Chapter 19

2152 Words
Chapter 19 - Selos? KATATAPOS lang ng dalagang si Karen sa pag-surf sa Cloud 9 kanina. Kasalukuyan siyang umiinom ng juice ng biglang may mga turista na lumapit sa pamilya na nasa tabi niya. Normal na sa kaniya na nakakasama ang magpamilyang ito, the girl who is a mother of three and a wife of a famous sea surfer na nanalo ng gold medal sa surfing olympics is a famous celebrity who set aside her careers in showbiz for a simple life here in the island of Siargao. Sikat pa rin ang babae kahit halos anim na taon na rin ito natigil sa pag-aarrista. Alam niya dahil usap-usapan pa rin ang celebrity na ito dahil kahit dito sa Siargao ay namamangha pa rin ang mga tao sa ganda at kasimplehan nito kahit na nga may sinabi rin ito sa buhay. Bukas na magtatapos ang April. Sobrang init ng panahon. Sobrang daming mga turista ang pumaparito para dalawin ang ganda at linaw ng mga tubig. This place is breathtaking. Sa isang buwan, marami siyang ginawa. She tried different water activities. Mamaya ngang konti ay susubukan niya ang Cliff Diving. Iyong nasa tuktuk siya ng isang mataas na lugar. May area na ganoon dito, e. Bandang cliff o iyong parang mataas na bangin. Tapos siyemre mula roon ay magda-dive siya papuntang tubig. It is dangerous, though. Pero ika nga nila "YOLO" "YOU ONLY LIVE ONCE" so why won't she enjoy her life, right? Pampatanggal sa mga iniisip niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi mag-isip nang mag-isip, e. Tss. Buti sana kung makabuluhan kaya lang hindi, e. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapairap nang may maalala siyang istupidong tao na umukopa ng isip niya. Edi, ikasal ang mokong. Pake niya ba? Magpakasaya siya kung gusto niya. Tss. "Natatakot na sa iyo ang bata, Karen. Pati ba naman bata, hindi nakakaligtas sa iyo?" "Walang nakakatawa sa biro mo, Master Han," sabi niya rito saka nilingon ang toddler na anak ng aktres na babae. Ngumiti siya nang malapad rito sapagkat sumisibi na ito. Konti na lang iiyak na, kung nagkataon ay baka masisi nga siya. "Hello, bebe Lilo," sabi niya rito. Kilala si Lilo sa isla sapagkat gaya ng mga magulang nito ay paborito nito ang dagat. Tumahan ito nang makitang ngumingiti siya. Umayos ang mukha at mabilis na nagpunta sa kaniya. Nagulat siya sa inakto ng bata at halos manlaki ang mata niya nang lingunin siya ng isang national gold medalist sa surfing na ama ni Lilo. Ngumiti ito sa kaniya at maging ang aktres ay nakangiti rin sa kaniya. Spell embarassing. "Gusto ka niya, mapili sa tao iyang anak ko, e." Yumuko siya nang bahagya na parang nahihiya. Pilit din siyang ngumiti nang maupo si Lilo sa mga hita niya at doon naglaro ng pala at timbang dala nito para maghukay ng puting buhangin. "Come here to Mama, Lilo. Naabala mo ang ate," tawag ng aktres sa anak nito pero siya ay mabilis na umiling. "It's okay. I don't feel uncomfortable. Mahilig naman po ako sa bata, okay lang na dito siya," nakangiti niyang sabi sa mag-asawa. Umokay naman ang mga ito at inatupag ang pakikipag-usap sa mga elders ng lugar. "Mahilig daw sa bata? Weh? Talaga ba, Karen?" natutuwang asar sa kaniya ng boss niya na nasa tabi pa pala niya. "Totoo naman," seryoso niyang balik dito. "Gusto ko talaga sa bata." "Talaga? Gusto mo?" nakangiti nitong tanong habang siya ay iniipit ang lumipad na buhok ni Lilo sa likod ng tainga nito at sinasangga ang araw na sumisilaw sa bata. Tapos ay hinarap niya ang nang-aasar na mukha ng boss niya. "Oo nga. I'm always with my mom when she's doing her charity sa mga orphanage ng mga bata." "Yes. You were a sweet little girl that time—" Napakunot ang noo niya sa sinasabi nito. "Ano?" "I mean, siguro ang sweet mo noon kasi imagine tumutulong ka sa mga parents mo." Tumango-tango siya rito. Did she hear it wrong? Kung magsalita ang binata kanina ay parang kilalang-kilala siya nito, e. Well, hinayaan na lang niya. It's impossible that he knew her, right? Nagalak ang puso niya nang lingunin siya ni Lilo nang may magandang ngiti. Naglamlam ang mata niya sa ganda ng ngiti nito. Nami-miss niya tuloy ang mommy niya. Is this how she smiles when she was a toddler? She remembers so many story about her when she was a child of how her mom support her, of how she was caring and passionate of raising her and her brothers. Nami-miss na talaga niya ang mommy niya to the point na gusto na niyang ipagsawalang bahala ang lahat ng problema, makita lang niya muli ito. Kung alam niya lang sana na mangyayari ito. She should be more expressive of her feelings, sinabi niya na lang sana na mahal niya ito. Na sa lahat ng tao sa mundo, mahal na mahal niya ito. Sana sinulit niya ang mommy niya noon. Sana nang magyaya itong lumabas silang dalawa ay pinaunlakan niya ito kaysa sa mga kaibigan at kaklase niyang sa huli ay tinalikuran din siya. She was not a rebel gaya ng laging ikinakagalit ng mommy niya. Hindi siya naninigarilyo although marunong siyang uminom. But aside from hanging out with her friends, wala na siyang ginawang iba. She just loving to meet people like an ordinary curious teenager she was before. Now she's regretting it all. Kung alam lang niya na hindi niya na ito makakasama sana nakahingi siya ng tawad para sa mga pag-aalala niya sa tuwing nahuhuli siya ng uwi. Sana naihingi na rin niya ng tawad ang pagtanggi rito. Sana nakahingi rin siya ng pasasalamat sa pagiging mabuting ina nito. She just realized how moms are wonderful. Saka lang niya nakita ang importansiya ng isang bagay ng wala na ito—nang hindi na niya nakikita ang mommy niya. Naluluha siya. Sa mga mata ni Lilo ay napahikbi siya. "I love my mommy, Lilo. I miss my mommy," sabi niya. Hindi na niya napigilan pa ang maiyak pagkatapos ay niyakap ang batang takang-taka sa kaniya. Mayamaya ay inilahad ni Master Han ang panyo nito. Naglayag nanaman ang isip niya nang di niya namamalayan. Hindi nanaman niya napansin ang boss niya sa tabi. "I didn't know that you are a crying baby, Karen," malungkot nitong sabi. "I thought you were strong," dagdag pa nito Hindi niya tinanggap ang panyo nito. "Thanks, Master...but I really am strong. Sorry if you see me in this state," sabi niya rito saka sariling mga kamay ang pinagpunas niya ng luha niya. Ngumiti itong binawi ang panyo. "Walang kaso sa akin ang nakita ko. Lahat naman tayo ay may weakness, it happened that seeing that toddler's smile can make you remember your weakest point, sakto nandito ako kaya nakita ko," sambit nito. "Bakit naman kasi narito ka?" malamig niyang tanong. "I hope you are smart enough when it comes to analyzing people's feeling. I mean, sa sobrang subsub mo sa sarili mong nararamdaman, hindi mo na napapakiramdaman ang iba." "That's not true. Nakakadama ako kung gusto sa akin ng tao o ayaw nila ako," sansala niya. "Romantically?" "O—" putol niya sa pag-sang ayon niya nang maalala nanaman ang estupidong mokong na ikakasal na pala. Iyan tuloy. Hindi siya makasagot nang maayos. Akala niya kasi dahil protective sa kaniya ang binata at may pahalik-halik pa ay may nararamdaman ito sa kaniya. Akala niya mayroon itong pagtingin, mali pala siya. Hindi talaga siya marunong bumasa ng tao. Ang bobo niya sa part na nag-assume siya. "See? Hindi mo alam. Kasi kung alam mo malalaman mo kung ano ang laman ng ganito ko," saka turo nito sa puso nito. "You are clueless. When I see you that you somehow needed the help, I felt something in here," turo uli nito sa puso nito. "But am I late, Karen?" tanong nito. "What do you mean?" nagtataka niyang tanong sa chef. Tapos ay tinapik ito sa balikat. "You're joking haha," kinakabahan niyang tawa sa binata. Is their boss confessing his love to her? What happened to the world! Sumasakit ang ulo niya sa hindi pagkontrol ng mga tao sa paligid niya. "Naaalala mo ba noon when you asked me if what type of woman I like?" tanong nito pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kaniya at diretsong tumingin sa dagat. "I told you that if the girl I like needs me, I will reciprocate the love," sabi nito habang nambabato ng maliliit na bato. "I think I finally understand of whom that woman I am referring to...Karen, I lik—" Hindi niya narinig ang sinasabi nito nang biglang umiyak si Lilo. Napuwing yata ito kaya kinarga niya agad at blinow ang mata nito. Tumingin din siya ng pagilid kay Master Han. "Kasalanan mo bakit napuwing ito, ano-ano binabato mo." "Bakit ako?" "Tss," inis niyang respond dito. "Stop crying, bebe Lilo. Ate Karen will blow your eyes, ha, in 1 2 3, wuuuuu," umiiyak pa rin ito kaya napansin na siya ng mama nito. Binitawan naman ng aktres ang baby na mas bata kay Lilo at nilagay sa stroller. Pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya. Kinabahan tuloy siya. Hindi siya madalas magpaiyak ng bata. "I did nothing!" sansala niya agad but the actress just smile at her. "It's okay." Kinuha nito si Lilo at pinagpagan. "Artista lang talaga itong si Lilo kaya iyakin," sabi nito sa kaniya. "Lilo, say goodbye to Ate, she is nice to you," ngumiti naman si Lilo at nag-flying kiss sa kaniya. Aww so cute naman. Napangiti siya. Nagba-bye din siya sa bata. Kung pwede lang ay kunin niya uli ito, e. Hindi niya alam pero may ano sa bata na nakakapagpawala ng mga negative energy. And that's what she needed the most. Kung hindi lang talaga nakialam si Master Han. Inis tuloy siyang lumingon dito. Si Master Han naman ay napataas ang kamay na parang sumusuko sa laban. "Chill ka lang, hindi ako lalaban," natatawa nitong sabi. Umirap siya. "What were you saying?" tanong niya kapagkuwan. Hindi niya kasi narinig ang iba at hindi niya ma-process ang sinasabi nito. Basta alam niya nagco-confess ito sa kaniya pero may pagka-kolokoy si Master Han, it is no way that he likes her. Kasi sa limang taon, ngayon lang na-develop? And what grounds that he develop his feelings for her? Kasi wala naman siyang ginawa para magustuhan nito, she didn't even trying to be pretty or cute in front of him so that's impossible. Also, it is her rule right now not to assume! Dahil sa pag-assume niya, nawindang ang sistema niya. "Hindi mo narinig?" "Oo. Kwento mo ulit mamayang gabi sa campfire, may water activities pa akong susubukan," sabi niya rito. Nag-inat inat siya ng katawan. Inayos ang balabal niyang nakatapis sa katawan niya at tinanggal iyon. Lumitaw ang swimsuit niya. Hindi na niya hinintay pa na makasagot ang boss niya mukhang wala naman itong balak sumagot sa kaniya dahil nakatulala ito. Habang naglalakad siya. Sinuot niya ang sunglasses niya. Nakapaa lang siya kaya ramdam na niya ang init. Lumilipad ang buhok niya kaya nag-ipit siya. Habang nag-iipit siya, naramdaman niyang umiiba ang ihip ng hangin. May pakiramdaman siyang may kasama siyang naglalakad, at pamilyar ang pakiramdam niyang iyon lalo na at nakasanayan niya ang ganoong aura.... Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang ang kasabay niya sa paglalakad ay walang iba kundi ang stupidong ghoster at paasang si Rusell! Ang kapal! Napabitaw tuloy siya sa buhok niya at ibinaba ang salamin. "Wow, anong masamang espirito ang nagpapadpad sa iyo rito? Sinusundo mo na ba si Rhian? Why?" mapait niyang sabi. Gusto nga niyang idagdag na sinusundo nito si Rhian dahil magpapakasal na ito, e. "That's not important," masungit nitong sagot. "What is more important is ang sagot mo?" suplado nitong sabi. Huminto ito sa paglalakad at hinarang siya. Nagpamewang ito at pagkatapos ay nanliliit ang matang tiningnan siya. Siya naman ay clueless. Anong drama nito? Kinagat nito ang mga labi nito saka ito asar na nagsalita. "I missed you! Ikaw agad ang hinanap ko paglapag na paglapag ko rito. I didn't even try to find my sister to see you because I will damn missing you na parang mababaliw na ako. Pero ano iyon, Karen? Nagbahay-bahayan pa kayo ng hito na iyon tapos may props pa na baby?" mabilis nitong sabi habang magkapantay na ang mga kilay nitong makapal sa inis. "Binabaliw mo ako..." mahina nitong sabi tapos ay hinila siya nito. Kinabig palapit sa kaniya, tapos ay bumulong sa tainga niya "baliw nang sobra." --- A/n- Salamat sa umaapaw na suporta. Hindi man ako kasing galing ng iba sa pagsusulat pero iyong simpleng paghingi ninyo ng update ay sapat na para masabi kong minamahal ninyo ako bilang writer gaya ng pagmamahal ninyo sa story ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD