Chapter 16 - SURF
PABILING-BILING sa higaan ang dalagang si Karen. Hindi siya makatulog. Hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin niya ang pamumula ng pisngi niya at ang pagkabog ng dibdib niya.
"We kissed...." mahina niyang usal. "He kissed me..."
Hindi na umalis ang itsura ni Rusell sa isip niya. Hindi siya tanga. Hindi porke hindi siya nakakahalik ng lalaki noon ay hindi niya malalaman ang ibig sabihin no'n. They were attracted to each other and no way that she would deny it. She likes it...the kiss. Gusto niya iyong nangyari kanina. It's good to be kissed by someone you like...pero siya ba ay gusto rin ng binata?
Oo? Because he was the one who kissed first!
Hindi? But why would he kissed me if he doesn't like me!? Pinaglalaruan ba siya nito?
Daming tanong ni Karen sa sarili niya. Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan siya. She was kissed before during her highschool by some of his male boyfriend but that's not that deep. What she had was smack only. Just a smack! Iyong nangyari sa kanila ay deep and passionate kiss! It is new to her, ang malala, gumanti siya. GUMANTI SIYA! ARGHHHH
Ang rupok niya. Naroon na sa gusto niya ang binata but why would she responded? Bakit hindi niya ito itinulak? Rusell will find her easy to get at iyon ang nakakatakot. Paano kung gawin nitong normal na halikan siya? Geste nemen neye hehe.
Pero baka di na siya irespeto? Ano na lang kaibahan niya sa mga babaeng panggabi?
E, ba't kasi nanghahalik ang istupidong iyon!!
Inis na napakamot ng ulo ang dalaga. Umupo siya at nagdabogdabog. Mamaya ay humiga nang pabagsak at sinisipa ang hangin. Nababaliw na siya.
Kinagat niya ang labi niya at naalala nanaman ang mga labi ng binata. Naningkit ang mata niya, Rusell almost bite her lips! That's how deep he goes in kissing her. He enjoyed it. That stupid man enjoyed her lips.
"He likes me? Ain't he?
Gusto naman siguro niya ako kaya ganoon ito, no?"
Ganoon ang mga tanong ni Karen hanggang mag-alarm ang alarm clock niya. Hindi siya nakatulog.
Tumayo siya at tiningnan ang sarili sa salamin.
Halos itulak niya ang salamin nang makita niya ang sarili niya. Nanlalalim ang mga mata niya. Maitim ang ilalim nito. She did not even bother to remove her eyeliner that night. She is a total mess. Ang buhok niya ay may iba't ibang direksyon, para itong kinuryente na nakatayo.
Naiinis siya. Puyat na siya, pangit pa. Sabi ng iba, when you are inlove, you will get pretty..nakakablooming daw but the way she is now? Taob ang nagkalat ng sabi-sabi na iyon. Kasi ang pangit niya talaga.
Lumabas siya ng kwarto niya. At halos tumalon siya nang mabungaran niya si Rusell na nakapamulsa sa gilid ng pinatuan niya.
"Gising ka na?"
Gusto niya ito bulyawan na salamat sa panghahalik nito dahil hindi siya nakatulog. Pero nilampasan niya ito.
She was a mess! Ayaw niyang makita siya ni Rusell sa anyo niya. Although nakita na siya nito. Nakakahiya. Nakakagigil!
Hindi naman maaga nagigising ito, ah. Anong ginagawa nito sa tabi ng pinto niya?
"Let's talk, baby," malambing nitong boses.
Josko. Nangangatog siya. Ang rupok niya! Ayan nanaman kasi ang boses na iyan. Tapos ganito pa itsura niya, even if she wanted to talk about it and ask him what has been happened, pero ganito talaga siya haharap sa binata? She never this ugly! No way that she would face Rusell with a face like this not until she cleaned herself.
"Are you mad at me? Kausapin mo ako, Karen. About the kiss...."
"Hep! Ayaw kita kausap. Please!" bulyaw niya rito. Natataranta na siya. "Let me wash myself first—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng hilahin siya ni Rusell papunta rito. He looked Karen in her eyes with tenderness. Hindi kinaya ni Karen ang mga tingin nito kaya ibinaling niya ang mga mata niyansa ilalim. Damn, why is he like this.
"Hindi ka natulog." Mabilis niyang hinarap ito at inirapan. Alam naman pala nito. Tss. "I am also. I didn't sleep. I was thinking of you, Karen."
Yumuko siya. Kung hindi niya gagawin iyon, ipagkakanulo siya ng sarili niya na magtapat sa binata. That's not proper. If the guy likes him, he should be confessing to her.
"I was thinking about the kiss," bulong nito. Bulong lang iyon pero nagbibigay ng kakaibang kilabot sa katawan niya. "I like it," dagdag nito. Of course, gusto nito iyon. Ganoon humalik tapos sasabihin nitong hindi gusto? That's impossible.
"I like i—" sasagot sana siya pero tinakpan nito ang labi niya.
"Sshhh. Don't answer me. I don't want to hear it," sabi nito pagkatapos ay yumuko habang hawak pa rin mga labi niya. "Karen, this is wrong. The kiss? It was wrong," sabi nito.
Natigalgal siya. Iyong nararamdaman niya kanina, nag-iba. Malakas ang kanina pero malakas din ngayon, ang kaibahan lang ng kanina ay walang halong sakit, ang ngayon, medyo nakaka-hurt.
"Why is it wrong, Rusell?"
Hindi niya kasi naiintindihan. He kissed her with so much passion. Tapos sasabihin nitong mali.
"Can you trust me, Karen?"
"Why are you asking for my trust, Rusell?" seryoso niyang tanong pero na-realize niya bakit parang apektado siya? Baka isipin nito ginusto niya. She must pretend that the kiss wasn't matter to her. Ngumiti siya rito at sinalubong ang paninitig nito. "It's okay, it's just a kiss though."
Kumunot ang noo nito at mas lalong sumeryoso. "That's not JUST a kiss, Karen," galit nitong sabi.
"Why are you looking so mad? Galit ka? You are sorry for kissing me? now that I don't give a fvcking d*mn about the kiss, nagagalit ka?"
"Stop using bad words, Karen. I am not sorry for kissing you, it is just that I kissed you in a wrong time. Hindi mo pa ako deserve as of the moment, I need to fix my life first." Hirap nitong sabi.
Inirapan niya ito. Her mind are clouded with so much of Rusell's word.
Umalis siya at tinalikuran ang binata. She went in the bathroom and lock it.
Muli ay nagulat siya sa itsura niya. Nakikipagmatigasan siya sa binata na ganito ang itsura niya? Ganito kapangit? Ang lakas mo talaga, Karen. Ang lakas ng loob mo!
Binuksan niya ang shower at hinayaan ang sarili sa ilalim ng tubig. She can't understand Rusell. Tiwala? Why? He is sorry not sorry? Ang labo nito.
Mabuti pa nga ay tutal maaga, and best time for surf is morning. Kahit wala siyang tulog ay kayang-kaya niya ang alon kung mapahamak man, okay lang. Because the only thing she has in mind when she died is the big vast of ocean.
Nagbihis siya ng one piece swimsuit na itim. She pony her long black hair and clip her bangs. Lumitaw tuloy lalo ang itsura niyang tinitakpan niya.
Sa pamamalagi niya sa Siargao, she hasn't even once achieved the tan skin. Mamumula lang talaga siya at hindi mangingitim. Habang naglo-lotion ay nilingon niya ang bahay. She didn't see Rusell nang umalis siya. Basta wala na ito sa sala pagkatapos niyang maligo. Baka umalis na ito at saan naman nanunuot. Madalas sa district ang binata nitong mga nakakaraan, e. Gusto niyang isipin na namababae ito roon since maraming mga luxurious hotel na maipagmamalaki niya sa ibang babae once he likes it there.
Is this why he was sorry? Kasi gusto nitong isali siya sa mga babae nito pero hindi pwede kasi she is just poor at the moment?
At bakit pambabae agad ang iniisip niya? Not once that she saw Rusell looking at someone especially sa babae. He is always the grumpy, observant man who was always annoying her.
E, ano kung mambabae ito? Hindi naman siya nito girlfriend? Wait? May girlfriend ba ito? Sa gwapo nito, imposibleng wala itong babae.
Nakarating na siya sa Cloud 9 ng isla. Kung saan malalaking alon ang hahamunin niya. Noong una ay padapa siyang nagpadausdos sa tubig habang sakay sa surfing board niya. Dahan-dahan siyang bumalanse at tumayo, nang may parating na alon ay mabilis siyang pumailalim at matagumpay na nakapagpadulas dito.
Nang magpunta siya sa pampang ay nadatnan niya si Rhian na naka-swimming wear pero walang surfing board.
"Hindi ka magsi-surf?"
Seryoso itong umiling. "May problema ba, Rhian?"
Malayo kasi ang tingin nito. Kaya baka may problema ito. "Wala naman. My intuition never get wrong, malapit na matapos ang bakasyon ko rito." Bumuntong-hininga ito. "Nakaalis na pala si kuya. I saw his note on the table. He'll be back daw pero di ako sure kung babalik pa siya," sabi nito. Pumulot ito ng bato at itinapon iyon sa dagat.
"Can I tell you a secret?" tumango siya. Rhian is a carefree person pero sa tono ng boses nito, seryoso ito. "We are Evangelista's. Mayaman kami, ang pamilya namin. Hindi totoong mahirap kami," panimula nito. "My brother has been working like a corpse. Wala itong social life, trabaho lang talaga ito. That is why I am starting to hide so he can come out in his zone and find me. That's why when I saw him smiling these days without holding papers...sabi ko, this is the right decision I have ever done in my life. Is it you, Ate Karen?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi ako, ah."
Pumalatak ito. "Akala ko noong una, hindi kayo magkakasundo. He does not like you. He is even threatening me that he will send me in Manila right away if I always hang out with you and you are also like that, palagian ang pag-init ng ulo mo sa kuya ko. Prinoblema ko iyon."
"Rhian—"
"Pero meron talaga nagbago. Kay kuya naging mas palangiti na ito, mas naging masayahin ito at ganoon din ikaw. You are still has that cold voice pero your aura is not that dark anymore. Napapansin ko na rin ang pagiging malapit mo sa tao. You are starting to open up about of what you like and what you feel. Nakakapanibago na rin ang pagngiti-ngiti mo. Meron something na nangyari sa inyo ni kuya pero—"
"Pero ano?"
"Pero magpapakasal na si kuya very soon. He has a girlfriend in Manila. Sila na ng limang taon yata o higit and I heard from my family that the reason why they are coming home is not just to send me in school but to help in preparing for my brother's wedding."
Wedding...
Hindi na alintana ni Karen kung nabitawan niya ang surfing board niya. She was actually hurt. Ikakasal na pala ito.
Sabi na, e. It's impossible that he doesn't have a woman in his life. Rusell is a man, not just a man but a wealthy man tapos gwapo at malakas ang dating? Bakit hindi niya iyon naisip. Sana noong nanghalik ito, noong naninitig pa lang ito ay binakuran na niya sana lalo ang puso niya.
Ibinaling niya ang tingin niya sa dagat at isinuot ang sunglasses niya. Nagsisimula na rin naman ang araw at umiinit na.
Pero ang totoo sa sunglasses niya ay para di makita ni Rhian ang pamumuo ng mga luha niya. Nasasaktan siya. Dapat nakakaintindi siya, e. Kasi nilinaw naman ng binata na sorry sa halik nito.
Is that the reason why he kissed her in a wrong time? Because he kissed her when he is committed? s**t, Rusell. You played my heart.
"Ate Karen, hindi ko alam pero siguro ay gusto ko humingi ng tawad, for hurting you. If I tell you that my brother is committed, you wouldn't be hurt."
Tumawa siya. "Sus, hindi ko nga alam bakit mo kinikwento sa akin iyan. I am not hurt. Wala naman namamagitan sa amin ng kuya mo. We're just like us, we're friends. Nothing more, Rhian."
Nothing more.
Because that stupid grumpy man is a total ghoster and a cheater.
She will ban Rusell in her heart. Huwag na ito dumako ulit sa Siargao dahil talagang kamao ko ang tatama sa mukha niya. Kapal ng mukhang manloko. Hmp.
A/n- Thank you sa laging pag-aabang nito. Arigato!