Chapter 4
KAREN shouldn't let her guard down. Nase-sense kasi niyang papahirapan siya ng kuya ni Rhian sa pag-i-stay rito. Alam naman niya ang sarili niya na masama talaga ang ugali niya but she can't help herself but to feel mad at the guy.
He is manipulatimg his little sister at hindi niya maintindihan ang sarili pero may pakiramdam siyang hindi maganda sa binata. Also, hindi niya maintindihan ang reaksyon ng binata. Surely the guy is kinda educated, pero poor daw sila, he saw his watch and she knows that A. Lange & Sohne watch is one of the most expensive watch in the world. Poor pero branded ang gamit? That doesn't make sense, right?
Kung trip siya ng binata, well, magandang barahin na agad niya ito para malaman nito na wala siyang balak sa mga gaya nito.
She hates people in general but Rhian has a pure heart that she couldn't say no to her a while ago. Malakas siya, mataray siya at walang tabas ang bibig niya pero siya ang tipong tao na mababaw lang ang luha,madaling madala sa taong umiiyak o nakakaawa. Kumbaga, she has a strong barrier on the outside but really fragile inside.
That's why, she doesn't like to build relationship with people but Rhian keeps on clinging to her.
"Goodmorning," bati sa kaniya ng binata.
She just nod her head and start sitting.
"Si Rhian?" seryoso niyang tanong.
Hindi niya hinaharap o tinatama ang tingin sa lalaki, she sense that despite of how good looking this man in her front, he is still dangerous.
"Bibili raw sa labas."
Tumango na siya at nagsimulang magsalin ng kanin sa pinggan niya, tumusok na rin siya ng hotdog at naglagay ng sunny side up na itlog. Ganoon pa rin, nararamdaman pa rin niyang tinititigan siya ng lalaki kaya sa inis ay nilingon niya ito.
She found herself staring at his two hazel color eyes. He wasn't smiling. He is more intimidating than last night.
Nagbawi siya ng tingin. Her heart starting to pound! My god! Bakit ganoon ito tumingin sa kaniya? Hindi naman siguro rapist ang kapatid ni Rhian, no?
"Are you a local here?"
Taranta siyang napatingin dito. "Ahm, no. Pero matagal na akong naka- ah, mmm tira dito."
Tumango-tango ito. "So, dito ka pala tumira,"
"Ha?" Takang tanong niya.
"Wala. Taga-saan ka talaga?"
Tumikhim siya. Kinakabahan siya. There is something about this guy who makes her nervous. Nakakalimutan tuloy niyang matapang siya. Ganito ba ito nakakatakot sa umaga? Baka di ito nakatulog nang maayos. Tiningnan niya ang foam na itinayo nito sa tabi, maayos ito at mukhang hindi nahigaan. Baka nga di talaga ito nakatulog nang maayos. Siya ang kuya at kapatid ng may-ari pero ito pa ang nahihirapan sa titirhan habang siya na sampid ay nakatulog nang maayos.
Tiningnan niya ang binata, the dark aura is still in his form. Kinuha nito ang kape nito nang tanungin niya ito.
"Do you want to sleep in my bed later?"
Tumayo ito at mamula-mula habang nagmumura. What's wrong with him?
"Sh*t! D*mn it! It's so fvcking hot!" sigaw nito. Hindi niya alam bakit bigla na lang ito natapunan ng kape.
Nagkibit balikat na lang siya. Hindi niya ito tutulungan.Afterall, hindi naman sila close.
Binilisan niya ang pagkain habang abala ito sa pagpagpag, pag-inom ng tubig at pagpapatigil nang nanakit nitong dila't lalamunan. Why is he like that anyway?
Habang ngumunguya ay tinapunan niya ng tingin ang binata. Nakita tuloy niya kung gaano kasama ang tingin nito sa kaniya.
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
Lalong nanlalim ang kunot ng noo nito at lalo itong nagmukhang kakain ng tao.
Tumayo siya para sana ilagay ang pinagkainan sa lababo pero padabog din itong tumayo.
"You—" sigaw nito pero nahinto ito sa gusto pa nitong sabihin nang dumating ang kapatid nito.
"Kuya! Day! Goodmorning!" Masiglang bati ng dalaga.
"Morning," sagot nilang pareho.
Tumuloy na siya sa lababo habang ang binata ay padabog na lumabas ng bahay.
Nagulat man siya sa inasta nitong paghahamon sa kaniya ay hindi niya na pinansin. Tama ang hinala niyaz the guy has a bad vibe on him. Hindi siya nito gusto sa hindi niya alam na dahilan. Maybe because mahirap siya at mayaman ang mga ito. That is maybe the reason, a typical rich boy who has this superiority complex.
----
HAWAK-HAWAK ni Rusell ang litrato ng isang babaeng nangngangalang Karen, hawak niya ang litratong ito mula pa noong tumakas ito isang gabi nang mamatay ang ama nito, siya ang kinuhang abogado ng kapatid ni Richard Manansala na si Roger Manansala na siya namang ninong niya.
Although, the Karen awhile ago is a little bit mature, hindi pa rin maalis na ito si Karen Manansala, a girl who killed her stepfather. Lahat ng sirkumustansiya ay siya ang tinuturo, he just have to find more evidence at huwag i-corner agad ito.
Mukhang mahihirapan nga lang siyang i-corner ito at hanapan ng ebidensiya. The girl seems like hiding something. She is cautious and very secretive. Hindi ito ang tipong matatakot sa kaniya— and there is something more that he found about the girl!
She's a b***h! If she's not, why is she offering to bed her?
Naiinis niyang nilukot ang larawan ng babae. She has the most serious yet very innocent face. Kung sa lahat ng babaeng nakilala niya, hinding-hindi sila tatama sa ganda nito. She is dangerous. She has a face of an angel pero mapanganib.
If not, why would she offer to bed her?
Why?????
"Kuya, napapano ka?" takang tanong sa kaniya ng kapatid niya.
Nasa likod din ng kapatid niya si Karen. The both girls in her front are both beautiful, magkaiba sila ng ganda pero parehong kayang maging lead role sa mga pelikula.
While his sister has this what-are you-doing look, Karen naman has this I-told-he-is-stupid-look, and she is really getting into his nerves.
"Tabi ka diyan, kuya. Paano kami dadaan, mali-late kami sa work," inis na sita sa kaniya ng kapatid niya.
Tumayo naman siya at pinagpag ang sarili.
"So you really are working?" inis niyang sabi.
Inis naman na kumusilap ang kapatid niya sa kaniya habang nilampasan siya. Nang dumaaan din si Karen ay ganoon na lang ang pagpipigil niyang huwag sundan ng amoy ang dalaga. She is not wearing any perfume but her hair and I don't what that's fragrance he smelled but it is addictive.
Lalo tuloy siyang nainis sa sarili. He should focus to his case. Narito na sa harap niya ang dalaga. Isang tawag lang dito, sa kulungan agad ang bagsak nito pero narito siya natutulala sa dalaga.
He remind his self all over again that he has a girlfriend, and his girlfriend is a national tv broadcaster and nothing like Karen who is a killer will be more beautiful in his eyes....not her!
---
"Pasensiya ka na, day, sa kuya ko, ha?" hinging paumanhin ni Rhian kay Karen. "Hindi naman ganoon iyon kadaldal, e. Seryoso iyon."
Tumango na lang siya. "He is actually smart. He excell in everything, hinding-hindi ako makakapantay sa kuya ko. He is everyone's favorite dahil magaling talaga siya," pagmamalaki ni Rhian sa kaniya.
She find it really hard to believe. Exaggerated pa naman itong si Rhian. The guy, his brother, is still a stupid little potato in her eyes and nothing will ever change that.
Tumango na lang siya sa dalaga at pilit na ngumiti. Syempre, alangan naman kasi na kontrahin niya ang sinasabi ng dalaga, e, kapatid nito ang pini-flex nito. Natural na purihin.
"I'll go in the counter para makita if may idi-deliver na order, sa kitchen ka na."
Rhian's description of work is to arrange the food kung saan sa isang tray ay nandoon na lahat ng order bago i-dispatch. Heto rin ang nagdedesign ng food sa tray, naglalagay ng mga spoon and fork pati condiments na kakailangin sa inorder na food.
Habang siya ay tagakuha ng order at taga-deliver. Sa labas siya habang si Rhian ay sa loob, behind the transparent glass.
"Are you okay na, Karen?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Master Han.
"Yes, I am fine," seryoso niyang sagot.
"Yeah, mukhang okay ka na, hayan nanaman ang malamig mong pananalita. Ang sabi ko sa iyo ay matuto kang ngumiti kapag nakikipag-usap ka," puna nito sa kaniya.
"Hindi ko nakikita ang sarili kong ngumiti sa sitwasyong hindi naman masaya," kunot-noo niyang sagot.
"Alam mo, hindi ko alam kung masungit ka ba talaga o talagang wala kang muwang sa mundo," iling-iling na sabi sa kaniya ni Master Han.
Hindi na niya ito nilingon. Pinalinga-linga niya ang mata niya kung baka may customer na mangailangan ng kaniyang assistance.
Pero wala naman, they seem to enjoy theirselves. Medyo nakahinga siya, actually pagod na siya. Puno ang mga tables mula kanina, pag may aalis, may darating kaaagad. Hindi sila naubusan, ngayon lang kung kailan 4pm na. Sunday ngayon kaya tiyak na anong oras na sila uuwi. Tiyak na may overtime baka 10pm na sila makauwi. Hindi bale dahil Lunes naman bukas, day-off niya.
Napangiti siya. Sahod bukas. She will buy things she likes!