niya.
"Please, tell him that I am sorry."
"Ano ba ang meron sa case na hawak mo, unang case mo iyan pero ganiyan ka na agad?Natural na natatalo sa unang kaso, Rusell!"
Mariin siyang napakagat. "Stop mocking this case, Alexa. I'll win this, I am not a top 1 to be like this. I will catch that girl!"
"Walang nang-iinsulto sa iyo kahit hindi mo ma-solve ang case na iyan. It's been 5 years, bumalik ka na sa law firm!"
"Walang mapupuntahan ang usapan na ito. I have to go!"
"But hon—"
Inis niyang pinatay ang call. Alexa is his gf of 5 years, on and off sila ng girlfriend niya. May panahon na hinihiwalayan siya nito at ilang beses siyang nagmakaawang huwag siya nitong iwan. Luckily, Alexa didn't leave her.
Si Alexa ay isang TV Broadcaster sa isang sikat na TV news sa bansa. She is the face of national news, doon sila nagkakilala ng i-feature siya nito sa pagiging top 1 niya noong bar exam ng 2016. Nililigawan niya ito at sinagot naman siya, afterall, what she could ask for a man if looks, attitude and credentials are the requirements to be a national tv broadcaster's boyfriend, right? They are both each other's trophy.
Wala na silang mahihiling sa bawat isa. They are comfortable in each other kahit madalang lang sila magkita at magkasama dahil sa mga kaniya-kaniyang trabaho. Hindi naman sila nagtatalo, pero hetong huli, hindi niya nagugustuhan ang asta ng dalaga sa kaniya. Why she could not support her? Ang first case niya ay murder case at hinding-hindi niya papayagang maging kakatawanan siya sa harapan ng magulang ng dalaga at sa mga collegues niya.
"Tss!" inis na inis si Rusell pero ang inis niya ay napalitan ng bahagyang pagkatuwa. He found his only sibling, Rhian. His sister who is a real pain in his life. Spoiled brat ito. Nasa America ang mga magulang niya at mula nang mauwi ang dalaga sa Pilipinas ay mistulang bata silang naglalaro ng hide-and-seek. Lagi itong tumatakas sa kaniya at hindi niya makuha ang point nito na "for fun".
Nag-aayos si Rhian ng mga basurang igigilid niya para pulutin mamaya ng taga-kolekta. She is humming a song nang lapitan ito ni Rusell.
"Is this fun to you, little girl?" seryoso niyang tanong sa kapatid. "Akala ko mahihirapan akong hanapin ka dito sa Siargao although my source is sure that you are here," pagyayabang niyang sambit sa dalaga.
"Ha! My instinct is always right! Ikaw talaga ang nararamdaman kong masamang vibe na parating sa buhay ko. Well, kuya, umuwi ka na sa bahay sa Manila. I am not going with you!"
"Sasama ka sa ak—" nagulat siya ng takpan ng kapatid niya ang bibig niya.
"Hinaan mo boses mo, may natutulog." Galit niyang hinawi ang kamay ng dalaga.
"YOU ARE ONLY SEVENTEEN, RHIAN! HOW COULD YOU DO THIS TO YOURSELF!"
"It's not what you think! My friend who is sleeping there is a girl! She's my workmate and a reliable friend!"
"What? You are working? Oh, Jesus!" sabi niya habang napahilamos siya sa kaniyang mukha. Napakatapang ng kapatid niya to travel around the Philippines sa cash lang na hawak nito. Hindi sila hikahos sa buhay, in fact, even if they don't work in their entire life, their fortune is enough for them to live, thanks to their parents who are both business people who have their fair share of inheritance from their ancestors.
Ang daddy nila ay may chains of restaurants and he is the owner of all of that. Ang mommy naman nila ay may gasoline stations all over the country. May mga stocks din sila sa mga big corporations in LA and Russia. They never work to survive kaya anong sinasabi ng kapatid niya na workmate.
"I need to work because you are tracking my account, kuya!"
"That's not the point, what work do you know, you don't even know how to clean your own room!"
"Well, for you to see is to believe. Tignan mo, my house is clean."
Nagtitigan silang magkapatid. Rusell knew that her sister is serious right now na kung bubuhatin niya ito at uuwi sa Manila ay babalik ito dito ulit.
"Let's buy this place. For your safety, uuwi ka rito bakasyon lang. Hindi ka na matapos-tapos mag-aral!"
"Ano ba, kuya! Sawang-sawa na akong ginagamitan ng pera ninyo. Let me live my own life! If you want to stay here then stay but do not tell everybody the lifestyle that we have! Gusto ko ituring nila ako na hindi pera at kayamanan ang trato nila sa akin. I like to be a person who experience to be one. No one dislikes me in the past because we are freaking rich, dito, nasisigawan ako, inaayawan ako, sinusungitan ako because they know that I am just a plain teenage," mahina ngunit mariin nitong sabi sa kaniya habang ang mata ay kababanaagan ng kaseryosohan.
"Let me remind you, little girl, that teenager rebellion doesn't work in me. Let's go back in Manila."
""No, I will stay here, Kuya Russel! Hindi ako sasama sa iyo!"
Hihilahin na sana niya ang kaniyang kapatid but something hard hirts his back.
"Fvcki*g sh*t! Who the hell is that?" Nilingon niya ang dalagang nanghampas ng libro sa likod niya. Para sa gaya niyang black belter martial arts, hetong lakas ng hampas sa kaniya ang hindi niya nasalag.
"Are you harassing Rhian, if that's the case, labas."
Napatulala siya. Hindi dahil sa lamig at seryoso nitong boses kundi kung sino ang nasa harapan niya.
It's Karen—no it's the person who saved his life a while ago.
"Wait, you are familiar!" Nag-isip ito. At habang nag-iisip ito ay hindi niya maiwasan hindi pagmasdan ang babae, the girl is wearing red silk sando and a shorts. Magulo man ang buhok nito ay tamang-tama lang dahil bagsak naman ang maitim at tuwid nitong buhok, and the girl's skin is so smooth and white. Kung modelo lang ang dalaga ay kayang-kaya nitong i-model lahat ng produktong pambabae. Mula sa shampoo, lotion, damit at ano-ano pa.
Ngumuso ang dalaga at nanliit lalo ang mala-singkit nitong mata. Hanggang sa tingnan siya nito nang masama.
"You are that stupid guy na muntik ng malunod," pahayag nito pagkatapos ay bumaling sa kapatid niyang babae na akala mo't hindi nanlait sa kaniya. "Rhian, is this your brother? You are a exceptional surfer, then how could your brother doesn't know how to swim?"
"Nalunod ka, kuya?" naaaliw nitong tanong sa kaniya. "Himala. Akala ko ba kaya mo lahat, this is new,"
Tumikhim siya. These two are getting into his nerves.
Nanliit ang mga mata niya. "Who are you?"
Sasagutin sana siya ng babae nang sumingit ang kapatid niya.
"She is Karen. She is a workmate and she is my friend. She lives here with me, now you know, you can go back in Manila and visit me when you're free," sambit ng kapatid niya pagkatapos ay umangkala sa dalagang may pangalang Karen.
Hindi niya sinasadyang hindi mangiti. Now, this is getting more interesting.
"Karen?" nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kamay niya. "Sorry for being stupid and rude, I am Rusell, older brother of Rhian. I am poor just like Rhian," giliw niyang sabi habang ang nginitian ang kapatid na nagtataka sa inakto niya.
So, is this a coincidence that he hits two birds in one stone?
Ang Karen Manansala na magpapabangon sa nawala niyang ego, ang magpapabangon ng pride niya sa korte ay nasa harapan niya, awkward na inaalis ang pagkakalingkis ng kapatid niya rito.
Mahuhuli niya ang babae habang nasa poder niya ang rebelde niyang kapatid.
He doesn't know that Siargao is a lucky place to stay with.
"I will stay here, Rhian. I think for a month. It's time for me to have fun, right?" nakangiti niyang tanong sa kapatid.
"You are a creep! Stay away from us, Kuya!"
"I'll stay or let's go back in Manila?" hamon niya rito.
Naghahamunan sila ng tingin ng bahagyang sipain ng dalaga ang paa niya.
"Hoy, stop threatening your sister. You look like older than us so stop being immature," seryoso nitong pahayag. Tapos at lumingon ito kay Rhian. "I'll pack my things and find another place to stay, mag-stay ka sa kuya mo. He may be stupid but he is your brother, he knows best for you."
"Girl, I'm not stupid!"
"Huwag kang aalis. Dito ka lang, gusto ko ang presensiya mo sa bahay ko. I feel like I am alive if there is someone who always tell me what I should do, I feel like I have a sister whenever you are around. Dito ka lang, please," pagmamakaawa nito. " Dalawa ang kwarto, sayo lang iyan. Iyong isa, akin. Si kuya," lumingon ito sa kaniya na nag-iisip kung saan siya.
"Bili ka ng foam mo, sa sala ka."
"What?"
"Take it or leave it?"
"Fine, I'll take it!" inis niyang sagot.
"Okay na, day?" tanong ng kapatid niya.
"Ha? But where's my choice?" takang tanong ni Karen.
"Okay, yehey! May ate na ako, may kuya pa ako! Pamangkin na lang ang kulang!"
"Rhian!" sabay nilang sigaw.
Naubo silang pareho. Tinaasan siya ng kilay ng dalaga pagkatapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha niya. Sanay siyang hinahangaan ng mga kababaihan but this girl has a "This stupid guy- look?"
"Don't get me wrong but don't take your sister's idea seriously," seryoso nitong sabi sa kaniya na ikainis niya lalo.
"Who said to you that I took that seriously, ha!" sigaw niya dahil papasok na ito sa loob.
"You're droolling, stupid."
Droolling? Mabilis niyang kinapa ang bibig niya kung tunay na naglalaway siya pero hindi naman.
Darn! That arrogant woman!
--