Chapter 18 - ALEXA
SI ALEXA ang nagbukas ng pinto para kay Rusell. Sa condo nito ito sa Ortigas pinuntahan. Akmang hahalik sa pisngi niya ang dalaga nang mabilis siyang umiwas dito. Tuloy-tuloy siyang pumasok at naupo sa mahaba nitong sofa at seryosong tumikhim.
"May kailangan tayong pag-usapan," panimula niya.
"What are we going to talk about?" tanong nito agad. Hindi niya mahimigan kung masaya ba itong nandito siya or kinakabahan ito. Ano pa man ay ito ang makakabuti sa kanilang dalawa. "I only have beer here, I don't have coffee or tea. So, want some beer?" alok nito sa kaniya.
Umiling siya. "Hindi rin naman ako magtatagal, Alexa," tanggi niya rito. "You also should sit," seryoso niyang yaya rito habang inginunguso ang upuan sa tapat. Tumalima naman ang dalaga sa kaniya. Nagtugma ang mga tingin nilang dalawa na parang pinapakiramdaman ang isa't isa kung sino ang unang magsasalita.
Kung itutuloy niya ang relasyon niya kay Alexa, they will never be happy.
Hindi niya matingnan si Alexa na hindi si Karen ang iniisip niya.
Hindi niya matitingnan si Alexa sa paraang tinitingnan niya si Karen. Hindi niya maaalagaan si Alexa sa paraang gusto niyang alagaan si Karen. At kung magpapatuloy sila, unfair na ikinukumpara niya ang dalawa sa kung sino ang mas matimbang sa nararamdaman niya—gaya ng ginagawa niya ngayong pagkukumpara sa dalaga.
Kailangan niyang tapusin ang sa kanila ni Alexa para hindi siya nag-aatubili sa pag-ibig kay Karen.
Kimi siyang ngumiti kay Alexa habang nakatingin siya rito. Ngunit nagbawi rin siya ng tingin dito at nagsimulang humugot ng malalim na buntong-hininga. How funny he endured being with her kahit hindi naman niya ito mahal.
"You are breaking up with me, Rusell, ain't you?" seryoso nitong tanong.
Mabilis siyang sumagot na walang pag-aalinlangan. "Yes, Alexa. And I am sorry."
"But why? Ang tagal na nati, e. My family is expecting us to be married soon kahit hindi ka pa nagpu-propose sa akin," mahinahon nitong tanong sa kaniya.
"Can we stop involving your family in this matter, Alexa? Hindi sila ang naging karelasyon ko, kundi ikaw," seryoso ngunit may bahid na inis niyang sambit dito.
Totoo naman, ever since the day they were together, wala na itong ibang hiniling kundi i-please niya ang pamilya nito. Not that he didn't like on pleasing the elders, magiliw naman siya sa mga matatanda, gusto naman niya sa babae ang mahal nito ang mga magulang nito but Alexa's family has been a very toxic people to him since sila ang nagsasabi at nagbibigay ng expectations sa kaniya ng ibang tao.
Kaya niyang abutin at lampasan ang mga sinasabi nilang expectations pero nakakapagod na hindi niya maaring ipakita ang genuine niyang pagtrato sa kanila, hindi niya p'wedeng pakita ang tunay niyang nararamdaman at dahil sa konting pagkakamali niya lang, mas sila pa ang apektado kaysa sa mga magulang niya o sa kaniya. Sila ang mas nahihiya kung may nagawa siyang mali o sila ang umaani naman kapag may nagagawa siyang tama.
Mas sila pa siya. That's toxic. That's why, he can't be with Alexa for a longest time. They always checking him time to time through Alexa. Hindi na siya nakikita ni Alexa na karelasyon kundi gamit ng ama nito. He can't be tamed by his family. Lalaki siya, pride siya ng mga Evangelista. Kahit hindi siya abogado, kaya niyang mag-excel sa ibang larangan kaya para lang maging tuta ng pamilya ng dalaga ay hinding-hindi niya kaya.
Alexa on the other hand is comfortable to be with, marami silang nagpag-uusapang magaganda tungkol sa takbo ng mundo but whenever she had her cellphone with her? He felt like Alexa is a spy of his family. Lalo na ng ama nito.
How embarrassed he got when he lose his first formal case—ibang klaseng discouragement ang nakuha niya sa ama ng kaniyang kasintahan noon. Pero wala siyang nagawa, even Alexa did not even defend him when his father threw those provocative words that almost he lost his patience. He was very very upset dahil mga magulang niya ay hindi naman siya diniscourage. Hindi sila na-dissapoint sa mga nangyayari sa kaniya. They actually worried about him dahil alam nila kung gaano kataas ang pagkilala niya sa justice. They were like having thoughts me as a depressed person, but he's not. He just need to move forward amd continue hunting the murderer of Manansala case.
Matagal na katahimikan ang namayagpag.
"What if I don't like to break up with you, Rusell. Can we work it out?" pakiusap nito sa kaniya.
Seryoso niya itong tiningnan. "Let's be honest here, Alexa. You don't love me."
"I do!" mabilis nitong sagot.
"No, you don't," sansala niya. " You just only love the idea that I am your partner in life. Pero ang mahal ako, iba, Alexa."
"Mahal nga kita, Rusell. Bakit alam mo pa?" inis nitong sabi.
"Paano ang mahal, Alexa. Kapag nakikita mo ako, ano ang nakikita mo? Can you describe your feelings when you see me?" tanong niya rito. Tahimik lang ang dalaga habang nag-aapuhap ito ng sasabihin. Umiling siya rito. "See, I told you. You have no feelings for me because when someone I love ask me if how I feel when I see her, masasagot ko kaagad ito. I am sorry, Alexa. I am sorry! But can we break up?"
"No!" Umiling-iling ito. "My father will get angry to me. Ipinagmamalaki ka niya kaysa ako, you were like a son to him."
"Hindi p'wedeng maging tayo pa nang dahil lang sa gusto ng ama mo. We are both individual adults. We shouldn't be in our parents umbrella. Ako ang kakausap sa daddy mo. Sasabihin ko sa kaniya na ako ang may kasalanan ng lahat."
Natahik nanaman ito sa kawalan ng sasabihin. Mayamaya ay umiyak ito. Napahawak tuloy siya sa sentido niya. He thought that he can talk to Alexa without having this usual drama of crying.
"Alexa... Let's not be this hard to ourselves," pakiusap niya rito.
Patuloy lang umiyak ang dalaga. Mayamaya ay nag-angat ito ng tingin. "Okay naman tayo dati, ah. Hindi nga kita pinapakialaman sa mga lakad mo sa buhay, hindi kita kinikwesyon sa mga ginagawa mo sa buhay. Hindi ako naging dependent sa iyo, kaya bakit mo ito ginagawa sa akin?s**t ka! Naging mabuti ako sa iyo, Rusell!" galit nitong sigaw.
"Mabuti?" nakakaloko niya itong tinanong. "Hindi mo ako hinayaan lang, Alexa. That's what you really want me to do, diba? Iyong nasa malayo ako. I am doing you a favor from that," nakangisi niyang sagot dito. "Tapos, ano, mabuti ka sa akin? In this relationship, ako ang naging mabuti sa iyo," sambit niya.
"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan nitong tanong.
"I am a lawyer, alam mo iyan. At kahit hindi kita hanapan ng baho, kusang dumarating sa akin ang mga iyan, Alexa, ang ginagawa mo," hindi niya mapigilang sita rito.
"Pinasusundan mo ba ako?" kinakabahan nitong tanong.
Umiling siya. "Never. Nagkataon lang na may pakpak ang balita, I am in the industry wherein every individual, sikat man o hindi once they did something wrong, makakarating sa akin. Alam mong maimpluwensiya rin ako sa larangan ko at ganoon ka rin. Don't you think, hindi makakarating sa akin ang...." itinigil muna niya ang sasabihin niya nang makita ang mga galit na mata ng dalaga, "panlalalaki mo?"
Sinampal siya nang malakas ng dalaga. "How dare you! Pinaglaruan mo ako!"
Akmang sasampalin siya muli ng dalaga nang sanggain niya ito. "That's enough! Hindi kita pinaglaruan, you've been doing your affairs for five years, Alexa! Hindi ka man lang nagbago. Dini-date mo lahat ng magyaya sa iyo. Not only date but they brought you in different hotels. Ikaw ang nakipaglaro sa sarili mo. Ako anh pinaglaruan mo!"
Nagpumiglas ito. Gusto pa siya nitong sampalin dahil sa sampal ng katotohanan pero hawak niya ang mga kamay nito. Masama ang mga tingin nito sa kaniya.
"Alam mo ba, ha!?" galit na galit ito habang tumutulo ang mga luha sa mata nito. "Alam mo ba kung bakit ko nagawa iyon, Rusell?" madiin nitong mga tanong habang patuloy na kumakawala sa kaniya.
"Stop it, Alexa. That's enough!" pero patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas para masaktan siya.
" Da*m you! I did those because you never fvck me, Rusell! You never touch me! We've never kiss each other!" sigaw nito.
Binitawan niya ito at sinalubong ang mga galit na mata nito. "You know what, Alexa? We never did that for that reason! You fvck every guy who approaches you. Hindi dahil hindi natin ginagawa, gagawin mo sa iba. So stop playing the victim card, Alexa. Iginagalang kita kaya gusto ko nang maayos na hiwalayan. And even if you refused to break up, nakapag-decide na ako na hiwalayan ka. This is not going to work, kaya tama na. Respetuhin mo naman ako kahit minsan," galit niyang sagot dito. Hindi rin niya alam bakit sa limang taon, hindi niya nahawakan ang dalaga. He bedded girls from his college days kaya siya man ay nagtaka. Why he hasn't attracted to Alexa? Siguro ay naging abala siya sa sarili niya. When he met Alexa, he was assigned to take up the case of Richard. Hanggang sa nalaman na lang niya ang nga affairs nito kaya siguro kung may time siya, maisip lang niya ang ginagawa ng dalaga. Nag-aalinlangan siya.
Nanghihina si Alexa na naupo sa sahig. Hindi na ito hysterical gaya ng kanina. Hindi na ito umiiyak. Nguniti nakatungo ito sa sahig.
"D*mn you, Rusell. For five years you didn't even bother to confront me about it. Sa limang taon na iyon, nakipaghiwalay ka na sana noon pa," sabi nitong medyo pumipiyok na ang boses. "Ang tanga ko. Siguro tawa ka nang tawa dahil umaakto akong hindi makabasag pinggan sa harapan mo pero alam mo pala ang lahat," sabi nito, "alam mo pala lahat ng mga nagiging fling ko," galit nitong sabi. "Kasalanan mo ito, if you just didn't let me feel insecure of the kind of person I am. I wouldn't do that," sabi nito. "Pinabayaan mo ako."
"Do not justify your wrongdoings, Alexa. Ang mali ay mali. Hindi ako makapaniwala na pati pag-iisip mo ay ganiyan. I thought you are smart enough to let go."
"Masisisi mo ba ako? Akala ko ikaw ang endgame ko."
Ngumisi siya. "Endgame? Really, Alexa. You are doing those behind my back because you are thinking that I can be your last?" hindi niya napigilan magmura. "Tang*na, pero mukha ba akong taga-ubos ng pinagkainan ng iba sa piyesta?"
Masama siya nitong tiningnan. "Ikaw ang umamin, may nagugustuhan ka, ano? You're breaking up with me because you met someone. Iiwanan ka rin no'n, hindi rin masisikmuran no'n ang pagpapabaya mo sa mga babae," nakangisi nitong sabi. "Why don't I play for her for a while?" Dagdah pa nito.
Hindi niya napigilan na haklitin ito sa braso. "Don't you dare. I will bring my whole empire to drag you down, Alexa, and those who you cherished."
Umalis siya sa condo na iyon na nagsisisigaw ang dalaga. Totoo siya sa sinabi niya. Gagamitin niya ang lahat ng meron siya sa lahat ng babangga kay Karen.
Karen is his end game.
And even if she is his downfall. He will be alright as long as what he do is for her. He would gladly accept his fate.
------
A/n- Usually hanggang 20 chapters lang ang mga novels ko. But let me do it 30 or 40. ?