Chapter 17

1555 Words
Chapter 17 - Evidence "ANONG sinasabi mo, iho, na magre-resign ka at ititigil ang pag-aabogado?" manghang sabi ni Roger Manansala kay Rusell. "I have my reasons, Ninong," sagot niya sa matanda. Roger Manansala, in his 50's has still a nice body. Malakas pa ito at matipuno. He looks so strict and he really is. Nagbuntong-hininga siya. Lahat ay hindi pumapayag sa desisyon niya maging si Adrian ay nagulat. "What?" natatawa niyang tanong sa lahat ng mga nakatingin sa kaniya. "Isa pa rin akong lawyer even if I am not here. I can be a private lawyer, you know." "Then be my private lawyer, iho!" sansala ni Roger sa kaniya. "I can't be a private lawyer of Richard, ninong. And besides, you're already defended by the prosecutor office dahil siya ang biktima at nagsasampa ng kaso, that's actually the prosecutor's job and this public law firm is also supporting and gathering evidences," paliwanag niya. Tapos ay tumingin sa mga kasama, "sanay naman kayo na wala ako rito. What's with your long faces? Gusto ko tuloy isipin na may pagtingin kayo sa akin," biro niya sa mga ito. "Not funny, Evangelista. You've been our pride ever since your OJT. Iiwan mo na lang kami basta-basta," sabi ng senior niya. "I am still a lawyer, we can always hang out. Hindi ko nililihim ang katayuan ko sa buhay. Alam ninyong panganay ako at ako ang magmamana ng kumpanya at businesses ng magulang ko. One of our businesses in Tarlac has a serious problem in labors issue. Even if I resigned here, I am still a licensed lawyer," sabi niya sa mga ito. "Do not be emotional, mga pre. Hindi ako sanay," natatawa niyang sabi. Tumango ang mga ito at bumuntong-hininga. "Ano pa ba magagawa namin kung nagdesisyon ka na?" nanghihinayang na sabi ni Adrian. "But you're always my partner, walang magbabago," dagdag pa nito. "Oo naman. I love you, pre!" "G*go!" Nagtawanan silang magkakaibigan. Kahit nakikipagtawanan ay pinapakiramdaman niya ang ninong niya. Ito ang pinakanaglalakad sa kaso ni Richard. There is nothing wrong and suspicious about him dahil kapatid o kuya nito ang namatay. Pero sa paraan ng pagdiin nito kay Karen, that is sounds so suspicious for him. Hindi dapat muna siya magtiwala sa kahit na sino. What he has now is his intuition, Karen didn't kill his stepfather, and if she did, it's a self-defense. Ilang beses niya nasaksihan mismo ang pagmamalupit ni Richard dito. Hindi biro. Kahit siya ay hirap na hirap sa t'wing nakikita niyang nahihirapan ang dalaga. Wala siyang magawa. He can't suggest to bring Karen to a psychiatrist at baka hindi ito maging kumportable sa ganoon. Karen....isang buwa na ang lumipas nang huling magkita sila ng dalaga. Hindi kasi inaasahan ng binata ang narinig niyang kaso sa Manansala murder case. It is a solid evidence that Karen is the murderer. Pero alam niya, hindi lang puso niya ang nagsasabi na hindi ito ang pumatay but how the heck that Karen confessed to his Ninong that she murdered Richard five years ago? Heto pala ang ebidensiya ng Ninong Roger niya kaya pala sobrang dikdik ng kaso nito. May recorder ito na sinabi ng dalaga na ito ang pumatay. Ayon sa Ninong Roger niya, natagpuan niyang nakahandusay si Karen sa kusina ng duguan. Akala nito ay patay na ito pero nagulat siya nang magising ang dalaga pagkatapos itong makita ay nagsisigaw ito na huwag ito lapitan. Sa takot ay tumakbo ang dalaga papuntang sala at doon nila nakita ang mas maraming dugo na nagkalat. The blood belongs to Richard Manansala. Nakita raw ng ninong niya kung paano nagimbal ang dalaga at nagsisigaw. Mamaya ay umiyak pagkatapos ay sinabi nitong "ako ang pumatay. Napatay ko siya." Walang dalang recorder si Roger Manansala noon, kaya pinakalma niya ang dalaga at sinabing tutulungan niya ito. When he records the voice of Karen na ito ang pumatay saka niya raw ito isinuplong sa pulis. Ngunit nakatakas ang dalaga. So, that's why? That's why nasa Siargao siya. Hindi lang alam ni Roger na gusto niyang ibangon si Richard no'n at patayin sa bugbog, he can't imagine the torture he gave to the young Karen. Ano na lang ang laban ng batang babae sa kagaya nitong hayop? Hindi niya masikmurang depensahan ang isang demonyo at hayop na lalaking iyon sa korte. Pride at pangarap niya ang pagiging abogado but defending someone like Richard is a no-no for him. Isa pa, maraming mga butas ang kwento ng ninong niya sa kaniya. Unahin na lang natin sa, bakit si Karen ang una nitong nakita at hindi si Richard gayong sala ang una mong papasukan bago kusina He is lying. But his evidences were not. Wala sa sarili niyang tiningnan ang cellphone at nandoon ang litrato ng dalaga. Tiningnan niya ito. Her genuine smile but her eyes are sad while looking at the sea. Hindi alam ng dalaga na sa t'wing hindi ito nakatingin ay kinukuhanan niya ito ng litrato. Alam kasi niya na isang araw ay iiwanan niya muna ito sa isla para umuwi ng Manila and one day without seeing her is making him crazy. He badly wants to meet Karen again. Isang buwan na pero parang ilang taon na niya itong hindi nakikita. Iniswipe niya muli ang kaniyang photo gallery at halos matawa siya na ang galit na mukha nito ang nakuhanan niya, nahuli kasi siya nitong nakatingin sa kaniya. Bumaba ang mga tingin niya sa labi ng dalaga at ganoon na lang niya namiss ang dalaga sa mga bisig niya. He likes holding Karen. Hindi alam ng iba ngunit kahit matigas si Karen, mukhang masungit at napakalamig sa mga tao ay may mata itong madaling manubig. Naalala niya itong umiiyak sa simpleng kwento ng bata tungkol sa hirap ng mga parents nila sa pangingisda. Umiiyak din ito sa mga pinapanood nito at sa mga binabasa nito. Hindi na niya mabilang sa daliri na kinulit niya ang kapatid niya na sabihin ang dahilan ng pag-iyak ni Karen but her sister just told him that Karen is a teary baby. Talagang iyakin ito. Karen is pure and innocent. Pinagtibay ito ng panahon. Kaya anong awa niya sa dalaga na ang buong mundo ay hinusgahan ito para sa kasalanang matanda naman ang gumawa.... he likes to bring Karen back in Manila, gusto niya ibalik ang lahat ng nawala rito. Gusto niyang humingi ng tawad ang lahat ng tao na humusga sa pagkatao nito. He likes to get a revenge for her. Parang siya pa ang apektado at oo, gagamitin niya ang lahat ng koneksiyon niya to know the truth. In order to do that, he needs to find Mario, Karen's younger brother, alamin ang nangyari sa nakaraang limang taon kay Molly, her youngest brother, at bakit ngayon lang lumabas si Rosela. Isa pa, why all the CCTV footages were gone? Isa iyon sa ikinatalo niya noon. Walang ebidensiya. He needs to find more. Problemadong tumungo si Rusell sa kaniyang kotse. Pumasok siya roon at pinaandar ito. Dahil naka-automatic sa kotse niya ang tawag ay idinial niya ang number ni Alexa. "Atlast! Tumatawag ka na! Ilang beses kitang tinatawagan. My father is always finding you." "Alexa—" "Ano? Don't tell me you're not available?" pagputol nito sa sasabihin niya. "Can we meet?" Natigilan ito sa pagsasalita. He needs to settle things out with Alexa. Heto ang mali sa pagkakagusto niya kay Karen. Merong Alexa na alam ng lahat na gf niya and she really is her girlfriend in name. However, they both aware that they don't love each other anymore or there is no love in the first place. Bata siya noon, he enjoys being the spotlight. The perfect guy they could look up to. Alexa is his trophy. Kaiingitan siya ng mga ito. But never in his life, he wanted Alexa that bad. Hindi sa paraan ng pagkakagusto niya kay Karen. Hindi niya hinahanap si Alexa, ayos lang sa kaniya hindi ito makuta ng ilang taon pero si Karen, isang buwan lang pero hirap na hirap na siya. "May problema ba tayo?" tanong nito sa mahinang boses. Bumuntong-hininga siya. "Can we meet? Where are you?" "In my condo," sagot nito. "Please give me minutes, I'll be there," sabi niya at pinatay ang tawag. Gusto niya mahalin ang dalaga ng buo. Para gawin iyon kailangan niyang tapusin ang kay Alexa. Wala mang kasiguraduhan na mamahalin siya ni Karen ay ayos lang sa kaniya.Ang mahalaga ay nagmamahal siya. He doesn't want to be unfair with Karen. Or both, pati si Alexa. Hindi siya ang para rito. Pwede pa siya makahanap ng iba, iyong hindi lang ito trophy kundi wife talaga. Ayaw niya rin na iba ang maging tingin ng mga tao kay Karen, na isa itong babae niya lang. He doesn't want Karen to be branded as someone else in her life. He likes Karen to be his everything. Yes, he admits it! Hindi na lang niya gusto ang dalaga. Sa isang buwan na lumipas, napagtanto niya na mahal na niya ito. He is Rusell, he chases Karen for years....para sana ipakulong pero ang nangyari siya ang nakulong ng dalaga—nakulong siya nito kasama ang puso niya. ---- A/n: Parami nang parami ang suporta ninyo. Salamat sa inspiration. Anyway, promote ko ulit dreame ko; Jelica Manuel, pa-follow po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD